Wanted: Mr. Perfect (Publishe...

By xMissYGrayx

3.5M 89.5K 8K

Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard... More

Wanted: Mr. Perfect
Perfect 1: Agent X
Perfect 2: Price tag
Perfect 3: Epic Fail
Perfect 4: Babe or Babae?
Perfect 5: What's your fantasy?
Perfect 6: Jealousy is the ugliest trait
Perfect 7: Garreth
Perfect 8: Walang Iba
Perfect 9: When Curiosity Strikes
Perfect 10: Kumain Ka Ng Suman
Perfect 11: Bakit pa-fall?
Perfect 13: #PrayForAshleyEsqueza
Perfect 14: Pinoy Style
Perfect 15: Harana nga ba na maitatawag?
Perfect 16: Pusang gala naman, oh.
Perfect 17: How to learn to kiss?
Perfect 18: No Rules
Perfect 19: Confused dahil sa selos?
Perfect 20: Galleon Ship
Perfect 21: Horror House
Perfect 22: Describe mo nga!
Perfect 23: Hugot pa, Ashlita.
Perfect 24: Hugot Part Two
Perfect 25: Ikaw Lang
Perfect 26: Thank you, sagad.
Perfect 27: Possessive Garreth?
Perfect 28: Pushing and Pulling Me Down To You
Perfect 29: Tanga Na Kung Tanga
Perfect 30: Bugbugin Kita Dyan!
Perfect 31: Giling Mo Lang
Perfect 32: May The Best Man Win
Perfect 33: Today Was A Fairytale
Perfect 34: Nasa Huli Ang Pagsisisi
Perfect 35: I Choose You
Perfect 36: Trouble
Perfect 37: Another Mishap
Perfect 38: She Will Survive
Perfect 39
Perfect 40
Perfect 41
Perfect 42
Perfect 43
Perfect 44
Perfect 45
Perfect 46
Perfect 47
Perfect 48
Perfect 49
Perfect 50
Perfect Epilogue

Perfect 12: Torn In Between

59.3K 2K 274
By xMissYGrayx

Add me up on facebook: xmissygrayx/ MissYgray WP 

IG: xmissygrayx

#WantedMrPerfect

******************************************

Sa totoo lang, biglang sumakit ang tyan ko. Hindi na ako mapakali at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatingin padin sa akin si Garreth samantalang si Josa, katulad ko hindi padin makagalaw sa kinatatayuan.

Nagulat ako ng biglang hilahin ni Hunter ang braso ko. Lumabas kami ng kusina na pilit padin ako na nilalayo kay Garreth.

Humarang si Garreth sa dadaanan namin ni Hunter. Lalo tuloy ako napahawak sa towel sa katawan ko.

“I meant what I said, Ashley. I’m here to kidnap you.” Sabi nito na may ngisi padin sa labi.

Tinulak ito ni Hunter dahilan upang mapaatras si Garreth ng konti. “Fuck. Off.”

Actually, nakakatakot ‘yung boses niya. Ngayon ko lang narinig si Hunter na magseryoso ng ganyan. Hinila nanaman ni Hunter ‘yung kamay ko paderetso sa kwarto. Bago naman kami pumasok nakita ko ‘yung kambal sa labas, naguguluhan sa nangyayari.

 Agad ni-lock ni Hunter ‘yung pinto.

Kinuha nito ‘yung mga damit namin at mabilis na inilalagay sa maleta. Nakayakap padin ako sa sarili ko.

Oh my God..

Oh my God..

He’s here. He’ll probably kill me..

“May komunikasyon kayo, Ashley?” galit na tanong ni Hunter habang hinahagis ‘yung mga damit sa maleta.

Umiling ako. “He was texting me these past few days, Hunter. Hindi ako nagrereply. Hindi naman communication ‘yun ‘diba?”

Padabog nitong zinipper ‘yung maleta. “Fuck, Ashley! Bakit hindi mo agad sinabi!”

“Malay ko ba na mahahanap niya tayo. I didn’t know! Ang akala ko nananakot lang talaga si’ya!”

“You didn’t know? Ano ngayon gagawin natin? Ashley, gumising ka nga! Andito na si Dragon at kikidnapin ka! Fuck!”

“Hunter naman..” natatakot kong sabi. “Ayoko makidnap! Ayoko pa mamamatay!”

“Sana sinabi mo nung una palang na nagtetext na si’ya sayo! Ano textmate ba kayong dalawa?”

“God, no!”

May hawak itong damit at hinagis sa akin. “Magbihis ka dali! Aalis tayo!”

“Mamamatay na ba ako?”

Tiningnan niya ako na parang ang tanga ng tanong ko.

“Hunter, ayoko pa mamatay! Itatapon niya ba ‘yung katawan ko sa dirty ocean? O paghihiwalayin muna ito? Hunter naman!”

Hindi na ako sinagot nito, tumalikod si Hunter sa akin. Maya maya narinig ko na may kausap ito sa phone.

“Agent X speaking. This is an emergency call. Dragon is here. Do you hear me? Dragon is here. I need a back up. Copy? Damn!”

Nasuot ko na ‘yung jeans at t-shirt na binigay niya sa akin. Nagulat ako ng ihagis ni Hunter ‘yung phone niya. Mukha talagang galit na galit ito.

Sumilip si Hunter sa bintana. Alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.

“Hunter, hindi ako tatalon dyan!”

Naalala ko kase ‘yung pinagawa saken ni Garreth dati. Napatalon ako lalo nang mag-ring ‘yung iphone ko. Sigurado ako namutla ‘yung mukha ko dahil sa nakita kong pangalan.

Garreth calling..

“Sino yan?” tanong ni Hunter.

“H-him..”

“Siya din ba ‘yung tumawag kagabi?”

“Y-yes?”

“Ashley Esqueza!” sabi nanaman nito na parang sobrang sakit na ng ulo niya sa akin. “Paano tayo lalabas ngayon? Tatalon tayo sa bintana o mahuhuli ka niya?”

But my face.. Baka masugatan ang maganda kong mukha. Plus, ‘yung katawan ko pa pala. Baka magkasugat nanaman. No!

“Takbo tayo! Magtatalukbong ako ng kumot!”

“Babae!” nangigigil na sabi nito.

“Ilagay mo ko sa loob ng maleta! Pagkakasyahin ko ‘yung sarili ko dyan!”

 “BABAE!”

Napatalon ako sa pagbukas ng pinto. Shiat, nakita ko si Garreth! Nakangiti si’yang pang-demonyo sa akin. I can’t, no, no, no!

Tumingin ito sa kama. “Wow, thanks, nakahanda na pala ‘yung gamit ng kikidnapin ko. Come here to your kidnapper, Ashley.”

“No!” sigaw ko na umiiling habang paatras ng paatras ‘yung paa ko palayo sa kanya.

“Bad girl. Let’s go.” Hinawakan ni Garreth ‘yung kamay ko.

Sakto naman naramdaman ko hinila ni Hunter kabilang kamay ko. “Magkakamatayan tayo, this time, Garreth. Alam mo ‘yan.”

“Nung last time ba hindi pa? Trust me, I’m better than that. Come on, Ashley.”

Hinila ni Garreth ‘yung kamay ko palabas.

Hinihila naman ni Hunter papasok sa loob.

Parang mahahati na ‘yung katawan ko sa ginagawa nila. Nahihilo na din ako. Hindi naman ako laruan para hila-hilahin lang! Alam ko mukha akong Barbie! Pero hindi naman ganon ‘yung katawan ko, na kapag natanggal pwedeng ibalik!

Ang sama pa ng tingin nila sa isa’t isa parang magpapatayan talaga sila. Lord, natatakot na ako dito. Paano kapag naglabas ‘yan ng baril? At tamaan ang magandang mukha ko?! Paano?!

Kusa na binitawan ni Garreth ‘yung kamay ko. Nauntog tuloy ako sa katawan ni Hunter. Nanlaki ang mata ko ng maglabas si’ya ng baril!

Oh my fact!

Pero mas lalo akong kinabahan ng naglabas din si Hunter at itinutok dito.

Oh my facts!

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung saan ako magtatago. Ayoko pa mamatay! Di ba pwedeng tumanda muna? Oh no! Kinasa ni Garreth ‘yung baril niya, ganon din si Hunter.

Napanganga ng sobrang laki ‘yung bibig ko. Magpapatayan sila sa harap ko?

“H’wag!” nagulat din ako sa ginawa ko.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa. Kahit nanginginig na talaga ‘yung tuhod ko at sumasakit ‘yung tyan ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba!

“H’wag kayo magpatayan sa harap ko!” napalunok ako habang tumitingin sa kanilang dalawa.

Garreth tilted his head, still smirking.

Tinutok sa akin ‘yung baril. “Ikaw na lang, kung hindi ka sasama.”

Narinig ko ‘yung sarili ko na biglang humagulgol. “H’wag ako! Sige na, magpatayan na lang kayo! H’wag lang ako at ‘yung mukha ko!”

“Babae, bumalik ka dito sa likod ko.” utos ni Hunter.

“H’wag kang babalik sa kanya, Ashley.”

Nakataas padin ‘yung mga baril nila. Hindi ko alam kung sino ‘yung susundin ko. Sino nga ba?!

Pahakbang palang ako ng may magsalita nanaman sa kanila ulit.

“Ashley, ipuputok ko talaga ‘to.” Pananakot ni Garreth.

“Babae, sundin mo ‘ko kahit ngayon lang.”

“Ashley, hindi ako nagbibiro.”

“Babae, h’wag ka naniniwala sa kanya.”

“Ashley, mamatay ka o sasama ka?”

“Babae, isa. Sundin mo ‘ko.”

Parang nagmamakaawa na ‘yung boses ni Hunter.

Eh, hindi ko naman talaga alam kung sino ‘yung susundin sa kanilang dalawa! Kahit gusto ko tumakbo sa pwesto ni Hunter may nakatutok na baril sa akin. Ang mas malala pa baka barilin nga ako ni Garreth! At tamaan ako sa mukha!

Narinig ko ang mga kaluskos mula sa pinto. Andun sila Josa, Joseng, Andeng at ang kambal. Tinakpan agad ni Andeng ‘yung mukha ng kambal ng makita ‘yung nangyayari sa amin.

“Joseng, ilayo mo ‘yung mga bata dito!” sigaw nito.

Napalunok ako agad naman sinunod ‘yon ni Joseng. Parang mga istatwa din na naiwan nakatayo sila Josa at Anddeng, katulad ko hindi alam ang gagawin.

“Ashley, magbibiglang ako ng lima.”

“Babae, humakbang ka papalapit sa akin.”

“Ashley, anong gagawin mo kapag si Hunter na lang ang papatayin ko?”

“Babae, wala akong pakialam. Lumapit ka lang sa akin.”

“Ashley, kapag wala ka pa sa tabi pag bilang ko ng lima. Tutuluyan ko si Hunter sa harap mo.”

“Babae, h’wag mo pakinggan sinasabi niya.”

“Ashley, isa.”

Natakot ako. Pikit mata akong humakbang ng isang beses papalapit kay Garreth.

“Babae, ‘di ba bodyguard mo ‘ko? Pagkatiwalaan mo ‘ko kahit ngayon lang.”

“Ashley, dalawa.”

Humakbang ulit ako papalapit kay Garreth. Nanginginig ang tuhod ko, mas sumasakit pa ‘yung tyan ko. Am I doing this right? Tama ba? I don’t want him to die because of me. No.

“Babae, nangako ako sa kapatid mo na po-protektahan kita.”

“Ashley, tatlo.”

Hindi ko alam, pero kusa na humahakbang ‘yung paa ko papalapit kay Garreth. Po-protektahan? Dahil sa pangako niya ni Zach, tama?

“Babae..”

“Ashley, apat.”

Isang hakbang na lang nasa harap na ako ni Garreth. Inilapit nito ang kamay niya sa harap ko. Habang ‘yung isa naka-angat padin at nakatapat kay Hunter.

“Babae, h’wag parang awa mo na.. H’wag kang hahakbang..”

Nakita ko ‘yung reaksyon ni Josa, mukha itong nagulat sa sinabi ni Hunter. Kahit ako nagulat sa pagmamakaawa niya. Tinitigan ko si Josa na biglang namutla sa pagkarinig ng boses ni Hunter.

“B-bakit?” tanong ko.

“Lima, Ashley Esqueza.” Sabi ni Garreth.

“Dahil hindi ko kayang mawala ka.”

 

Continue Reading

You'll Also Like

52.5K 2.3K 31
Aisleen has lived her life to the fullest. She has always been the life of the party until an accident turns her supposed bright life dark. Strugglin...
764K 4.6K 6
Milk Gaudino, a twenty one year ol brat Matured woman. She loves mystery until one day she discovered something that will make her life in dangered...
22.8M 512K 50
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...
25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...