Andito ako ngayon nakaupo sa aming tambayan habang hinihintay ang susunod kong klase.Fastforward..Isang linggo, oo isang linggo na ang nakakaraan nung nakabangga ko yung tinatawag nilang prinsipe at wala pa namang nagyayaring kababalaghan sa akin dito sa school na ito. Sina Harley at Jamie ayun naglagalag sa mall, maghahanap ng mabibiktima. Parang mga bampira kung makasabi ng mabibiktima. Yung dalawang yun di na nadala, gusto sana nila akong isama kaya lang umusbong na naman yung katamaran ko kaya nagpaiwan ako dito. Idadamay pa nila ako sa kanilang kalokohan. Matutulog nalang ako since mataas pa yung vacant ko.
Dapat sana pinagkakakitaan ko itong apat na oras kong walang ginagawa. Tumayo na ako saka naisipang lumabas ng school dahil napagdesisyunan kong maghahanap ng mapagpapartimeman ko para naman pangdagdag ko sa ipon ko. Naaawa na ako sa piggybank ko kasi palagi nalang nyang nae-experience ang ma-caesarian nang dahil lang sa wala akong pamasahe pag wala pang sweldo si nanay.
Alangan namang kakabit ako sa labas ng jeep at sisigaw ng Oh Navotas, Navotas malapit ng lumarga! Na-iimagine kopa lamang parang mavovotas na yung lalamunan ko kakasigaw. Di rin bagay baka mabosohan pa ako dahil nakakabit ako sa labas ng jeep.
Buti naman walang nantitrip sa akin ngayon dahil nasa klase pa sila. Tuwing umaga may ritual sila pagnamimiss nilang pagkatuwaan ako.
Merong time na papasok palang ako ng gate ay iipitin nila ako hanggang mahirapan na ako sa paghinga o papatirin tapos madadapa ako na face first sa semento o minsan naman uulan ng colored water o kung minsan naman it’s raining egg halleluiah it’s raining egg Amen! Kaya nga palagi akong may dalang extra sa locker ko para naman di ako magmukang pulubi sa loob ng klase. Nakalabas na ako at may nakikita akong isang coffe shop malapit sa school namin. Alam ko na school ito ng mga totyal kaya di nakapagtatakang maraming establishments dito na nakapalibot.
Pumasok ako at sinalubong ako ng isang waitress na, sa una ay nakangiti siya pero nang makilatis nya ang pagmumukha ko at sinuri ako mula ulo hanggang sole ng rubber shoes ko ay sinabihan ako ng..“bawal ang limos dito manang!”..manang?!?!?..manang?!?!?...aba’t tinawag pa akong manang di hamak naman na mas matanda sya sa akin ng ilang taon. Sinagot ko nga..“di PO ako naghihingi ng limos magtatanong lang PO sana ako kung tumatanggap HO ba kayo ng part-time job.”..nakita ko namangtinatasan nya ako ng kilay. Tapos tinalikuran ako, maya-maya pa ay may lumapit sa akin na guard at hinawakan ako sa braso.
“Teka ano po ba yung ginawa ko manong guard?”..tanong ko pa habang tinatanggal yung pagkakahawak nya sa braso ko which is masakit na masyado. Physical abuse na to ha!
“Nag-eeskandalo po kayo dito eneng kaya lumabas na kayo ng mahinahon at baka makladkad pa kita papalabas ng coffee shop.”..di parin ako binibitiwan ng guard. Sila kuya guard duon sa school di ako sinasaktan ng ganito pero siya walang awa nyang dinungisan ang pagkatao ko. Ay mali ang pagkakaconstruct ko sa sentence, erase erase..
Naghihilahan kami dito ni manong guard at nakakatawag na kami ng pansin dito sa loob ng coffee shop, lumapit narin yung manager at saka nakita kong humihingi ito ng paumanhin sa mga customer. Lumapit na rin sa pwesto namin yung manager saka hinawakan ako sa kabilang braso ko saka marahas akong hinila papalabas.
“Teka magtatanong lang naman ako kung tumatanggap ba kayo ng part-time job.”..pilit ko parin isinisingit yung pakay ko dito, pero parang wala ata silang naririnig sa mga pinagsasabi ko.
“Anong kaguluhan yan?”…natigil lang yung paghihila nila sa akin papalabas nang may isang baritong boses ang narinig kong nagsalita sa likuran ko. Saka naman ako binitawan ng dalawa. Nakita ko pang nakayuko yung dalawa saka sinabing..“nag-eeskandalo po siya sir sabi ng waitress kaya pinapalabas ko siya sa loob ng coffee shop dahil nakakadistorbo na siya sa mga customer dito.”..paliwanag ng walang hiyang manager nila. “Totoo ba yung sinasabi nila tungkol sa iyo?”..tanong nung lalaki sa likod ko Nilingon ko naman yung nagtanongsa akin, nakita kong nakasuot siya ng gray na polo na tinupi hanggang sa may siko at naka shades kahit nasa loob na ng coffee shop.
Ang di ko lang alam ay kung bakit ko idinidescribe ang lalaking ito, kaya sinagot ko na sya.
“Nagtatanong lang naman ako sir kung tumatanggap ba sila dito ng part-time job pero kinaladkad na nila ako papalabas ng walang kalaban-laban.”..totoo yan ha , walang labis wlang kulang. Nakita ko naman na sinamaan nya ng tinggin yung dalawa, buti nga sa kanila. Nagiging masama na ako nang dahil sa kanila.
“Mr. Sanchez hanapan mo sya ng bakante dito.”..maotoridad ang pagkakasabi nya sa tinatawag niyang Mr. Sanchez, sinunod naman siya nung huli saka tinawag yung waitress kanina at sinenyasan akong sumunod sa kanya saka nagbow sa harap nung lalaki bago umalis.
“Maswerte ka paring bata ka dahil naabutan ka ni sir dito, kung hindi ay pupuutin ka duon sa labas ng coffee shop na ito.”..binalewala ko nalang yung mga pinagsasasabi nya dahil masaya ako at kapag masaya ako ay kahit anong pang-iinsulto ang ipukol mo sa akin ay di yan uubra. Pumasok kami sa isang pintuan at bumungad sa akin ang napakalaking kitchen. Nandun rin yung ibang nagtratrabaho duon na mga chef at ibang personnel. Sinenyasan nyang lumapit yung lalaking naka-apron na lumapit sa amin at lumapit din naman sya sa pwesto namin.
“Part-time lang sya dito at taga-hugas ang trabaho nya.”..tumango naman yung lalaking naka-apron pagkatapos ay iniwan na kami nung tinatawag nung lalaki kanina na Mr. Sanchez. Iginiya naman nya ako papuntang sink kung saan nakatambak ang napakaraming hugasin.
“Since part-time lang ang trabaho mo ay 3 hours kalang everyday maliban sa linggo na rest day mo.”..panimula nya sabay tinginsa relo nya sa kanyang kaliwang pulsuhan bago nagpatuloy sa pagsasalita...“Okay malapit naman mag-10, ang oras ng trabho mo ay 10 hanggang 1 p.m. kung okay lang sa’yo?”…tumango naman ako, mabuti pa itong si kuyang naka-apron mabait sa akin pero yung tatlo duon kanina ang sasama nung ugali.
“Pwede ka nang magsimula ngayon. Nag-aaral ka ba?”..tanong nya sa akin, tango lang ang sagot ko sa kanya…“Anong oras ang klase mo?”..tanong nya ulit sa akin..“2 p.m. po.”..tumango naman sya saka may kinuhang isang malinis na apron na nakabalot pa sa plastic na tinanggap ko naman. Pagkatapos ng tatalong oras na paghuhugas ay tumigil na ako since tapos na ang duty ko rito.
Naramdaman kong nagba-vibrate yung celpon ko kaya tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Nakita kong si Harley yung tumatawag kaya sinagot ko na since katatapos ko lang maghugas ng isang tambak na hugasin.
“Asan ka na Beth? kanina pa kami ni Jamie dito mga 12.Nag-aalala na kami kasi di mo sinasagot yung tawag namin.Nasaan ka na ba?”...nakalimutan kong sabihan sila Harley at Jamie na magpapart-time ako nagyon…
“Nagpart-time job ako Harley,pasensya na kasi nakalimutan kong sabihan kayo at saka di ko naman inaasahan na ngayon ako magsisimula ng trabaho.”..mahabang paliwanag ko sa kanya.
“What! Blah blah blah!”..ayan na naglitanya na naman si Harley. Alam kong ayaw na ayaw nyang nahihirapan ako at natatats ako sa kanyang pag-aalala...“Asan ka nagtratrabaho ngayon at pupuntahan ka na namin ni Jamie ngayon dyan!”…nakikita ko na yung pagmumukha ni Harley na pulang-pula na. Sa kanilang apat si Harley ang pinakasweet sa amin, di lang sa akin yan ganyan kung makapagreact maging sa iba kong mga kaibigan.
“Wag na tutal patapos na naman ako sa trabaho ko. Magpapalaam na muna ako sa kanila saka na ako aalis.”...pumayag naman sya sa sinabi ko at di na nakipagtalo pa. Tiningnan ko na rin yung celpon kung ilang missed calls at ang dami nga puro ka Harley at Jamie mga 50 missed calls at 70 text messages. Nang basahin ko ay pare-pareha lang ang laman, na nasaan na ba daw ako?,ba’t di ko sinasagot yung tawag nya at kung ano-ano pa. Oo nakaktats talaga.
Tinaggal ko yung apron ko saka kinuha yung sling bag ko na nakasabit duon sa may gilid lang ng parang locker ang itsura. Saka ako nagpaalam sa kanila, tumago naman sila sa akin. Nakalibre pa ako ng tanghalian kasi libre ang lunch at dinner sa lahat ng nagtatrabaho duon. Ang swerte ko dahil meron na akong trabaho nakatipid pa ako sa lunch ko. Didiretso pa sana ako papalabas ng pintuan ng coffee shop slash restaurant pala akala ko coffee shop lang pero restaurant pala sa second floor.
Ayun nga didiretso sana ako palabas ng glass door nang tawagin ako nung lalaki kanina na nilapitan ko naman. Hulog sya ng langit dahil kung di sya dumating ay kumakain na ako ng alikabok sa daan kung naitapon nila ako palabas ng dalawa nitong coffee shop. Sumenyas sya na umupo ako na ginawa ko naman. Nakita kong ngumiti sya sa akin na ipinagtaka ko. Narinig ko namang may napasinghap at napatili pero di ko alam kung bakit…“Kamusta naman ang first day mo?-”..pabitin nyang tanong sa akin..“Beth sir.”..sagot ko naman..“Okay Beth how was your first day here in this coffee shop?”…tanong nya ulit sa akin sabay smile.
Sasagot na sana ako pero narinig ko yung isang babae sa may likurang bahagi ng pwesto namin na nagsabing..“Oh my gosh he smiled at me.”. hindi ko makita kung sino yun dahil nakatalikod ako sa kanya...“Okay naman po sir. Salamat po sir sa kabaitan nyo kung di dahil sa inyo di ako magkakatrabaho ngayon.”..sagot ko pa, totoo naman kasi yung mga sinasabi ko at sa tingin ko sya ang may-ari nitong shop na ito dahil napakadali lang sa kanya na bigyan ako ng trabaho dito. “Sir kailangan ko ng umalis dahil may klase pa ako ngayon.”..sabi ko pa sabay tayo.
“Okay sa’n ka ba nag-aaral?”..tanong nya ulit sa akin…“ Royal Acadia University sir”..sagot ko naman na nagpangiti lalo sa kanya na lalong pinagtaka ko.
Tumayo na siya, akala ko nga aalis na sya pero may sinabi siya na syang ikinagulat ko..“Okay, since pareha naman tayo ng school ay might as well sumabay ka nalang sa akin para di ka na malate.”…tatanggi na sana ako hindi dahil sa nahihiya ako sa kanya kundi dahil ayaw ko maging sentro na naman ng atensyon ng mga estudyante duon at kung ano-anao pa ang itawag nila sa akin.Pero di paman ako nakakatanggi ay inunahan na nya akong magsalita…“and I don’t take no for an answer.”..nang dahil duon ay wala na akong magawa,dahil utang ko sa kanya ang trabaho ko ngayon. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.
“Great!”..sabi pa nya na tuwang-tuwa at ngumiti na naman sya at labas lahat ang mapuputi niyang ngipin. Mabuti pa sya dahil ang puti-puti ng ngipin nya, ano kaya toothpaste na? maliban sa fluoride baka may halong chlorine yung toothpaste nya. Gusto ko sanang magtanong kung ano yung gamit nyang toothpaste pero inunahan na ako ng hiya.
Nauna na siyang tumayo at naglakad at buksan yung glass door pero akala ko mauuna siyang lalabas pero ang higit na ipinagtataka ko ay yung hinintay nya akong unang makalabas ng shop bago nya isinara yung pintuan at nagmartsa papunta sa parking lot kung saan nakapark yung mamahaling kotse nya. Masyadong makintab, mas makintab pa sa ulo ni manong Juaning na driver ng tricycle sa aming lugar.Ni hindi nga nadadapuan yung ng langaw dahil masyadong makintab yung ulo nya akala mo pinahiran ng floorwax. Pero ang isang ito, mahihiya ang mga langaw na dumapo sa kintab nitong kotseng ito.
May pinindot sya saka nakita kong tumunog yung kotse nya, ba’t kailangan pang patunugin eh bubuksan lang naman?. Nakita kong umikot sya sa kabila saka binuksan, baka duon sya sasakay at baka may driver sya sa kotse nya. Pero nakita kong nakaawang lang ang pintuan saka sinabi sa akin..“sakay na!”.. parang si ate Sharon Cuneta lang kung makaaya nung endorser pa sya ng superferrywith matching kaway-kaway pa. Di joke!nakangiti lang sya sa akin habang papalapit na ako sa kinatatayuan nya habang nakahawak pa siya sa pintuan ng kotse nya. Feeling ko ang yaman-yaman ko dahil meron akong tagabukas ng pintuan para sa akin. Para siyang driver ko. Sumakay na ako bago pa magbago ang isip nya at isara ang pintuan at di na ako pasakayin sa kotse nya. Saka sya umikot sa kabila at binuksan ang pintuan sa driver’s seat saka binuhay ang makina ng kotse nya.
Mas lalo akong nagtaka dahil humarap sya sa akin, yun pala ilalagay lang nya sa akin yung seatbelt. Saka nilagay nya rin yung seatbelt nya sa kanya, alangan namang ako ang maglagay ano yun salitan lang? ang laswa naman pakinggan. Pagkatapos ay pinahahurot nya ang kotse papuntang school namin. Alam ko sa oras ngayon maraming estudyante ang makakakita sa akin na nakasakay ako sa kotse ng lalaking ito. At nakahanda na ako sa gagawin nilang pambubully sa akin. Pagkarating ay ipinark nya muna yung kotse saka sya bumaba at umikot sa kabila na di nya nalang sana ginawa.
Tinanggal ko nalang yung pagkakalagay ng seatbelt saka lumabas sa nakabukas nang pintuan ng kotse. Pagkalabas ko ay narinig ko lang naman yung mga pagsinghap at malalakas oo malalakas na bulungan ng mga estudyante. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, madaragdagan na naman yung paghihirap ko nito sa paarlan ito..“oh my ghad what is she doing in Prince –‘s car?”..
“Gold digger!”..“Social climber!”.“Ambisyosa!”…Lahat ng yun ang naririnig ko sa kanila, at ang nagpalingon sa akin ay yung may sinabi yung isang estudyante na prince?..ibig sabihin..isa sya sa mga princes ng school na ito?!?!...patay!