BRYLEE'S POV
Napapadyak na lang ako sa inis dahil sa kayabangan ng Jonax na yon.
Tutal magaling naman ata siyang maging leader at masasaway niya naman siguro lahat ng estudyanteng tuturuan niya eh!
Wala kasing nagtuturo ng sayaw o kahit sa kanta wala rin nagtuturo kundi kami lang mga estudyante kaya kumuha ng magiging leader ang Teacher para yon yung magtuturo eh ang kaso ako ang napili dahil ako lang daw pinaka-seryoso at strict kaya ako yung kinuha nila maging leader ng almost 2 years! Pero dahil nga mukhang magaling si Mr. Roxas edi siya na magturo dun!
d>>__<<b
Nasa garden lang ako habang nakaupo sa ilalim ng puno. Well, may garden nga dito na kung saan tumatambay ang ibang mga estudyante kapag break time pero dahil nasa Gymnasium silang lahat ako lang mag-isang nakatambay ngayon dito.
Mapresko at sariwa ang hangin dito kaya makakapag-isip ka ng mabuti kaso nga lang paano ako makakapag-isip eh naiinis ako kay Jonax?!
"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala"Si Justine.
Umupo siya sa tabi pero hindi ko siya nililingon. Alam naman nilang dalawa ni Lucas pag wala ako sa mood talagang hindi ako namamansin kaya hahayaan lang nila akong dalawa, pero after 30 minutes mababago naman agad yung mood ko.
"Bakit mo naman kami iniwan dun sa Gymnasium?"Rinig kong tanong ni Justine.
Alam naman niya yung sagot kung bakit ako umalis ng Gymnasium kanina yun ay dahil kay Jonax.
"Hays! Sabagay, tama naman yung ginawa mo... Hayaan mo siyang ma-stress dun tutal ginusto naman niya yun diba? Atsaka alam mo bang naiinis talaga ako sa lalaking yon lalo na sa pang-uuto niya saakin kahapon tsk!"Patuloy na sabi ni Justine. Napatingin naman ako sakanya.
"Bakit ano bang meron kahapon?"Taka kong tanong.
Napabuntong na lang si Justine.
"Nagpalibre lang naman siya saakin kahapon... Ahm para saakin wala naman yun kung manglibre ako diba dahil ginagawa ko naman yun sainyong dalawa ni Lucas eh ang kaso nga lang sumobra naman itong si Jonax! Ang mahal kaya ng binayaran ko kahapon atsaka yun na nga lang allowance ko dahil hindi naman na ako bibigyan ni Mama o ni Daddy ng allowance. Pagkakasyahin ko na nga lang yun kaya nga ako gumagawa ng paraan para magka-pera para hindi na ako humingi sa kanila pero itong Jonax na 'to inubos!"Reklamong sabi ni Justine na mukhang nagsisisi dahil inuto siya ni Jonax.
Haha!
"Bakit ka naman kasi nagpa-uto dun edi ikaw tuloy nawalan ng allowance!"Seryosong sabi ko naman sa kanya. Napatakip na lang siya sa mukha niya.
"Akala ko kasi mag-aambag siya eh"Sagot naman ni Justine dahilan bigla akong natawa ng malakas.
"Yun mag-aambag? Tandaan mo, itaga mo 'man sa bato never yon mag-aambag dahil buraot yon! Kilalang kilala ko yun dahil matagal ko na siyang kilala dito kaso hindi niya ako kilala dahil isa pa, wala siyang pake kung sinong nasa paligid niya! Kaya kung ako sayo wag mo na lang siyang pansinin dahil iba utak 'non haha"Sabi ko kay Justine habang tumatawa pa rin ako ng malakas dahil naisahan siya ni Jonax.
"Hays! Sinabi pa naman niya kanina na ililibre niya ako.. Pero teka? Ganun ba talaga ugali 'non?"Biglang tanong ni Justine dahilan bigla akong napatigil sa pagtawa at tumingin sa kanya ng deretso.
"Ewan? Siguro? Ata? Hays! Hindi ko alam!"Sagot ko na lang kay Justine.
Kahit ako hindi sigurado sa kung anong meron sa ugali ng Jonax na yon.
"Akala ko ba matagal mo ng kilala yon pero bakit hindi mo alam yung ugali niya?"Tanong pa ni Justine.
"Alam mo, hindi naman kami close 'non kaya hindi ko nga talaga alam yung totoo niyang ugali pero dahil sa school ko lang naman siya nakikita edi ganung ugali na yung nakikita ko sakanya. Gets mo na ba?"Sagot ko.
Hindi naman nagsalita si Justine kaya naging tahimik kaming dalawa.
Sa totoo nga lang... Hindi naman ako interesado sa Jonax na yon dahil una sa lahat mukha lang siyang ewan!
d>>__<<b
"Halika na, balik na tayo sa Gymnasium baka biglang may dumating na teacher tapos wala ka baka magalit pa yun"Biglang aya ni Justine.
Napabuntong na lang ako.
Hays! Ayaw ko pa sanang bumalik sa Gymnasium kaso tama si Justine na baka biglang may dumating na teacher tapos wala ako baka mamaya magalit pa sakin dahil sila lang naman nagtitiwala saakin. Atsaka pag nakita nilang si Jonax ang nagtuturo dun baka si Jonax nga ipalit nila.
Tumayo na ako at sabay na kaming bumalik ni Justine sa Gymnasium.
LUCAS POV
Nagbabasa ako ng libro ngayon dito sa may library dahil wala naman akong gagawin atsaka nasa meeting yung Prof namin.
Kasama ko nga pala si Matthieu, kapatid ni Jonax. Nabo-boring din kasi siya sa classroom nila dahil halos lahat ng Prof may biglaang meeting ngayon kaya imbes na tumambay kami sa classroom kasama yung mga kaklase namin na maiingay edi sa Library na lang kami tatambay atleast tahimik at sobrang lamig pa nung aircon.
d^__^b
"Ahm nga pala... Kinakamusta ka sakin ni Lola Georgia kahapon"Napatigil naman ako sa binabasa ko ng marinig kong sabihin yun ni Matt.
"Atsaka hindi ko rin alam na magpinsan pala kayong dalawa ni Marxus. Mabuti na lang sinabi sakin ni Lola Georgia kahapon. Teka? Ano nga pala nangyari bakit parang hindi na kayo close ni Marxus? Sorry, napag-usapan kasi namin kahapon ni Marxus kung bakit hindi na kayo close dalawa pero ang sagot niya——"Hindi naman natuloy yung sasabihin ni Matt ng magsalita ako.
"Traydor siya!"
Nagulat naman si Matt dahil sa sinabi ko.
"Ha? S-si Marxus traydor? Bakit naman naging traydor yun eh mukha naman siyang mabait?"Takang tanong ni Matt. Binaba ko naman yung librong binabasa ko atsaka tumingin sa kanya.
Magkaharap kaming dalawa habang nag-uusap.
"Mukha lang siyang mabait pero traydor siya"Sagot ko ulit.
Nagtataka pa rin siya kung bakit sinasabi kong traydor si Marxus.
"Malalaman mo rin kung bakit ko sinasabing traydor siya. Kung ako sayo layuan mo na siya dahil baka traydurin ka rin niya tulad ng pagta-traydor niya sakin"Seryoso kong sabi. Pinagpatuloy ko naman ulit yung pagbabasa ko ng magsalita ulit si Matt.
"Bakit mo sinasabing traydor siya? Dahil ba sa babaeng gusto——"Hindi ulit natapos ni Matt yung sasabihin niya ng ibaba ko ulit yung libro atsaka tumingin sa kanya ng deretso.
"Ah basta! Hindi mo alam yun dahil siya at ako lang naman nakakaalam ng totoo"Sagot ko.
Nagsalita ulit si Matt.
"Alam ko ang totoo, Lucas. Sinabi saakin ni Marxus lahat dahil——"Hindi naman ulit natapos ni Matt yung sinasabi niya ng magsalita ako.
"Bakit mo pa inalam? Bakit kailangan mo pa alamin ang totoo? Hindi mo kilala ng lubusan si Marxus dahil——"Ako naman ang hindi natapos yung sasabihin ng magsalita ulit si Matt.
"Matagal ko na siyang kilala Lucas"Seryosong nakatingin sakin si Matthieu. "At ngayon ko lang din nalaman na ka——"Naputol naman yung sasabihin ni Matt ng biglang may pumasok sa Library.
Si Margaux.
"Nandito pala kayong dalawa"–Margaux.
"Ahm wala naman kasing gagawin ngayon kaya nagbasa-basa na lang kami ni Lucas hehe"Sagot ni Matt kay Margaux.
Hindi naman ako umiimik dahil bigla akong nawalan ng gana sa pagbabasa ng dahil napag-usapan namin ni Matthieu si Marxus.
Ngumiti lang si Margaux ng tipid kay Matt.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?"Tanong ni Matt.
"May hihiramin lang sana akong libro"Sagot ni Margaux.
Nakikinig lang ako sa pag-uusap nilang dalawa atsaka wala ako sa mood para makisali sa usapan nilang dalawa.
d-.-b
"Ah okay. Wala bang iniwan yung Prof na gagawin natin?"–Matthieu.
"Wala naman... Pinapauwi na nga yung mga estudyante eh kaso ayaw naman nilang umuwi haha"–Margaux.
"Bakit naman?"Natatawang tanong ni Matt kay Margaux.
"Hindi ko alam"Sagot naman ni Margaux tapos sabay silang natawa ni Matt.
Hays! Makaalis na nga lang tutal busy naman itong dalawa sa pag-uusap!
Tumayo ako na ipinagtaka naman nilang dalawa.
"Saan ka pupunta?"Tanong ni Matt. Inaayos ko naman yung mga librong binasa ko kanina.
"Ahm babalik na lang muna ako sa classroom, nakalimutan kong may gagawin nga pala ako"Sagot ko naman sa tanong ni Matt.
Hindi ko na inantay pa yung susunod na tanong o sasabihin ni Matt dahil agad na akong umalis sa Library at bumalik sa may classroom namin para kunin yung iba kong mga gamit dahil ang totoo wala naman talaga akong gagawin kundi gusto ko lang umuwi ng bahay at matulog.
After 20 minutes...
Pagkatapos kong kunin yung mga gamit ko ay saka na ako umuwi ng bahay.
At syempre pagkauwi ko sa bahay akala ko magiging tahimik na ang buhay ko kaso...
"Bakit ngayon ka lang?"
Hindi ko siya sinagot.
"Pwede bang wag kang bastos! Kinakausap pa kita"
Napapikit na lang ako. Ayaw ko siyang kausapin at ayaw ko din sana siyang makita kaso bakit nandito siya? Ano bang ginagawa niya dito sa bahay?!
Minulat ko naman mga mata ko saka deretsong tumingin sa kanya.
"Alam mo naman siguro kung bakit ganitong oras ako umuuwi dahil marami akong ginagawa."Seryoso kong sagot habang nakatingin pa rin sa kanya ng deretso. "Bakit ikaw? Bakit ka nandito? Diba may sarili ka naman bahay bakit ka pa nandito? Para ano?! Para guluhin ulit buhay ko na minsan mo na ring ginulo——"
"Hanggang ngayon pa rin ba Lucas, hindi ka pa rin naka-move on at nagagalit ka pa rin sakin kung bakit ako ang pinili ni Mariko noon kesa sayo! 4 years na nakakalipas kalimutan mo na yun dahil ako matagal ko na rin siyang kinalimutan at naka-move on na ako sa kanya!"Seryosong sabi sakin ni Marxus pero sa tingin niya ba madadala ako sa paganyan-ganyan niya? Pwes hindi!
"Naka-move on na rin naman ako saka wala na rin akong pake kay Mariko! Pero hindi ko pa rin malilimutan kung paano mo ako trinaydor! Ako naman dapat yung gusto niya eh kaso nga lang nung pumunta ako ng America nalaman ko na lang na kayo na pala! Sinabi mo pa nga sakin noon na hindi mo siya gusto dahil may iba kang gusto at si Margaux yung gusto mo noon at sinabi mo pa nga sakin na ligawan ko si Mariko kaso sinagot ko sayo na wag muna dahil masyado pa kaming mga bata pero anong ginawa mo ha?! Traydor ka! Tapos ngayon si Margaux naman yung gusto mo pero kahit kailan hindi ka niya gusto dahil alam niya kung anong klaseng ugaling meron ka!"Sagot ko kay Marxus.
Tinalikuran ko na siya saka na ako humakbang kaso nakaka-dalawang hakbang palang ako ng magsalita ulit siya.
"Kung iniisip mong inagaw ko sayo si Mariko pwes nagkakamali ka. Oo, ikaw nga yung ginusto niya kesa sakin pero dahil umalis ka... Hays! Sana inisip mo rin kung bakit iba yung ginusto niya dahil iniwan mo siya kaya wag mo akog sasabihang traydor dahil walang naging traydor sa ating dalawa! Ikaw lang mismo nag-iisip ng ganyan! At yung tungkol naman kay Margaux... Oo, gusto ko siya pero anong magagawa ko kung ayaw niya sakin"Kahit kailan hinding hindi ako maniniwala sa mga pinagsasabi niya!
Hinarap ko naman siya.
"Bakit sa tingin mo maniniwala ako sayo?! Hindi! Hindi ako maniniwala sayo tandaan mo yan!"Pagkatapos ko yun sabihin sa kanya ay tuluyan ko na siyang tinalikuran.
Nagkulong na lang ako sa kwarto ko ng bigla ko na lang naalala yung dati...
Close naman talaga kaming dalawa ni Marxus noong bata palang kami kaso nga lang ng dahil kay Mariko... Hays basta! Saka Half brother ko siya pero pinapalabas lang namin na magpinsan kaming dalawa.
Matagal na rin silang magkaibigan ni Matthieu na kaibigan ko rin.
Para nga rin kaming kambal dalawa ni Marxus dahil magkamukha kaming dalawa pero ang totoo mag-half brother kaming dalawa tulad ng sabi ko kanina. Sana walang malito kung sino si Lucas at kung sino si Marxus.
d>>__<<b
At yung tungkol naman kay Lola Georgia, totoong Lola namin siya ni Marxus kaso nga lang iba ang pagpapakilala namin sa kanya at nasabi naming mag-pinsan kaming dalawa ni Marxus. At ang kinikilala niyang apo ay si Marxus dahil noon hindi naman ako nagpakilalang apo niya.
Hays! Ewan ko nga kung bakit pinalabas pa namin na magpinsan kaming dalawa kahit ang totoo ay magkapatid talaga kaming dalawa.
Kaya maraming naniwalang magpinsan talaga kaming dalawa ni Marxus!
Napabangon naman ako sa pagkakahiga ng biglang nag-vibrate yung phone ko at nung icheck ko yung phone ko...
Tumatawag si Brylee.
Kumunot naman bigla yung noo ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya napatawag sakin.
Sinagot ko naman yung tawag niya.
"Oh bakit?"–Ako
"Nasaan ka?"–Brylee
"Nasa bahay bakit?"–Ako
"Bakit ka umuwi? Hays! Sasabay pa naman kami ni Justine sayo. Ahm pwede bang pumunta na lang kaming dalawa ni Justine diyan sa bahay mo?"–Brylee
Nabigla naman ako dahil sa sinabi ni Brylee.
"Huh? Wag!"–Ako
"Bakit naman ayaw mo? Diba dati naman gusto mong nandiyan ako? Nandito na nga si Justine at kumpleto na tayong tatlo saka ka naman aayaw tsk! Basta pupunta kami diyan atsaka baka magtampo si Justine sayo sige ka! Bye na ah punta na kami ni Justine——Babussshhhh!*End call"Napapikit na lang ako dahil hindi ko manlang napigilan si Brylee.
Well, totoo naman na gusto ko silang pinapapunta sa bahay at mag-sleepover kaso nga lang hindi ko nasabi na nandito si Marxus at ang alam din nilang dalawa ni Justine ay mag-pinsan kaming dalawa ni Marxus.
d>>__<<b
Humiga na lang ulit ako saka ko pinikit yung mga mata ko. Kaya nga ako umuwi ng bahay para matulog kaso nakaka-badtrip naman 'tong isa kung bakit umuwi pa dito sa bahay! May sariling bahay naman siya eh bakit hindi siya dun sa bahay niya?!
*Knock! Knock!*
Napamulat naman ako ng mata ng marinig ko yung katok na yon.
Bumangon naman ako para buksan yung pintuan. Pagkabukas ko naman ng pinto ay bumungad sa akin yung Maid namin.
"Sir, may bisita po kayo nasa baba"
Tumango lang ako sa sabi nung Maid namin atsaka na ito umalis. Inayos ko naman sarili ko saka ako bumaba at nakita ko naman yung dalawa na nasa salas.
Bigla naman tumayo si Brylee na nakaupo sa may sofa at bigla na lang niya akong sinungitan habang nakapamewang pa siya.
"Bakit naman ayaw mo kaming papuntahin dito? May tinatago ka ba na ayaw mong makita o malaman namin? Diba ikaw pa nga nagsabi samin na walang taguan ng sikreto so bakit nga ba ayaw mo kaming papuntahin dito?"Sunod-sunod niyang tanong habang masungit at nakapamewang pa rin siya sakin.
"Hindi naman sa pinagbabawalan ko kayo ah... Welcome naman kayo dito sa bahay namin kaso nga lang..."Hindi ko naman natuloy yung sasabihin ko ng biglang sumulpot si Marxus.
"Kayo pala yan, Brylee at Justine, musta na kayo? Tagal natin 'di nagkita ah"Bati niya sa dalawa habang nakangiti siya.
"Okay lang naman kami hehe. Ikaw ba? Parang ang laki ng pinagbago mo ah? Ahm napansin ko lang na magkamukha pala kayo ni Lucas"Sagot ni Brylee.
Bigla naman napatingin sakin si Marxus pero agad din siyang umiwas.
"Ahm... Lalabas lang ako"Biglang paalam niya tapos umalis din siya agad.
"Buti naman nagparamdam din pinsan mo. Ang tagal kasi naming hindi nakita ni Tine si Marxus eh"-Brylee
"Oo nga, namiss ko si Marxus"-Justine.
Hindi naman ako sumagot.
"Wow ha?! Parang ang tagal niyong hindi nagkita ah"Natatawang sabi ni Brylee.
"Syempre nasa America ako 'non"Sagot naman ni Tine.
"Hays! Bakit nga pala kayo napasugod ditong dalawa?"Tanong ko na lang dahilan bigla silang napatingin sakin.
Sumagot naman si Justine.
"Maglalabas lang sana kami ng sama ng loob"Sagot ni Justine dahilan biglang matawa si Brylee.
"Masama loob ni Tine dahil nilibre siya kanina ni Jonax ng kwek-kwek samantalang 6k yung nagastos niya kahapon dahil dinala siya ni Jonax sa mamahaling Restaurant haha"Sabi ni Brylee habang tumatawa.
Natawa naman ako dahil inuto lang pala siya ni Jonax.
"Sus! Baka mamaya bigla ka nalang bumigay dun"Biro kong sabi kay Justine.
"G*go! May foods ba kayo diyan? Pwede bang makikain kasi bitin yung libre sakin ni Jonax eh"Sagot ni Justine.
"Edi kumain ka haha! Tara, sa kusina tayong magkwentuhan"-Ako
Dumiretso naman kami sa kusina at naunang umupo si Justine saka nagsandok ng kanin at ulam dahil halatang ginutom talaga siya ni Jonax. Haha!
"Napaka-kuripot naman ni Roxas! Kwek-kwek lang nilibre sa amin"Biglang reklamo ni Brylee.
"Akala ko ba si Justine lang nilibre niya pero pati din pala ikaw?"Natatawang tanong ko.
"Syempre magkasama kaming dalawa ni Justine edi nilibre niya na rin ako tapos sobrang kuripot pa dahil tatlong kwek-kwek lang nilibre sakin tapos kay Justine anim na piraso hmp"Reklamo na naman ni Brylee. Hindi ko naman mapigilang matawa ng malakas dahil sa sinabi ni Brylee.
Hay... Buti na lang pala nandito silang dalawa kaya nawala yung bad mood ko kanina kay Marxus.
"Pero alam mo ba Lucas, may crush ata si Jonax kay Justine"Patuloy na sabi ni Brylee dahilan biglang nabulunan sa pagkain si Justine samantalang gusto ko naman matawa kaso balak kong asarin si Justine. Haha!
"Hoy! Ipreno mo nga yang bibig mo! Kung ano-ano na lang pinagsasabi mo!"Kung kanina si Brylee nagre-reklamo pero ngayon si Justine naman yung nagre-reklamo.
Pero sa totoo lang gusto ko talagang tumawa ng malakas kaso nga lang aasarin ko muna si Justine.
"Si Jonax, may crush kay Justine?"Pigil tawa kong tanong.
Bigla naman tumingin sakin si Brylee.
"Oo, kasi habang kumakain si Tine ng kwek-kwek nakatingin lang siya tapos napapangiti pa bwahahahaha! Bakla ata yon eh!"Sagot ni Brylee.
"Whews! Hindi naman yon nakatingin eh atsaka wala akong pake sa lalaking yon!"Sagot din ni Justine kay Brylee. Inasar ulit siya ni Brylee.
"Weh? Wala daw pake pero nagbu-blush ka kanina yieee!"Pang-aasar na sabi ni Brylee.
"G*go! Wag nga ako Brylee!"Sagot ni Justine kay Brylee habang patuloy pa rin siyang inaasar.
Pinapanood ko lang silang mag-asaran dalawa pero hindi ko talaga mapigilang matawa. Parang biglang nawala yung inis ko kanina.
"Tsk! Pakealam ko kung marami siyang naging girlfriend!"
"Bakit selos ka?"
"G*go ka ba ha Brylee! Pag dika tumigil diyan sasakalin talaga kita!"
"Eh basta nagseselos ka haha! Ako na rin nagsasabi sayo na play boy yon pero baka pag ikaw naging ano niya... Sigurado akong ONE HUNDRED PERCENT talo niyo pa yung mga sikat na loveteam sa mundo haha! TEAM JOJU!"
"Corny mo! May pa-team JoJu ka pa nalalaman diyan! Kumain ka na nga lang!"
"Whews! Pero type mo ba si Jonax?"Natatawang tanong ni Brylee kaso hindi siya sinagot ni Justine.
Hindi naman na siya inasar ni Brylee dahil hindi sumagot si Justine at mukhang na-bad mood.
At dahil natigil naman na yung pag-aasaran nilang dalawa dahilan para ako naman ang umeksena at mang-asar.
Haha!
"Gwapo naman talaga si Jonax eh kaya maraming nagkaka-crush sakanya at isa kana dun"Pang-aasar ko naman sabi dahilan biglang napatingin sakin si Justine samantalang tawa ng tawa naman si Brylee.
"Pati ba naman ikaw aasarin mo ako?! Ano bang tingin niyo sakin bakla ha?!"Kunot noo tanong ni Justine dahilan bigla kaming napasagot ni Brylee.
"Oo!"Sabay naming sagot ni Brylee.
Kumaripas naman kami ng takbo ng bigla kaming habulin ni Tine hanggang sa magpaikot-ikot lang kami dun sa may lamesa.
Haha!
"Pag nahuli ko lang kayong dalawa humanda kayo sakin!"Nagbabantang sabi ni Justine tapos pinakita pa niya sa amin yung kamao niya na nakakuyom.
"Kung mahuhuli mo bleh!"Nang-aasar na sagot naman ni Brylee tapos nagsimula ulit kaming magpaikot-ikot sa lamesa.
Nang mahuli naman kami ni Justine ay bigla na lang niya kaming pinagsusuntok sa braso pero mahina lang naman samantalang tawa lang kami ng tawa ni Brylee dahil sobra kaming natatawa sa reaksyon ni Justine.
Nang mapagod naman kaming magharutan ay kumain na lang kami.
"Sa Sunday dito kami matutulog ah"-Justine
Ngumiti naman ako.
"Sige ba!"Sagot ko.
Pagkatapos naman naming kumain ay niligpit na nung Maid namin yung pinagkainan namin tapos nagpaalam na rin si Justine at Brylee.
Umakyat na lang ulit ako at nagpahinga sa kwarto ko.
—
PLEASE DON'T FORGET TO
COMMENT. VOTE & FOLLOW!
THANKS A LOT!