Performance Task No.7; Akda K...

By payxx_14

10 0 0

Faye Cayaban 10 SPFL-B More

Panahon ng Pandemia

10 0 0
By payxx_14

Faye Cayaban
10 SPFL-b
Mrs. Teresita Manzano

Performance Task no.7:Akda ko,post ko!

Isang kalbaryo para sa ating mga Pilipino,
Ang mga nangyaring pagbabago,
Dulot ng pandemia sa boung mundo,
Na nagmula sa iisang tao.

Ang di nakikitang kalaban,
Na kahit sino puwedeng tamaan,
Kaya naman tayo'y binabalaan,
Na manatili saating mga tahanan.

Nang dahil sa Enhanced Community Quarantine,
Bansang Pilipinas walang imik,
Mga Pilipino nawala nang makakain,
Lahat ng tao,natigil sa pagtratrabaho at pag aaral.

Ating bayani na Frontliner ating kilalanin
Pilit nililigtas ang nasa bingit ng kamatayan
Kahit pa buhay nila'y manganganib
Sila'y handang magsakripisiyo para sa lahat

Ako'y sumilip sa mundong ating ginagalawan,
Napanood at narinig ko ang daing ng bawat mamamayan,
Paghihirap,pagdurusa,at kagipitan,
Pagdududa,ngunit Takot Ang nangibabaw sa damdamin ng karamihan.

Ang virus na atin pang nilalabanan,
Mula noong taon 2019,
Mula ngayung kasalukuyan,
Ito'y mga pangyayaring di natin inaasahan.

Mga taong gusto nang lumabas ng kanilang tahanan,
Na para bang ibong gusto nang makalaya.
Nasasabik nang mayakap at makasama,
Mga minamahal kong kaibigan at pamilya.

Kahit pa pano pamilya ko'y ligtas,
Pasasalamat ko sa Panginoon'y wagas,
Pananalangin ko'y parang walang bukas,
Para malayo sa kapahamakan,peligro at sa kumakalat na virus.

Sa ilang buwan na pananatili,
Sa bahay namin kasama ang aking mga kapatid,
Sila'y nagbibigay ng saya at galak,
Puno ang aming tahanan ng pagmamahalan.

Sa kabila ng mga nangyayari,
Paghubog at pagaalaga sarili,
Ang aking mas pinagtoonan ng pansin,
Pandemia ay di magpapabagsak saakin.

Tayo'y maging mabuting modelo para sa lahat,
Sumunod sa mga protocol at mga batas,
Para matapos na ang pandemia,na Tayo nang magsaya,
Ang pagpapavaccine ang kontra.

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 307 42
Just a few bits and pieces of poetry I've written over the years. |On-going|
1K 198 90
"The Art of Self-Love" is a powerful and empowering guide to discovering the beauty of self-acceptance and self-love. This book is a call to embrace...
39.6K 1.8K 28
!ဒီအထိအတွေ့ ဒီအရသာ ဘယ်တော့မှ မေ့မှာမဟုတ်ဘူး...အရမ်းခံစားလို့ကောင်းတယ်...!
93.3K 4.4K 36
Y/n- please don't beat me I will never try to run away i promise please Jimin- no no no why are you crying don't cry.this is your punishment take it...