Unrequited (GL) [HSS #4, Comp...

By InsaneSoldier

722K 41.2K 13.1K

[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 4: North Date started: July 15, 2017 Date completed: March 2... More

Unrequited
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 21

13.6K 831 486
By InsaneSoldier

Pagbukas ng elevator ay bumungad na sa amin ang kabuuang interior ng highest floor ng gusali.

Ni-confirm ko sa may information desk just right at the entrance ang reservation ko at nang all set na ay saka kami naglakad papasok.

I've seen this place in the picture and really, what you see is what you get. Napatingin ako kay North at nakahinga ako ng maluwag nang maging siya ay nagandahan.

Nandito kami sa isang rooftop bar and restaurant. Isa kasi ito sa pinakaunang pumukaw ng atensyon ko kanina habang nags-search ng lugar.

Mix ng industrial and traditional Filipino design ang buong interior, even the installed ceiling lights, chairs, and the tables ─ very aesthetic. The room dividers are also Filipino inspired, with its tribal embossed patterns. Sa tingin ko pasok sa taste ni North, miski ako ay nagustuhan ko kaagad.

Malamig sa mata ang floor na ito at nakaka-relax ang ambiance, mula rito ay tanaw din ang view sa labas dahil sa floor to ceiling windows.

There's also an open kitchen and contradicting to the entirety of the floor ay mas modern ang dating no'n but with minimal Pinoy design.

"This place is very nice," komento ni North.

Ngiti-ngiti lang ako sa kanya pero deep inside ay gusto kong i-congrats ang sarili ko dahil tama ang desisyon ko na dito siya dalhin. Mabuti na lang at mukhang never pa naman siyang nakarating dito based sa reaction niya dahil kung hindi, ewan ko na lang.

"Maganda rin yung review na nabasa ko, buti na lang ito ang napili ko." sagot ko. "Tara?"

Hindi siya sumagot pero ang ganda-ganda ng ngiti niya sa akin. Parang gusto kong dasalan lahat ng dapat dasalan nang kusa siyang humawak sa kamay ko kahit hindi ko inaalok ─ sa nahihiya ako hawakan siya, eh.

Pinilit kong kumalma. Date namin 'to, kailangan ko maging confident. Ayoko naman na hahawakan niya yung kamay ko tapos pawis na pawis. Ang lambot pa naman ng kamay niya.

Magkaharap kami nang makaupo. Halos sabay din kaming napalingon sa labas ─ buhay na buhay ang siyudad sa dami ng mga nagliliwanag na gusali sa paligid. Kahit madilim ay para bang ang aliwalas pa rin ng langit, at ang ganda ng buwan.

Everything looks majestic watching this nice cityscape.

Habang abala si North sa pagtitig sa view ay sumenyas naman ako sa waiter na mabilis tumalima at lumapit sa akin.

"Good evening, ladies," pagbati niya. North stared at him and she offered a smile. She's always so nice wherever we are, whoever the person she's facing. "You both look lovely."

"You look nice yourself," North chuckled. Ba't ba ang husay niya makipagpalitan ng salita? Lahat na talaga nasa kanya na.

Hindi na kataka-taka na kahit kakaunti lang ang tao rito ─ siguro dahil spacious ang lugar at may sapat na distansya ang bawat tables sa isa't isa ─ ay meron pa rin talagang lilingunin si North. Nags-standout lang talaga siya sa karamihan kahit hindi siya mag-effort.

Tumango sa kanya si kuyang waiter bilang pagtanggap ng compliment. Magiliw niyang inabot ang menu sa amin. "What food would you like order?"

"North, ikaw?" tanong ko. Binasa ko ang list ng pagkain, parang lahat masarap kaya hindi ko pa alam kung anong pipiliin ko.

The menu is very straightforward, highlighting their pride of grilled dishes.

Natawa siya ng mahina. "Parang masarap lahat."

Natawa na rin tuloy ako dahil parehas kami ng iniisip. Matched na ng thoughts, soulmate na ba kami nito? Ang korni ko.

"We'd take the food that's most recommended," I finally answered. Nilingon ko si North. "Okay lang ba?"

"No problem."

Tumingin ako sa waiter at tumango. Mukhang na-gets naman niya kaagad ako.

Sakto naman ay pumunta na sa center stage yung banda na tutugtog ngayong gabi at nag-setup na ng instruments. That's one of the nice thing here that's why I chose this place.

This bar and restaurant caters live band performances. Itong puwesto na talaga ito ang pinili ko dahil mahilig makinig ng music si North, although wala naman talaga siyang specific na genre na gusto sa pagkakaalam ko as long as gusto niya ang pinapakinggan.

Apart from music lounge, there's also an open-fire charcoal grill where customers like us can watch live culinary show. Kahit saan ka lumingon ay may mapagkakaabalahan ang paningin mo.

May lumapit na waiter sa amin at inihain ang salad. Nakita ko yung picture nito kanina sa menu pero nalimutan ko kaagad ang tawag, basta may word na beetroot. Pinanood ko si North na tikman niya yung pagkain at based sa expression niya ay pasok iyon sa taste niya. Tumikim na rin ako at hindi naman ako nabigo sa lasa.

Nabalik ang atensyon ko sa stage nang magsimula nang tumugtog yung banda. No'n ko lang napansin na puro sila mga babae ─ and they all look pretty.

"Aking sinta

Ano bang mayro'n sa iyo"

Tumingin si North sa mga nagp-perform at napangiti. Binalik niya ang tingin sa akin kaya ito na naman ang kabog ng dibdib ko na hindi na nasanay sa presensya niya. "I know them."

"'Pag nakikita ka na

Bumabagal ang mundo"

Nilingon ko tuloy ulit yung mga babae sa stage. "Kakilala mo? Or sikat sila?"

Wala kasi akong masyadong alam sa mga banda. Mas tamang sabihin na it's either alam ko yung lyrics at tono pero hindi ko alam ang title or vice versa. Hindi ako matandain sa name ng singers. Although I have very few bands na gusto ko talaga like the Linkin Park, usually ang mga kilala ko ay yung tumatak na talaga.

"'Pag ngumingiti ka para bang may iba

'Pag tumitingin sa'kin mapupungay mong mga mata Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda

Halika nga"

Pero ako lang ba o nakaka-relate ako sa lyrics? Ba't parang tinatamaan ako?

Hindi ko mapigilan mapatingin ng mas maigi kay North, I can't help myself but feel mesmerized by just how beautiful she is, kung gaano kami kalapit sa isa't isa, at kung gaano ako kaswerte sa mga oras na ito. Sa pagkakataon na ito, nasa akin ang oras at atensyon niya, nasa date na ito lang at lahat ng ganda ng paligid namin.

"Hindi sila yung masasabi mong sikat talaga pero kung mahilig ka sa mga bar and restaurant like this ay tiyak na may chance na mapanood or napanood mo na sila mag-perform. They get to be invited anywhere, I've watched their live performance once before."

Napatango naman ako, torn sa kung saan magf-focus ─ sa sinasabi niya ba, sa pagtitig sa kanya, o sa mga nagp-perform. "What's their band name pala?"

"Wala nang ibang nakagawa sa'kin nang ganito

Kung 'di ikaw nag-iisang diyosa ng buhay ko"

"They're Palettes," sagot niya. For some reason ay parang bumagay talaga yung pangalan ng banda nila, feminine and cool pakinggan. "Yung main vocal nila," Tinuro niya yung babae na nasa gitna na kumakanta at naggigitara din. "If I remember it right ay Aika ang name niya. They all look stunning in their own way."

Maganda si Aika pero parang nene ang datingan, mukha siyang estudyante. Baby faced siguro. Mga kasama niya kasi parang hindi naman nagkakalayo sa edad namin ni North.

'"Wag kang titingin na sa iba

Akin ka na wala nang iba"

"Pinakamaganda ka," nasabi ko na lang. Huli na nang ma-realize ko ang lumabas sa bibig ko. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Daring, aren't we?"

"T-totoo naman."

Shit, self, ano na? Panindigan mo na! Ba't biglang bumahag na naman buntot mo?

Saktong natapos ang kanta ay dumating na rin ang main menu na ipinakilala ng waiter sa amin ─ at John Stone something na steak lang ang nag-register sa pandinig ko. Pero ni hindi na ako nakapagsalita para magpasalamat dahil automatic na namang nablangko ang utak ko habang nakatitig sa magandang kasama ko na ito.

Mabuti pa si North hindi nad-distract, sino ba naman ako para mawala siya sa focus.

"Paris."

"H-huh?" Nabigla ako nang abutan niya ako ng ni-cut niyang portion ng steak niya. "Huh?"

"Huh ka diyan," Tinawanan na naman niya ako na para bang aliw na aliw siyang nagkakaganito ako dahil sa kanya. "Taste it."

May pakiramdam ako na kapag tumanggi ako ay lagot ako kahit ang aliwalas ng expression niya. Nahihiya man at nag-iinit ang pakiramdam ng mukha ay tinanggap ko iyon. Natigilan ako dahil masarap yung karne. Juicy, parang natutunaw sa bibig ang lasa. "M-masarap."

Pinisil niya ang ibabaw ng kamay ko bago siya muling ngumiti. She took another small portion at siya naman ang kumain. Para akong tanga dahil iniisip ko na para na rin kaming nag-kiss ─ indirect nga lang.

Ano na, Paris Avegail? Huma-highschool ka ngayon?

Gosh, para akong nananaginip. Si North ba talaga itong ka-date ko ngayon? Sa akin lang ba talaga siya ngumingiti?

"Sometimes I wish that I could stop the clock from turning

And spend the weekend lost inside your eyes"

Ayan na naman 'yang kanta! Masyadong patama 'tong Palettes, nakikisabay sa iniisip ko!

"Somehow I wish I could halt the roses burning

'Til I can make you mine"

Tahimik lang kaming kumakain pero kahit ganoon ay hindi ko mapigilan na tingnan lang siya. Kahit nga buong oras ko siyang titigan ay ayos lang sa akin ─ kung hindi niya lang sana ako nahuhuli. Kapag nag-aangat kasi ng tingin si North ay bigla niya akong nginingitian o kaya ay tatawa dahil sa pagiging ewan ko. Alam ko naman na sa lagay na 'to ay obvious na ako. Nag-aya na nga ako ng date ─ na parang siya naman ang nagdadala dahil natatanga talaga ako kahit anong gawin ko.

"From the first time I saw you at that coffee shop on Melrose

They were playing "Hey Jude" & we both sang along"

Hindi na ako kinakabahan pero para akong lumulutang, may part sa loob-loob ko na parang hindi pa rin makapaniwala na nandito kami. Kulang na lang tusukin ko sarili ko ng tinidor para ma-confirm na hindi ito gawa-gawa lang ng imahinasyon ko.

Nagm-MC na yung isang guitarist ng Palettes nanag matapos kami sa kinakain, pinapakilala na nila ang isa't isa pero ni hindi ko halos napakinggan kung sino sila. Basta yung Aika lang ang natatandaan ko dahil mukha siyang nene at nabanggit na siya ni North.

"T-tara?" Naglakas loob na akong hawakan si North sa kamay. Alam kong naramdaman niyang ang lamig ng balat ko pero hindi siya nagkomento at binigyan lang ako ng tango. She's so considerate. Sinong hindi magkakagusto sa kanya?

You can't just say anything bad about her, it's as if she's born to be perfect.

We took the stairs and it brought us to the rooftop nang hindi siya bumibitaw sa akin. Mahangin pero parang naging instrumento lang iyon upang magiliw na isayaw ng hangin ang ilang hibla ng buhok ni North. Natigilan pa ako ng lumapit pa siya sa akin lalo para lang ayusin ang buhok ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa kanya.

Mas na-emphasized ang view ng city dahil nandito na kami sa pinakamataas na bahagi ng gusali. Maliwanag din sa puwesto namin. May naka-setup na wooden bar and naabutan pa naming nagp-perform ng trick yung bartender para sa isang drink. Lumapit kami ro'n.

"Gusto mo ba ng may alcohol?" tanong ko sa kanya.

"Sure, pero ikaw hindi pwede." Pabirong sagot niya kahit totoo naman. Magd-drive ako kaya mas safe kung non-alcoholic ang kukunin ko.

"Ayos lang, " sagot ko. Ang mahalaga naman sa akin ay nag-e-enjoy siya.

Mabilis namang na-prep yung inuming napili namin. Lumayo din kami kaagad at naghanap ng pwesto na mas secluded ng kaunti, kung saan mas makakapag-usap kami ng tahimik. Iba ang ambiance dito bukod sa maganda ang view at mas tahimik dahil mahina lang yung volume ng kanta na nanggagaling sa music lounge ay iba rin ang epekto ng hangin na tumatama sa balat namin.

"Hindi ka naman malalasing diyan, 'no?" tanong ko sa kanya habang pinapanood siya sa pag-inom. Hay, sa wakas, nagiging normal na ako kausap kahit papaano.

"You know that I have high tolerance for alcohol," Kinindatan niya ako. Hindi naman nagpapigil ang puso ko sa pagtibok ng mabilis dahil sa nakita. Bakit, North? Bakit ganyan ka sa akin? Kahit malamig ay ang init-init na naman ng mukha ko. Buong araw na yatang mainit ang mukha ko dahil sa kanya. "You look cute."

"S-sure ka hindi ka lasing?" Dinaan ko siya sa pabirong tanong kahit nautal ako. Sabi ko gusto ko umaktong normal pero bilis naman bawiin.

"Mas namumula ka pa nga sa akin, eh." Pang-aasar niya, hindi pa nakuntento at tinawanan pa ako.

Gusto ko na lang maglaho kasama ng hangin.

Pero totoo naman. She always looks like she's never fazed with anything, palagi siyang composed. Ibang klase siya tumingin ay kumilos, it feels like she's always okay. Kung minsan hindi ko mapigilan isipin kung minsan pa ay nagkakaproblema ba siya. Because despite being in love with her, I don't really know a lot about her maliban sa kung ano lang ang sinasabi at pinapakita niya.

Nakita ko na siyang mainis, nakita ko na silang magtalo ni Jade, pero...hindi ko alam.

Tulad ngayon, paano? Paanong pumayag siya? Yung ginawa niya sa kusina ko last time, bakit? Bukod sa aware na niya ang feelings ko, are we really mutual?

Napailing ako. Kung anu-ano na naman ang iniisip ko. Baka mamaya maging nega na naman ako tapos masira pa last minute itong date namin. Hindi naman iyon ang rason bakit ko siya inaya, eh. Nandito ako para ─

"Gail, okay ka lang ba?"

"Huh? O-oo. Sorry."

I tried to compose myself and started gathering my thoughts nice and slow. The timing was great ─ an awesome date with an awesome her; a great view of the cityscape and the moon; and a nice drink to hold. Wala nang sasakto pang araw bukod ngayong gabi.

"North..."

"Hm, Paris?"

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Nagsisimula na naman akong kabahan, palakas ng palakas yung tibok ng puso ko na parang anumang oras ay kakawala na lang bigla sa loob ng katawan ko. Nakatingin lang ako sa kanya kahit para bang natutunaw ang pakiramdam ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin, para bang hinihintay niya rin ako ngayon.

Ibinuka ko ang bibig ko pero walang lumalabas na salita. Shit, magsalita ka!

Mabilis kong inubos ang natitirang laman ng baso ko. I cleared my throat. Kinakabahan pa rin ako. Huminga ulit ako ng ilang beses. North's just looking at me, waiting patiently, and as if the patience is not enough, she held my hand and gave it a gentle squeeze. I suddenly felt calm with that. Hindi ko alam kung bakit.

"North, mahal k..." Yumuko ako, pumikit, bago humarap at pinakatitigan siya. "Mahal kita."

Ngumiti siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, para bang sa wakas ay may nakawalang kung ano sa akin, na after all this time ay naamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko na ang tagal-tagal kong tinago. Parang wala na nga akong pakialam kung anong mangyari pagkatapos nito.

Hinawakan niya ako sa pisngi, no'n ko lang napagtanto na naiiyak pala ako kaya ako mismo ang nagpunas ng luha ko pero pinigilan niya ako. She let her thumb wipe my tears. Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko dahil na rin sa hangin. Nasa kabilang kamay niya lang ang inumin niya na lagpas kalahati na ang bawas.

She's just looking at me like there's nothing else to see. Naramdaman kong parang nag-skip ang puso ko sa pagtibok nang ilapit niya ang mukha sa akin. Napalunok ako at napapikit nang lumapat ang labi niya sa noo ko.

It feels warm and nice.

_____

Aika and her bandmates are characters from my novel Succumbed.

Continue Reading

You'll Also Like

708K 25.7K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
933K 30.6K 51
I'm tired... Give me one more enough reason to keep sailing into your unsure world.. I'm really tired. I'm tired of being pushed away. One reason is...
19.2M 337K 65
Simple and studious seventeen-year-old Juliana Arevalo falls for the gorgeous billionaire Jacob Seth Delaney, son of the wealthy family in Manila whe...