Devil's GAME

By MaybelAbutar

46.3K 2.4K 299

Let the game begin. Mechanics: Prepare yourself. Hurricane O'monrealte Versalles is a glamorous, gorgeous bu... More

SYNOPSIS
Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 14

913 62 3
By MaybelAbutar

"What should we do now?" Tanong ni Ryz ng lumabas si Hurricane sa silid ni Primo.

"Kung totoong patay na si Nox, magiging priority na natin ang pagbawi sa singsing," Malungkot na sabi ni Orio. Sa isiping iyon, hindi niya maiwasang malungkot sapagkat sa ilang araw nilang kasama si Rica, napalapit na ito sa kanya. Nararamdaman niyang hindi ito masamang tao.

"Maniniwala ba kayo sa babaeng 'yon? Hindi natin siya kilala. Paano kung nililinlang lang niya tayo?" Komento naman ni Onix.

"Maaaring may punto siya." Seryosong pahayag naman ni Manzo, "Alam niya kung sino tayo at ang sadya natin dito."

"Hindi tayo pwedeng makampante." Seryosong sabi ni Onix. "We need to make sure kung totoo ang sinasabi ng babae kanina."

"Rica knows her," Maikling pahayag ni Lassy. Makikita na rin ang kaseryosohan sa itsura nito.

Seryosong usapin ang tungkol kay Nox kaya bawat isa'y umiisip ng maaaring gawin.

"No doubt, she knows the girl inside the cage." Pahayag ni Primo. "If she killed Nox, that girl would be dangerous. We just need to clarify that thing and get the evidence to be presented in the Mafia council. But, if she was behind stealing the diamond ring, we need to be careful. We can't trust her but there's no reason for her to lie." Mahabang paliwanag ni Primo.

"Then, what's the next move?" Umaasang tanong ni Lassy. Pakiramdam niya ikasasaya niya ang susunod na sasabihin ni Primo.

"Get the evidence about Nox' death, get the ring and leave the ship." Matigas na utos ni Primo.

Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ni Lassy. Ngayon nakakasigurado na siyang hindi makakawala sa kanyang mga kamay ang diamond ring thief.

...

...

...

Tatlong araw ng hindi sumipot si Hurricane sa bawat laro matapos ang huling laro na dinaluhan niya. Bago pa magsimula ang araw kinabukasan, umalis na siya. Sinimulan na niya ang pagsisiyasat sa loob ng barko. Akala niya mga players lang ang narito at ang tinatawag na Meisters na siyang nangangasiwa sa laro, pero ng marating niya ang sunod na deck doon niya nakita ang ibang pasahero. Mga normal passengers na nakukuha pang magsaya hindi alintana ang nangyayaring patayan sa ilalim ng deck na ito.

Nahirapan siyang lumusot sa mga nagbabantay makarating lang dito. Ngunit isa siyang trained fighter kaya nagawa niyang makalusot ng walang kahirap-hirap.

Maaaring hinahanap na rin siya ng pamunuan sa laro dahil sa kanyang biglang pagkawala. Inaasahan na niya iyon lalo pa't nararamdaman niya ang pagmamasid mula sa mga lalaking nagkalat sa kinaroroonan niyang bar. 

Yes. Na sa bar siya ngayon at pansamantalang nagrerelax, pero alam niyang malabong mangyari iyon habang na sa barko siya. 

Inisang lagok niya ang inorder na alak at tumayo. 

"Thank you for the drink," Nakangiti niyang sabi sa bartender. Ito ang sumagot sa kanyang inumin na hindi niya tinanggihan. 

"Your welcome Miss," Nakangiti rin nitong sagot. 

Inayos muna niya ang suot na leather jacket na pinaresan ng isang white tube bago naglakad palabas ng bar. Sinadya niyang ilantad ang maliit at maputing tiyan. Suot din niya ang isang leather pants and black boots. Maayos namang naka-ponytail ang kanyang buhok. Pinulupot niya sa braso ang kapiraso ng kadenang suot para hindi iyon maging sagabal sa kanyang lakad. 

Naramdaman niya ang pagsunod ng ilang yabag sa kanyang hulihan. Prente lang siyang naglalakad at hindi nagpapahalata pero sinadya niyang dumaan sa walang tao. Doon naramdaman niya ang mabilis na paglapit sa kanya ng mga sumusunod. 

Agad niyang nahawakan ang braso ng nagtangkang hawakan siya. 

"Hi," Nakangiti niyang bati na ikinagulat nito. 

Hindi pa ito nakaka-recover sa pagkagulat ng nagpakawala siya ng isang suntok dito. Bumagsak sa sahig ang lalaki na nagpa-alerto sa mga kasama nito. Hindi niya hinayaang makabwelo ang mga ito dahil siya na mismo ang unang sumugod.

Mabilis niyang inatake ang mas malapit sa kanya. Sinuntok niya ang sikmura nito na nagpaluhod sa lalaki. Tinapakan naman niya ang likuran nito para bumwelo ng atake sa lalaking kasunod. Tumama ang kanyang kamao sa panga ng lalaki. Mabilis naman siyang umiwas sa atake ng ika-apat lalaki. Nasahawakan pa niya ang braso nito kasabay ng pagsipa niya sa ika-limang kalaban. Pabagsak niyang binitawan ang lalaking hawak na ngayo'y nakahandusay na rin sa sahig. 

Five down in just a second.

Kinuha niya muna ang mga baril sa mga kalaban. Sinuksok niya lahat iyon sa kanyang baywang at pinailalim sa suot na leather jacket. Nagpatuloy siya sa paglalakad na tila walang nangyari, pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagsunod ng CCTV sa kanyang kilos. Ngumisi siya sa harap n'on at walang pag-aalinlangan niyang binaril ang camera.

Ilang liko na ang nagawa ni Hurricane ng nakasalubong niya ang grupo ng mga kalalakihan. 

"Sh't!" Sambit niya ng walang pag-aalinlangan siyang paputukan ng mga ito.

Mabilis siyang nagkubli sa pader at hinanda ang dalawang baril. Huminga siya ng malalim bago nagdesisyong lumabas sa pinagtataguan at sunod-sunod na kinalabit ang gatilyo. Hindi siya nag-aksaya ng bala sapagka't sinisigurado niyang bullseye ang tira niya. Walang takot niyang sinalubong ang mga kalaban at nakipagpalitan ng putok. Nang maubos ang bala sa hawak na baril, tinapon niya iyon at mabilis kinuha ang reserbang baril sa tagiliran. Huling putok bago mawalan ng bala ang gamit na baril, ay siya ring bagsak ng huling kalaban.

Ngayon sigurado niyang hindi na siya titigilan ng mga ito. Muli siyang kumuha ng ilang pirasong baril bilang proteksyon. 

Mabilis siyang nagtungo ng makita ang isang hagdan pababa, ngunit mabilis din siyang nagtago ng makakasalubong naman niya ang mga armadong kalalakihan. Pwersahan niyang sinira ang nakitang pintuan at pumasok siya roon. Dahan-dahan niya iyong sinara upang hindi makaagaw ng atensyon.

"W-who are you?"

Alertong itinutok ni Hurricane ang hawak na baril sa taong nagsalita. Hindi niya napansin na mayroong tao sa silid na ito.

Nagtaka siya sa itsura ng lalaking na sa silid. Nakatali ang dalawang kamay nito sa itaas at bahagyang nakatungtong ang paa sa ibaba. Mapapansin ang dugo sa sira-sira nitong damit mula sa malamlam na ilaw ng silid.

Muling inilagay ni Hurricane ang baril sa kanyang baywang at nilapitan ang lalaki. Bahagya naman itong nagmulat ng tingin.

"H-hurricane?" Nahihirapan nitong sabi.

Pinagmasdan niya itong mabuti. Biglang pumasok sa isip niya ang dalawang lalaki na naglagay sa kanila ni Primo ng electric chain.

Inalis niya muna ang gapos nito at inalalayang umupo. Doon lang niya napansin ang isa pang lalaki na nakadapa sa sahig.

"Sino ka?" Tanong niya sa nanghihinang lalaki.

"T-two floors downstairs, r-right hallway, s-sixth room left. U-use the card in my pocket to enter the room. M-may mga gamit doon na maaaring makatulong sa'yo." Sambit nito bago natumba. Dinama niya ng daliri ang tapat ng ilong nito para malaman kung humihinga pa ang lalaki. Nakahinga naman siya ng maluwag ng buhay pa rin ang lalaki. 

Wala namang pagpipilian si Hurricane kundi sundin ang sinabi nito. Kinapa niya ang bulsa ng lalaki at kinuha ang sinasabi nitong card.

Nakiramdam siya bago marahang binuksan ang pintuan. Nang siguradong walang tao sa paligid, mabilis siyang lumabas at tinahak ang sinasabi ng lalaki. 

Balewala niyang tinapat ang card sa sensor ng pintuan. Lihim siyang napangiti ng bumukas iyon. Kaagad siyang naghanap ng maaaring makatulong sa kanya at isa na doon ang laptop sa ibabaw ng table. Kumuha na lang siya ng isang bag at doon inilagay ang natagpuan niyang mga armas sa iba't-ibang bahagi ng silid. Huli niyang kinuha ang baril sa ilalim ng center table sa salas. Hinalungkat din niya ang mga drawer at maswerte niyang nakita ang connecting device. Kinuha niya rin iyon at nilagay sa tainga. Madali na niyang magagawan ng paraan ang ikonekta iyon kung kailangan.

Umupo muna si Hurricane sa sala para buhayin ang laptop at buksan ang site na ginamit niya sa laptop ni Ryz. Tulad ng inaasahan, mabilis siyang nakapasok. Hindi na nakapagtataka iyon sapagka't pag-aari nila ang site na 'yon. It's her mother dangerous site. Marahil sa pagkakataong ito, alam na nila ang kanyang lokasyon. Hindi siya pumapasok sa site kung hindi emergency.

Nagfocus siya sa lower deck kung saan nagaganap ang laro. Bahagya siyang nagulat ng makitang naglalaban-laban ang lahat. Hindi iyon labanan sa pagitan ng manlalaro dahil nakikita niyang na sa iisang panig ang bawat isa laban sa kalaban. Wala siyang ideya kung kailan pa nangyayari ang labanan pero makikitang pagod na ang mga kalahok. Dehado sila sa bilang kumpara sa kanilang kalaban.

Napansin niyang kumpleto pa ang grupo ni Primo pero halatang nahihirapan sa kasalukuyang sitwasyon. Marami ang nakapalibot na kalaban sa mga ito at kung hindi nila mauunahan, siguradong katapusan na nila.

Mabilis niyang pinindot ang mga kumbinasyon sa keyboard. Alam niyang may suot na communication device ang mga ito. Kinonekta niya ang suot na device para makausap ang grupo. Nakita niya ang bahagyang ngiwi sa mga ito. Napahawak pa sa tainga si Onix dahil sa bigla niyang pagpasok sa system ni Ryz. Malutong na mura naman ang pinakawalan ni Orio. 

"Let me help you... for now."

...

...

...

Nagulat ang grupo ni Primo ng marinig ang nagsalita sa kabilang linya. Bahagya pa silang nagtinginan dahil sa hindi inaasahang pagkonekta ng sinuman sa kanila.

"Who are you?" Gulat na tanong ni Ryz. Hindi ito makapaniwalang ganoon kabilis napasok ang kanyang system.

"No time for that Ryz," Seryosong sagot sa kabilang linya. "Onix 190 degrees mayroong limang kalaban na lilitaw sa pinto. In three... two... one. Shot!" Narinig nila ang sunod-sunod na putok sa direksyon ni Onix na nagkukubli sa isang mesa.

"Thank you Miss Hurricane," Hinihingal na sabi ni Onix. 

"Your welcome," 

"Rica? Is that you?" Gulat na tanong ni Orio. Halata ang kasiyahan sa boses nito sa kaalamang ligtas ang babae. 

Akala nila nadakip ito ng mga kalaban ng hindi na nila makita ang babae kinabukasan. Bahagya silang napanatag dahil maayos naman ang kalagayan ni Primo, ibig sabihin buhay pa si Hurricane dahil sa electric chain na suot ng dalawa.

Wala ng naganap na laro matapos ang laro sa hagdan. Akala nila isang laro pa ang magaganap ng sunduin sila ng mga crew. Dalawang araw silang naghintay sa lugar kung saan sila iniwan, pero isang patibong pala iyon para maubos silang lahat. Unti-unting pinapatawag ng pamunuan ang mga kalahok pero isa man sa mga iyon ay walang bumabalik. Nagkaroon lang sila ng ideya kung anong ginagawa sa mga kalahok ng sila na ang ipatawag. Pinapahirapan ng iba't-ibang armas, pero lumaban na sila ng makitang baril ang itinutok sa kanila, at isang araw na ngayon simula ng nakipaglaban sila.

"Bakit kami maniniwala sa'yo? Isa kang magnanakaw na tinangkang tumakas para makuha ang singsing!" Bwelta ni Lassy kay Hurricane. 

"Kung tumakas ako, wala ako rito. Kung ayaw mong maniwala, bahala kang mamatay." Malamig na sagot ni Hurricane.

"Make the command," Seryosong pahayag ni Primo.

"Affirmative Supremo," Sagot ni Hurricane at nagsimulang ibigay ang lokasyon ng mga kalaban. She serves as their lookout na kahit si Lassy ay napilitang sumunod.

...

...

...

"What happened?" Matinis na boses ni Jackeleigh ang narinig sa buong control room ng barko.

Nasisiyahan na siya sa naging resulta ng pagsabotahe niya sa mga kalahok pero ngayon nabaligtad ang pangyayari. Hindi niya nagustuhan ang ginagawa ng grupo ni Supremo na siyang pinupuntirya niya sa lahat. Gusto niyang mawala ang Supremo para maging malaki ang impact niyon sa Mafia's.

"Nalalaman po nila ang lokasyon ng ating mga tauhan," Imporma ng isang lalaki na nakaharap sa monitor.

"G'go! Alamin mo kung paano nila nalaman!" Sigaw nito sa lalaki.

"M-may pumasok po sa system natin at siyang nagbibigay ng impormasyon sa kanila." Lakas loob namang pahayag ng isa.

"Hanapin nyo at patayin! Walang sinuman ang pwedeng kumalaban sa akin, wala!"

...

...

...

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

22.1K 847 29
He forget and She remember Bad Girl Series 01 C.G
16.2K 756 19
Magnus Anticlair is a freaking hot model and a celebrity. He is famous when it comes to girls. Everyone was drown by his flirty seductive smile not u...
393K 12.6K 51
#Romance #She-wolf #Family #Mate #Firstlove
7.5K 988 54
She is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping...