Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.5K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 16

948 58 8
By MaybelAbutar

Masakit na katawan at nanunuyong lalamunan ang naramdaman ni Hurricane ng magising. Kaagad siyang bumangon ng makita ang hindi pamilyar na silid, kaya't naramdaman niya ang labis na kirot sa kanyang balikat at likuran.

"Hindi ka dapat basta bumabangon. Mahina pa ang katawan mo at sariwa ang mga sugat."

Napatingin siya sa taong kapapasok lang sa silid.

"Lassy?" Gulat niyang tanong. Hindi ito ang inaasahan niyang makita pagkagising niya.

"Huwag kang magulat diyan, as if naman gusto kitang bantayan." Nakairap nitong sagot bago ilagay ang dala nitong basin na may puting towel sa mesang malapit sa kanya.

"What happened?" Naguguluhan niyang tanong.

Nagcross-arm ito sa harapan niya habang nakataas ang kilay.

"Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo ang katangahan mo?" Matalim nitong sabi.

"What?" Nagpantig naman ang tainga niya sa sinabi ng walang preno nitong bibig.

"Isusuot mo lang ang lock ng harness sa kabilang dulo, bakit ibinuhol mo naman ng todo? Nang dahil do'n kailangan ka pang tulungan ni Primo."

Biglang pumasok sa isip ni Hurricane si Primo.

"May nangyari ba kay Primo?" Nag-aalala niyang tanong.

Aminin man niya o hindi, may kasalanan pa rin siya kapag may nangyaring masama kay Primo. Mas higit na kaguluhan ang magiging hatid noon kumpara sa maaaring gulo sa pagitan ng pamilya niya at Mafia. Alam niyang kayang solusyunan iyon ng kanyang mga magulang pero hinayaan nilang harapin niya ang kinasangkutang problema. Ngunit ngayon, kapag may nangyaring masama kay Primo o makuha ng kalaban, mawawalan ng pagkakaisa ang Mafia at magkakagulo. Muling madadamay ang mga inosente.

"Baliw ka talaga." Muli siyang napatingin kay Lassy, "Hindi mo ba naalala na nabaril ka sa likod dahil hindi kaagad naalis ang buhol ng harness sa katawan mo?"

Muli niyang naalala ang nangyari. Natuod siya at hindi makakilos ng maramdaman ang labi ni Primo sa kanyang tiyan. The sensation she's feeling at that time makes her froze kaya't hindi niya napansin ang kalaban sa likuran at natamaan siya.

"Oh my gracious!" Sambit niya at tinakpan ang kanyang mukha. Ayaw niyang makita ni Lassy ang kanyang itsura dahil ngayon ramdam niya ang pamumula n'on.

"Ewan ko sa'yo!" Muli nitong sabi kaya umangat ang kanyang paningin. Nakita pa niya ang pagtaas nito ng kilay sa kanya bago umirap. "Kailangan ko ng linisin ang sugat mo at palitan ng benda," Sabi nito at kinuha ang binitawan nitong basin.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" Nagtataka niyang tanong. Ang alam niya galit ito sa kanya.

"Sino ang gusto mong gumawa nito? Si Onix? Si Orio? Si Ryz? Si Manzo o si Primo? Ako lang ang babae sa grupo kaya wala akong choice," Parang masama pa ang loob nito sa gagawin.

Una nitong inalis ang benda sa kanyang balikat. Napangiwi siya kahit marahan naman ito sa ginagawa.

"Nasaan tayo?" Muli niyang tanong.

"Hindi ko alam. Dito lang tayo dinala ng dalawang lalaki na nakasalubong namin. Sabi niya mas ligtas dito para makabawi ka rin ng lakas," Mahinahon nitong sagot.

Akala niya magtataray na naman ito.

"Ilang araw na akong natutulog?"

"Dalawang araw na,"

"What? Ouch!" Daing niya ng kumirot ang sugat niya.

"Pwede ka kasing magulat ng hindi gumagalaw," Sermon nito sa kanya.

"Nasaan ang iba?"

"Sinusubukan nilang iligtas ang mga nakakulong sa barkong ito. Ayon sa dalawang lalaking tumulong sa atin, mga miyembro iyon ng Mafia. Hindi talaga sila pinatay dahil ikinulong sila at pinapahirapan." Sagot nito habang patuloy sa ginagawa.

Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nakakulong na tao. Wala ng pag-asang makikita sa mga mata nila. 

"Mapagkakatiwalaan ba ang dalawang 'yon? Paano kung isa iyong trap?" Nag-aalala niyang tanong. Mahirap magtiwala ngayon lalo na sa lugar na ito. Bukod sa kanyang mga kasama, hindi na niya masasabi kung sino ang may mabuting hangarin. 

"They said, you help them. The guy who told you the direction about a particular room." Kunot noo nitong sabi habang nakatingin sa kanya. "And they mentioned about red headed girl."

Naalala niya si Ley dahil ito lang naman ang may pulang buhok na kilala niya pero iba ang description ni Lassy. 

"Tumalikod ka," Muli nitong sabi sa sinunod niya. 

Ngayon niya lang napansin na isang tube bra lang ang suot niya. Nababalutan na ng benda ang itaas na parte ng kanyang katawan. 

Walang salita na inalis ni Lassy ang benda niya. Nagtaka naman siya kung bakit hindi pa ito kumikilos ng tuluyang naalis ang benda niya.

"It's beautiful but slightly damage," Hindi naman niya nauwaan ang sinabi nito, pero ng mag-sink in sa kanyang isip ang tinutukoy nito, naalarma siya.

"Nakita ko na ang lahat kahit napakaliit na detalye kaya hindi mo na kailangan mag-alala." Mahinahon nitong sabi bago sinimulan ang paglilinis sa kanyang sugat. "Binabati kita dahil naitago mong mabuti ang iyong sarili sa marahas na mundong ito." Dugtong nito. 

Huminga siya ng malalim. Mukhang wala na siyang maitatago sa babae.

"Did others know?" Tanong niya.

"No."

Nakahinga naman siya ng maluwag. Ayaw niyang malaman ng iba ang tungkol sa nalaman ni Lassy.

"Masyado mong na-agrabyado ang katawan mo." Muli nitong sabi, "May sugat ka sa tagiliran, kahit maliit na iyon mukhang malalim naman. Meron pa rin sa likuran bukod sa tama mo noong nagdaang laban. Tapos nadagdagan pa ngayon. Medyo malalim din ang sugat mo sa balikat, maging ang na sa braso mo. Tingin mo ba sa katawan mo, tadtaran?"

Bahagyang tumawa si Hurricane sa sinabi ni Lassy. Kahit mukhang sinesermunan siya nito, hindi maikakaila na nag-aalala ito sa kanya.

"Done." Maya-maya'y sabi nito habang nililigpit ang mga ginamit.

Nakiramdaman naman ni Hurricane ang katawan. May konting kirot siyang nararamdaman pero bumalik na ang lakas ng kanyang katawan. Magpapasalamat na sana siya kay Lassy ngunit nagulat siya ng makitang nakayukod ito sa harapan niya.

"Apology for my rudeness and thank you for always saving us... Princess,"

Huminga ng malalim si Hurricane, bago tumayo.

"Forget that you saw my Royal mark," Panimula niya. 

Ito ang nakita ni Lassy sa kanyang likuran kaya nalaman nito ang totoo niyang katauhan. Kilala ang markang ito sa mundo at mas lalo na ang reputasyon ng kanyang mga magulang. Hindi siya nagtago, sapagka't hindi pa ito ang tamang oras para lumabas at makilala ng lahat. 

"I will forgive you for being rude, just don't tell the others about the mark. I'll face my consequences about the ring without exposing my identity."

"Yes, my lady." Mabilis nitong sagot at nananatiling nakayuko.

"Umayos ka nga! Hindi bagay sa'yo ang ganyan. Kinikilabutan ako sa'yo,"

Umangat naman ang tingin nito sa kanya. Napangiti siya ng makita ang matalim nitong tingin.

"Better," Nakangisi niyang sabi.

"Even your a Princess, you're still a bitch." Mataray nitong sabi.

"I know," Proud niyang sabi.

Nagtagisan sila ng tingin, pero maya-maya sabay silang tumawa. Nang mahimasmasan, sabay din silang sumeryoso.

"We need to help them," Seryoso niyang sabi.

"You can't fight. Sariwa pa ang iba mong sugat," Sambit nito pero makikitang gusto rin nitong tumulong sa mga kasama.

"I know how to fight without using any force," Nakangisi niyang sabi kahit naguguluhan itong nakatingin sa kanya.

...

...

...

Natigilan sa paglalakad ang grupo ni Primo ng tumambad sa kanilang paningin ang napakalaking kulungan. Sa loob niyon ay naroon ang mga taong halata ang pinagdaanang hirap. Kahit bahagyang pagkilos nahihirapan ang mga ito, may gustong magsalita ngunit walang boses na lumalabas. 

Magkakasamang nagtungo sina Primo, Cyan, Drevon, Onix, Orio at Ryz sa lugar na ito. Samantalang naka-assign sina Chris, Casseus, Manzo at tatlo pang babae sa paghahanda ng pwedeng masakyan sa pagtakas ng mga bihag. 

"Sh't! They are demons." Galit na sambit ni Orio.

"Akala ng lahat patay na sila, pero narito lang pala at pinapahirapan. Mga walanghiya sila." Nagtitimping sabi ni Ryz.

"Paano natin sila mailalabas?" Tanong ni Onix kay Cyan na may benda pa rin sa ilang bahagi ng katawan nito.

"Kailangan nating i-deactivate ang system sa lock para hindi tumunog ang alarm," Sagot ni Cyan.

"Okay, I'll do it." Volunteer ni Ryz.

"I'll help you," Presenta naman ni Orio.

Inilabas ni Ryz ang dalang laptop. Kinuha naman ni Orio ang isang cord para ilagay sa lock ng selda.

"Mag-iingat kayo. Kaunting pagkakamali sasabog ang pinakamalapit na bomba." Paalala ni Cyan.

"Masyadong malayo ang bomba sa lugar na ito. Kahit sumabog iyon hindi pa rin tayo maaapektuhan." Komento ni Ryz.

"Your right, but it can trigger other bombs." Sagot ni Cyan.

Huminto sa pag-set up ng laptop si Ryz at tumingin sa kasama.

"How? Napag-alaman kong hindi naman connected ang bawat bomba." Tanong nito.

"Kung napansin nyo ang distansya ng bomba sa lugar na ito, napakalaki ng agwat niyon. Sapagkat ang lugar na ito ang main switch, particularly this cell." Paliwanag ni Cyan.

Pinagpawisan naman si Ryz sa narinig. Hindi niya maiwasang kabahan sa gagawin. Simula pagkabata, computers ang palagi niyang kaharap maliban sa kanyang guitar. Hilig na niya iyon kaya't napili siyang Head in Security team ng Los Crucio Familia.

Tumingin si Ryz kay Primo na seryosong nakatingin sa mga nakakulong. Hindi niya ito dapat biguin. Alam niyang masyadong kumplikado ang system sa barkong ito at nahihirapan siyang pasukin iyon ng tuluyan, ngunit hindi siya dapat panghinaan ng loob.

"You can do it, Bro." Tapik ni Onix sa kanyang balikat.

Huminga muna siya ng malalim bago tingnan si Orio. Handa na nitong pindutin ang switch sa kanyang hudyat.

"I'm ready," Hudyat niya kay Orio.

Nang itaas nito ang switch sinabayan naman iyon ni Ryz ng pagpindot sa kanyang laptop. Iba't-ibang kombinasyon ang ginawa niya para i-unlock ang system sa selda. Ramdam niya ang pamumuo ng kanyang pawis sa noo. Halos pigilan niya ang kanyang paghinga huwag lang magkamali sa ginagawa.

Nakahinga ng maluwag si Ryz ng tagumpay niyang nalagpasan ang unang level. Mayroong limang level ang security ng selda kaya focus siya sa ginagawa. Isang pagkakamali ng pindot sa key, tapos silang lahat.

...

"Bakit walang bantay sa lugar na ito?" May kuryosidad na tanong ni Drevon habang naghihintay sila na matapos ni Ryz ang ginagawa.

"Dahil mataas ang level ng security system dito," Sagot ni Cyan. "Malaki at malawak ang barko kaya mas kailangan ang mga bantay sa mga open areas." Dugtong nito.

"Anong klase ng pagpapahirap ang kanilang ginawa sa mga ito?" Tanong naman ni Onix.

"Sa loob ng tatlong taon, sapilitan silang pinag-trabaho at hindi pinapakain ng sapat. Nang humantong sila sa ganyang kalagayan, inabandona na sila. Plano silang idispatsa sa gitna ng karagatan pagkatapos ng game kaya sila isinakay sa barkong ito."

"Noxious," Napatingin sila ng magsalita si Primo na kanina pang tahimik, "Does Nox' behind this?"

"He did this but he's not the mastermind," Sagot ni Cyan.

"Who?" Muling tanong ni Primo.

"The girl you heard around all the time,"

"Devileigh Storm?" Hula ni Onix.

"No. It's her twin sister, Jackeleigh Storm."

Napaisip naman ang mga ito kung sino ang sinabi nitong babae.

"Jackeleigh is Captain Jack's girl, pero ng mamatay si Captain Jack..."

"Patay na si Captain Jack?" Gulat na tanong ni Orio.

"Yes. Devileigh killed him." Sagot ni Cyan.

"Ang sinasabi mong Devileigh, siya ba 'yung babaeng nakakulong na may pulang buhok?" Kumpirma ni Onix.

Kumunot naman ang noo ni Cyan. 

"Kilala mo siya?" Tanong nito.

"No, pero nakita namin siyang kausap ni Miss Hurricane." Sambit ni Onix.

"Maaaring siya nga ang nakita nyo at tulad ng sinabi ko, siya ang pumatay kay Captain Jack. He became a drug addict at hindi na siya sumusunod sa patakaran ng grupo. Wala siyang sinusunod maliban kay Jackeleign kaya walang pagpipilian si Ley kundi tapusin ang kahibangan ng dalawa at iyon ang naging simula ng alitan ng magkapatid." Lumingon si Cyan sa isang seldang malapit sa kanila. "Sa seldang 'yan nakakulong si Ley, pero nakapagtatakang bakante na iyon ngayon."

"Baka nakatakas siya," Komento ni Orio.

"Sana nga, pero masama ang kutob ko rito." Balisang sabi ni Cyan.

"D'mmit!" Naagaw ng boses ni Ryz ang atensyon nilang lahat.

Lumapit sila sa kinaroroonan nito.

"What happened?" Agad na tanong ni Orio.

"T-the fifth level," Kinakabahang sabi ni Ryz, "I f-failed to enter."

"Masama ito," Kinakabahang sabi ni Cyan.

"I'm sorry, it's my fault." Paumanhin ni Ryz. Dismayado siya sa nangyari. Disappointed siya sa kanyang sarili.

Nakita nilang biglang umilaw ang alarm sa buong lugar. Ngunit bago pa iyon tumunog, bigla na lang 'yun namatay.

"Is it good or bad?" Tanong ni Drevon.

"I don't know," Hindi siguradong sagot ni Cyan. Ito ang unang pagkakataon na nangyari iyon.

"Wooh, muntik na! Mabuti nakaabot."

Sabay-sabay silang napatingin sa monitor ni Ryz ng marinig ang nagsasalita mula roon.

"Miss Hurricane?" Hindi makapaniwalang sabi ni Onix.

"Hi!" Nakangiti nitong bati habang kumakaway, "Let me help you once again." Kumindat pa ito sa monitor bago nila narinig ang pagbukas ng selda.

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
29.9K 994 32
Janna is a fearless and extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of danger. A combat fighter, black belter and sharp shooter. She's ta...
11.8K 448 32
{UNEDITED} {COMPLETED} Leuruna is the daughter of a Luna and Alpha in a Pack. They were happily living in the Black cresent moon pack but a tragedy...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...