Unexpected (Salazar Series #5...

By Joyanglicious

13.7K 456 64

Date Started: November 01, 2021. Date Ended: January 19, 2022. - Sienna Dawn Conley mabait at mapagbigay. Lum... More

Unexpected (Salazar Series #5)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Message to my yannies<3

Kabanata 18

282 9 1
By Joyanglicious

“I love him Sien, more than myself..” Umiiyak na sabi ng pinsan ko.

Tumawag siya sa akin kanina at agad din akong pumunta sa kanila. Wala si tita kaya pinunta agad ako sa kwarto niya at ayon nga, nakita kong nakatingin lang siya sa kawalan habang umiiyak.

I couldn’t believe that Caiden can cheated to her. I mean I saw in my two eyes how he love my cousin. Hindi ko alam na aabot sa ganito, hindi ko alam na magiging ganito sila. Masaya naman sila ah pero bakit biglang nangyari ang ganito?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko makakausap si Aria. Iyak lang siya nang iyak simula kanina. Mabuti nga at wala sila tita dito. Sinabi din niya sa akin na pinagalitan pa siya ni tita. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Nasasaktan din ako para sa kaniya ngayon. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kaniya.

“Tapos si mommy…h-hindi ko na alam..I was tired..when I got..h-home but mom s-slapped me… Hindi ko na alam k-kung an..ano..ba ang g-gagawin ko. Nahihira..p-pan.. na ako…” Iyak lang siya nang iyak habang nagsasabi sa akin ng nararamdaman niya ngayon.

Hindi ko din tuloy maiwasan na umiyak. Nararamdaman ko kasi si Aria. Sobrang nasaksaktan siya ngayon. Gusto kong makausap si Caiden. Gusto kong malaman kung bakit sila nagkaganito. Alam kong mahal na mahal nila ang isa’t-isa pero umabot sila sa puntong may manloloko sa kanila. Hindi ko maintindihan.

Nakinig lang ako kay Aria habang nagsasabi siya sa akin at umiiyak. Wala pa akong masabi sa kaniya dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin. Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa.

Hindi lang talaga ako makapaniwala na kayang gawin iyon ni Caiden. Hindi ko na din naman sinabi kay Aria ang opinyon ko dahil alam kong galit ma galit din siya sa lalaki.

After months of their breakup. Nalaman ko din na naghiwalay na sila Venn at Troy. Parang mawawalan ata ako ng malay nun. Hindi ako oa pero iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Akala ko ay joke lang iyon dahil alam kong puro kalokohan lang sila Troy at madalas nga silang magbiro pero iyon ang kauna-unahang beses na nakita kong umiyak si Troy.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nun. Halos hindi makakain si Troy. Hindi na nga talaga siya kumakain at puro na lang siya inom. Nagagalit na sila Yosef sa kaniya, si Caiden ay ganun din. Parehas lang sila ni Troy. Si Zymon naman ay naiintindihan ang dalawa at dinadamayan na lang ‘to. Tapos na si Zymon doon eh pero alam kong meron pa din. Hindi naman ata mawawala agad iyon lalo na kung matagal talaga ang pinagsamahan niyo.

Yosef and I celebrated our 3rd anniversary in the restaurant. Sobrang saya ko dahil umabot kami ng tatlong taon. Naalala ko pa dati na wala akong ganito. Hindi nga kasi ako lumalabas at bawal akong magboyfriend pero masaya ako na nagagawa ko na iyon.

Busy kami lagi ni Yosef sa school. Lagi din kaming babad sa mga libro at nag-exam pa kami. Naghahanap na din kami ng condo unit na bibilhin namin. May ipon na kasi kaming dalawa, iyon ang gagamitin namin sa pagbili ng condo at pagbili ng mga gamit para sa condo naming dalawa. Sinabi ko na iyon kay mommy at sobrang proud pa nga siya sa akin dahil nakapag-ipon ako.

Pero kay daddy wala pa. Hindi ko pa talaga masabi. Hindi ko na nga alam kung kelan ko ba masasabi ang lahat kay daddy. Natatakot ako sa reaksiyon niya.

“Year of breakup ba ngayon? Tangina,” ani Chelsie at naupo sa tabi ko. Nasa cafeteria kami at kumakain. Nasa harap ko si Aria na tahimik lang, malalim ang iniisip.

Kapag wala si Aria nandito si Caiden, kapag wala si Caiden nandito si Aria. Ganun din kila Zymon. Ayaw talaga nilang magkita. Napabuntonghininga na lang ako habang iniisip iyon. Akala ko nga ay maayos pa ang mga away nila pero hanggang doon na lang daw iyon.

“Sienna may boyfriend ka na ba?” Nasamid ako sa tanong ni dad sa akin. Gabi na at kumakain kami ng dinner nila mommy.

Nagkatinginan pa kami ni mommy. Nahahalata na kaya ni daddy na may tinatago ako sa kaniya. God. Ilang taon din iyon ah.

“Wala pa po…” sabi ko.

Hindi ko alam kung anong isasagot, iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Sana maniwala si daddy.

“Uh-uh? Wala pa? So, I can set you in a blind date?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy.

He can— what?

“Huh?” Medyo gulat na tanong ko. Si mommy din ay hindi makapaniwala sa sinabi ni daddy.

“Sabi mo wala kang boyfriend. Madami akong kakilala diyan Sienna. I can contact them so, you can have your boyfriend,” hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi ni daddy.

“So tell m—”

“I have a boyfriend!” biglang sabi ko. My dad creased his forehead when he heard what I just said.

“What?” Tanong niya sa akin.

“I already have a boyfriend dad,” sabi ko.

Hindi ko alam pero agad ding pinatawag mi daddy si Yosef kahit gabi na. Nahiya pa ako dahil baka nakaistorbo ako sa kaniya. Nakakahiya, gabi na pero gusto pa din ni daddy na ngayon na kausapin ang lalaki.

Mabuti nga at naging maayos iyon. Akala ko ay may eksena pa na sisigaw si daddy at papagalitan ako o si Yosef pero wala namang nangyaring ganun.

Sobrang saya ko tuloy dahil finally! Alam na ni dad ang tungkol sa amin ni Yosef.

“Ano na lang nga ang kulang love?” I asked my boyfriend.

Nasa mall kami dahil namimili ng ilan pang gamit namin sa condo. Last month lang kami lumipat. It’s just a simple condo for us. Isang kwarto dahil kami lang naman dalawa. Excited pa ako nun nung bibilhin na namin iyon. Mabuti nga at pumayag na din sila mommy na bilhin namin iyon.

Kaya na din naman namin at saka may ipon din ako at nagbenta ako ng ilang mga gamit ko na hindi ko na ginagamit kaya nabili namin ito. Nagtulungan kami ni Yosef para sa condo at pati na din sa mga pagbili ng mga gamit at kailangan naming dalawa.

“Sofa and mini ref,” aniya.

Iyon na lang nga dahil ang mommy ni Yosef ay binigyan kami ng TV at king size bed. Hindi sana namin tatanggapin ni Yosef pero mapilit si tita at magtatampo daw siya kapag hindi namin iyon tinanggap kaya wala din kaming choice nitong si Yosef.

Naghanap na kami ng babagay na sofa para sa condo. Iyong mini ref naman ay para sa kwarto naming dalawa. Nang makapili na kami ay naggrocery na muna kaming dalawa para sa ref namin.

“Wow happy family yan?” Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Chelsie at Caelus. Mukhang naggrocery din ang dalawa. Magkasama din naman sila sa iisang condo.

“Anak na lang kulang?” Patanong ko sa babae. Ngumiti siya sa akin at napailing.

“Nagagaya mo na ako ah,” aniya. Nag-apir kaming dalawa at sabay na din kaming namili. Nag-uusap kami ni Chelsie habang sila Yosef at Caelus ay ganun din. Hindi ko nga alam kung ano nga ba ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Nakita mo na si Naih?” Tanong ko sa babae.

“Hindi eh, si Venn din,” sabi niya pa. After ng breakup nila ay hindi ko na din nakita ang dalawang babae. Lagi kong nakikita sila Zymon pero mukhang wala din naman sila sa kanilang katinuan. Laging nag-iinom, parang si Caiden lang din.

“I miss them,” sabi ko. Napatango siya sa sinabi ko. Hindi namin sila makita pero pumapasok naman sila, siguro ay umiiwas lang dahil ayaw na din siguro nila na mapalapit dahil nga makikita nila ang mga lalaki. Naiintindihan ko naman sila pero gusto ko lang din na makasama ulit sila. Sayang ang pagkakaibigan namin kung matatapos lang sa ganun.

“Nakakatakot no?” Tanong sa akin ni Chelsie. Sabay pa kaming napatingin sa dalawang lalaki na mukhang masaya ata ang usapan kumpara kanina na seryoso sila.

Kahit hindi man sabihin ni Chelsie ang gusto niyang sabihin ay parang alam ko na iyon. Katulad nga ng sinabi ko, nakakatakot na magsimula ulit na ikaw na lang mag-isa. Iyong gigising ka na ikaw na lang, wala kang kasama. ‘Yung tao na dapat mong kasama ay wala na sa tabi mo, nasanay ka lagi na nandiyan siya pero sa paggising mo biglang wala na. Mag-isa ka na lang ulit.

“Sana hindi umabot sa ganun. Hindi ko kaya,” sabi ng katabi ko.

“Sana nga, lalo na ngayon na magkasama na talaga kami araw-araw,” sabi ko pa. Tumango sa akin ang babae.

“True, ang hirap no?” aniya. “Pero sana nga hindi mangyari ang iniisip natin,” sabi pa niya.

Napatingin kami sa dalawang lalaki na papalapit na sa amin. Nagkatinginan tuloy kami ni Chelsie. Paiyak na ako sa kakaoverthink namin.

“What’s wrong?” Tanong sa akin ni Yosef. Umiling lang ako sa kaniya at nagpatuloy na nga kami sa pamimili.

Nag-usap pa kami ni Chelsie tungkol ulit doon at nagtawanan na lang dahil nga kung ano-ano pa ang mga iniisip namin. Napaoverthink tuloy kami ng wala sa oras. Nagtataka nga ang dalawang lalaki dahil sobrang seryoso daw namin ni Chelsie habang nag-uusap.

“May problema ba?” Takang tanong ni Caelus. Nasa restaurant na kami at kumakain. Nagkatinginan tuloy kami ni Chelsie dahil doon.

Bakit ba kasi hindi mawala-wala sa isip namin ang tungkol sa breakup na ‘yan. Ayan tuloy mukhang nahahalata na nga kami ng dalawang lalaki.

“Wala ah,” sabi ni Chelsie at uminom ng wine.

Napailing na lang din ako. Bahala na nga. Sana ay mawala na iyon sa isip ko. Napapaoverthink pa kami ni Chelsie dahil doon. Pero hindi din kasi maiwasan na mapaisip doon. Nakakalungkot nga kung mangyari iyon sa amin pero sana ay wag. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag ganun. Hindi ko kaya na maghiwalay kami ni Yosef.

Napatingin ako kay Yosef na nakatingin na pala sa akin. Ngumiti ako sa lalaki at ganun din siya sa akin.

“I love you,” he mouthed.

Continue Reading

You'll Also Like

66.3K 2.5K 34
Moving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from t...
22.2K 4K 36
[COMPLETED] Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T studen...
306K 8.7K 42
Wyorck series #2 I first saw him in our wedding, waiting in the aisle.
5.5K 978 31
[COMPLETED] Hindi agad nakukuha ni Sebastian ang mga gusto niya sa buhay ng hindi ito pinaghihirapan. Laki siya sa isang squatters area at may kaya l...