Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 41:

491 19 2
By donnionsxx04

Pagpapatuloy...

DYLAN LORENZO POV:)

Nakaupo ako sa isang upuan sa tabi ng hinihigaan ni Mama habang hawak ko ang kamay nito at mahimbing pa ring natutulog. Magda-dalawang oras na siyang tulog at dahil sa tinusok na gamot na pampatulog dito. Ito naman ginagawa pag inaabutan si mama, tinuturukan ng pampakalma at pampatulog.

Habang namamayani ang katahimikan sa kwarto, bumukas na lamang ang pinto. Ayaw ko lingunin para malaman kung sinong tao ang pumasok. Nanatili lamang akong nakatingin kay Mama na tulog pa rin.

"Kanina ka pa ba?" Agad ko naman nakilala ang nagsalita iyon.

"Oo." Malumbay na sagot ko at nanatiling nakatingin kay Mama.

Lumapit ito sa kinaroroonan ko. Pinagmasdan din nito si Mama pagkalapit sabay ayos ng kumot ni Mama. Mapupungay na mata na tumingin na rin ako sa wagas kay Papa. Bakas na rin sa mukha ni Papa ang katandahan, tumanda na siya dahil sa lungkot dahil sa sitwasyon ni Mama.

"Bakit hindi mo sakin sinabi kaagad nangyari kay Mama?" Nagtatampong sabi ko.

"Ayaw ko kasi mamroblema ka na naman." Sagot ni Papa na nakabaling lang kay mama.

Walang magawa kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Bumaling ulit ako kay mama sabay halik ng palad nito na hawak ko pa rin. Di ko rin masisisi si Papa kung bakit di niya sa akin sinabi kaagad. Iniisip rin niya ako at hindi lang si Mama.

"Wala na ba talagang pag-asa gumaling si Mama?" Naituran ko na lamang.

"Hindi ko alam pero sana nga gumaling na siya at bumalik na siya sa dati." Sagot lamang ni Papa sa akin.

Sana nga, gumaling na nga siya...

MANDY YU POV:)

Sino ba kasi ang babae ni Dylan? Lintik naman kasi! Kagabi pa ko walang tulog dahil sa kakaisip ng babae niya. Halos nilibot ko ang buong restaurant, wala akong nakitang Dylan. Feeling ko tuloy, pagkatapos nila kumain baka...

Hinahalikan ni Dylan ang leeg ng babae sabay tinulak pahiga sa kama. Parang uhaw na nakatingin lamang ang babae habang nakakagat labi. Dahan-dahan hinubad ni Dylan ang damit at tumambad ang solidong abs nito.

"Let's enjoy tonight baby." Nakakaakit na sabi ni Dylan na may nakakaakit rin na ngiti sabay patong sa babae.

Napailing-iling na lamang ako sa imagination na iyon. Halos naigusot ko ang ang ulo ko sabay sabunot ang buhok ko dahil sa imahinasyong iyon.

"Takte! Bakit sarili ko naiimagine ko na ako yung kaanuhan nya? Hayst!" Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa kakahiyang pinag-iimagination ko."Sino ba kasi ang babae nya!" Gigil kong sabi pa.

Pagbukas ko ng pinto, natigilan na lamang ako sa tangkang pagpasok. Nanlaki mata pa ako nang ma-realize ang lahat. Ano ginagawa ko sa office ni Dylan? Gagi!

Natigilan naman si Kuya Ramon sa pag-lagay ng coupon band sa printer. Gulat lamang na nakatingin ito sa akin.

"May kailangan kayo, Miss Mandy?" Tanong nito sa akin.

"Uhm." Naituran ko lamang.

Wah! Bakit dito ako pumunta? Shunga pa itong mga paa ko? Bakit dito pa ako dinala. Hayst!

Tarantang hinanap ko naman si Dylan. Walang Dylan nasa loob ng office. Asan na naman kaya iyon?

"S-si Dylan?" Tanong ko nalang. Ano naman iisipin kong rason? Kaya naman pumupunta ako dito dahil si Dylan payag ko wala nang iba.

"Umalis po." Sagot nito.

"Saan pumunta?" Tanong ko. Naglalakwatsya na naman ang unggoy na iyon. Tsk!

"Di ko po alam." Sagot lamang nito.

"Okay." Sabi ko nalang sabay sarado ng pinto.

Mabilis na umalis agad ako. Tumigil kaagad ako nang maalala na naman katangahan ko. Gosh! Bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Di ko gusto si Dylan! Tandaan nyo yan mga paa ko! Si Johnser dapat mapangasawa ko para negosyo. Okay?!

Bahala na nga!

Lumiko ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Pagbukas ko ulit ng pinto, natigilan na naman ako. Para akong naka apak ng putik at naghihinayang akong humakbang dahil sa puting sapatos na suot ko. Doon ko ulit na-realize na bumalik na naman ako sa office ni Dylan.

Natigilan naman sa pagtangkang pag-upo ni Kuya Ramon. Takang-taka na nakatingin lamang ito sa akin. Magsasalita na sana ito nang inunahan ko na.

"May sasabihin sana ako kaso nalimutan ko. Sige." Sabi ko sabay sara ng pinto. Pagkasara parang baliw na naisabunot ko ang sarili ko halos nagpapadjak pa ako sa kahihiyang pinaggagawa ko."Kainis ka, Mandy! Bwisit na Dylan kasi yan. Grrghh!" Mahinang sabi ko at nagdadabog pa rin sa inis na naglakad na ako paalis.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Hello my future son-in-law." Bati ng boses babae na sa tingin ko nasa 40+ na ang edad.

Gusto ko man makita pero nag-aalinlangan akong lumingon. Di ko dapat kalimutan na jannitress lang ako dito at di ko ka-level ang mayayaman tulad ni Sir Johnser. Kumbaga dalat respetuhin ko sila at alam ko ang lugar ko dito.

Bakit future son-in-law? Ikakasal na si Sir? Nanay ito ng mapapangasawa niya? Wait! May girlfriend si Sir?

Tumayo sa kinauupuan si Sir Johnser."Have a seat, Tita." Sabi niya dito at lumapit sa kinaroroonan nito.

Naupo naman yung babae sa sofa pati si Sir Johnser. Nilapag ng babae sa gilid ang bag niyang mamahalin. Nag de-kwatro pa ito ng upo.

"Habang tumatagal, gumaganda office mo ah? Madami nagbago." Sabi ng babae habang lumilingon sa palkgid ng office ni Sir.

Nagpatuloy lamang ako sa paglilinis.

"Napadalaw kayo, Tita?"

Bumaling ulit ito ng tingin kay Sir."May pag-uusapan kasi tayo about sainyo ng anak ko. Pero bago iyon, hmmm excuse me." Tila ako ang tinatawag.

Dahan-dahan na lumingon naman ako. Bahagyang nagulat ako nang makilala ang babae. Wait! Siya yung...saan ko ba ito nakita?

"Paki-timpla kami ng kape." Utos nito.

"Ah, sige po." Tarantang sabi ko kaagad sabay lagay ng maliit na tela sa gilid.

Aalis na sana ako nang biglang nagsalita si Sir na dahilan napahinto ako.

"No." Pigil nito. Napataas-kilay na napatingin ako dito."Hindi ka magtitimpla ng kape." Dugtong nito.

Takang-taka na napatingin ang babae kay Sir Johnser. Ano pinagsasabi ni Sir? Di ba, katulong naman ako dito, bakit pinipigilan niya ako? Ano nalang kung iba isipin ng bisita niya?

"You stay here. Tatawagan ko si Ramon para siya na magtimpla ng kape." Seryosong sabi pa niya sabay kuha ng cellphone sa kanyang coat at tinawagan nga."Timplahan mo kami ni Tita Lorisette ng kape. Now." Sabi niya sa kabilang linya sabay balik ulit sa coat nito ang cellphone. Medyo umaliwalas na ang ekspresyon na bumaling ulit siya sa babae."So, Tita, ano ba pag-uusapan natin?"

Napaawang lamang ang bibig at di parin makapaniwala sa ginawa ni Sir Johnser. Di magawang makapagsalita ang babae at napapapikit-pikit na lamang siya ng mga mata. Sa huli, tagumpay na nagsalita na siya.

"A-about s-sa kasal nyo ni M-mandy." Nauutal na sabi nito nang gumana na ang utak nito.

Medyo awkward dahan-dahan na bumalik ulit ako sa bookshelve at nagkukunyaring naglilinis. Bakit pa ba ako nandito? Tapos na ko maglinis, dapat umalis na ako. Saka mukhang napaka-private pag-uusapan nila. Dapat umalis na ako kasi di naman ako kailangan na dito.

Ikakasal na pala si Sir. Sino naman jowa niya? Bakit di ko alam?

"Wag kayong mag-alala, Tita. Kung ano ang desisyon ni Tito Leandro at ni Papa, gagawin ko para sa family business natin." Nakangiting natural sagot ni Sir dito.

"Di na ko makapaghintay na maging manugang kita." Sabi nito sabay tawa na akala mo yung pabebeng matanda.

Ngumiti lamang ng natural dito si Sir.

Di nagtagal, dumating na nga si Kuya Ramon dala ang kape. Nilapag dahan-dahan nito ang kape na nasa tray at nilagay sa tapat ng dalawa. Pagkatapos, nag-bow pa ito saka lumayo. Palihim na nakatingin naman ako sa mga dito habang nagkukunyaring naglilinis.

Kukunin na sana ng babae yung kape na di sinasadyang natumba niya ang baso at nagkalat sa babasaging lamesa ang kape.

"I'm sorry." Maarteng pagkakasabi hinging pasensya nito.

"It's okay, Tita."

"Miss, palinis nito." Tawag ulit sakin ng babae.

Mabilis naman lumapit ako sa kanila. Pupunasan ko na sana ng telang puti nang napatigil ako nang may humawak sa wrist ko. Tiningnan ko naman ang taong nagmamay-ari ng kamay na iyon at bahagyang napakunot ang noo ko nang makitang si Sir Johnser ang pumigil sa akin.

Gulat naman ang babae sa nasaksihan halos napasinghap pa ito habang nakatingin sa kamay ni Johnser na nakahawak sa kamay ko. Si Kuya Ramon naman ay tahimik na nakatayo pero bakas rin sa mukha nito sa gulat na nasaksihan.

Umiling-iling si Sir Johnser na kinalito ko naman."Wala akong sinabi na ikaw maglilinis yan." Napaka-romantikong boss na sabi ni Sir Johnser. Nakaramdam naman ako ng malisya sa sinabi nito. Dahan-dahan na ako nito binitawan at bumaling siya sa assistant niya."Ikaw maglinis nito." Utos nito dito.

"A-ah? Ah! Sige, sige po." Tarantang sabi nito.

Binigay ko naman dito ang tela. Napaatras pa ko palayo dito na simulang linisan nito ang mesa na natapunan ng kape. Dahil sa pagpunas ni Kuya Ramon, nasagi niya ang baso kaya nahulog at nabasag. Kukunin ko na sana ang basag na baso nang pigilan ulit ako ni Sir Johnser na kinatigil naman ni Ramon at nanlalaki naman ng mata ang babae.

Tiiningnan ko ang kamay ni Sir na nakahawak sa kamay ko sabay baling sa kanya.

"Wala akong inutos na gawin iyan." Seryoso ang mukha na sabi nito.

Nag-aalinlangan na tumayo ako at bahagyang lumayo. Napakamot na lamang ako sa ulo. Mga pinaggagawa ni Sir, alam kong iba iisipin ng ibang tao. Janitress ako pero bakit parang bisita ako dito?

Napahawak naman ang babae sa noo sabay pinaypay ang kabilang kamay na akala mo aatakehin at hihimatayin.

"You?" Napatingin naman agad ako kay Sir."Linisan mo ang CR." Utos niya sa akin.

"Ah, opo." Sabi ko sabay bow. Pagkatapos, mabilis na tinungo ko ang CR.

THIRD PERSON POV:)

"Gusto mo ba tulungan kita?"

Napatingin na lamang si Ros sa sinabi ni Mr. Kailes na nakaupo pa rin sa swivel. Nanatiling nasa bulsa pa rin ang mga kamay niya. Nakatingin lamang ng seryoso sa kanya ito na tila bukal sa puso nito na tulungan siya.

Bahagyang ngumiti siya."Salamat sa pag-prisinta mo pero..."Tumingin muna sa ibaba si Ros sabay angat ulit ng ulo."Gusto ko, ako tutuklas ng nakaraan ko." Sagot niya dito.

Tumayo sa pagkakaupo si Mr. Kailes at lumapit sa kanya. Nang nasa tapat na niya ito, dahan-dahan ito tumanaw sa labas at pinagmasdan ang kalawakan ng maynila. Bumuntong-hininga pa ito bago magsalita ulit.

"Magulo ang mundo. Hindi tayo sigurado sa buhay natin pero..." Bumaling ito sa kanya."...pag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako." Nakangiting dugtong ni Mr. Kailes sabay hawak sa balikat nito.

Pagkatapos ay bumalik na ito sa table nito at pinagpatuloy ang ginagawa.

Nakatingin lamang si Ros dito at iniisip ang mga sinabi nito.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Lady Beth!" Tawag ni Ros sa akin pagkalapad ng building. Parang bata na kumakaway ito habang may malaking ngiti sa mukha nito.

Nakangiting tumakbo naman ako papalapit dito.

"Kanina ka pa?" Tanong ko kaagad dito pagkalapit.

"Di naman." Sagot niya sa akin."Okay na ba ang sugat mo?" Tanong nito. Tinutukoy nito ang sugat ko sa tuhod. Nadapa ako kagabi di ba? Napaka-clumsy ko kasi.

Bahagyang tinaas ko ang tuhod ko para ipakita ang tuhod ko na naka-band aid pa rin ang sugat.

"Malayo 'to sa bituka." Sabi ko sa kanya sabay ngiti."Tara na? Gusto mo street foods tayo?" Yaya ko na sa kanya.

"Game." Payag naman ni Ros kaagad.

Himawakan niya ang kamay ko at tumakbo halos muntikan pa ko matampilok. Parang bata na tumatakbo kami at makapunta kaagad sa sakayan ng bus.

MANDY YU POV:)

"Wala pa rin siya?" Tanong ko kay Ramon pagkabukas ng pinto ng office nila.

Naabutan ko ito na nag-aayos na para umuwi.

"Wala pa, Miss Mandy. Baka bukas na iyon papasok." Sagot nito pagkasuot ng bag.

Tumango-tango na lamang ako. Umalis na nga ako. Malungkot na naglakad na ako para umuwi na rin. Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Buong araw na wala akong energy at buong araw rin pabalik-balik ako sa office ni Dylan para icheck siya. Di ko alam bakit nagkakaganito ako. First time ko maranasan ang ganito na di kompleto ang araw ko pag di ko nakikita o nakukuha ang gusto ko.

Siguro lalagnatin ako kaya ganito pakiramdam ko. Kailangan ko na ata magpa-check up sa doctor. Baka nababaliw na ako.

Malungkot pa rin na sumakay ako ng kotse ni Daddy. Pauwi na rin kami sa bahay para magpahinga na. Wala sa mood na nakatingin pa rin ako sa kawalan at di ko napapansin ang bangayan nila Mama at Papa halos di ko naririnig dahil sa pagmumuni ko.

Natigil nalang ang pagmumuni ko nang tawagin ako ni Papa.

"Yes, Daddy?" Tanong ko.

"Kausapin mo nga 'tong mama mo. Kanina pa 'to. Akala mo mahihimatay na." Naiinis nang sabi ni papa.

Tiningnan ko naman si Mama. Nakaupo sila sa front seat at ako lang ang nasa backseat. Hinawakan ko naman ang balikat ni Mama.

"Why, Mom? Is there any problem?" Tanong ko.

"My god! Di ako maka-get over kanina." Nakahawak sa ulo na parang nai-stress.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Ayaw ko magmalisya pero parang napaka-importante sa kanya ang janitress na iyon." Bumaling sa akin si mama."Mukhang may gusto si Johnser sa babaeng iyon. Oh my god!" Chismis ni mama sabay hinawakan ang noo na tila nai-stress.

"Ah?" Bulalas ko sa narinig.

To be continued...

Guys download kayo ng Dreame o Yugto.
Support nyo naman ako doon.
Username: Lovely Adeline
Follow nyo fb page ko: Lovely Adeline xxx
Magpapalaro ako sa susunod at money papremyo. Lablab🥰💖

Continue Reading

You'll Also Like

34.9K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...
29K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18