Do You Believe in Magic?

By HirayaPaula

8K 341 106

Someone said that it was magic when two people fall in love. Toni fell in love with Lorenz in the right plac... More

-- Prologue --
-- 1 --
-- 2 --
--3--
-- 4 --
-- 5 --
-- 6 --
-- 7 --
-- 8 --
-- 9 --
-- 10 --
-- 11 --
-- 12 --
-- 13 --
-- 14 --
-- 15 --
-- 16 --
-- 17 --
-- 18 --
-- 19 --
-- 20 --
-- 21 --
-- 22 --
-- 23 --
-- 24 --
-- 25 --
-- 26 --
-- 28 --
-- 29 --
-- 30 --
-- 31 --
EPILOGUE

-- 27 --

259 9 3
By HirayaPaula

This was what Toni needed. A break. The place was just so perfect. Ang ganda ng dagat, asul na asul. Pinong-pino ang buhangin. Maging ang simoy ng hangin ay nakapagpapapayapa ng kanyang damdamin. Na-miss din niya ang amoy ng dagat.

Nilanghap niya ang sariwang hangin. Napangiti siya. 

"Okay ka na?" Si Chinchin.

"Ha? Okay naman ako, bakit?"

"Yung mata mo…"

"Nakatulog kasi ako,"

"Sus! Wag ako." Nakairap ngunit natatawa nitong sabi.

Natigil ang kanilang usapan nang dumating si Michael.

Ang lahat ng gastusin sa outing nilang iyon ay sagot ng kanilang paaralan. Maliban sa magandang lugar ay masasarap na pagkain din ang inihain sa kanila.

"Wala man lang pool?" Si Eman.

"Eh di sana hindi na tayo nag-Subic kung magpo-pool lang din pala tayo." Ginaya ni Chinchin ang sinabi ng binata sa bus.

Nagtawanan ang lahat. Masayang kwentuhan ang isinabay nila sa pagkain.

Nagpahinga lamang ang mga guro pagkatapos nilang kumain. Matapos ang ilang sandali, kahit tirik pa ang araw ay nagsipaglubluban na ang mga ito sa dagat.

Nakatanaw si Toni sa mga gurong nagsisipaglangoy na kasama si Chinchin. Nakangiti siya habang nakamasid dito. 

"Hindi ka pa lalangoy?" Nagulat siya sa nagtanong sa kanya. It was Lorenz. Tumabi ito sa kinauupuan niya.

Umiling siya. "Mainit pa."Saglit niya lamang itong tiningnan.

Ngumiti ito. "Yah, mainit pa masyado." He was trying to prolong the conversation. "Natawagan ko na nga pala si Tita, nasabi ko na nandito na tayo."

"Ahh… Hindi ako agad nakapagtext sa kanya. Nalimutan ko." Tumingin siya sa mga mata ng kausap. Nagkamali siya sapagkat muli ay nag-uunahang zombie ang tila tumatakbo sa kanyang dibdib.

Natuwa siya kahit paano na may contact pa rin ito sa kanyang ina. Mula nang hindi na niya gaanong kinakausap si Lorenz at hindi na sya sumasabay na pumasok dito, nagtataka rin siya kung bakit hindi man lamang nagtatanong ang kanyang ina tungkol dito. At least, he respected her mother. Hindi niya tuwirang inilahad sa kanyang ina ang mga pangyayari dahil hindi niya pa kayang maging ito ay masaktan. Yun nga ba? O baka hanggang ngayon ay umaasa pa siya.

"Okay ka lang?" She looked at him. "Kanina, sa bus… parang…"

"Ha? Ano?" Nagmaang-maangan siya.

"No, wala. Nag-eenjoy ka naman?"

Tumango lamang siya. "Ikaw, hindi ka pa magsiswimming?"

"Tara?" 

"Sige na, mauna ka na. Mamaya na ko." Nakangiting tugon niya.

"Okay." Nakangiting sabi nito. "I'll go." 

"Sure." Nakangiti siya rito. Hindi na niya sinundan ng tingin ang pag-alis nito.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Why did she turn him down? Hindi ba yun naman ang gusto mo? "He's just being nice and considerate." Bulong niya sa sarili. 

Maya-maya ay nakita niyang papunta na rin si Lorenz sa dagat. Kasama nito si Lailanie at iba pa nilang kasamahan na nagpahinga rin muna.

"Oh ano?" Bulong niya sa sarili. "Arte pa." It was still hurting. 

Pero hindi, sa tingin niya mas tama na ang kanyang ginagawa. Inililigtas niya lang ang sarili mula sa sakit na maaari niya pang maramdaman. Ayaw niya nang paramihin pa ang memories nilang dalawa. If it would really have to end --- at least man lang hindi na rin madagdagan ang masasayang alaala nila na sa huli ay magiging dahilan din ng kalungkutan niya. 

Nagulat pa siya sa pagtulak kunwari sa kanya ni Michael mula sa kinauupuan. "Hoy! Ayaw mo umitim?" Biro nito sa kanya.

"Hindi naman. Maya-maya." Nginitian niya ito. "Akala ko nandun ka na rin, sa'n ka galing?"

"Kinausap ko lang si Ma'am B" Ang tinutukoy nito ay ang isa sa mga school heads nila. "Tinawag ako kanina eh."

Tumatango si Toni. "Ano, tara! Sayang yung panahon, ang ganda oh." Itinuro nito ang paligid sabay turo rin nito sa kanya.

"Alam ko." Natatawang pinalo niya pa ang kamay na nakalahad sa kanya.

"Ayun naman pala, tara na. Baka pumalaot na si Chin, walang makaawat." Nagtawanan silang dalawa sa biro nito.

_____________________________________________

Kinagabihan ay nakaupo sila sa buhanginan nang nakapabilog. Hindi nila kasama ang ilan sa may edad na nilang kasamahan na mas piniling mahiga at manonood na ng palabas sa telebisyon sa loob ng kanilang silid.

"Kulang na lang bonfire." si Eman.

"Kaya nga eh. Mas masaya sana." Sabi naman ng isa.

May naglapag ng bote ng wine sa gitna ng nilikha nilang bilog. "Mas masaya kung maglalaro tayo."

"Ay, sige-sige." Sang-ayon naman ng lahat. 

"Eh ano? Truth or dare? Ito papaikutin?" Itinuro ni Eman ang bote ng wine na nasa gitna nila.

"Okay ka lang?" Natatawang sabi ni Bing. "May laman yan oh." 

"Alam ko na, let's just play 'Ang Pinaka'." Si Sir Bary. Nagtinginan naman ang mga ito, nagtatanong ang mga mata kung anong laro ang tinutukoy ng nagsalita. "It's simple. May sasabihin akong salita, tapos ilalabas ninyo mula sa mga gamit ninyo o ituturo ninyo kung ano ang pinaka." Pagpapaliwanag nito. "For example, Mahaba" Tawanan ang mga guro. 

"Pinakamahaba? Oh my!!!" Tawang-tawang sabi ni Chinchin. 

Tinanggal ni Eman ang belt niya. "Ito."

"Yah." Tatango-tango si Sir Bary. 

"So, para pong longest line na cinollab ang bring me?" 

"Kinda. Gets nyo na?" Si Sir Bary. Umayon naman ang mga tinanong. "Hindi na ako kasali syempre. Kung sino ang makapagbibigay ng pinaka ay may premyo sa'kin. Pero syempre, may parusa ang hindi man lang makapagtuturo, ung kulelat sa bawat sasabihin ko. Iinom niyang wine." Tinuro pa nito ang bote.

"Galing. Nice yan Sir." 

"Wait lang, Sir. Kuha lang ako gamit."

"No. Kung ano dala, suot niyo ngayon. Yan na."

"Ay, daya. Wala man lang akong…"

"That's the challenge." 

"Kuha ka na baso." Tumakbo naman si Eman para kumuha ng baso.

"Okay, let's start." Naghiyawan ang mga guro. "Makapal." May kasamang tilian at tawanan ang pag-iisip ng mga guro. Hindi naman nila kailangang tumayo mula sa kinauupuan. Kailangan lang nilang ituro o itaas ang bagay na tugon nila sa sasabihin ni Sir Bary.

"Ilalabas ko talaga 'to Sir." Biro ni Chinchin.

Kanya-kanyang pagtaas ng bagay ang mga guro. May nagtaas ng cellphone, ng panyo, ng wallet, may nagturo ng sariling buhok. Si Toni naman ay nakaturo kay Chinchin. Tawang-tawa si Sir Bary sa tugon ng mga guro. Napapapalakpak pa ito.

"Talaga ba, Toni?" Pabirong sabi ni Chinchin. "Makapal? Pinakamakapal na mukha, ganun?" Namumula na sa katatawa si Toni. Maging ang iba ay hindi magkandamayaw sa isinagot ni Toni. 

"Ako ang magja-judge." Naluluhang sabi nito. "The winner is… Toni." Palakpakan ang mga naroroon. Ang iba naman ay parang nanghihinayang. Lorenz looked at Toni. She was blushing. The usual her.

"Hala, pwede palang tao." 

"Tonz, happy?" Si Chinchin.

"Kahit ano. Pa-wittyhan 'to." Sabi pa ni Sir Bary. "Ang premyo ay mamaya na pero…" Lumibot pa ang paningin nito sa mga nakaupo. "Sino ba ang hindi nakasagot? Meron ba?" Maingay na tumugon ang mga naroroon at itinaas pa ang mga hawak. "Wala, aba lahat may ipinakita pala. Sige, mula sa mga yan, ano ba dyan ang pinaka hindi makapal. Ito…" Tawanan ang mga guro sa itinuro ni Bary. "Panyo? Panyo talaga?" Tawanan. "Okay, bigyan ng wine yan.

Palakpakan ang mga naroroon. Lahat ay nag-eenjoy sa pinausong laro ni Sir Bary. Game naman na ininom ang wine ng guro na nagtaas ng panyo.

"Next, ready?" Pumalakpak ang mga guro tanda na handa na sila sa susunod na sasabihin ni Sir Bary. "Maliit." Tawanan, may mga naghiyawan pa. 

May nagtaas ng hikaw, ng tali… ang nanalo ay si Michael na may dalang maliit na bibliya na parang keychain.

"Itutuloy pa ba natin 'to? Nakakahiya naman kay Michael yung laro natin." Pagbibiro ni Chinchin.

"We respect naman, pero it's just a game." Seryosong sabi ng bata pang guro.

"Hala, joke lang naman." Sabi ni Chinchin.

"Teka, sino ang talo?" Lumibot muli ang paningin ni Sir Bary. "Toni, wala ka palang naipakita."

Nakangiting tumango siya. "Wala po eh."

"You drink the wine." Iniabot kay Toni ang baso.

"Okay ka lang, you don't…" bulong sa kanya ni Michael.

Nginitian niya ito. "Okay lang. Konti lang naman."

Nang kukunin na ni Toni ang baso ay bakas sa mukha ni Lorenz ang pag-aalala.

"Sir, wala po bang ibang punishment? Paano po kung hindi umiinom ung natalo?" hindi direktang pagtatanong nito. 

"Kaonti lang naman, dear. Pero kung hindi naman kaya, pwede namang magsaya…" Ininom bigla ni Toni ang nasa baso.

"Ayoko po sumayaw." She said laughing. 

Nalukot ang mukha ni Lorenz na muling sumulyap sa gawi ni Toni.

"Okay, next. Malambot." Sunod-sunod pa na nagsabi si Sir Bary ng mga pang-uri. Kadalasan ay si Toni ang walang naipakikita.

"Nakakarami ka na, Tonz." 

"I'm okay" 

"Next, malaki." Isang nakakalokong tawanan na naman ang pumailanlang.

"Ano yan, Lorenz? Bakit ka nagtataas ng kamay?" Si Sir Bary. Tinginan lahat kay Lorenz.

"My hands, Sir. Pinakamalaki." may diin pang sabi ni Lorenz. 

"Really?" Tanong ni Sir Bary habang umiikot ang paningin sa bagay na hawak ng iba. "Ang boboring ng sagot niyo." Nagbibirong sabi nito. May nagtaas ng suklay, ng panyo for the 10th time, ng susi. "Sige nga, let's see. Dahil matindi ang labanan natin dito, ilapit mo nga sa kamay ng bawat isa rito ang PINAKAMALAKI mong kamay." Everyone laughed at Sir Bary's tone.

Game naman na lumapit si Lorenz sa bawat isa. Isang mahabang 'whhooowww' ang pinakakawalan ng mga guro sa bawat napapataob na kamay ni Lorenz. Ngunit tila tumahimik ang mga ito nang lumapit na si Lorenz kay Toni. Parang nag-aabang ng eksena sa pelikula ang mga ito. 

After some time, muling nagkadikit ang mga kamay nina Toni at Lorenz. 

"Whhoooowww." chorus na sigawan.

"Muling iba…" May sumigaw pa.

Toni was trying to hide her feelings by laughing. 

"Okay, ikaw na. Ang pinaka-malaki winner is Lorenz." Tawanan ang mga guro. 

"Ngayon naman, pinaka… maganda."

May nagsipagtaas ng kanilang cellphone, ng tsinelas, may nagturo ng kanilang buhok. Itinuro ni Michael si Toni."

"Wow! Yes naman." Biro ng isa.

"Nice one, bro!" 

"Do you agree?" Tanong ni Sir Bary. Palakpakan. "Michael's the winner."

Nahihiyang nakipalakpak si Toni. Batid niyang tinutukso rin sila ng iba. 

"Ang susunod, mabango." 

Nagulat ang lahat sa pagturo ni Lailanie kay Lorenz. 

"Ehem." Sabi ng isa. 

"I agree naman." maarteng sabi ng isa. 

May pagbibirong nagpalakpakan ang mga naroron ng sinabing si Lailanie ang nanalo. Tuwang-tuwa ang lahat sa pagiging game ng bawat isa. Palihim na iniikot ni Toni ang kanyang mga mata. Buti na lamang at hindi maliwanag sa gawi niya. 

"Panis ka men," Si Chinchin. "Lagi niya kayang naaamoy si…" inirapan niya ang kaibigan.

Marami pang pinaka ang nabanggit… malambot, manipis, mahaba. Si Toni rin ay nakarami na ng talo. She felt a little bit tipsy. 

Pinagmamasdan ni Lorenz si Toni. He knew she was not drinking. Napansin niya na hindi maganda ang tama kay Toni ng mga nainom nito. She was being a little loud.

"For the last one…" Palapit na si Lorenz kay Toni nang binanggit ni Sir Bary ang panghuling salita. "Expensive."

Mabilis na itinuro ni Lorenz si Toni. Napatda ang mga nakaupo. Mas kita nila si Lorenz sapagkat nakatayo ito malapit kay Toni.

Ni hindi na nagawang makapagtaas ng bagay ang iba pa. 

"Expensive ha?" May tonong nanunukso ang pagkakasabi ni Sir Bary.

"Yah, Toni always looks expensive." Seryosong sabi ni Lorenz.

"Expensive. MAHAL." Malakas ang pagkakasabi ng isa dahilan upang bumalik ang ingay na nawala kani-kanina lang.

Hindi alam ni Toni kung dahil sa nainom niyang wine kaya siya may lakas ng loob. "Dati." Napalakas na sabi niya. Parang may anghel muling dumaan.

"Lagi naman." Mahinang sabi ni Lorenz na hindi nakatakas sa pandinig ng mga naroroon. 

"Parang si Toni ang totoong panalo rito ha." Si Sir Bary. Okay, you win Lorenz."

Masayang palakpakan at hiyawan ang tinugon ng mga naroroon. Nangako si Sir Bary na bibigyan niya ng tig-iisang bar ng chocolate ang nanalo sa bawat salita.

"Bukas na tayo uli maglaro. Ang ingay natin." Si Chinchin.

"Wow! Coming from you." Nang-aasar na sabi ni Eman.

"Oo. Bakit? Naku, nakakatakot kaya, baka may maistorbo na tayong mga engkanto sa paligid. Nagsalita na nga yung isa." Everyone laughed.

Maya-maya lang ay nagkanya-kanya na ng puwestuhan ang mga naroroon. May mag nagtungo na sa loob ng silid. May ilang nagkumpulan pa upang magkwentuhan. May mga nagtungo pa sa dagat kahit medyo malamig na ang ihip ng hangin. May ilan ding hindi pa rin makamove on sa laro kanina. 

Umupo si Toni sa duyan na malapit sa isang puno. Tanaw niya mula roon ang mga kasamahan. Nakita niyang kasama pa rin ni Lorenz si Lailanie.

"Expensive pala ha, pero buntot ka nang buntot…" Pabulong ngunit may kalakasang sabi niya. Mabuti nga ang desisyon niyang hindi mag-inom. Ngayon alam niya na ganito pala siya.

"Tonz, are you okay?" Umupo si Michael sa kabilang duyan.

Malakas na inugoy ni Toni ang sinasakyang duyan.

"Toni, dahan-dahan lang. Tingnan mo 'to." May pag-aalala lalo sa mukha ng binata nang makita si Toni na may luha na sa pisngi habang paunti-unting hinihinaan ang pagduyan.

"Pwede naman diba?" 

"Ang alin? Magduyan?" Hindi alam ni Michael ang tinutukoy ni Toni.

"Umiyak."

"Yah. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. But why?"

"Hindi ko rin alam eh." Natatawa ngunit may pait sa tono na tugon ni Toni.

"Makikinig ako." Nakahinto lamang si Michael, mataman siyang nakatingin sa umiiyak na si Toni.

"Alam mo, ngayon ko lang naisip, hindi pala ako umiyak sa…" Sisinghot-singhot na pagsisimula nito. Nakikinig lamang si Michael. 

"Just talk, I'm ready to listen. If it's bothering you for the longest time, let it out. Mas masakit kung kikimkimin mo lang yan. Makikinig ako, no judgment." 

Nakatingin sa malayo si Toni. "The only time I cried was when I read his text message. I didn't even cry nung bago yun, hindi kami nagpansinan na. I was hoping. I was worried I made him mad." Pumikit ang dalaga. "I thought I cried hard when he left me, alam mo yun, yung panaginip ko…" Tumango si Michael. Naikuwento naman

sa kanya ni Toni iyon. "Sa panaginip ko, umiyak ako, sobra-sobra. I was really scared, I was in deep pain. Akala ko nawala siya sa akin. Well, nawala naman siya talaga sa akin." Natatawang sabi nito sa gitna ng pagluha. "Pero dahil sa takot at sakit na naramdaman ko nun, paggising ko, nung nakita ko siyang pumasok sa kwarto… gusto kong umiyak nang malakas nun. I was thankful na it was all a dream. Michael, I can't imagine losing him. Yung hindi ko na talaga siya makikita. Yung wala na. Pati boses hindi ko na maririnig. Kaya nung nabalik sa isipan kong totoong nangyari ung pakikipaghiwalay niya, hindi na ko umiyak. Naisip ko, mas okay na yun. Mas kaya ko yun. At least I get to see him." Itinuro niya pa kay Michael si Lorenz na nasa di kalayuan at nakikipag-usap kina Lailanie. Para itong nakaharap sa puwesto nila. "Talking to another girl. Pero okay lang." 

Lumapit si Michael kay Toni. "Are you sure you're okay?"

"Yah. Sorry, oa ko ba? Wag mo nang paalala sa'kin 'to bukas  ha." Natatawang sabi ni Toni.

"No, it's okay. Thank you for trusting me." Nagngitian sila.

"Mababaw ang dahilan…"

"No, I'm at fault. It got so irritating na. I was…"

"Mahal mo pa nga."

"Huh?"

"Pinagtatanggol mo pa eh." Nakauunawang ngumiti si Michael. "I understand, Tonz. Hindi naman nawawala ang pag-ibig. Natatabunan lang minsan ng ibang damdamin."

Yumakap si Toni kay Michael habang nakaupo siya sa duyan.

There were pairs of eyes looking at them.



Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 144 26
Spoken Word poetry malayang pagtula na ginamitan ko ng malayang taludturan na may tugma.
493K 7.5K 83
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
4.3K 239 23
Paano kaya kung makapasok ang mga Mondragon sa mundo ng Encantadia? (Short-story)
658 701 28
"t*ngina naman liyan!!! alam mo namang mahal kita diba! tas ano??? ito ! ito ang isusukli mo sakin!" isang malakas na iyak at sigaw ang binitawan n'y...