Ilan araw lang matapos makalabas ni Mikha sa hospital ay agad din nilang pinagplanuhan ang magiging daloy ng party sa darating na birthday ng baby nilang si Queen Janna.
"Ikaw ba? Sure ka bang kaya mo ng bumiyahe ng ganon kalayo? Pwede naman kahit dito na lang tayo sa garden, love. Tayo tayo lang naman" Nag aalalang usap ni Aiah matapos sabihin ni Mikha ang plano niya para sa darating na birthday party ng kanilang anak.
"Don't worry, love. Kaya ko" Nakangiting sagot ni Mikha atsaka hinawakan ang kamay ni Aiah.
"Yun lang naman yung akin, yung iba, itong asawa ko na ang tanungin niyo at siya naman ang mas may alam sa mga ganyan" Nakangiting usap pa ni Mikha sa mga organizer habang si Aiah naman ay hindi makapaniwala sa narinig niya. Asawa?!
"Ilugar mo yang kalandian mo, Mikha" Bulong pa ni Aiah sa dalaga kaya mas lalo naman napangiti si Mikha ng makita niya ang pulang pulang mukha nito.
"Momik!" Biglang tawag ni Baby Janna sa Mommy Mikha niya habang tumatakbo ito palapit kay Mikha, agad naman tumayo si Mikha upang salubungin ang anak para buhatin.
"Yes baby?" Tanong pa ni Mikha sa anak, agad naman tinuro ni Baby Janna ang kitchen area kaya agad naman nagpaalam si Mikha kay Aiah at sa mga organizer na mag aasikaso sa birthday party ni Baby Janna.
Ilan minuto lang ang makalipas ay agad na rin sumunod si Aiah sa dalawa kaya natawa pa ito ng makita si Mikha na nagtitimpla ng gatas para kay Baby Janna.
"Ay sus! Gustong gusto talaga ang timpla ni Momik niya" Nakangiting usap pa ni Aiah sa bata habang nakaupo ito sa high chair nito. At nakangiting napapailing naman napatingin kay Mikha kaya natatawa pang takang tumingin sa kaniya si Mikha.
"Ano ang ngiti yan, huh? love?" Tanong pa nito kay Aiah, napailing na lang naman si Aiah at nakapanga lumbaba pang tumingin kay Mikha.
"Wala naman, love. Naisip ko lang kasi na ang swerte ko pala talaga" Seryosong usap ni Aiah kaya napatingin naman sa kaniya si Mikha
"Kasi?" Tanong pa nito habang seryosong tinatakpan ang dedehan ni Baby Janna.
"Kasi yung dating matinik na Captain Mikha Lim at ngayong successful na Ceo Lim ay nakikita kong tagatimpla lang pala ng gatas ng anak niya sa bahay niya, biruin mo yon" Natatawang usap pa ni Aiah kaya natatawa rin naman siyang nilingon ni Mikha matapos ipadede na kay Baby Janna ang tinimpla niya.
"Ah ganon?" Natatawang tanong pa ni Mikha sa dalaga. Napatakbo na lang naman si Aiah ng maisip ang maaaring sunod na gawin ni Mikha.
"Hoy! bawal ka pang magtatatatakbo at baka mapagod ka!" Saway pa ni Aiah habang nagpapaikot ikot pa rin sa kitchen palayo kay Mikha. Hindi naman pinansin ni Mikha ang sinabi ang dalaga at nagpatuloy lang sa paghuli rito.
Nang mahuli ang dalaga ay sabay silang natawa kaya napalingon pa sa kanila ang bata at masayang pumalakpak ng makitang yakap yakap ni Momik niya ang Mommy Aiah niya.
"Sana all! May happy Family!" Biglang sigaw ni Stacey ng makita ang tatlo sa kitchen area, sunod naman pumasok sa kitchen sila Colet, Jhoana at Sheena.
"Oy bro! Jhoana! Sana all daw may happy family" Asar pa ni Colet kay Jhoana.
"Huwag mong ginaganyan yan, bro, baka biglang tawagan ang mga doktor nila at biglang magpaproseso" Natatawang usap pa ni Mikha kay Colet habang si Jhoana naman ay hindi na lang ito mga pinansin.
"Yan diyan kayo magaling, sa kalokohan" Biglang usap ni Sheena kaya natahimik na lang ulit si Colet.
Agad din naman napansin ni Aiah at Mikha si Stacey na masayang nilalaro si Baby Janna habang si Jhoana naman ay tahimik lang nakatingin sa dalawa.
"Love, yayain niyo na muna si Jhoana sa labas, kami na bahala ni Sheena kumausap dito kay Stacku" Bulong ni Aiah kay Mikha kaya tumango na lang naman si Mikha at niyaya na ang dalawa sa labas.
__________________________________________
MIKHA'S POV
"Jho, anong problema? Bakit parang layo kayo ngayon ni Stacey?" Tanong ko kay Jhoana ng makarating na kami sa garden. Umiling lang naman ito kaya agad din siyang nilapitan ni Colet.
"Asa kang maniniwala kami sayo, ilan taon na tayo magkakaibigan oy! so anong problema?" Pangungulit pa ni Colet. Huminga naman muna ng malalim si Jhoana bago tuluyan humarap sa amin ni Colet.
"Natatakot ako" Sagot niya, napatingin lang naman kami ni Colet sa kaniya at matiyagang naghihintay ng sunod niyang sasabihin.
"Alam niyo naman na last year pa kaming engaged ni Stacey, hindi ba?" Tanong pa ni Jhoana sa amin.
"Sa totoo lang, muntik ko ng makalimutan kasi lately nakikita kong kayong dalawa na puro kayo away, pero hindi, nakalimutan ko lang din siguro na ganon lang pala talaga kayo, maglambingan" Seryosong sagot ko sa kaniya kaya huminga na lang naman siya ulit ng malalim. Totoo naman. At totoo rin na last year pa silang engage ni Stacku, sayang nga lang at wala pa rito si Aiah nung mga panahon na yon.
"Bro, gusto niyang magkababy na kami" Biglang usap ni Jhoana kaya nagkatinginan pa kami ni Colet.
"Oh! Anong problema?" Tanong ko sa kaniya.
"Anong kinakatakot mo?" Takang tanong din ni Colet kay Jhoana. Napaiwas naman muna ng tingin si Jhoana bago sumagot.
"Gusto niya kasi na sa kaniya mismo manggagaling yung bata, gusto niyang magpa ivf process kami" Sagot pa ni Jhoana.
In vitro fertilization (IVF) is a method of assisted reproduction in which a man's sperm and a woman's eggs are combined outside of the body in a laboratory dish. One or more fertilized eggs (embryos) may be transferred to the woman's uterus, where they may implant in the uterine lining and develop.
"And? Kasi, Jho, alam mong walang mali ron" Takang tanong ko pa sa kaniya
"Alam ko, natatakot lang ako na baka hindi kami magtagumpay sa mga gusto namin, natatakot lang ako na baka pati siya mapahamak dahil lang sa kagustuhan din namin magkaanak" Seryosong sagot ni Jhoana.
"Nakita mo ba yung ngiti ni Stacey habang hawak-hawak ang anak namin ni Aiah? Kahit yata bilhan mo ng mamahalin bag yon hindi non mapapantayan yung ngiting yon. Nasa sayo na yan, bro. Kasi kung ako tatanungin, walang masamang sumubok" Seryosong usap ko sa kaniya at inakbayan na rin siya.
"Alam kong gusto mo rin yan, huwag kang matakot, pag usapan niyo ni Stacku 'to pag uwi na pag uwi niyo" Dagdag pa ni Colet kaya napatango na lang naman si Jhoana atsaka niya kami niyakap kami pareho ni Colet.
__________________________________________
AIAH'S POV
"Bigyan mo lang ng oras si Jhoana, alam mo naman yon, pag kundisyon mo na ang pag uusapan dumadami na ang daga non sa katawan" Usap ni Sheena kay Stacku.
"Tsaka hindi rin naman kasi talaga madali yan, maari mo rin ikapahamak yan kaya hindi mo rin talaga masisise si Jhoana" Dagdag ko pa.
"Nabanggit nga sa akin ni Jhoana na gusto na nga rin niya, kaya lang pinapangunahan pa nga rin siya ng takot kaya pilit siyang umaayaw sa gusto mo" Biglang kwento ni Sheena.
"Subukan mong ipaliwanag sa kaniya lahat, Stacku. Bigyan mo siya ng kasiguraduhan na wala talaga dapat siyang ikatakot, na dapat magtiwala siya na kaya mo" Suhestiyon ko kay Stacey, tumango naman ito habang hinehele pa rin si Baby Janna.
"Siguro nga, baka ayon lang talaga ang kailangan niya, assurance" Usap pa ni Stacey
"Assurance, na wala dapat siyang ikatakot o ipangamba" Dagdag pa ni Stacey bago tuluyang magpakabusy kay Baby Janna.