π—–π—”π—‘π—§π—”π—Ÿπ—’π—¨π—£π—˜ (Extende...

By elionoir_

4.3K 220 254

// 𝙛𝙑π™ͺ𝙛𝙛 β€’ π™§π™€π™’π™–π™£π™˜π™š β€’ π™©π™–π™œπ™–π™‘π™€π™œ // Nahoya Kawata, ang pangalan ng lalaking kinamumuhian mo sa... More

πŸ§ΉπŸ–Greyd Payb🎟πŸ₯€
πŸ–ŠπŸΈGrade Seven πŸ›πŸ₯Ό
πŸ’ΈπŸ’ŒGrade Eight🎑🀳🏻
😠πŸ₯“Freshman .1πŸ€’πŸ“
πŸ§šπŸ»β€β™€οΈπŸŽ‰Freshman .2πŸ‘ŸπŸ€
πŸƒπŸ»β€β™€οΈπŸ’¨Sophomore.1πŸƒπŸ»β€β™‚οΈπŸ’¨

πŸ“”πŸ‘Greyd SiksπŸ’πŸŽ“

367 30 14
By elionoir_




CHAPTER TWO


"Sabi nila mahirap raw mag grade seven!"

"weh?"

"woaaah"

Nakatingin ka lang sa dinadrawing mo sa notebook mo habang nakikinig sa usapan ng mga babae mong kaklase na nag uusap about highschool. Hindi ka naman gaanong kabado para sa next school year kahit alam mong maraming magbabago. Gagraduate ka lang naman ng elem at wala ka naman gaanong iintindihin dahil maayos naman ang pag aaral mo-

"Oi ano yang dinodrawing mo? Ako ba yan? bat orange?" biglang sumulpot si Nahoya sa tabi mo.

joke lang sa maayos na pag aaral. Hindi yon mangyayari hanggat may nakadikit sayong kupal na dimonyong bwisit sa buhay mo.

"Yuck! bat kita idadrawing? kapal mo naman. Cantaloupe to! favorite fruit ko" sabi mo sa kanya tsaka umirap.

"Ano? kantolut.. hahahahahah bobo melon yan" sabi niya tsaka inagaw yung notebook mo.

"Hoy!! akin na yan! ang aga aga ah! layuan mo ko masasapok kita" tumayo ka para abutin yung notebook.

Nagtinginan naman yung mga kaklase na nasa tabi ninyo ng marinig ang ingay niyo.

"Hindi naman to prutas! di naman bilog eh parang kulot kulot pareho ng buhok ko. Crush mo ko no? Hahahaha yuck panget mo hahaha" sabi niya tsaka nilalayo sayo yung notebook habang nakatingin sa notebook. Yung isang kamay niya nakahawak sa dalawang kamay mo. Pinagsaklob niya ito at hindi ka agad makawala sa pagkakahawak niya.

Napansin mo na medyo lumalakas siya kahit bata palang siya dahil sa higpit ng pagkakahawak sa dalawa mong kamay.

"Ulol! bat ako magkakagusto sayo? mangarap ka. Mas pangit ka! Bat ko idadrawing buhok mo? magpakalbo ka pa! feelingero amp" sigaw mo sa kanya.

Nagtatawanan lang yung iba niyong kaklase sainyo. Yung iba naman ay may sariling mundo at nag uusap usap lang.

Nung dumating na yung teacher ay naagaw mo sa kanya agad yung notebook mo. Umayos ang lahat ng estudyante at binati ang teacher.

"Ok so malapit na graduation niyo, malapit narin matapos ang school year" sabi ng teacher.

Narinig mo ang iilang mga nalungkot na magkakaklase.

"Alam ko yung iba sainyong magkakaibigan ay mag tatranser na next school year, at mga highschool narin kayo next year..." nagpatuloy pa sa pagdaldal ang teacher niyo kaya di ka na nakinig.

Binuksan mo ang notebook mo at itutuloy mo na sana yung idadrawing mo kaso napangiwi ka ng pumasok sa isip mo yung buhok ni Nahoya. Sinarado mo nalang yung notebook dahil na-awkwardan ka na ituloy.

"Bat? ayaw mo na ituloy kasi crush mo ko no?" sabi ng nasa tabi mo. Lumingon ka at nakita mo si Nahoya na nakangiti sayo.

"Hoy bat ikaw nasa tabi ko?! nasan yung nakaupo diyan?" naiinis mong tanong.

Hinanap mo yung totoo mong seatmate at nakita mo siya na nakaupo sa upuan ni Nahoya sa bandang likod. Nakatingin siya sa inyo ng may takot sa mukha, nginisian naman ito ni Nahoya. Binatukan mo siya sa ulo dahil sa sobrang bully nito.

"Ikaw lumayo layo ka nga saken!" sigaw mo sa kanya.

Humawak siya sa ulo niya, "Magtatransfer ka ba next school year?" tanong niya.

"Bat ko sasabihin sayo? para magkaklase ulit tayo? ayoko nga! eww" nandidiring sabi mo sa kanya.

"Luh parang timang, wag kang feelingera, ayaw kitang kaklase no, tinatanong ko lang" sabi niya.

"Eh ayaw ko rin sayo!" sigaw mo.

Narinig ng lahat yung sigaw mo pati yung teacher kaya nagcall out siya sainyo.

"Miss y/sn, Mr. Kawata, please be silent. I'm still talking" sabi ng teacher at nagpatuloy mag salita. Pareho nalang kayo nayuko at nanahimik.

"yan kase, lakas lakas ng boses, speaker ka ba? hahaha" mahinang asar sayo ni Nahoya.

nag igting ang panga mo tsaka mo pasimpleng hinablot ang likod ng buhok ni Nahoya.

"ACK!" sigaw niya. Napatingin ulit ang lahat ng tao sa silid aralan.

"Mr. Kawata is there a problem?" tanong ng teacher.

"Wala po mam, hehe" nakangiting sabi niya. Bumalik naman ang lahat sa pakikinig sa teacher at nagsalitang muli ang teacher tungkol sa dinidiscuss neto.

"Pfft hahahahaha" napatakip ka ng bibig dahil hindi mo mapigilang matawa. Naluluha luha ka pang nakatingin kay Nahoya tsaka muling yumuko at tumawa.

Naramdaman mo naman ang biglang paghablot ng buhok mo sa likod dahilan para mapatingala ka.

"AACK!!" sigaw mo. Bigla kang napatakip ng bibig at tumingin kay Nahoya ng masama.

Nakaiwas siya ng tingin sa ng parang walang nangyari pero alam mong nakangiti siya kahit di mo nakikita ang mukha niya.

"Miss y/sn, Mr. Kawata, mind explaining what's happening back there? kanina pa kayo" naiinis na tanong ng teacher niyo.

"Si Naho-"

"Si y/n po kasi natutulog sa klase niyo kaya ginising ko tapos biglang sumigaw, nananaginip ata hahahaha" mabilis na sagot ni Nahoya kaya natawa naman ang mga kaklase niyo.

"Ang kapal ng mukha mooo!!!!" umaalingawngaw na sigaw mo sa kanya.

Sa sobrang inis mo ay tumayo ka tsaka aakmang hablutin ang buhok niya ng hinawakan niya ulit ang mga kamay mo para pigilan ka.

74TH DETENTION:

"Kase Ma'am ganito po yon... nananahimik po ako sa isang tabi.. tapos po.. tsaka.." tuloy tuloy kang nagpapaliwanag ng galit sa kaharap mong guidance couselor na mukhang pagod na makinig sa mga rants mo.

Si Nahoya naman ay nakatahimik lang at nakangiting nakikinig sayo.

"Kita niyo yan ma'am??" tinuro mo si Nahoya, "Likha ng mga masasamang espirito yang bata na yan!" sabi mo sa inis.

"Ay wow hahahahaha" natatawang sabi naman ni Nahoya na napahawak pa sa tiyan.

"YAAA! Ma'am tignan mo tumatawa pa siya oh! halatang demonyo talaga! Gawa gawa ng illuminati, alien yan ma'am, alien" sabi mo.

napabuntong hininga naman ang guidance couselor.

"Miss y/sn first of all, mind your language. You're a woman, you shouldn't be speaking like that. It doesn't suit you. Bad words are prohibited" sabi niya.

"Hah?!" nakakunot na sabi mo.

"And you Mr. Kawata, you should behave. Highschool na kayo next year. Hindi na kayo elementary students next year. Act like your age Miss y/sn, Mr. Kawata" sabi niya tsaka kayo dinissmiss.

Naiinis ka pa kaya ikaw na ang unang umalis. Ang daya lang sa part mo kaya umalis ka na agad.

"Hoy antayin mo ko, napikon ka ba? hahahahahaha yan kase, act like your age daw" natatawang sabi niya habang hinahabol ka.

"Edi wow sayo, magsama pa kayong dalawa. Ang daya niya, daming sinabi saken tapos sayo behave lang? bahala kayo diyan, ang papanget niyo" sabi mo at padabog na binilisan lalo ang paglakad.

"Hahahahahaha, baka kasi di ka babae. Mukha kang unggoy di ka manlang marunong mag ayos hahahah" sabi niya.

Hindi mo siya pinansin at nagpatuloy kalang maglakad pero nahahabol ka parin niya.

"Bakit di ka rin mag ribbon or mag lugay manlang ng buhok? or mag headband ka, tsaka maglagay karin nung pampapula sa labi tsaka pulbos kagaya nung mga kaklase nating babae para magmukha kang tao HAHAHAHAHA sabagay kahit ano naman gawin mo mukha ka paring unggoy panget mo kase-"

*boogsh!*

"Ack! A-ah.." humandusay sa lapag si Nahoya ng huminto ka sa paglakad para suntukin siya ng malakas. Napahawak siya sa noo niyang namumula.

Nanlilisik ang mga mata mo sa inis habang nakatingin sa kanya. Pikon na kung pikon, medyo sumobra na siya sa sinabi niya kaya hindi mo napigilang sapukin siya ng malakas.

"Luh galit ka na" tanong niya habang hawak hawak pa ang mukha at likod niya. Hindi siya makatayo agad dahil medyo nahilo pa siya. Hindi niya inaasahan ang pag atake mo sa kanya.

"Sabi ni mama maganda ako kahit di ako mag ganon. Wala akong pakielam kahit sabihan mo ako ng kahit ano! hindi naman ikaw mama ko! ayaw ko sayo, nakakairita ka na" sabi mo tsaka umalis.

"hmm" nakangusong sabi niya. Tumalikod ka na paalis nung narealize mo na bakit nga ba siya mag sosorry eh di naman siya sanay magsorry demonyo yon.

Simula non hindi na kayo nagkaasaran ng matagal. Araw araw pasimple ka niyang dinadaldal at pinapatulan mo pero agad mo ring tinitikom bibig mo tsaka pasimpleng lumayo.

"Ambilis mo na mapikon ah, di mo na ba kaya makipag asaran sakin? ha? ha y/n? uy!" nangungulit na sabi ni Nahoya. Siya ulit katabi mo kasi nakipag palitan nanaman siya ng upuan.

"ha? hakdog. Bumalik ka nga sa upuan mo" sabi mo habang di manlang tumitingin sa kanya. Nag aayos ka ng bag mo kasi malapit na mag uwian. Friday na at next week ay wala ng klase, puro pictorial nalang para sa graduation niyo. Excited ang lahat ng nasa silid na nag aayos ng gamit nila at nag uusap usap about weekend hang outs pero ang katabi mo na si Nahoya ay hindi manlang ginagalaw ang bag niya at patuloy kang kinukulit.

"Ayoko nga, last day na eh. May balak ka ba puntahan bukas? oi" nilalapit pa niya mukha niya sayo para tignan mata mo pero umiiwas ka lang ng tingin. Mas pinili mong wag nalang mainis at wag siyang pansinin.

Nalaglag bigla yung pencil case mo nung inaayos mo ang mga notebook mo, aabutin mo na sana ito ng maunahan ka niyang kuhanin yon.

"Akin na" walang ganang sabi mo tsaka pilit inaabot.

"Hahahaha ayoko nga!" natatawang asar nanaman niya sayo tsaka nilalayo yung pencil case mo.

"Amina kasi!!!" nanggigigil mo na sabi sa kanya tsaka hinahatak yung kwelyo niya.

"Bat ka muna umiiwas? bat di mo na ko pinapatulan pag nag aasaran na tayo? tanggap mo na ba na loser ka? hahahaha" tanong niya.

Kumunot ang noo mo at nahinto. Pumasok sa isip mo yung sinabi sayo ng guidance couselor nung last detention. Nagzone out ka bigla kaya tinanong ni Nahoya kung ano nangyari, pero hindi ka nag salita at umalis nalang ng room after. Sakto namang nagring ang bell at nagsi alisan narin ang mga tao sa room.

Naririnig mo si Nahoya na mabilis nag aayos ng bag niya habang tinatawag ang pangalan mo pero patuloy ka lang na naglakad paalis hanggang sa dumami na ang taong palabas at nakalayo ka na sa kanya.

"Hahaha, so saan ka magpapa make up?"

"Ako si ate lng mag mamake up sakin tsaka magkukulot ng buhok!"

"Eto nga sanay mag make up sa sarili eh!"

"Oo sanay ako, gusto niyo make upan ko kayo sa graduation pictorial?"

"Woaahh sige"

Naririnig mo ang usapan ng mga babae na graduating rin habang paalis ka. Bitter na kung bitter pero napa nguso at napa kunot ka nalang noo habang naririnig ang usapan ng mga babae about sa make up. Naaalala mo kasi yung asar ni Nahoya sayo na dapat hindi mo iniisip. Naka busangot ka hanggang pag uwi mo ng bahay.

"Ano problema? pagod ka ba nak?" tanong ng mama mo. Binaba mo yung bag mo sa sofa tsaka pumasok sa kwarto.

"Ma, may graduation pictorial raw kami" sabi mo sa mama mo nung nakapag palit ka na ng pambahay.

"Oo nga, nasabihan ko na kaibigan kong may ari ng parlor, pupunta dito sa lunes papaayusan kita" sabi niya.

"pfft"

"Huh? may problema ba? bat ka natatawa diyan?" tanong ni mama mo habang nag uurong sa kusina.

Pinilit mong itago yung ngiti mo, "Wala po ma, pasok na ko sa loob ng kwarto" sabi mo habang hawak hawka yung bag mo na nasa sofa tsaka tumalikod para pumasok sa kwarto.

Napangisi ka habang nasa isip mo ay mapapatunayan mo kay Nahoya na hindi ka lang basta bastang pangit kagaya ng sinasabi niya. Malakas paniniwala mo sa sarili mo kasi may mag mamake up sayo. (hahahaha lmao bye)

Dumating ang lunes at 3:30pm raw ang schedule ng pictorial for grade 6, last batch kasi yung section niyo.

After lunch ay dumating na agad ang mag aayos sayo at inayusan ka na sa kwarto ng mama mo para naka aircon ofcourse.

Inabot ng mahigit isa at kalahating oras ang pag aayos sayo kaya nakatulog ka na. Hindi ka naman malikot at nakapikit ka lang kaya nararamdaman mo parin ang make up brush na pumapahid sa pisngi mo.

Ilang minuto lang ay nagising ka narin. Medyo blurry pa yung vision mo dahil ang bigat ng eyelashes na naka dikit sa mata mo.

Narealize mo na may nakatayong tao sa harap mo na nakatitig lang sayo.

"Ikaw ba yan" tanong ni Nahoya habang namumulang nakatitig sayo. Kumunot ka naman ng tingin sa kanya. Napatingin ka sa salamin na nasa harapan mo. Nakita mo na curl yung hair mo at may magandang make up ka din. Ikaw na bahala mag imagine basta maganda ka periodt.

Napatingin ka ulit kay Nahoya. Nakapusod yung kulot niyang buhok at nakasuot siya ng black tux. Nasa braso niya nakasampay yung toga na susuutin niya.

"A... ano.. maganda ba?" tanong mo sa kanya. Napansin niyang curious ka sa pagkakatanong mo pero wala siyang sinabi sayo at nakatitig lang.

Napaiwas ka pa ng tingin sa kanya dalawang beses para tumingin sa salamin.

"Ano nga??" tanong mo ulit sa kanya tsaka lumapit. Umatras naman siya tsaka lumayo ng tingin.

"Ampangit di bagay" sabi niya tsaka umalis na sa loob ng kwarto.

"Aba! edi wow! mas panget ka!" sabi mo sa kanya. Napalitan ng inis yung mukha mo tsaka sinundan siya palabas.

Tumawa lang siya pero umiwas na ng tingin sayo. Nung magpunta kayo sa sala ay nandon ang mama ni Nahoya pati ang mama mo na nag uusap. May iilang tao rin na nasa kusina at kumakain. Sila yata yung nag ayos sayo. Nandon rin yung tatay ni Nahoya na mag hahatid yata sainyo gamit yung kotse nila.

Napatingin ka kay Nahoya na katabi mo sa upuan sa loob ng kotse, "May kotse pala kayo bat sumasabay ka pa saken sa tricycle! pabigat ka talaga" masungit na sabi mo sa kanya.

"Pake mo, gusto ko mag tricycle eh" sabi niya pero di nakatingin sayo.

"Tch" umiwas ka nalang ng tingin sa kanya hanggang sa makarating na kayo sa school upang magpictorial.

Nagkalayo na kayo nung makababa kayo dahil kasama mo na ang mama mo at siya naman ay nasa kabilang pictorial room dahil magkaiba raw ang boys at girls.

Pinapaypayan ka pa ng mama mo habang naghihintay sa loob ng pictorial room. Maayos namang natapos ang pagkaka picture sayo at kinausap ni mama ang adviser niyo. Lumabas ka naman dahil ayaw mo nang makinig sa usapan.

Pagkalabas mo ay nandon si Nahoya na mukhang tapos narin dahil umiinom na ng zesto sa isang gilid.

Nakatingin ka lang sa kanya habang papalapit ka at nung nagtama ang mga mata ninyo sa isa't isa ay agad siyang tumayo at umalis.

Nagulat ka naman, "Lah- hoy Nahoya!" tawag mo sa kanya. Sinundan mo siya sa paglalakad.

"Wag ka nga sumunod sakin, mukha kang mangkukulam" sabi niya. Hindi ka nakinig, imbis ay tinitigan mo lang ang mukha niya habang humihigop siya sa straw ng Zesto.

Hindi siya nakangiti, namumula lang siya at hindi umiimik.

"May sakit ka?" tanong mo.

"Wala" sabi niya tsaka umiba ng direksyon sa paglalakad. Sinundan mo parin siya.

"Kung wala kang sakit , bat namumula ka?" tanong mo. Nanlaki naman ang mata mo ng may marealize ka, "Ah! siguro nagagandahan ka sakin no-"

"YUCK! HINDE! IWW! KADIRI!" sabi niya tsaka hinampas sa mukha mo yung balat ng zesto na walang laman tsaka tumakbo.

"Ack! aray ah! hoy bumalik ka rito!" tumakbo ka kahit naka make up kaya kaya nakita ka ng mama mo at pinagalitan ka.

In the end hindi na kayo ulit nagkita ni Nahoya dahil dumaan kayo ng mama mo sa jollibee para kumain.

"Sa mismong graduation, kakain tayo kasama sila Nahoya sa labas after" sabi ng mama mo habang binibigay sayo yung inorder mo.

"Bakit ganun" bigla mong nasabi yung iniisip mo sa harap ng mama mo.

"Huh? bakit? may problema ba y/n?" tanong ng mama mo.

"Wala po, nagtataka lang ako bakit ang daming yelo ng cokefloat nato" palusot mo na ikinatawa ng niya.

Nagkwento lang ng nagkwento ang mama mo habang kumakain kayo at ikaw naman ay tahimik lang na kumakain.

"Kaninang umaga lang rin nagtext saakin si ninang mo na isasabay nila tayo kanina. Kaya dumating sila. Ang gwapong bata nga ni Nahoya eh" sabi niya.

"geuckk!!" nabulunan ka naman dahil sa huling sinabi ng mama mo.

"Oh! dahan dahan lang y/n" sabi ng mama mo tsaka kinuha yung tissue para punasan ka.

"Pangit yon ma. Sinabihan ako ng pangit kanina kaya pangit rin siya" sabi mo sa mama mo. Natawa naman siya habang pinupunasan yung pisngi mo.

"Naku! kunwari lang yon. Pero nung pagdating nila sa bahay natin kanina hinanap ka agad saakin" kwento ng mama mo.

"Huh? weh?" nagulat ka naman sa sinabi ng mama mo at nakinig pa. Curious ka rin kasi.

"Oo, tapos sinabi ko nandun ka lang sa kwarto nag iidlip tapos pumunta siya agad doon. Nagulat pa nga siya nung makita ka eh kaya tawanan kami ng tawanan. 'ninang si y/n ba to? di ako naniniwala' tanong niya sakin hahahaha" dagdag na sabi ng mama mo.

Napayuko ka naman ng makaramdam ka na nag iinit ang mukha mo. Tumingin ka sa paligid at nakita mo namang gumagana yung aircon pero bakit naiinitan ka parin.

"Tapos tinanong namin kung gusto niyang. mag kumain muna ng meryenda. Sabi niya dun lang raw muna siya sa tabi mo habang nakatitig parin sayo haha. Ang bata hindi na makalingon saamin ng ninang mo nung makita ka hahaha" natatawang sabi ng mama mo.

Natapos na kayong kumain at hindi ka parin makamove one sa kwento ng mama mo. Hanggang sa pag uwi niyo sa bahay at pag night bath mo ay nakatulala ka parin. Hindi naman puwedeng magsinungaling sayo ang mama mo, dahil totoo naman yung nangyari pag gising mo ay nasa harap mo si Nahoya.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyoneπŸ˜‡
9.8K 1.5K 41
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...