Searching For The Montega's T...

Av pulang_gakuklay

126 21 1

Sa mundong puno ng pag-subok na magiging daan upang malaman kung gaano ka katatag, ka talino at kung gaano ka... Mer

PAALALA
Prologue
Unang kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong kabanata

Ikalawang Kabanata

22 2 0
Av pulang_gakuklay


Nakatayo ako habang nakaharap sa salamin, tinitingnan ang aking itsura, nakasuot ako ng maikling maong shorts at oversize T-shirt, sneakers at may dalang malaking bag at tent, hinawakan ko ang aking repleksyon sa salamin pero laking gulat ko nang tumagos ang kamay ko. OMG! "LIAAAN!!!" Sigaw ko dahil may malakas na puwersang humihila sa'kin papunta sa loob ng salamin. "LIAAANN!! TULONG!!" sinubukan kong kumapit sa mesa pero nahila na'ko papasok.

"WAHHH LIAN!!!" Sigaw ko at iniluwa ako ng salamin sa isang hindi pamilyar na lugar. Nasaan ako? Gusto kong umiyak dahil sa takot. Anong nangyari? Inikot ko ang aking paningin sa isang silid, sa tingin ko nasa loob ako ng pamilihan, puno ng makalumang bagay ang lugar na ito may mga baro, saya, kamiso, bakya at marami pang iba.

Lumapit ako sa isang lalaking nakasuot ng color blue na uniform tingin ko pulis 'to pero ba't iba ang uniform? may dala din kasi siyang baril. "Umm officer, anong lugar 'to? I mean pangalan ng lugar na 'to?" Tanong ko at humarap naman siya sa'kin, sheet! Ang pogi!! Pero hindi ko alam kung anong klaseng nilalang 'to kasi ang alam ko wala ako ngayon sa mundo ko. Ikaw ba naman higupin at iluwa ng salamin sa lugar na'to diba?

"Ikaw ba ay isang binibini o ginoo?" Tanong niya, "Mukha ba akong lalaki?" Tanong ko pabalik, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pero binawi niya agad ang tingin niya. "I-isa kang binibini ngunit b-bakit ganyan ang iyong suot?" Sagot niya habang namumula. "Bakit? Wala namang mali sa suot ko" Sagot ko pero binigyan niya lang ako ng baro't saya.

"Ano namang gagawin ko diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano bang ginagawa sa damit?" Napalingon ako nang may nagsalita sa likod ko, nakasuot din siya ng uniporme pero hindi katulad ng sa lalaking kausap ko. "Magandang araw, Gobernador Heneral" bati ng lalaking kausap ko kanina at bahagyang yumuko para mag bigay ng galang, napatingin naman sa'kin ang Gobernador Heneral kuno, "Gobernador Heneral? Galing ah ano ka nasa panahon ng mga Espanyol?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ng Gobernador Heneral kuno nila, "Wala, nevermind" sagot ko, akmang aalis na ako ng hawakan ng Gobernador Heneral ang aking palapulsohan. "Alperes, hulihin mo siya at dalhin sa kuwartel" utos nito na sinunod naman agad ng alperes.

(Alperes: pinuno ng mga guwardiya sibil
Kuwartel: Punong tangapan o himpilan ng mga guwardiya sibil)

"Wait! Bakit mo naman ako huhulihin? Wala naman akong kasalanan ah" saad ko habang pilit na binabawi ang palapulsohan ko na hawak na ngayon ng alperes. Putek, ibalik niyo na ako y@waaa "Huwag kang mag alala binibini hindi ka niya sasaktan" nagpupumiglas parin ako dahil hindi ko naman kilala ang mga taong 'to ni hindi ko nga alam kung tao 'to eh. Pilit kong kinukuha ang kamay ko ng makaramdam ako ng hilo. Oh sh*t!

•••••

Bigla akong nakaramdam ng takot ng magising ako sa isang madilim na lugar, walang pader, walang liwanag tanging kadiliman lang. "Binibining Azalea" hinanap ko kung saan nagmula ang tinig, sobrang bilis ng tibok nang aking puso na parang nakikipag karera dahil sa kaba at takot na baka may kung anong maligno ang bigla na lamang lilitaw. "S-sino ka?" Tanong kong nauutal dahil sa takot. "Wag kang mag alala binibing Azalea" halos atakihin ako sa puso nang biglang may babaeng sumulpot sa aking likuran.

"Sino ka?" Humakbang ako ng tatlong beses pa atras. "Hindi mo ba ako nakikilala?" Lumapit siya sa'kin at tila napako naman ako sa aking kinatatayuan dahil sa takot. Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinahagod ito ng marahan na parang sinasabi niyang kumalma ako. Tiningnan ko siya ng mabuti at napagtanto kong siya si "Anastasia?" Tumango siya at dahan dahang binitawan ang kamay ko.

"Ako nga" ngumiti siya. "Alam mo ba kung bakit ikaw ang pinili ko at kung bakit ka narito?" Tanong niya sa'kin at tumalikod, "Hindi, Hindi ko alam at anong narito? Nasaan ba ako?" sagot ko, naglakad siya palayo ng dahan dahan.

"Naalala mo ba ang kinuwento sa'yo ni Isabella?" Tanong niya at humarap na sa'kin, "Oo, tungkol sa pamilya niyo at ng kambal na anak mo" ngumiti naman siya at tumango, "Tama ka, at pati na rin sa sumpa hindi ba?" Nagulat ako ng maalala ang sinabi ni Lola tungkol sa sumpa. Sinasabi ko na nga ba! Totoo yun eh kaya pala ganun na lang ang paninindig ng balahibo ko nang mag kuwento si Lola Ising!

"O-oo" sagot ko sakanya, "Hindi naman isang sumpa 'yon, Ang totoo ay isa iyong misyon. Pakiusap, tulungan mo ako." Pakiusap niya at bakas sa mukha nito ang lungkot at pagmamakaawa, "A-ano ba ang misyon na 'yon?"

"A-alamin mo kung totoong namatay ang mga anak ko, Alam kong hindi namatay si Celestia ngunit si Crisanto.. Hindi ako sigurado at kailangan mo silang pagtagpuin. Ang matagpuan at makilala nila ang isa't isa ay ang pinaka misyon mo."

"P-pero paano kung hindi ko sila makita?" Tanong ko sakanya, "Kung patay na nga si Crisanto ay hindi ka na makakabalik sa panahon mo dahil ang tanging paraan upang makabalik ka ay ang pagtagpuin silang dalawa. Pasensiya na talaga binibining Azalea, kung nadawit ka sa aking problema." sagot niya, napayuko ako. Hindi ko alam ang gagawin at paano kung patay na si Crisanto? Paano na'ko makakauwi? Tumingin ako kay Anastasia ngunit nagulat ako nang makitang wala na siya. "A-anastasia?" Tumingin ako sa paligid kahit pa wala akong ibang makita, "ANASTASIA!" Sigaw ko at unti unti nang nakakaramdam ng takot dahil sa mga nalaman at dahil na din takot ako sa dilim at walang kasama, pilit kong tinitingnan ang aking kamay dahil sa oras na wala akong makita maliban sa itim ay aatakihin ako ng sobrang takot, takot na maaring makapatay sa akin. "ANASTASIA!!" Sigaw ko ulit, nang makaramdam ako ng malakas puwersang humihila sa'kin pababa at biglang.

Napabalikwas ako ng bangon at nakita kong nasa isang magandang silid na ako, malaki ito at nanunuot sa aking ilong ang mabangong amoy, maganda din ang disenyo nito. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid at marami akong nakitang mga medalya, sertipiko, at marami pang iba. May mga pistol din, revolver at marami pang kagamitang pandigma. Tumayo ako papunta sa salamin at bigla namang pumasok si alperes. "Gising ka na pala binibini" sabi niya habang nakatingin sa sahig at namumula. "Nasaan ako?" Tanong ko sakanya at umupo ulit sa kama. "Narito ka sa aking tahanan at.. ito ang silid ko" sagot niya habang nakatingin parin sa sahig, "m-maaari mo bang takpan ang iyong binti? Hindi magandang magsuot ng ganyang uri ng damit ang isang binibini " sinunod ko nalang ang sinabi niya at tinakpan ng kumot ang hita ko hanggang talampakan.

"Nasaan ang bag ko?" Tanong ko sakanya at saka niya lang ako tiningnan. "Ang mga 'yon? Kinuha ng Gobernador Heneral" Tanong niya, nakatayo parin siya ngayon sa tabi ng pinto. "Kakaiba ang mga 'yon saan mo nabili yun?" Tanong niya.

"Sa mall" simpleng sagot ko. Kumunot naman ang noo nito. "Umm, may damit ka bang puwede kong masuot?" Tanong ko sakanya. "Paumanhin binibini ngunit wala akong damit na pambabae dito, dahil mga lala-" d ko na siya pinatapos, "Kahit anong damit sinusuot ko" Sansala ko sa mga sasabihin niya.

"Ito ang mga damit na hindi ko pa nagagamit ngunit panlalaki ang mga ito, sigurado ka-"

"Shhh, ayos na yan" sansala ko ulit sakanya at tiningnan ang mga damit na binigay niya. Ok na'to atleast may maisusuot. "Oh? May balak ka bang panoorin ako habang nagbibihis?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"P-pasensiya na binibini" at dali dali siyang umalis habang namumula ang buong mukha. Natawa nalang ako dahil sa kinikilos niya. Ang cute, Wait what?!

Isang puting kamiso at polo shirt ang binigay nito at sinuot ko na ang kamiso pero hindi ang polo, tinali ko din ang buhok ko at nag suot ng sapatos saka lumabas sa kuwarto.

Habang naglalakad ako papalapit sa hagdan ay may narinig akong nag uusap base sa boses ay mga lalaki ito.

"Kailan ba ang alis mo pabalik sa Europa?" Tanong ni Samuel sa kaibigan niyang si Juan.

"Bukas aalis ang barko papuntang Europa at kung hindi ako sasabay tiyak na maghihintay nanaman ako ng isang buwan para sa pangalawang barko" sagot ni Juan, kasalukuyang nasa azotea sila Julian, Samuel at Juan.

"Kuya Julian, Sino ba ang binibining kasama niyo ng Gobernador Heneral kahapon?" Tanong ni Juan kay Julian na kasalukuyang naka yuko pilit na tinatago ang pamumula ng mukha dahil sa nangyari sa kanyang silid.

"Hindi ko kilala ang binibining iyon, nakita ko lamang siyang namumutla sa pamilihan ni mang Gastor at nagtatanong kung nasaan daw siya. Kakaiba ang binibining 'yon."

"Paano mo naman nasabing kakaiba?" Tanong ni Samuel at saka sila hinarap ni Julian. "Dahil bigla lamang siyang sumulpot sa pamilihan, naghahanap ako ng paynetang ipapadala para kay Clarita kahapon tiningnan ko ang buong silid wala namang tao maliban sa amin ng Gobernador Heneral na naghahanap ng sumbrerong ibibigay sakanyang kapatid na pauwi dito lulan ng barkong darating sa susunod na buwan at kung may papasok man sa pamilihan ay dapat napansin ko iyon sapagkat hindi naman ako malayo sa pinto kung kaya't nagulat ako ng biglang may kumalawit sa aking likod yun nga siya at kakaiba din ang suot niya dahil kitang kita ang kanyang binti sa suot niya hindi siya naka baro't saya. Paliwanag ni Julian at tumango tango naman Sina Juan at Samuel.

"Kakaiba nga, nakita ko siya kahapon buhat ng Gobernador Heneral nang dalhin niyo siya dito at kapansin pansin din ang kanyang damit, kaya pala may sapin ang ibabang bahagi ng kanyang katawan" sagot ni Samuel.

Sabay silang napalingon ng biglang may nagsalita sa taas, "Alperes?" Tinig ng isang babae at nakita nila si Azalea pababa ng hagdan.

"Magandang umaga binibini" bati ni Samuel at sabay silang tatlong nagbigay galang kay Azalea. Ngumiti naman si Azalea at binati din sila pabalik.

"Saan ka pupunta binibini?" Tanong ni Juan at umupo na sila ulit maliban kay Julian na nanatiling nakatayo "Pupunta ako sa Gobernador Heneral para kunin ang mga gamit ko. Maari mo ba akong samahan Alperes?" Tanong ni Azalea.

"Oo naman, ngunit lalabas kang ganyan ang iyong suot?" Tanong ni Julian. Tumango naman si Azalea at binigyan siya ng isang matamis na ngiti samantalang nakikinig lang sa kanila sina Juan at Samuel.

"Kung gano'n ay humayo na tayo at pupunta din naman ako sa Hacienda Gonzales" sagot ni Julian at tumango kay Juan at Samuel na ginantihan din ng tango ng dalawa.

Sabay silang lumabas sa bahay ni Julian at inalalayan ni Julian si Azalea na sumakay sa kalesa patungo sa Hacienda Gonzales na pagmamay ari ni Gobernador Heneral Luciano Gonzales.

Halos tatlumpong minuto bago nila narating ang kanilang patutunguhan sapagkat malayo ang tahanan ni Julian sa Hacienda Gonzales. Pagkadating ay agad silang pinapasok ng dalawang Guardia personal at sinalubong din sila ng Mayor Doma ng pamilya Gonzales na si Manang Gracia isang Mestiza at nasa edad apatnapu't limang taong gulang.

"Magandang umaga Heneral" bati ni manang Gracia kay Julian nag bigay galang din ito "Magandang umaga din po manang Gracia" bati din ni Julian kay Manang Gracia at nagbigay galang din ito. "Magandang umaga din..Ginoo?" Kunot noo at patanong na sambit ni manang Gracia sa huling salita nang batiin nito si Azalea. Patago namang natawa si Azalea sa pagbati ng Matanda.

"Binibining Azalea po, magandang umaga din po manang Gracia" bati ni Azalea at nag mano sa matanda. Natuwa naman si Manang Gracia dahil sa ginawa ni Azalea. "Pagpalain ka nawa ng panginoon at pasensiya na kung tinawag kitang ginoo. Binibining Azalea" nakangiting sambit ni Manang Gracia at hinaplos ang maiksi at tuwid na buhok ni Azalea.

"Pumasok na kayo nasa opisina ang Gobernador Heneral" sambit ni Manang Gracia at pinapasok si Julian at Azalea. Inihatid din niya ang mga ito sa labas ng opisina sa tahanan ni Gobernador Heneral Luciano.

Nang maka alis si Manang Gracia ay kumatok ng tatlong beses si Julian. "Bukas yan" Sabi ng boses mula sa loob kaya pumasok sina Julian at Azalea.

Tumambad sakanila Ang Gobernador Heneral na kasalukuyang nagbabasa ng isa sa mga librong dala ni Azalea at hindi manlang sila tinapunan ng tingin. Nagulat naman si Azalea nang makita ang libro na sinulat ni CeCeLib at agad na kinuha iyon sa Gobernador Heneral.

"Ano bang proble-" hindi natapos ng Gobernador Heneral ang sasabihin ng Makita niya na si Azalea ang kumuha ng libro at nanlaki ang mga mata nito sa gulat.

"Bakit ka nagbabasa ng ganitong libro?" Tanong ni Azalea at lalo itong nagulat ng makitang hawak ni Alperes ang kanyang br* saka humarap sakanila "Ano ang baga-" hindi din natapos ni Julian ang sasabihin nang biglang hablotin ni Azalea ang br* sakanya.

"Ano bang pro-" hindi natapos ng Gobernador Heneral ang sasabihin dahil bigla silang binungangaan ni Azalea. "Bakit niyo ginalaw ang mga gamit ko?!" Humarap ito sa Gobernador Heneral at dinuro ito "Ikaw! Sinabi ko bang buksan mo ang bag ko?! Napaka pakealamero mo!" Lumapit si Azalea sa Gobernador Heneral at ipinatong ang kamay sa mesa habang ang isa naman ay nakaduro sa Gobernador Heneral na kasalukuyang naka takip ng kanyang tenga dahil sa ingay ng sermon ni Azalea ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakangiti ito habang sinesermonan ni Azalea.

"Diba mga ginoo kayo?! Diba Gobernador Heneral ka?! Diba dapat ginagalang niyo ang mga binibini?! Diba hindi dapat pakealaman ng isang ginoo ang kagamitan ng isang binibini kung hindi niya naman sinabi?!" Maging si Julian ay napatakip na din ng kanyang tenga dahil sa sigaw ni Azalea.

"Hindi ka ba marunong mag respeto ng isang babae?! Hindi ka ba naturua-" Hindi nito natapos ang sasabihin nang iharang ng Gobernador Heneral ang ID ni Azalea sa bibig nito.

"Ano ito?" Tanong ng Gobernador Heneral, kinuha naman ni Azalea ang ID niya, "ID ko ito" sagot naman niya at tinapunan ng isang matalim na tingin si Julian na humahagikhik sa isang sulok.

"Ano ang ID?" Tanong naman ulit nito, "Basta hindi ko din alam ang ibig sabihin ng ID" sagot nito sakanya at naupo sa upuan sa harap ng mesa ng Gobernador Heneral. Kayo alam niyo?

"Maupo ka Alperes" tawag ni Azalea kay Julian na nakatayo sa tabi ng bintana. Naglakad naman si Julian at naupo sa kaharap na upuan ni Azalea.

"Hindi mo pa sinasabi kung anong pangalan mo ah" tumingin ang dalaga sa Gobernador Heneral. "Gobernador Heneral Luciano Gonzales" sagot ng Gobernador Heneral, tumango tango naman si Azalea.

"Ikaw binibini? Anong pangalan mo?" Tanong ni Julian kay Azalea, "Azalea Marie Reyes" nakangiting sagot ni Azalea.

"Ikaw? Diba alperes ang pangalan mo?" Tanong ni Azalea, patago namang natawa si Luciano dahil sa sinabi ng dalaga. "HAHA hindi po binibini Julian Garcia ang pangalan ko" sagot ni Julian kaya napayuko nalang si Azalea dahil sa hiya.

Tiningnan ni Azalea ng masama si Luciano mahuli niya itong tumatawa habang bahagyang tinatakpan ang bibig nito. Tumayo naman ang dalaga at niligpit na ang mga gamit niya habang nakatingin lang sakanya ang dalawa.

"Julian, Wala ka bang trabaho?" Tanong ni Luciano kay Julian kaya napalingon sakanya ang binata, "Meron po Gobernador Heneral pero ihahatid ko muna si Binibining Azalea pabalik sa bahay" sagot naman ni Julian kay Luciano.

"Hindi mo na kailangang gawin 'yon, Mula ngayon ay dito na muna siya maninirahan sa aking tahanan" sambit ni Luciano kaya napalingon sakanila si Azalea, "Bakit?" Tanong ni Julian kay Luciano. "Oo nga, bakit?" Singit naman ni Azalea sa pag-uusap ng dalawa.

"Dahil hindi ka maaring tumira sakanila, Alam mo ang rason Julian. Hindi ba?" Tumango nalang si Julian, hindi nga puwedeng tumira sa bahay niya si Azalea dahil puro lalaki ang nakatira doon maging ang mga katulong at trabahador ay lalaki din.

"Ano bang dahilan? Bakit hindi ako puwedeng tumira doon?" Tanong ni Azalea, "Hindi magandang tumira ang isang binibini sa tahanan na puro lalaki ang nakatira" sagot ni Luciano.

Sinakop sila ng katahimikan nang may biglang kumatok sa pinto. "Señor Luciano nandito po si Señora Leonora naghihintay po siya sa azotea" pag imporma nang kasambahay na si Clarita kay Luciano. "Sige, pakisabing papunta na ako..at siya nga pala Clarita paki hatid si Binibining Azalea sa bakanteng silid" sagot ni Luciano.

Bumukas ang pinto at pumasok si Clarita para kunin ang mga gamit ni Azalea at lumabas naman si Luciano para kausapin ang kanyang kasintahang si Leonora, si Julian naman ay nagpaalam ng papasok sa trabaho.

"Clarita ang pangalan mo diba?" Tanong ni Azalea sa dalaga habang naglalakad sa pasilyo papunta sa kuwartong tutuluyan niya. "Opo binibini" sagot naman ni Clarita.

Huminto sila at pumasok sa isang silid, malawak ito, may malaking kama, dalawang malaking aparador, dalawang upuan, isang mesa, dalawang lamparang nakasabit sa bintana at pinto, isang aparador na may salamin at pambabae ang disenyo nito. "Silid ito ni Donya Isabel noong nagbakasyon siya dito" sabi ni Clarita habang pinapakita kay Azalea ang banyo.

Tinutulungan ni Clarita si Azalea mag ayos ng mga gamit nito, panay tanong din si Clarita kung tungkol sa mga gamit ni Azalea dahil bago pa ang mga ito sa paningin niya.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

169K 4.7K 197
The Gluttonous house's auction feast had an exceptionally good furnace in constitution of a little girl with sky-high price, everyone in looting. Su...
627K 19.6K 113
[Not MY Story] OFFLINE Purpose. I possessed the wife of the Emperor, the mad villain of a tragic novel. After a while, when the evil Emperor looks t...
30.9K 939 18
Follow the adventures of the legendary king Baldwin IV and lady (Y/N) from the Byzantine Empire. *The story can be also found on my Tumblr account...
213K 41.8K 8
Everything changed the day the King ordered me to seduce his son and bring him back to the Kingdom. He was my best friend. As per the order of things...