π—–π—”π—‘π—§π—”π—Ÿπ—’π—¨π—£π—˜ (Extende...

By elionoir_

4.3K 220 254

// 𝙛𝙑π™ͺ𝙛𝙛 β€’ π™§π™€π™’π™–π™£π™˜π™š β€’ π™©π™–π™œπ™–π™‘π™€π™œ // Nahoya Kawata, ang pangalan ng lalaking kinamumuhian mo sa... More

πŸ§ΉπŸ–Greyd Payb🎟πŸ₯€
πŸ“”πŸ‘Greyd SiksπŸ’πŸŽ“
πŸ’ΈπŸ’ŒGrade Eight🎑🀳🏻
😠πŸ₯“Freshman .1πŸ€’πŸ“
πŸ§šπŸ»β€β™€οΈπŸŽ‰Freshman .2πŸ‘ŸπŸ€
πŸƒπŸ»β€β™€οΈπŸ’¨Sophomore.1πŸƒπŸ»β€β™‚οΈπŸ’¨

πŸ–ŠπŸΈGrade Seven πŸ›πŸ₯Ό

363 20 26
By elionoir_




CHAPTER THREE

"y/n pahiram nga ballpen, ayaw gumana nung akin" sabi ni Nahoya na nasa tabi mo. Magsstart na kasi yung quiz niyo in 5 minutes.

"Saglit, wala pa kong extra. Sa iba ka manghingi" sabi mo tsaka nagsulat ng numbers 1 to 15 pababa sa papel mo.

"Eh ayaw ko, sayo nalang bilis na magsstart na oh" sabi niya tsaka niyugyog yung balikat mo.

"Lintek! bahala ka diyan! wag ako kinukulit mo! ang hirap mo ka-seatmate!" sigaw mo sa kanya. Hindi naman gaanong malakas at hindi rin rinig ng teacher niyo dahil nasa likod kayo pareho. And yes, seatmate na kayo ngayon. Kaya mas napapadalas na ang pang aasar ni Nahoya sayo. Gaano ka dalas? Araw araw, kasi araw araw kayo magkatabi deba.

"Damot mo naman y/n, parang ballpen lang eh. Pangit pangit mo na nga ang damot mo p-"

Nainis ka na ng tuluyan kaya yung hawak mong ballpen ay nginudngod mo na sa mukha niya.

"Oh! Ayan oh! Kainin mo! Laklakin mo! mukha kang ballpen! Baka iyakan mo pa ko diyan! bwiset ka talaga!" sabi mo tapos kinuha mo yung bag mo para maghalungkat.

"Yey nice! Hahahaha" ngumiti siya habang hawak hawak yung ballpen na pinahiram mo sa kanya. Hindi man lang nagthank you pero hindi mo narin inisip yon kasi demonyo siya di naman marunong magpasalamat yan, pwera nalang nung... basta.

"Okay start na tayo class, number 1..."

Na zone out ka saglit kaya hindi mo na namalayan na nagstart na pala yung quiz. Wala ka paring nakikitang ballpen sa bag mo kaya nagmamadali ka na. Hindi mo naman maawat ang teacher dahil nahihiya ka.

"tsk... bat wala na.." napapabulong ka nalang habang hinagod yung mga notebook at ibang pouch sa bag mo.

"number 2..."

Napa angat ka naman ng ulo sa teacher nung narinig mo na number two na agad. Napabuntong hininga ka naman habang binabalik ang tingin sa bag mo. Wala ka na talagang dalang ballpen.

Naramdaman mong may tumusok sa siko mo kaya napalingon ka kay Nahoya.

"Oh, salitan tayo. Kawawa ka naman" sabi niya habang naka pangalumbaba gamit ang kaliwa niyang kamay. Napatingin ka naman sa kanang kamay niya na may ballpen na nakalahad sayo.

Hindi ka na nagsalita at agad mo itong kinuha para sagutan yung papel mo. Pinaulit mo sa teacher yung numbers 1 and 2 para may mailagaw ka.

Nung number 3 na ay agad mong sinagutan ang papel mo tsaka pinasa kay Nahoya ang ballpen. Kinuha niya yon at sinagutan rin ang papel niya tsaka binigay ulit sayo nung number 4 na.

"9/10 ka lang, weak mo naman y/n HAHAHAHAHAH" tawa ni Nahoya nung chineck niya yung papel mo. Nainis ka naman kaya binawi mo agad yung papel mo sa kanya.

"Pareho lang tayo, wag kang pabibo Nahoya" sabi mo tsaka hinampas sa mukha yung papel niya na chineckan mo.

"Lah, baka minali mo yung isa! madaya ka" sabi ni Nahoya habang iniiscan pa yung buong papel niya.

"Hoy ang kapal mo talaga kahit kailan! kasalanan ko bang bobo ka? spelling na ngalang eh kung di ka lang bobo ede sana perfect ka!" sabi mo sa kanya habang nilalakihan mo pa ng mata.

"Minali mo ata to eh" sabi niya tsaka tumawa nung nakita yung mukha mo na naiinis.

Susubukan mo sana na sabunutan ulit siya kaso napigilan ka nanaman niya.

"Nasan ballpen ko?" tanong mo habang nagmamasid sa desk niya.

"Akin nalang, bili ka bago" sabi niya tsaka pinamulsa yung ballpen mo na nakatago pala sa kamay niya.

Nanlaki naman ang mata mo, "Aba'y ang kapal naman talaga ng mukha mo? Mas mayaman ka kesa saken bat wala kang dalang ballpen!! Simula unang magkaklase palang tayo namemeste ka na wah! ikaw yung mayaman dito ikaw ba buraot!" sabi mo habang kinukurot yung tenga niya.

"aray! aaahahhahahahah" hinawakan ni Nahoya yung kamay mo para pigilan ka.

"Class, I have an announcement before I leave. We're dissecting a frog the day after tomorrow" sabi ng teacher niyo habang nagliligpit siya ng gamit niya. Nagulat naman kayo sa biglaang announcement.

Yung iba ay umangal at nag inarte pero may ibang excited.

"Ma'am lalabas po tayo ng classroom?"

"Malamang! alangan dito magdissecting!"

Sumagot yung teacher, "Sa science lab tayo mag didissecting. Since maraming bakanteng lamesa doon at mas malaki ang space"

Mas lalong naexcite ang mga kaklase niyo sa narinig. First time niyo lang mapunta sa science lab kaya sila ganon.

"Required magdala ng palaka each team. By row yung magkakagrupo" dagdag pa ng teacher bago umalis. Napanganga ka naman sa sinabi ng teacher sa dulo.

"yeheeeyy!! kagrupo ko si y/n!!!!! di na namin kailangan ng palaka! meron na kaming y/n!!" natatawang sigaw ni Nahoya sa buong room. Nagtawanan ang iba mong mga kaklase.

Dahan dahan ka namang tumingin sa kanya habang nanlilisik ang mga mata mo tsaka sinubukang hablutin ang buhok niya pero tumawa lang siya habang umiiwas sayo.

"Mas mukha kang palaka kesa satin! Nakakagigil ka talaga Nahoya!! Mahablot ko lang buhok mo patay ka talaga saken" nanggigigil na sabi mo sa kanya habang pilit inaabot yung buhok niya. Hinawakan niya ulit yung kamay mo ng mahigpit para pigilan ka.

Pagkadating ng lunch ay nag usap usap kayong magkakagrupo sa canteen. Nakapagdecide na kung sino ang leader niyo at ikaw yon.

"TEKA BAT AKOO?!?" napatayo ka sa gulat ng sabihin ni Nahoya na ikaw daw ang leader.

Huminto ang mga tao na nasa loob ng canteen at napatingin sayo kaya nagbow ka nalang para magsorry at umupo ulit.

Lima kayong magkakagrupo. Dalawang babae at tatlong lalake.

"Ikaw nalang, mukha ka namang palaka eh" sabi ni Nahoya habang nakapangalumbaba na pinaglalaruan yung plastic spoon sa lamesa.

"Ahh.. I-ikaw.. n-nalang po y/n... k-kasi.. ayaw.. r-raw n-nila" sabi ng babae na kaharap ko. Nakayuko na tila hiyang hiya sa buong mundo at pawis na pawis na parang ninenerbyos.

Napakunot ka naman ng noo at lumingon sa dalawa pang lalaki. Katabi ni Nahoya yung babae na katapat mo kaya ang katabi mo yung dalawang lalake. Nagbubulungan sila at napapatingin sayo tapos magngingitian sa isa't isa.

"May problema kayo sakin?" tanong mo tsaka nagtaas ng kilay sa kanila.

Bigla naman silang nangiti, "Wala po, leader" sabi nung isa na kulay blonde ang buhok.

Napakunot ka ulit ng noo ng marinig mong tinawag ka nilang leader. Since wala namang mukha matino ay tinanggap mo na rin ang posisyon na leader.

"Wala akong dalang papel, pano ko malilista names niyo?" sabi mo sa kanila.

"Ahh! A-ako po meron.." sabi nung babaeng katapat mo. Nilahad niya sayo yung 1/4 pad na papel at nagthank you ka.

Sinulat mo sa taas ng papel yung group number niyo which is 5 tapos sa baba ay ang pangalan mo. Sinulat mo rin agad yung kay Nahoya dahil siya lang naman ang kilala mo.

"Ano name mo?" tanong mo sa babae.

"Ahh.. K-kobeni.. po.." sagot niya.

Napangiwi ka naman, "Uhm Kobeni, kahit huwag ka na mag opo, magkasing edad lang tayo" mahinahong sabi mo sa kanya.

"Ahh.. s-sige po- ahh.. s-sorry p-.. sorry" nahihiyang sabi niya habang nag bo-bow pa sayo. Narinig mo naman na pasimpleng nagtawanan yung mga katabi mo.

"Oh kayo ano name niyo?" masungit na tanong mo sa kanila. Mukhang hindi sila matino kagaya ni Nahoya. Pero nung napalingon ka naman kay Nahoya ay nakatikom lang siya don at kumakain ng inorder niya na spaghetti.

"Denji po!" masiglang sagot ng katabi mo habang nakatingin sayo.

"Ako po si Beam, Beam Dela Cruz po sa faceb-" sagot naman nung katabi niya kaso bigla siyang binatukan.

"gago hahahaha" natatawang bulong ni Denji.

Umirap ka nalang sa kanila tsaka mo sinulat yung name nila sa papel.

"Ok tapos na, sino mag dadala ng-"

"Oi teka muna!! yung name ko ba nilagay mo?" biglang sabay ni Nahoya. Buti naman at nagsalita na to.

"Hinde, ayoko nga" sabi mo tsaka inirapan rin siya.

"Lah, lagay mo kasi. Ako nalang maglalagay pala, baka pangit handwriting mo pag sinusukat mo name ko" sabi niya.

"Bahala ka diyan!" naiinis na sabi mo sa kanya. Nakatingin lang sainyo yung nga katabi niyo.

"Mamaya dedekwatin ko yang papel. Ilalagay ko name ko tas buburahin ko lahat ng name niyo hahahaha" sabi niya tsaka ngumiti ng mapang asar sayo.

"Ahh.. w-wag po kayo.. m-mag away.." mahinang sabi ni Kobeni.

"DI KAYA!" sabay niyong sabi sa kanya kaya nagulat siya at napayuko nalang haban nagsosorry.

"Uhm leader!"

Napalingon naman kayo pareho ni Nahoya ng tinawag ka ni Denji.

"Bakit?"

"Si Beam raw po magdadala ng palaka para hindi ka na mahirapan" sabi niya habang nakangiti. Tumingin ka naman kay Beam at nakangiti rin siya na tumatango.

"Mahilig ako manghuli ng palaka sa bukid ng lolo ko, ilan ba gusto mo leader?" nakangiting tanong niya.

Napamangha ka naman sa sinabi niya, "Woah, saan kayo nakatira? sanay ka manghuli?" tanong mo sa kanya.

Lalong ngumiti yung dalawa kasi mukhang interesado ka sa buhay nila.

"Diyan lang kami sa gilid ng palengke katapat ng ramen shop" sagot ni Denji. 

"May palayan don tapos bahay namin tapos yung likod non may bukid" sabi naman ni Beam.

"Hala, ede ikaw manghuhuli?" tanong mo sa kanya habang naka lapit pa ng bahagya ang ulo mo sa kanila.

"Oo naman! sanay kaya ako!" proud na sabi niya.

"Si y/n rin" biglang sabat naman ni Nahoya.

Napalitan ng inis yung mukha mo ng marinig mo nanaman na sumabat si Nahoya.

"Nanghuhuli rin palaka?" tanong ni Denji kay Nahoya.

"Hindi, palaka rin si y/n" nakangiting sabi niya.

Bigla mong hinampas sa ulo niya yung katabi mo na watterbottle na walang laman, "Ikaw sasabat ka nalang wala pang kwenta mga sinasabi mo! Kita mong matino kaming nag uusap dito! mas mukha kang palaka! papakainin pa kita ng putek diyan!" sabi mo sa kanya.

Gumuhit ka ng imaginary line sa lamesa gamit ang kamay mo, "Hanggang dito lang ang usapan, wag ka nakikisali" masungit na sabi mo sa kanya tsaka bumalik ng tingin sa dalawa.

Hindi mo na nilingon si Nahoya after non at kinausap nalang yung dalawa about sa palaka. Minsan ay nililingon mo rin si Kobeni pero wala naman itong naisasagot kundi pagsang ayon lang sa idea niyo.

Natapos na ang plano ninyo at may kanya kanya nang dadalhin ang lahat. Masaya ka pang nakikipag usap sa dalawa dahil hindi naman pala sila kasing demonyo ni Nahoya at mababait ang ugali nila. Walang naasign kay Nahoya dahil hindi mo naman siya pinapansin.

Kinabukasan ay hindi ka niya kinikibo kaya hindi mo narin siya pinansin. Lumingon ka sa katabi mo na si Kobeni para yayain siya na pumunta sa desk nila Denji na nasa tabi naman ni Nahoya.

"Tara Kobeni, kausapin natin sila Beam" yaya mo kay Kobeni tsaka nilahad ang kamay mo.

"Ahh.. s-sige p.." sabi niya tsaka tumayo.

Nilagpasan niyo pareho si Nahoya at huminto kayo sa desk nila Denji. Naghaharutan lang sila at nag uusap sa mga walang kwentang bagay.

"De kasi pre nakita ko talaga sa boobs niya nakalagay DN" natatawang sabi ni Denji.

"anong DN pre- Ay Leader! Hello!" nagulat si Beam sainyong dalawa ni Kobeni.

"Hi lider! kamusta!" umayos ng upo si Denji tsaka ngumiti sayo.

Tinaasan mo naman sila ng kilay, "Nakahuli na kayo ng palaka?" tanong mo sa kanila.

"Mamayang hapon palang po, uwian" sagot naman ni Beam.

"Darating pa yung lolo ni Beam, papahiramin kami mga gamit panghuli" dagdag ni Denji.

"Pero sanay naman ako manghuli kahit wala non, mas madali lang talaga may gamit" sabi naman ni Beam.

"Astig ah, sige. Goodluck!" ngumiti ka sa kanilang dalawa.

Napansin mong nagkatinginan sila habang namumulang nakangiti. Maririnig mo pa yung pabulong na murahan nila kaya medyo napapangiwi ka pa.

Napalingon ka naman sa tabi ni Denji at nahuli mong nakatitig si Nahoya sayo. Iniwas niya agad ang tingin niya at nagsulat sa notebook niya. Inirapan mo siya sa inis tsaka bumalik sa upuan mo. Hindi kayo nag iimikan hanggang mag uwian.

Pinatawag ng science teacher ang lahat ng leader nung uwian para pumunta sa science lab. Pagkadating mo doon ay namangha ka sa ganda ng mga gamit na nakalagay doon. First time mo lang kasi makapunta sa ganon.

Diniscuss ng teacher niyo yung rules sa loob ng lab at kung saan yung designated table ng bawat groups. Saglit lang nangyari ang discussion at pinauwi narin kayo agad kaya paglabas mo sa science lab ay hinanap mo agad ang mga kagrupo mo.

Nakita mo si Kobeni na nasa labas na ng gate. Kinawayan ka niya ng makita ka niya bago siya pumasok sa service niya. Tatawagin mo pa sana kaso kinawayan mo nalang rin pabalik.

Lumingon ka sa building ng eskwelahan at nakita mo na wala na gaanong tao at halos nagsiuwian narin ang mga estudyante kaya lumabas ka narin ng gate.

Bigla mo namang natanaw mula sa malayo ang tatlong lalaki na naglalakad. Medyo hindi mo pa matukoy kung sino yung dalawang nasa gilid pero mukhang pamilyar yung nasa gitna dahil si Nahoya yon -_-

Hindi mo nalang pinansin at umuwi ka nalang mag isa.

Kinabukasan ay pumasok ka ng naka lab coat at may bitbit na pink paperbag. Half day lang kasi kayo at buong araw lang kayong mag didissecting kaya required na pagpasok ay naka lab coat agad.


"Anong ibig sabihin neto?!" napangiwi ka ng bumungad sayo ang malalakas na tawanan nila Nahoya, Denji at Beam.

Naghaharutan silang tatlo sa upuan ni Nahoya habang nakasuot rin ng lab coat pwera lang kay Nahoya.

"Oh! Goodmorning Leader!" bati ni Denji sayo ng mapansin ka.

Humigpit naman ang hawak mo sa paperbag mo at hindi ka nakasagot agad sa kanya. Nakakunot ka lang na nakatitig sa kanila.

Nakangiti si Nahoya ng tumingin sayo, "Hi y/n, bat ka late? kupad mo talaga. Kanina ka pa hinahanap ni Kobeni, diba Beam?" tanong niya kay Beam na nakatayo sa tabi niya.

"Oo nga leader, si Kobeni kinausap ng Science teacher kanina kasi wala ka pa" sabi niya.

"Hala! hindi naman ako late ah! nasan na sila?!" nagpapanic na sabi mo. Lumingon ka sa seat ni Kobeni at wala siya doon.

"Nausog yung schedule sa gc sabi ni Ma'am kagabe" biglang sagot ni Denji sa gitna ng pag iisip mo. Nakatingin lang si Denji sayo kaya narealize niya na naguguluhan ka.

"Ah.. ganon ba. Sige hihintayin ko nalang sila, ready na ba yung gamit niyo? yung palaka pala?" tanong mo sa kanila.

"Ah! Sumama si Nahoya saamin kahapon para manghuli ng palaka" sabi ni Beam. Napa-weh ka nalang tsaka lumingon kay Nahoya.

"Guys punta na raw tayo sa Science Lab sabi ni Ma'am" kumatok ang class president niyo sa pinto.

Tumayo si Nahoya tsaka kinuha yung paper bag niyang yellow para bitbitin niya, nasa loob non ay yung labcoat.

"Tara na guys!" nakangiting yaya ni Nahoya sainyo tsaka naglakad kasama sila Denji at Beam.

Hindi ka talaga makapaniwala at muntik ka pang maiwan doon sa loob bago ka makagalaw.

So yung nakita mo kahapon ay sila pala yon.

Humabol ka ng lakad sa kanila habang hawak mo ang mga materials na naka assign sayo. Tumabi ka sa gitna ni Beam at ni Nahoya habang naglalakad.

"Pano kayong nagkasama sama? teka hindi ko gets!" naguguluhang tanong mo sa kanila.

"Ah hahaha, sinabayan lang kami ni Nahoya pauwi. Ang bait nga ni pareng Nahoya eh nilibre pa kami meryenda" natutuwang sabi ni Denji. Naiinis kang tumingin kay Nahoya.

"Hehe, bakit? may problema ba?... 'leader~' " nakangisi niyang tanong sayo.

Hindi mo alam bakit hindi mo matanggap na magkakasama silang tatlo. Pakiramdam mo dadagdag na mga bwisit sa buhay mo or kay Nahoya ka lang talaga nabubwisit.

Bumagal ang paglalakad mo at hindi ka na nakasunod sa lakad nila Denji at Beam dahil sila ay nagtatawanan lang at tuloy tuloy sa paglalakad.

"Hmm.. science lab daw.."

Pagkalingon mo ay nasa tabi mo parin si Nahoya at kasabay mo parin maglakad. Napatingin siya sayo.

"Ang alam ko may lab rin ako eh..." sabi niya tapos napapahawak pa sa baba niya na parang nag iisip.

"Sa bahay niyo?" tanong mo.

"Hindi.. nasa tabi ko lang" sabi niya tsaka tumingin sayo.

"Huh" kumunot ang noo mo at bago ka pa makapag react ulit ay tinaas na niya ang paperbag na nasa tabi niya.

"Eto oh" sabi niya tsaka nilabas yung lab coat para suutin.

"Lab coat yan bobo, bat ngayon mo lang sinusuot yan" sabi mo sa kanya tsaka umirap.

Hindi na siya kumibo hanggang sa makarating kayo sa entrance ng Science Lab.

"Ikaw lab coat" mabilis na sabi niya tsaka pumasok agad sa loob. Napatingin ka pa sa kanya dahil hindi mo gaanong narinig yung sinabi niya.

"pinagsasasabi mo" bulong mo tsaka pumasok narin sa loob.

Pagpasok mo ay agad kang pinuntahan ni Kobeni. Nagsorry ka naman sa kanya dahil nalate ka.

Ipinakita sainyo ng teacher ang tray na may nakalagay na dissected na frog. Ang iba ay nandiri pero ang iba ay namangha.

Kinabahan ka ng konti at muntikan pang mandiri pero pinilit mong kumalma.

"Ang mga leader ang mag didisscuss habang dinidissect ang palaka. Ang mga groupmates naman ay tiga abot at tiga assist sa leader" sabi ng teacher sa lahat.

Nanlaki ang mata mo sa sinabi ng teacher at mas lalo kang kinabahan.

"A-ako?!?? Haaaa!! ayaw koooo..." mahinang angal mo habang naka hawak ka sa dibdib mo. Hindi naman sa takot ka sa palaka or whatso ever pero kasi-

"Kyaaaaaahhhh!!!" nasigaw ka ng biglang ilabas ni Beam yung palaka sa tabi mo.

Agad kang pumunta sa likod ni Nahoya na ngayon ay tawa ng tawa sayo.

"Hahahahahahaha leader naten takot sa palaka! haahahahah- aray!" napatingala siya nung sinabunutan mo buhok niya.

"bwiset ka talagaaa!!! ikaw nalang maging leader! ayoko na!! huuu... mamaa.." niyuyugyog mo pa siya habang umiiling sa kaba.

"Takot ka ba sa palaka Kobeni?" tanong ni Denji. Magkatabi kasi silang dalawa sa gilid at nag aayos lang ng gamit.

"Ahh.. h-hindi.. ayaw k-ko lang.. pag tumatalon" sagot niya habang nakayuko. Inabot niya sayo yung surgical gloves para suutin mo.

Kinuha ni Nahoya yung gloves at inabot sayo, "Go na, simulan mo na leader" nakangiting asar niya sayo.

"Eeck!! di ko nga kayaa!!" angal mo sa kanya taaka niyugyog ulit siya habang siya naman ay tawa ng tawa.

"Start na kayo guys! May ibang teacher rin na titingin sainyo habang diniscuss niyo yung ginagawa niyo" sigaw ng science teacher oara marinig ng lahat ng grouo sa bawat lamesa. Pumasok naman ang iba pang mga teacher.

Mas lalo kang kinabahan ng may lumapit na teacher sa lamesa ninyo.

"Hi Ma'am Zoe!" masiglang bati ni Denji sa teacher na naka assign sainyo.

"Woaah! eto pala section mo Denji. Akala ko kaklase mo sila Mika" nakangiting tanong nung teacher.

Mukha namang mabait yung teacher na nasa inyo kaya nabawasan ang kaba mo. Pumunta ka naman sa gitna ng lamesa at huminga ng malalim.

"Okay ka lang leader? gusto mo ako na hahawak. Malikot kasi tong palaka eh" bulong ni Beam sa tabi mo. Napalunok ka naman sa narinig mo. Hawak niya lang yung palaka sa gilid mo kaya hindi ka makagalaw ng maayos.

Naririnig mo naman ang mahinang pagtawa ni Nahoya na nasa kabilang tabi mo.

"Sasampalin na talaga kita, di ka nakakatulong" naiinis na bulong mo sa kanya na lalo naman niyang ikinatawa.

"Okay magstart na kayo" nakangiting sabi ni Ma'am Zoe sainyo nung lahat kayo ay nakapag suot na ng surgical gloves.

Hinawakan ni Beam at ni Nahoya yung magkabilang gilid ng palaka habang si Denji ay hinahawakan ang tiyan nito. Si Kobeni naman ay inaabutan ka ng thumbtacks para itusok mo sa paa at kamay ng palaka.

(should i put tw?? okay tw: dissecting// ig)

Nanginginig ka pa habang nagsasalita at hinihiwa ang balat ng palaka. Binubulungan ka ni Beam kung paano yung paghiwa ng maayos dahil napansin niyang hindi ka sanay.

"U-uhmm... atsaka kapag tinanggal mo yung heart nung uhh.. palaka.. makikita mo n-na.." nanginginig ka pa kasi nakikita mong tumitibok parin yung puso nung palaka kahit tinanggal mo na ito sa katawan niya. Lumunok ka ng malalim tsaka nagpatuloy ulit sa pagsasalita.

"Tapos.. dito naman po sa p-part na to yung stomach.. t-tapos yung s-sa intestines.." pilit mong nilalayo yung mukha mo sa ginagawa mo habang papikit pikit.

"Ako humuli niyan" nakangising bulong sayo ni Nahoya kaya nawala ka sa focus.

Napapikit ka nalang sa inis at hindi na siya pinansin. Nagpatuloy ka sa pagsasalita dahil nakikinig sayo ang teacher.

"Okay, very good! Good job kayong lahat!" nakangiting sabi ni Ma'am Zoe sainyo habang pumapalakpak. Nagsula rin siya sa scoring board niya at pinaalalahanan kami na magdouble sanitize bago siya umalis.

Nakahinga ka naman ng maluwag  tsaka tinanggal agad yung surgical gloves at lab coat dahil pinagpawisan ka sa pagfofocus.

"Tignan mo tol oh tumitibok parin yung puso niya" turo ni Beam sa tray. Pinagtitinginan nila Kobeni at Denji yung tray para pagmasdan yung palaka.

Walang upuan sa loob ng science lab kaya napaupo ka nalang sa sahig habang humihinga ng malalim.

"Ayos ka lang ba? bahahahahahaha kawawa ka naman" lumapit si Nahoya sayo para pagtawanan ka pa.

"Lumayo ka sakin naiinis ako sayo, sarap tahiin ng bunganga mo talaga kahit kailan" sabi mo sa kanya habang hinihingal pa.

Tumawa siya lalo tsaka nakaskwat na umupo para maging kapantay mo. Nilahad niya sayo yung puso ng palaka.

"Tignan mo oh tumitibok padin" sabi niya. Tsaka nilapit sayo.

"Iww yuck, layo mo nga sakin yan" maarteng sabi mo sa kanha tsaka lumayo ng tingin.

Hindi mo kasi tinignan ng matagal yung mga parts ng palaka kanina kasi natatakot ka, pero nadiscuss mo naman siya ng maayos sa teacher kaya okay na yon. Hindi mo rin hinawakan yung mga parts at hiniwalay mo lang sila sa tray.

"Tignan mo kasi, arte talaga neto" sabi ni Nahoya tsaka dinudutdot ng mahina yung puso na nasa palad niya. Tinignan mo yon ng nakakunot ang noo.

"wow... oo nga no.." bigla namang napalitan ng pagkamangha yung mukha mo kasi tumitibok parin siya pero mahina na.

"galing diba" nakangiting sabi niya sayo. Pinagmamasdan lang ni Nahoya yung reaksyon mo habang ikaw naman ay titig na titig sa nasa palad niya.

"hanggang kailan yan titibok?" curious na tanong mo sa kanya.

"Ewan ko, hanggat maubusan siya ng hangin sa loob. Hindi pa sobrang malamig eh" sagot naman niya.

"Class, puwede na kayong bumalik sa classroom ninyo, pero bago yon. Pumunta muna kayo sa restroom para maghugas ng kamay. Yung mga tray na may frog iwanan niyo nalang sa table niyo. Ififinal check ko yan mamaya"

Tumayo na kayo at nagligpit ng gamit tsaka lumabas sa Science lab. Kampante ka naman na maayos ang grades mo dahil pinuri kayo kanina ng teacher na nag oobserve sainyo.

Pagkatapos niyo mag double sanitize ay nasa classroom na kayo at naghihintay para sa pagbalik ng Science teacher niyo.

"You guys did a very good job! at ang may pinaka organized na tray ay group number 5, palakpakan natin sila" sabi ng teacher.

"Yeheyy!!" natutuwang sigaw ni Beam.

"Di ko lang naman kinalat yung mga parts kasi nandidiri ako eh" napairap na bulong mo pero napangiti ka parin sa dulo. Unexpected kasi para sayo kaya hindi mo maitago ang saya.

"Sino leader ng number 5?" tanong ng teacher kaya nagulat ka at medyo naghesitate na itaas ang kamay.

"Yun oh, hahahaha mukha kasing palaka eh" biro ni Nahoya na nakadukdok lang sa desk niya habang nakatingin sayo.

Umakma ka ng suntok sa kanya tsaka pabulong na nagsabing "mas mukha kang palaka"

Bumalik ulit ang ngiti mo sa teacher tsaka umupo.

Nung mag uwian na ay sumabay ulit si Nahoya sayo na maglakad pauwi. Pareho kayong may bitbit na paperbag habang naglalakad.

"Alam mo narealize ko hindi ka pala mukhang unggoy, mukha kang palaka" seryosong sabi ni Nahoya sayo habang nakatingin siya sa dinadaanan niya.

"Ah talaga ba? wow ang galeng. Pake ko sayo" tamad na sabi mo sa kanya tsaka umirap.

"Pero kapag nakangiti ka hindi ka na mukhang palaka" sabi niya bigla. Nakunot ka pa ng noo pero nagets mo rin agad 'siguro' yung sinabi niya.

"Ayoko nga, tulad mo pa ko sayo. Mukha kang abnormal na pugad" naiinis na sabi mo sa kanya tsaka binilisan ang lakad.

"Hahahahaha, sige na ngiti ka na kase!" natatawang sabi niya habang hinahabol ka.

"Bakit ba ko ngingite? ayoko nga! nabubwisit pa ko sayo lalo!" sabi mo at mas lalo pang binilisan ang lakad.

"Para nga kasi di ka na mukhang palaka, ngiti na bilis"

"Ayaw ko! di ako uto uto!"

Continue Reading

You'll Also Like

121K 4.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
44.9K 2.4K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
7K 230 14
AshMatt fanfic
9.4K 374 19
One shot pero marami πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚βœŒπŸ»