Emerald: A Precious Stone Pla...

By DreamyNaAuthor

281 0 0

Emerald: A Precious Stone Planet The Saga Begins Since ©2005 Isang childlike ngunit mapagmahal at masayahing... More

Copyright & Time Frame
Dedication
Foreword
Introduction
Prologue
Epigraph

Gem №.1: Phantasm Began

59 0 0
By DreamyNaAuthor

Malalim man ang buntong-hininga ni Mito, siniguro niyang hindi ito maririnig ng dalagang kanina pa niya kausap. Kahit pa nga, halata na hindi nakatuon sa kanya ang atensyon nito.

Gayunpaman, mas nagpursige pa siyang ituon ang paningin sa kabuuan ng nakaupong si Kaitchi. Nagtatahi ito ng costume na gagamitin para sa play sa upcoming school event.

Hindi mapigilan ni Mito na hindi mapangiti. Para sa kanya, hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito, kahit katiting.

Si Kaitchi ay may light brown na mahabang buhok na malaya niyang nahahawakan kahit kailan man niya gustuhin. Namamangha siya na kahit, hindi ito binibigyang pansin ng husto ng dalaga para alagaan, nanatili pa rin ang ganda ng buhok nito. She also has this white skin na kahit hindi rin alagaan ay nanatiling pantay at walang peklat.

Mito thought how this was possible? Gayong ilang beses niya na itong nakitang madapa. Knowing Kaitchi, may pagka-clumsy ito, simula't sapul na magkakilala silang dalawa noong sila'y bata pa.

Mito still continuously staring at her. Lalo na sa maamo nitong mukha na may kakaibang aura ng saya.

And she was still busy sewing costume. Ang time ng pananahi niya sa loob ng classroom ay may approval galing mismo sa school office. The school management offered them an official yet limited schedule for a preparation sa gaganaping celebration.

Iyon ang dahilan kung bakit lahat ng mga estudyante tila busy-bee sa paggawa ng mga kailangan sa event at pag-design sa paligid ng campus. Not an everyday scenarios for the normal schooldays.

Pananahi ng damit or Costume ang iniatas na project kay Kaitchi. Because for the obvious reason, that she is good at sewing. People knew about it, no secret. Namana niya ito sa pumanaw niyang lola.

Ever since when she was a kid. Ang natural na pagkabilog ng mga mata niya'y lalong namimilog at nagkukuminang sa paghanga sa tuwing masasaksihan ang mga obra na tinatahi ng kaniyang lola.

Sa puso't isip niya, wala pa siya sa kalingkingan ng kahusayan ng kanyang minamahal na lola. Her grandma was the greatest. Hindi siya maipapantay dito. Kahit pa nga ang iba pang bagay na ginagamitan ng kamay, mas mahusay pa rin nitong magagawa, higit sa kaya niyang gawin.

At kung sana lang nabubuhay pa ito. Pipiliin niyang magpatulong sa pananahi ng mga costumeーbetter yet, ito na lang ang tumahi sa lahat. 'Cause she knows, her grandma's creation will always be perfect.

"Kung nandito lang sana siya 'no Mito?"

"A-ano 'yon?!" He was caught off-guard. Although, siya lang rin ang nakahalata nu'n, dahil mabilis ring ibinaling ng dalagang kasalukuyang nagtatahi ang mga paningin sa bintana.

Nakatanaw sa malayo.

"Ano ulit 'yon?" Hindi niya makuha ang gusto nitong sabihin.

"Aーouch!!" Bumilis ang tibok ng puso ni Mito dahil sa pakagulat kay Kaitchi. Hindi kasi iyon ang paliwanag na inaasahan niyang marinig mula rito.

"Oh! Ano ba? Ano bang nangyari?" Tsinek niya ang kamay ng dalaga. "Ayan kasi! Kung saan-saan nakatingin. Sino ba kasing tinitignan mo doon sa labas? May sinisimuyan ka ba huh?!"

"Ah?! Sinisimuyan pala ah!? Mas gusto ko pang manakal ng taong katabi ko kaysa sumimoy sa sinasabi mo!" Habang nagsasalita siya, Ipinulupulupot niya ang dulo ng tela ng costume, kung sa'n walang karayom sa ulo ng matalik niyang kaibigan.

Ginawa niya 'yon, una, para itago ang pamumula ng mukha. Alam na alam nito na inaasar lang siya ng matalik na kaibigan sa crush nitong si Chen.

Pangalawa, para itago ang halu-halong emosyong unti-unting nabubuhay sa sistema niya.

Nakita ko na naman siya...

Hindi alam ni Kaitchi ang dapat maramdaman. Hindi tungkol kay Chen ang iniisip niya ngayon.

Tungkol ito sa lalaking, ilang beses na rin niyang nakita. Sa lalaking palagay niya, likha ng imahinasyon niya. Dahil kung totoong hindi niya basta imahinasyon ang mga sandali na nakikita ito, bakit hindi ito binibigyan ng pansin na tila 'di talaga nakikita ng iba? Bakit siya lang?

Sa palagay niya, ang misteryosong lalaki ay hindi isang estudyante. Dahil kung oo, bakit iba ang pananamit nito kaysa sa ordinariyong tao?

Sa palagay niya rin, maaaring kung 'di isang imahinasyon ang nakikita niya ay isang multo ng kung sinumang 'di matahimik mula sa sinaunang panahon. Kaya malakas ang loob na sumulpot-dili sa school campus, kung kailan nito naisin.

Hmm, pakialam ko ba kung mawala siya!?

Sinubukan niyang paglabanan ang sarili ngunit sa huli binalikan pa rin niya ng tingin ang building na inuupuan ng misteryosong nilalang. Umaasa siyang wala na ito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Nanduruon pa rin ang binatang pasulpot-sulpot kung magpakita sa kanya.

Tila normal ngunit malungkot ang mga mata nitong nakatitig pabalik sa mga mata niya. She is sure to herself. Malungkot ito.

"Ayoko na Kai!!" Nabalik siya sa sarili matapos marinig ang malakas na angal ng matalik na kaibigang, matagal-tagal na rin niyang sinasakal.

"Ikaw na babae ka!" At kunuha ni Mito ang ulo ni Kaitchi para ikulong sa braso niya. Halos hawig sa ginawa nito sa kanya. Ang kaibahan lang nito, lambing ang ginagawa ni Mito. Habang parusa ang ginawa sa kanya ng dalaga kanina.

This is how their friendship goes... Sakitan na may kasamang lambingan sa tuwing hindi magantihan ng isa, ang isa, sa salita.

Tanggap 'yon ni Mitojiero, kahit sa opinion ng ibang mga lalaki, abused na abused na ni Kaitchi ang kabutihang loob niya. Wala ito sa kanya. Knowing Kaitchi, ang mambugbog ang ganti niya sa lahat ng mamimikon sa kanya. Binigyan niya pa ang dalaga ng titulong "Dakilang Pikon ng Golden Age".

At dahil dakilang pikon ang best friend niyang si Kaitchi. Alam niyang 'di ito papayag na malamangan. Hinihintay na niyang gawin nito ang ultimate revenge niya.

Pero...

Isang nananahimik na Kaitchi lang ang nakakulong sa braso niya. Anong nangyari? Hindi siya sanay. Isang nakakapanibagong bagay na tila ba hindi kayang tanggapin ng isip at puso niya. At kung bakit at anong dahilan? That's the exact thing he doesn't want to dwell upon, right now.

"M-may-may problema ba?" Tanong ni Mito habang wala sa loob na pinawalan sa bisig ang dalaga.

Hindi niya alam kung bakit... Pero parang hindi niya gusto ang maliliit na pagbabagong ito kay Kaitchi.

Naalala niya pa. Kindergarten sila noon, nang una silang maging magkaibigan.

Wala sa personality niya ang dumaldal. Kung bakit? Dahil sadyang ganun ang pag-uugali niya. Isa siya sa mga tahimik na batang nabuhay noon.

Ngunit, umikot ang mundo niya. Mahigit 360 degree ang pagkakaikot nito. At 'yon ang impluwensiyang naganap sa kanya magsimulang makilala niya ang batang may pangalang Kaitchi.

"Bakit ganu'n ang spell ng pangalan mo?"

Minsan niyang itinanong dito, noong elementary sila. Tunog Japanese name kasi, pero ang spelling 'di niya malaman kung Filipino or Chinese.

"Hoy! One-fourth blood! Akala mo kung sino kang singkit! Kapal mo para laitin ang pangalan ko!"

"Kapag 'di mo ako tinigilan sasabunutan kita!" Dagdag pa ni Kaitchi habang naka-pout na dinuduro ang ilong niya.

"'Di nga... 'di kita nilalait. Eh, sa curious ako kung bakit ganu'n eh. Masama bang malaman?"

"Tsk! Sige na nga, sasabihin ko na."

Tuwing maaalala ni Mitojiero ang pilitan moments nila ng dalaga... Hindi niya mapigilang mapangiti.

A typical Kaitchi... Sasabihin ng isip niya bago pa tuluyang ngingiti ng masaya.

"Sabi kasi ni Papa, kahit isang babae lang. Kasi nga may dalawa na siyang anak na lalaki eh. So, babae naman raw."

"Kaya naging Kaitchi?"

"Oo! Eh, bakit parang natatawa ka diyan? Hindi pa nga ako tapos magkuwento. Alam mo ba meaning nu'n? Nakakaasar ka ah! Ayoko na ngang sabihin sa 'yo. Lalo mo lang akong tatawanan eh!"

"Hahaha, hindi ako tumatawa... Ay! Natawa ako oo, kasi naman, mukha ka na namang dragon. Haha!"

"Mitojiero!!"

At kapag tinatawag na siya nito sa buo niyang pangalan, sure siyang napipikon na talaga ito. Kaya mas lalo niyang pinipikon ito sa pamamagitan ng pagkompleto sa kanyang pangalan with his own surname added by a default word "present" na isinisigaw ng mga estudyante everytime na magro-roll-call ang mga teachers sa school.

"Shaw! Present!"

Ganun lagi ang nangyayari. Pipikunin niya si Kaitchi, mapipikon naman sa isa. Hanggang mag-end up sila sa pag-upo sa isang tabi, dahil sa lubusang pakapagod galing sa paghahabulan at pagiikutan na parang mga bata. Although, bata pa nga sila nang mga time na 'yon.

Pero dahil walang pinagbago sa pagitan nila kahit na mga binata't dalaga na sila. Sa pananaw niya, para silang mga bata.

Hm, marahil kay Kaitchi, walang nag-iba. Pero kay Mito? May malaking pagbabago.

Ang dating simpleng pagkakaibigan. Kay Mito ay tila malabong larawan na.

Hindi niya ginusto. Unti-unti... Naramdaman na lang niyang, parang hindi na basta kaibigan ang tingin niya rito.

Mas higit na ang nararamdaman niya para kay Kaitchi. Bagay na ikinatatakot niyang malaman ng dalaga. Bagay na hindi niya alam kung kaya niya pang itago.

Matalik silang magkaibigan simula pa noong bata sila. Anong mangyayari kung malaman ito ni Kaitchi? Anong magiging reaksyon niya? Lalayo ba siya? Magagalit? Matutuwa?

Pero may iba itong gusto. At hindi siya 'yon alam niya. At kahit alam niyang may crush ito kay Chen. Pilit na iniwaksi ni Mito ang kaisipan na 'yon.

Umaasa siyang, ang paghanga ni Kaitchi para kay Chen, ay isang mababaw na uri ng paghanga. 'Di tulad ng paghangang nararamdaman niya para dito.

Gusto niyang ipaalam dito ang nararamdaman. Pero sa palagay niya, hindi pa tamang oras. Wala pa siyang lakas ng loob para marinig ang anumang magiging reaksyon nito sa kaniya.

Isa pa, hindi niya kakayaning, lumayo na lang bigla ang dalaga dahil lang sa pagsasabi niya ng tunay na niloob para dito.

Hindi niya ma-imagine ang bukas na hindi na siya nito pansinin. Hindi niya ma-imagine ang bawat sandali na hindi ito kausap. Hindi niya ma-imagine ang buhay na wala ang dalaga sa tabi niya.

Buong buhay niya, kasama niya si Kaitchi, at hindi niya gustong mabago ang bagay na 'yon. Gagawin niya ang lahat para manatili ito sa tabi niya.

Dahil kapag hindi. Baka ikamatay niya.

"May problema ba?" Ulit niyang tanong dito nang hindi siya nito sagutin, pagkatapos niyang pawalan ito nang hindi bukal sa loob niya.

"Wala naman. May iniisip lang ako."

"Kailangan ko na bang mag-panic?"

"Eh? Ang OA nito!! Bakit ka magpa-panic?"

"Uy! Lovebirds! Puwede ba? Malayo pa po ang valentine's day. Ni hindi pa kayo nakakausad diyan sa ginagawa niyo!"

"Nien!" Namimilog na mga matang pagbati ni Kaitchi sa maitim, at tuwid na tuwid, na maikling buhok na babaeng kararating lang.

Umupo ito sa unahan niya. Pagkaupong-pagkaupo, dinaluhong niya ito ng mahigpit na yakap.

Si Anniene, ang ikalawang matalik na kaibigan nilang dalawa ni Mito. Nien ang tawag niya rito, palayaw na siya mismo ang nagpauso.

"Nagkita pa tayo kahapon, Kai, makayakap ka sa 'kin parang wala nang bukas. Haha..." Pero kabaligtaran ng sinabi nito ang ginawa niya.

Imbes itulak palayo si Kaitchi. Niyakap niya rin ito ng mas mahigpit, tipong parehas really, anytime soon, kakapusin na ng hininga.

"Oops! Tama na 'yan! Nagseselos na ako." At pilit niyang pinaglayo ang dalawang babae.

Tinitigan siya ng mataray ni Anniene. Habang no clue naman itong si Kaitchi sa tensyong nangyayari sa dalawa. Bumalik sila sa pagkakaupo ng maayos sa kani-kanilang puwesto.

"Baliw ka, kung yakap lang ang dumi na ng isip mo! Hindi ka naman possessive?" Nakataas na kilay na salba ni Nien sa sarili.

"Wala naman akong pakealam sa iisipin mo..." He smirked subtly, tipong 'di mahahalata ni Kaitchi.

"Teka..."

Expectation ng dalawang kaibigan ay sasawatahin na sila ni Kaitchi. At itatanong kung anong nangyayari sa kanila gayong magkakaibigan sila.

"Nakahalata rin!" Nien thought that very moment.

But the two of them, all wrong.

"Nandu'n pa rin ba ang lalaking nakaupo sa rooftop ng Junior Division?" Kaitchi said shyly.

"Wala na!" Nien replied bluntly. Nauna ang bibig ni Nien. Hindi pa man niya tinitignan, sumagot na siya out of shock and amazement sa pagkamanhid ni Kaitchi sa mga nangyayari sa kanila.

"Bakit? Sino ba 'yung nasa rooftop?"

"Sigurado ka Nien? Check mo kaya, hindi naman kita nakitang tumingin eh!"

"Tumingin ako habang pumapasok ako sa room kanina." Sinasabi niya 'yon habang inililingon ang ulo papunta sa direksyon na tinuturo ni Kaitchi gamit ang kaliwang hinlalaki niya. "Bakit kasi 'di na lang ikaw ang tumingin mismo..."

"May nakaupo nga..." Pinunasan ni Nien ang kanyang mga mata, kasabay nu'n ang paglingon ni Kaitchi sa picture window ng room nila. At wala na silang nakita.

"And he was gone again."

"Nawala! Nasa'n nagpunta 'yon?"

"Nakita mo 'yon 'di ba?!" Excited na bulalas ni Kaitchi kay Nien.

"Oo, pero nawala bigla... Ang bilis eh!"

Tahimik lang si Mito. Pero may inner turmoil nang nagaganap sa loob niya. While Kaitchi can't catch two things at the same time but Nien can. She can multitask, tulad ngayon.

She was animatedly talking to Kaitchi habang pinakikiramdaman lang ang katahimikan ni Mito. And she's smirking inside.

"A point for me..." She thought.

Right now, walang ibang laman ang puso ni Kaitchi kundi ang mahiwagang lalaki sa rooftop ng building ng Junior Division sa school nila. Ang lalaking hindi naman niya bibigyan ng pansin kung isang beses lang nagpakita sa kanya.

Pero hindi lang isang beses ito nagpakita... At sa lahat ng 'yon, bigla na lang itong mawawala sa paningin niya na parang bula.

Kailan nga ba ito nag-umpisa? Kailan ba nag-umpisang magpakita ang misteryosong lalaki? Hindi ba't nito lang 'yon? Nang siya'y tumuntong sa edad na animnapu't anim?

"Tuwing sweet sixteen ba nagbubukas ang third eye ng isang tao? Kanino ko ba namana ang gan'tong bagay?"

"Bakit ka ba nababahala diyan sa nakikita mo Kaitchi?" Kunot-noong untag ni Mito.

"Ikaw kaya makakita ng taong naglalayo?" Bigla si Nien bumaling kay Kaitchi pagkatapos sungitan si Mito. "Kailan pa 'to?"

"Um, 'di ko sure... Pero parang noong mag-turn ako nang sixteen."

"Tagal na, ilan buwan oh!" At sa hitsura nito mababakas ang 'di makapaniwalang mukha. "Bakit 'di mo sinabi agad?"

"Sinabi ko kaya... Pero lately parang lagi kayong nagtatalo ni Mito eh!" Nakakunot-noo at nakangusong confession ni Kaitchi sa dalawang nagtinginan nga in a grumpy way naman.

"Ka-yo-ba? Nag-a-a-way-nga?!"

Sabay na sumagot ang dalawa. Sabi ng isa "oo!" Habang ang isa, "hindi!"

"So, sino ang paniniwalaan ko?" Unti-unti parang gustong umiyak ni Kaitchi.

Kinabahan bigla si Mito, ayaw niyang nakikitang umiyak ito. He is ready to do everything to see her smiling joyfully.

"Hindi nga! Hindi kami nag-aaway... Bawiin mo ang sinabi mo Nien!" Tinitigan ng taimtim ni Mito ang mga mata ng maikling buhok na dalaga.

"Tsk! MitojieWalang gamitan ng charm. Alam na alam." Napabuntong-hininga si Nien.

"Okay fine! Hindi kami nag-aaway. Nag-jo-joke lang ako sa sagot ko kanina." Nien shaking her head in her mind. Dahil alam niyang imposible ang childish concept ni Kaitchi sa pagkakaibigan.

"She needs to grow-up and think like an adult." In Nien's mind, nabubuo ang iba't ibang komento nito laban sa paniniwala ni Kaitchi.

Si Kaitchi na kahit hindi magsalita, since she knew her, alam niyang ang pagkakaibigan sa kaniya ay isang banal na bagay. Sa kaniya, dapat walang conflict na maganap. Dapat hindi nagtatalu-talo sa opinion ang mga magkakaibigan. To her, everything must be sunshine and rainbows.

"How can I confront her, that I loved Mito? Kung ang pag-iisip niya, pang-elemetary?" Natatawang naiinis si Nien na ang babaeng best friend pa niya ang mas hindi nakakaalam ng nararamdaman niya para sa taong gusto niya contrary role na pinapakita sa mga telenovela na napapanood sa TV.

It supposed to be her that should know what I feel to Mito not the other way around."

Isang laro ng tadhanang pakiusapan siya ng lalaking mahal niyang itago ang nararamdaman niya sa taong supposedly, sumusuporta sa kaniya.

"Why Mito? Ano ba ang mas mahalaga sa 'yo? Kay dali mo namang itapon ang confession ko sa 'yo... Akala mo ba ang daling gawin nu'n? Bakit ka ba umaasa sa babaeng wala namang gusto sa 'yo?"

She felt speechless kaya ang sama ng loob niya'y literal na nasa loob lang ng isip niya ngayon. She can't voice it out.

"Friendship lang ang tingin sa 'yo ni Kaitchi... Mito!" Hindi na kaya pa ni Nien ang nakikita.

"Wash room lang muna ako guys!"

Tinitigan siya ng mga mata ni Mito na may pag-aalala. Bagay na ikinaiinis niya. "He really knows my weakness. Argh!"

"Okay lang ako. I mean-pagbalik ko sana naman tapos na mga pinagagawa sa inyo. Intiendez?"

Nakangiting tumango si Kaitchi sandaling tawa naman ang tugon ni Mito, tsaka nagbigay ng remark na 'di niya alam kung ikatutuwa pa niya. "Gagamit ka lang ng wash room eh! Sige na, bumalik ka kaagad, baka ma-miss mo ako? Haha."

"Ang sarap nilang sipain!!" Palagay ni Nien, sirang-sira na ang araw niya.

Iniwan niya ang dalawang mag-best friend na may dalang bigat sa dibdib. Dalawang uri ng emotions. Una, irita. Naiirita siya kay Mito, sa ginagawa ni Mito, sa tingin ni Mito at sa pagiging protective ni Mito kay Kaitchi. Pangalawa, nalulungkot. Nalulungkot siya na nakakadama siya ng iritasyon kay Mito, kay Kaitchi.

Wala siyang karapatang mairita kay Mito. Si Mito na sumasalamin sa nararamdaman niya ngayon. They two are tragically the same, so to speak.

Siya dapat ang mas nakakaalam ng nararamdaman nito. Kung gaano kahirap na malamang 'di ikaw ang mahal ng mahal mo. Of all people, she must have been the one to understand him, because their situations are the same.

Nalulungkot siya para sa nararamdaman niyang wala naman sa lugar. Kung wala siyang karapatang mairita kay Mito na kaparehas niya lang na nagmamahal sa taong 'di sila minamahal. Mas lalong wala siyang karapatang mairita sa taong, wala namang hiniling kundi ang maging matatag ang friendship nila.

Kung wala siyang nararamdaman kay Mito. Baka siya pa ang mas higit na magtatanggol rito.

She should've known that Kaitchi wasn't a childish but naïve one. Iba ang inosente, sa taong isip-bata.

People knew how they, themselves were wrong by describing her as childish. Dahil hindi kailanman naging isip-bata sa tingin niya si Kaitchi.

Galit. Pagkainggit. Insecurities. Iyan ang mga reasons kung bakit kahit sa isip niya, childish ang una sa descriptions niya kay Kaitchi.

Deep down in her heart, tulad ni Mito, gusto niya ring protektahan si Kaitchi. The young lady was so vulnerable for goodness sake. And it's what her feelings for Mito's fault, why she can't do that.

Kung sana... Noong umpisa pa lang, lumayo na siya sa dalawang magkaibigan. Edi hindi na sana siya nahulog kay Mito.

Hindi sana niya iniinda ang sumpa ng konsensyang dumudurog sa puso niya. Sumpa na gusto niyang takasan at hindi na kailanman balikan.

Bakit siya dinusurog ng sarili niyang pakiramdam? Hindi ba dapat siya ang mas higit na mataas kaysa sa sarili niyang konsensya? Why conscience ruling her system now?

Sino ba ang mas mahalaga? Ang sarili niya, ang friendship nila ni Kaitchi? Si Mito? O ang nararamdaman niya?

Bakit wala siyang mahanap na sagot sa mga ito? Bakit ibang tao, sobrang bilis magdesisyon? Tulad ni Mito? Bakit siya, 'di niya kayang mamili agad?

Kahit sa tanong kung masama ba siyang kaibigan o mabuti? Wala rin siyang sagot, dahil nasa gitna siya ng dalawang kategoriyang iniisip niya.

Mabuti siyang kaibigan at the same time masama rin.

Umiiyak na tinitigan ni Nien ang repleksyon sa salamin. Nabubugnot siya sa sarili. Gusto niyang sumigaw ng malakas, pinipigilan niyang magpakita ng kahit anong extreme emotions, pero sagad na yata ang konsensya niya. Hindi na niya kinakaya ang mga nangyayari sa loob niya.

"Ah!!!"

3 hours later...

"Sure akong may huling gown pang tinatahi si lola bago pa siya namatay na hindi natapos... Gusto kong ako ang tumapos nu'n at gamitin bilang costume sa play."

Kasalukuyang nasa bahay na si Kaitchi, kausap ang sarili niya dahil mag-isa lang siya. Hindi pa nakakauwi ang dalawang kuya niya.

Sanay na si Kaitchi sa ganitong routine, ang umuwi mag-isa, at gawin ang mga dapat gawin sa bahay kasama na ang mga assignments sa school. Ang kaibahan lang ngayon, free ang schedule nila sa mga assignments dahil focus muna ang mga estudyante sa upcoming event. Gayunpaman, pinili niyang umuwi ng mas maaga. Naalala niyang may gown ang lola niya sa attic na pwede niyang i-offer sa mga kaklase niyang kasali sa drama club.

Nang mga sandaling nagpaalam upang gumamit ng wash room si Anniene, tango lang ang isinagot niya dahil may mas malalim siyang iniisip.

Lagi niya kasing nakikita ang multong lalaki sa rooftop. Baka nagpapahiwatig ito ng isang lugar o bagay na located sa itaas.

Doon na pumasok sa isip niya ang attic nila na may kung anu-anong abubot na nakatambak, kabilang ang mga naiwang gamit ng kanyang minamahal na lola.

Kaya nagdesisyon siyang umuwi agad. Despite of Mitojiero's protest na huwag muna siyang umuwi sa bahay nila. Hindi siya nakinig at umuwi pa rin dahil ayaw niyang palipasin ang panahon na hindi 'yon makita agad.

She's more than excited.

Sa sobrang excited, mas inuna pa niyang maghanap sa maalikabok na abubot ng attic room kaysa ang magpalit ng damit pambahay, pati na ang bag na gamit niya para sa school ay kasa-kasama niya sa attic. Nakasukbit pa rin ito sa likuran niya.

Kanina pa siya nag-umpisang maghalungkat, pero ni anino ng tukador na pinaglalagyan ng mga gamit ng yumao niyang lola ay hindi talaga makita. Paano nga bang hindi? Sa sobrang dumi ng paligid, nakakaduling na ang mga aparador at kahon na nakahilera sa paligid. Halatang dekada na ang lumipas na hindi nalilinis ang mga gamit doon. Mala-niyebeng kulay brown ang alikabok sa kapal.

Achuu!!

Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng malaking aparador, napansin niyang may salamin pala ito sa harap mismo ng pinto nito. Kung 'di pa siya umatsing, hindi pa niya mawawahig ang makapal na alikabok na bumabalot sa surface ng salamit.

Nakita niya ang sarili niya dito; maitim na pisngi ang bumungad sa repleksyon niya dito.

"Ano ba 'yan?! Ang dumi ko na!" Sinalat niya ang bulsa ng paldang ginagamit niya sa school, para kunin ang panyo. Pero bago pa niya makuha may bagay na nahulog sa kaniyang bulsa, narinig niya pa ang paggulong nito sa sahig ng attic room.

"Hala! Ano 'yong gumulong? Tsk! Ano ba naman!" Yamot na nagpapadyak siya sa sahig kaya nag-angatan ang sankatirbang alikabok sa ere.

Tuloy-tuloy siyang naubo habang tinatanong sa sarili kung saan niya ba nilagay ang kokote niya't nag-tantrum siya sa attic room na may milyong alikabok at malamang mikrobiyo.

Ayaw nang tumigil ng ubo niya, bagay na lalong nagdadagdag sa dalawang frustrations niya. Una, kung saang-lupalop ng aparador ba niya eksaktong makikita ang dresses at gowns na obra ng kanyang lola. Pangalawa, ano bang ancient ruins ba ang nahulog sa mahiwagang bulsa ng palda ng kanyang school uniform?

"Hay! 'Pag sobrang minamalー", pinigilan niya ang sariling buuin ang salitang gusto niyang sabihin.

"Huwag mong sasabihin ang salitang malas. Negatibo man o hindi, ang pananalita mo, gawin mong positibo pa rin!"

Kung nandito lang ang kanyang lola, iyon mismo ang payong lalabas sa labi nito. Bagay na lagi nitong sinasabi sa kanya tuwing naririnig sa kanya ang salitang "malas". Sa simpleng alalalang 'yon, tuluyan nang 'di kinaya ni Kaitchi ang frustrations na kanina pa nararamdaman.

Tuluyan na siyang sumalampak sa sahig habang humahagulgol ng iyak.

"Lola!!"

8 O' Clock PM on the dot...

Nagising si Kaitchi mula sa pagkakatulog dahil sa isang panaginip. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Bumilis ang tibok ng puso niya at napabangon. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya ng mahimbing sa maduming sahig ng attic room.

Gaano siya katagal nakatulog? Bakit? Sobrang dilim ng paligid. Talagang wala siyang makita, hindi siya sanay sa ganun kadumi at kadilim na lugar.

"Ano na bang oras kasi? Nasan sila kuya? Hindi pa ba nauwi?" Naisaloob niya habang marahang gumagapang pasulong kahit sobrang dumi. Tiniis niya pinili niyang gumapang dahil natatakot siyang mahulog sa hagdan pababa ng attic. Patuloy lang siya sa paggapang hanggang may nabangga siyang malaking shelves o kung anuman bagay na hindi niya mahulaan.

Nagmadali halughugin iyon. Nagbabakasakaling may mahanap na flashlight o lighter na magsisilbing ilaw niya sa napakadilim nilang attic.

Sa sobrang dilim nadaluhong niya ng hindi sinasadya ang ilang mga bagay sa shelves kaya nahulog ang mga ito sa sahig. Nalungkot siya ng wala na siyang ibang makapa kundi ang mismong dingding ng shelves na kaharap niya ngayon.

Naisipan niyang ipagpatuloy ang natigil na pag-iyak at magdrama nalang sa kinaroroonan. Kung 'di pa niya napansing hindi shelves ang nasa harap niya ngayon.

"Dahil kung shelves nga 'yon? Nasa'n ang mga partition? Parang bigla silang nawala? Kasama ba sila sa nahulog?"

Sinimulan niyang kapain ulit ang inakalang shelves. Malawak na dingding na lang nito ang natitira. Tinuktok-tuktukan niya ang kabuuan nito. Mukhang hindi ito dingding kundi isang pinto. Pero wala siyang makapang hawakan.

"Tulad ba 'to ng pinto ng kuwarto ni Mito? De slide rin ba 'to?"

Sinibukan niyang buksan pa-slide ang malawak na nakakapang pinto, kahit pa nagdadalawang isip siya. Hindi naging madali pero sa huli. Nagawa niyang ma-slide ng tuluyan ang pinto ng inakala niyang shelves.

"Is this where grandma's hide everything?"

···End Of This Chapter···

・・・
Chapter Status:
Proofreading
Coming Up:
Gem №. 2: Green Crystal Ball

・・・
Author's Remark:
Waa!! What on earth na revision 'to... Super layo sa original na manuscript. Huhu, pasensya na. Kung 'di kayo satisfied sa first chapterーsame here po. Sigh! Wala eh, ayaw mag-flow ng ideya sa isip ko 2 days ago pa. Pero siguro ganu'n lang talaga kapag tumatanda na si Author, imbes ideas at creativities ang pumasok sa utak, hindi na, mas madalas nang sumumpong ang mental's block este writer's block pala. Hanubayan? Haha. Mga dahilan kuno 101? Anyway, I still hope na kahit paano, nagustuhan niyo pa rin ang chapter na ito. 'Yaan niyo po next time, babawi ako. More prayers para mag-flow ulit tulad ng dati ang ideya sa utak ko. See you again! Ciao!

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...