Ever After #9: Bloodline

Av OnneeChan

5.6K 355 50

Calli was supposed to die that day. When she felt her car flipped upside down, she knew she was going to die... Mer

Ever After Series
BEFORE YOU READ
PROLOGUE

I.

553 43 7
Av OnneeChan

CALLI

Warm.

Ang warm ng gising ko. Ang sarap naman gumising ng ganito. May tamang lamig dahil sa aircon at tamang init mula sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana ko.

6:45 AM.

Wow. Nauna ako magising sa alarm ko. Is this it? Hindi na ba ako male-late for work this time?

Agad akong tumayo dahil for once in my adult life, may goal akong makapasok on-time today. Since I started working, lagi akong late. Hindi ko na matanggal sa sarili ko 'yong ugali ko na mabagal kumilos sa umaga.

Pagbaba ko sa kusina, dumiretso ako sa kusina upang tignan kung ano ang magandang almusal ngayong umaga. Which reminded me na kailangan ko nang dumaan sa supermarket after work.

Nice. May egg at kimchi pa ako sa ref. It's a nice day to have eggs and kimchi fried rice today. To my surprise, ang perfect ng pagkakaluto ko today. Hindi ko naman birthday pero bakit ang ganda ng araw ko ngayon?

After I ate breakfast, naligo na rin ako at nag-ayos na. 7:15 AM. I have 45 minutes to travel to work na 20 minutes away lang naman talaga. Kahit bagalan ko pa mag-drive, hindi na talaga ako male-late.

Very good, Callista Ysabelle. Magugulat workmates ko for sure.

As if the day couldn't get any better, walang traffic on my way to work. I arrived 7:45 AM. I had enough time to prepare for today's meeting, which made my work for the day lighter. Lumipas ang araw na wala akong naging problema. Sana ganito araw-araw.

5:15 PM. Nasa parking lot na ako nang mapansin kong naiwan ko ang susi ng sasakyan sa desk ko. Ugh. Bumalik pa ako to get my keys. Ang hassle.

5:30 PM. Magpa-gas na ba ako or diretso muna ako sa supermarket? Nah. Bukas nalang ako magpapa-gas. Abot pa naman.

6:00 PM. Ang sabi ko magrere-stock lang ako for breakfast, lunch and dinner ko for the week... bakit puro junk food groceries ko ngayon?? Napakagastos mo talaga, Callista Ysabelle!

6:15 PM. Sampung minuto nalang at malapit na ako sa bahay. Iniisip ko palang na makakahiga na ako ulit ay napapangiti na agad ako. Nakakainis lang dahil inabot na ako ng traffic. I unbuckled my seatbelt para abutin ang bag ko na nasa likod ng sasakyan. Nandoon nga pala ang aking cellphone.

6:20 PM. Umusad na ang mga sasakyan sa harap ko nang maabutan ako agad ng red light. What the hell? Kaka-green light lang! Limang sasakyan lang ang nasa harap ko! Sira ba stop light dito?

Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman kong mag-vibrate ito. Oh. It's her birthday tomorrow. Muntik ko nang malimutan.

I looked up when I heard a screeching sound. Napahawak ako sa steering wheel nang makita ko kung ano ang papalapit sa akin. Nabitawan ko ang hawak kong phone.

A school bus is heading towards me from the opposite side of the road. Wala na akong oras para makaiwas pa. Is this it? Is this how my life will end?

Sabi nila, your whole life will flash before your eyes bago ka mamatay. Kasinungalingan. I did not see my whole life, I saw the life that I could've had. I saw the life that I wanted to have in the future.

Simple lang naman ang gusto kong buhay. Settle a stable job, get married, and then eventually have kids. Hindi naging part ng plano ko ang mamatay agad.

But here I am. Seconds away from dying. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Rinig ko ang sigaw ng mga bata. May mga bata sa bus. Why did this happen?

I tried to swerve my car away from the bus but that only made things worse. The impact caused my car to flip upside down. Rinig ko ang pagbasag ng mga bintana. I felt everything all at once. And because I took my seat belt off kanina, ramdam kong tumalsik ako palabas ng sasakyan.

6:23 PM. I am now lying here, sa labas ng sasakyan, sa gitna ng kalye. I felt blood at the back of my head. Hindi ko na magalaw ang aking buong katawan. I can't even scream for help.

So this is what dying feels like.

Now that I think of it, it was such a perfect day. Maganda ang gising ko kaninang umaga, I cooked perfect sunny-side-up eggs, and I was not late for work. Everything went perfectly, as if my life is following a script, to bring me to this moment.

Gusto kong tignan ang school bus na bumangga sa akin. Gusto kong malaman kung okay ba ang mga bata. But I can't. I know I only have a few seconds left.

Tumingin ako sa langit. The sky is now a mixture of orange and blue hues. I wouldn't mind dying while looking at this view. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata when a silhouette blocked my view of the sky.

Yumuko ito at hinaplos ang pisngi ko. He effortlessly lifted me up while staring at me with his striking blue eyes. "Don't die on me, Calli."

He knows my name.

"Not today, Calli," he said habang pinipilit kong idilat ang aking mga mata. "Not on my watch."

That's when everything went pitch black.

⁂ ⁂ ⁂

I didn't know that dying feels like sleeping. Ilang beses na akong nananaginip. Para bang nanonood ako ng sine.

Una kong panaginip ay tungkol sa mga magulang ko. Kumpleto pa kami. Buhay pa si daddy. Sumunod na panaginip naman ay nasa tabing dagat ako. Nakaupo sa duyan habang dinadama ang simoy ng hangin. I've always wanted this. Ang magbakasyon.

The weirdest one is the third dream. Nasa madilim akong kwarto na parang may mga sinulid na nakadikit sa kisame. May mga sinulid na maikli, may mga sinulid naman na abot hanggang sahig.

Sa gitna ay may tatlong babae na nakapalibot sa isang spinning wheel. Ang isa sa kanila ay may hawak na sinulid, kakaiba ito mula sa ibang sinulid because of its color. A gold thread.

"She should've died today," one of them said. "But Hercules interfered."

Sino sila? Who's Hercules?

"Kahit anong gawin ko, hindi ko na ito maputol," sambit naman nung isa. "She has a different fate now."

Nagdilim ulit ang paligid. Ilang minuto lang ay ramdam ko ang pagbabago ng paligid. I feel... warm. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.

Nakahiga ako sa isang malaking kama, the softest bed I have ever tried. I looked at the guy sitting at the edge of the bed. It's the guy with the blue eyes.

"I guess you're finally back, Calli." Tumayo siya at binuksan ang bintana ng kwarto. The room lit up. I smell the ocean from the outside. Nasaan ako?

"Sino ka?" I asked. "How do you know my name? Nasaan ako?"

He smirked and ran his hand through his perfectly curled hair. Inabot niya ang kanyang kanang kamay sa akin. "The name's Hercules. Son of Zeus. Greatest hero of all time. Strongest man on Earth."

Uhm. What? Son of who? Zeus? Hindi ba't... Zeus is one of the Gods? I mean...

Did I really die? Am I in heaven?


Fortsett å les

You'll Also Like

9.8M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
17.5K 1K 24
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
239K 8.6K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
314K 23.5K 37
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...