Unexpected (Salazar Series #5...

由 Joyanglicious

13.7K 456 64

Date Started: November 01, 2021. Date Ended: January 19, 2022. - Sienna Dawn Conley mabait at mapagbigay. Lum... 更多

Unexpected (Salazar Series #5)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Message to my yannies<3

Kabanata 17

315 11 3
由 Joyanglicious

Mahirap ang mga sumunod na buwan sa akin. 4th year na kami at ilang buwan na lang din ay gagraduate na nga kami. We celebrated our 2nd anniversary last month. Hindi ko akalain na aabot pala kami ni Yosef. Hindi naman kami madalas mag-away pero minsan ay may mga napagaawayan kami.

Hindi pa din alam ni dad ang tungkol sa amin. Mabuti nga at hindi din nadudulas si mommy kay daddy. Kinakabahan lang talaga ako sa tuwing magkikita kami ni daddy.

“May dumi ba ako sa mukha?” Tanong sa akin ni Aria. Dahil sa pag-iisip ko ay napatagal na ang pagtingin ko sa pinsan ko.

“Wala,” sabi ko sa kaniya.

“Ano na namang iniisip mo?” Tanong niya sa akin.

“About dad,” saad ko sa kaniya. Napatango siya sa sinabi ko.

“Okay lang ‘yan, I know naman na tatanggapin din ‘yan ni tito,” aniya. Hindi ko pa nga alam kung paano sabihin kay daddy. Sana nga ay maintindihan niya.

Ilang buwan na lang din naman at gagraduate na ako. Masasabi ko na kay dad. Isa pa, napag-uusapan na din namin ni Yosef ang tungkol sa paglipat sa isang condo unit. Gusto kasi namin na sa isang bahay na lang kami. Sasabihin ko pa iyon kay mommy at kay daddy. Kaya sana ay masabi ko na din kay daddy na may boyfriend na ako para maging maayos na ang lahat.

“Hi girls!” Napatingin kami sa nagsalita. Nakita namin sila Caiden na nakangiti sa amin. Naupo siya sa tabi ng pinsan ko habang si Yosef ay naupo sa tabi ko. Ganun din sila Troy.

“I’m done with your powerpoint presentation baby,” ani Yosef sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagpresenta kasi siya sa akin na siya na lang daw ang gagawa ng powerpoint ko since may reporting nga kami bukas. Akala ko talaga ay nagbibiro lang siya pero ngayon ay tapos na iyon.

“Omg! Thanks baby!” sabi ko sa kaniya. Narinig ko ang tikhim nila Caiden sa amin.

“You’re welcome baby,” ani Yosef sa akin. Niyakap ko pa siya at mabilis naman niya akong hinalikan sa labi.

Binigyan niya pa ako ng mga kailangan kong pag-aralan para sa reporting ko bukas. Sobrang saya ko tuloy at nakalimutan ko iyong mga iniisip ko kanina tungkol kay daddy. Saka ko na lang iisipin iyon. For now, kailangan kong magreview dahil may reporting ako bukas.

Nagkukwentohan pa kami sa cafeteria habang kumakain at maya-maya nga ay nagkayayaan na na umuwi. Syempre pumayag na din ako dahil magr-review pa ako. Isa pa, nasa bahay na sila dad. Baka magtaka siya kung gabi na naman akong umuwi ngayon. Si mommy na nga lang ang gumagawa ng paraan para makalabas ako ng gabi minsan.

“Ang bilis matapos ah. Kanina ko lang sinabi sa ‘yo eh,” sabi ko sa lalaki habang nagd-drive siya.

Ang bilis niya kasing natapos ang powerpoint presentation ko. Siguro kung ako ang gagawa ay baka ginabi na ako nito. Lalo na kapag medyo tinatamad pa ako pero iba kasi si Yosef parang ganado naman siya sa lahat.

“I just did my best,” aniya. Napailing na lang ako habang nakangiti.

Mabilis din naman kaming nakarating sa bahay. Sa loob ng sasakyan ko na lang siya hinalikan dahil baka nasa labas si dad at naghihintay sa akin.

“I’ll text you,” aniya. Tumango ako sa kaniya at kumaway na.

Nang makapasok sa bahay ay wala sila dad sa sala. Mabuti na lang, siguro ay nasa office nila sa taas. Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto ko para makapagbihis at para makapagreview na din ako sa report ko para bukas. Kumuha pa ako ng snacks sa mini ref ko pero parang mas gusto ko ang mcdo, kaya lang nakakapagod namang bumili ngayon. Tinatamad ako.

Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang tumatawag si Yosef. Dumapa ako sa kama at sinagot ang tawag niya.

“Miss me agad?” sabi ko at natawa. I heard he chuckled to what I’ve said.

“I’m downstairs,” aniya.

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Gingood-time ba ako ng lalaking ‘to? Anong sinasabi niyang nasa baba siya?

“What?” I asked.

“Where are you. I’m waiting here,” aniya. Mas lalo lang tuloy kumunot ang noo ko.

Kapag ako talaga niloko ng lalaking ‘to. Susuntukin ko siya kahit hindi ako nananakit. Hmp.

“Seryoso ka ba?” Tanong ko ulit at sumilip sa baba. Wala namang tao eh! Maliban sa isang delivery guy?

Baka omorder sila mommy?

“Ma’am Sienna may order po para sa ‘yo!” Kumunot ang noo ko doon.

Para sa akin?!

Tiningnan ko ulit ang phone ko kahit na hindi ako nakikita ng lalaki.

“Faster, I’m getting bored,” aniya.

Lumabas na ako ng kwarto ko at agad na bumaba. Kumunot ang noo ko nang makalapit sa gate at nakita si Yosef na nakasuot ng uniform ng delivery guy!?

Tang—

“Ano ‘yan?” Natatawang tanong ko sa kaniya. Mabuti na lang at nasa taas sila mommy. Hindi nila makikita na nakikipag-usap ako ng matagal dito sa lalaking ‘to.

“Disguise?” aniya.

Mas lalo lang tuloy akong natawa. May inabot siya sa aking dalawang paper bag ng mcdo. Omg! Nagc-crave pa naman ako dito, saktong-sakto.

“Wow! Thanks love!” sabi ko sa kaniya at niyakap siya. Mabilis naman niya akong hinalikan kaya hindi agad ako nakagalaw.

“Sino nag-utos niyan sa ‘yo ha?” Natatawa ko pa ding tanong sa kaniya.

Ang cute.

“Wala. I just want to give you mcdo,” he said. Napatango ako doon at hindi pa din maiwasan na matawa sa kaniya.

“Are you flirting with the delivery guy Sienna Dawn?!” Nanigas ako sa kinatatayoan ko nang marinig ang boses ni daddy.

Oh my god!

“I’ll go ahead,” aniya. Tumango na lang ako sa kaniya at mabilis na siyang pinaalis at tumingin ako kay daddy na nasa may pintoan.

Masama ang tingin sa akin.

“What? No, dad!” giit ko sa kaniya.

“Ayos-ayosin mo lang Sienna. Hindi kita pinalaki para mahulog lang sa isang delivery guy!” sigaw niya sa akin. Hindi na ako nagsalita dahil agad naman siyang pumasok sa loob.

Napanguso ako habang nakatingin sa paper bag ng mcdo.

“May mcdo nga ako napagalitan naman,” bulong ko sa sarili.

“Hay naku, mabuti na lang at nakapag-bar tayo ngayon. Stress na ako eh,” ani Aria sa akin.

Nasa isang table na kami at umiinom. Nakahawak sa hita ko si Yosef habang umiinom ng black label.

“Stress na din ako,” ani Chelsie at ininom na ang hawak na vodka. Nakaalalay na sa kaniya si Caelus. Venn is on the dance floor with Troy.

Nakaupo lang ako habang umiinom din. Nakakastress nga ang araw na ito eh. Sabagay 4th year na kami at sobrang hirap talaga. Parang gusto ko na lang magpaanod sa dagat. Napailing na lang ako sa mga naiisip at ininom na ang tequila na hawak.

At wala ulit si Naih. I want to hug her right now. Alam kong sobrang nahihirapan siya ngayon. Sana lang ay wag na siyang umiyak. Nakita ko siya kanina sa may field. Namamaga pa ang mata. Niyakap ko na lang siya at nataranta pa ako dahil mas lalo siyang umiyak.

Si Zymon ay wala din dito. Pumunta kami sa kanila kanina at hindi siya lumabas ng kwarto niya. Naintindihan namin kung bakit ganun. Ayaw niya munang makihalobilo sa iba. Hinayaan na lang muna namin. Alam kong masakit pa iyon. Sariwa pa ang mga sugat sa kanila.

“What are you thinking?” Napatingin ako sa katabi ko na namumula ang tenga. Ganito talaga siya malasing, namumula.

“Random things,” sabi ko sa kaniya.

“How I wish I’m random things so that you can think of me too.” Nangunot ang noo ko sa tinuran ng lalaki.

Ang lalaking ‘to. Marunong na siyang bumanat ah. Tinuturoan siguro nila Troy at nakikinig talaga siya sa mga pinsan niya. Puro kalokohan lang naman ang sinasabi ng mga iyon. Hay naku Yosef. Marunong na siya ha.

“What?” Natawa ako sa kaniya. Mas lalo tuloy siyang namula sa reaksiyon ko. Hindi ko naman inaasahan na iyon ang sasabihin niya akala ko magtatanong ulit kung ano nga ba iyong random things na iniisip ko. Ganun naman siya eh.

Hay naku, Yosef.

“Nothing,” aniya at umiwas na lang ng tingin. Hindi ako makamove-on sa sinabi niya kanina. Hindi naman kasi gumaganiyan si Yosef sa akin. Nasanay na ako sa pagiging seryoso at masungit niya. Hindi ko alam na mas cute din pala kapag ganun siya.

“Cutie,” sabi ko at pinisil ang kaniyang pisngi. Napatingin siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi. Nag-init tuloy ang pisngi ko sa ginawa niya.

“Party!” sigaw ni Chelsie at tinaas ang kaniyang baso. Nagiging wild na sa loob ng bar. Sumayaw-sayaw na din kaming mga babae habang nakabantay sa amin ang mga lalaki.

Nagtawanan pa kami nang may makitang ilang mga lalaki na parang gusting lumapit sa amin. Hindi ko alam kung bakit ba kami natawa, basta natawa kami. Namumula na din ang mga kasama ko dahil sa alak na nainom namin. Nahihilo na nga ako pero sumayaw-sayaw pa kami at naramdaman ko na lang na may humawak sa bewang ko. Nang lingonin ko iyon ay nakita ko na si Yosef na nakatingin na sa akin.

“Hindi pa kami tapos eh,” reklamo ni Venn sa boyfriend niya na inalalayan na din siya.

Napailing na lang ako nang dalhin na kami nila Yosef sa sofa na pwesto namin. Naupo na din ako at agad nang sumandal kay Yosef. Gustong-gusto ko talaga ang amoy ni Yosef. Ang bango-bango. Gusto ko na siyang iuwi haha.

Hindi niya inalis ang pagkakahawak sa bewang ko at mas lalo pa nga akong sumiksik sa kaniya habang nakapikit. Naririnig ko pa ang mga boses nila Chelsie habang sinasabayan ang music sa loob ng bar.

“Ang ingay na lalo,” rinig kong sabi ni Caelus.

“Mas lalong iingay mamaya because of my moan.” Humagikgik pa si Chelsie nang sabihin iyon.

“Ang kalat gago!” sigaw ni Aria.

Naramdaman ko ang haplos ni Yosef sa buhok ko at hinalikan ito. Mas lalo tuloy akong napangiti. Gusto ko na talagang matulog. Ang bango ng katabi ko eh.

“I love you,” he whispered.

继续阅读

You'll Also Like

16.8M 209K 56
Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pagkamayabang pa. What will happen if one...
1.5M 29.7K 68
[Imperfect Girls Series #1] Getting married to a random stranger just because of a single mistake? That is what happened to Amaia Imogen Muñoz when...
800K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
482K 11.7K 56
(Unedited) Archt. Alyster Emory Monreal, the senator's son and the bachelor of their company never thought that he will fall under the hands...