Ang Crush Kong Torpe

بواسطة MataNgJelRi

4.5K 477 154

Ang sarap magkaroon ng crush, nu? Pasulyap sulyap mula sa malayo. Panakaw nakaw tingin. Hindi mo na kailanga... المزيد

Introduction
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampong Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Tatlo Na Kabanata

Ika-labing Dalawa Na Kabanata

203 29 9
بواسطة MataNgJelRi

Kinabukasan ay sinimulan ko na ang plano ko. Nang una ay nag-aalinlangan pa ako. Di ko rin agad magawa habang nasa bahay kami kasi mapapagalitan ako nila Mommy.

Kaya nung nasa kotse kami ay nag-isip na ako paano siya mahahawakan. Pasulyap sulyap ako sa kanya na mukang napansin niya naman.

"Why?" hindi natingin saking tanong niya.

Napalunok muna ako kasama ng pag-aalinlangan 'ko.

"Okay ka na ba?" maingat na tanong ko at hinimas ang braso niya.

Nanginig naman ang kamay ko sa pangamba ng magiging reaksyon niya kaya mabilis ko rin tinanggal.

"I'm good. Don't worry." hindi pa rin siya natingin sakin.

Wala na akong maisip na pwede gawin para madiskartihan siya hanggang makarating kami sa school. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya ng makababa kami sa kotse. Masyado atang halata na hindi ako mapakali.

"Tara na!" aya ko sa kanya at balewalang kinapit ang kamay ko sa bewang niya.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya kumontra. 

Napabitiw lang ako ng makarating kami sa locker room at nagtungo sa kanya kanya naming locker. 

"Let's go?" tumango naman ako sa aya niya. 

Pasimple kong nilapat ang kamay ko sa likod niya. Lumingon siya sakin kaya mabilis kong pinadausdos ang kamay ko sa bewang niya.

Pssh. Kasalanan ni Karina ito!

"Hehe 'ge lang, lakad ka lang" tumawa pa ako ng bahagya kaso tunog awkward ata.

Mabuti na lang nagpatuloy pa rin siya sa paglakad. Nang makaupo na kami sa mga upuan namin ay napahinga ako ng malalim at nilingon si Karina na todo salamin pa.

"Psst.." 

"Yes?" nakangiti siyang lumingon sakin. 

Nilapit ko sa tenga niya ang bibig ko para bumulong.

"Hindi ko ata kaya pinapagawa mo. Tatakasan ako ng puso sa sobrang kaba." natawa naman siya ng mahina.

"Ganyan talaga sa umpisa kasi nga crush mo siya tapos di ka pa sanay. Eh ano ba reaksyon niya?" sumulyap muna ako kay Kate na abala sa sinusulat niya sa notebook.

"Feeling ko naiilang din siya kasi nung sa likuran ko siya hinawakan, nilingon niya ako." ngumisi naman si Karina sa kwento ko.

"Effective yun. Ibig sabihin lang nun nagiging aware si Kate sa presence mo. Tuloy mo lang." tututol pa sana ako kaso nagsimula na ang klase.

Breaktime na namin at papunta na sa cafeteria. Magkatabi kaming naglalakad ni Kare habang nasunod naman samin si Kate.

"Hindi ko talaga kaya. Nahihiya ako." mahinang bulong ko sa kanya tukoy pa rin dun sa pinapagawa niya sakin.

May pagka-aggressive ako minsan pero yung pagiging touchy ay hindi ko talaga ugali.

"Just trust me Jaile. Mamaya i-level up mo na. Caress her thigh." nanunudyo pa ang boses niya sakin napabuntong hininga naman ako bago naupo. Agad naman tumabi sakin si Kate sa upuan.

Sumulyap ako kay Karina at binibigyan niya ako ng 'Go-Bestfriend-look'. Muli akong humugot ng lakas ng loob at hinarap si Kate.

Pinatong ko ang kamay ko sa binti niya.

"Anong kakainin mo?" nakangiting tanong ko pa sa kanya na cool na cool. Kunwari hindi kinakabahan. Shemay.

"Ahm.. ano.." para naman siyang natatarantang tumayo kaya nawala ang pagkakahawak ko sa kanya. "Stay here. I'll take our order." pahayag niya at mabilis kaming iniwan.

Kunot noo naman akong humarap kay Kare. "Kita mo? iniwan tuloy ako!" maktol ko sa kanya pero humagikgik pa siya.

"Relax. Babalik yun. She's just having a gay panic." kampanteng pahayag niya na inismiran ko lang.

Pinanuod ko na lang si Kate na umu-order ng pagkain namin. Di nakawala sa mata ko yung mata ng mga schoolmate namin na halatang may gusto kay Kate.

Naririnig ko pa ang ilang bulongan nila na "Ang cool talaga ni Kate." "Ang ganda ni Kate" at kung ano ano pa.

Nang matapos siya umorder ay naupo na siya sa tabi ko, tahimik niyang nilalapag sa mesa ang pagkain namin. Behave lang ako na nakalagay ang kamay ko sa ibabaw ng binti ko.

Matapos kumain ay nag-cr muna kami ni Kare. 

"Hindi ka pa rin naniniwala sa akin?" napabuntong hininga ako bago siya hinarap.

"Hindi ko kasi ugali yun. Tingin ko hindi rin mga ganon tipo ni Kate. Naalala ko nung nagb-bike pa kami, ayaw nyang nakasuot ako ng skirt." pagpapaliwanag ko sa kanya pero parang di niya pa rin naintindihan.

"Just for today bess. Promise it's really working." napailing na lang ako at nauna ng lumabas. 

Agad kong nakita si Kate na nakaupo sa bleacher habang nakatingin sa cr kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Sorry natagalan. Di ka ba mag-cr?" umiling lang sya sakin.

Naupo ako sa tabi niya habang hinihintay namin si Kare. Walang nakibo samin habang nagtatama ang mga siko namin. Mas umusog ako palapit sa kanya, agad kong naramdaman ang pagtigas ng katawan niya.

Nilingon ko siya at nakompirmang nakatitig siya sakin. Parang natabig ang puso ko, bumilis ang pagtibok nito.

"Ahmm.. malalate na tayo." napa-iwas ako ng tingin ng magsalita si Kare.

"T-tara na" mabilis akong tumayo at naglakad paalis. Kagat kagat ko ang labi ko na parang nahihiya.

Hanggang makarating sa room ay hindi makalma ang puso 'ko. Sobrang lakas ng epekto niya sakin. Para akong ginayuma. Ginagayuma ako ng mga titig niya.

"You okay?" mahinang tanong niya sa gilid ko kaya nataranta na naman ako pero di ko na siya malingon. Natatakot ako na baka mahigop na naman ako ng mga mata niya.

"A-Ayos lang." hindi na rin siya nagtanong pa at nagsimula na klase namin.

Sobrang lapit na ng theater play namin at hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang sumulat nun. Ang sarap pala mapanuod na bigyang buhay ang mga sinulat mo. Nakakataba ng puso.

"We're ready." pahayag ni Kate sa tabi ko. Abala kaming lahat sa pag-gawa ng iba pang props.

"Oo nga." nakangiting tugon ko lang, di pa rin makatingin sa kanya.

"Paupo.." nagulat ako sa biglang sulpot ni Ashi sa tabi ko. Nilingon ko siya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Hindi mo ba papansinin ang bagong t-shirt ko? New trend ito." tanong niya sakin.

Round neck shirt iyon na may konting stripe na design. Medyo fit sa kanya kaya lumalabas ang ganda ng hubog ng katawan niya. Halatang branded na mamahalin din ito kaya naman para siyang model ng casual shirt.

"Maganda. Bagay sayo." simpleng papuri ko lang at binalik na ang tingin ko sa ginagawa kong props.

"Yun lang? Di mo ba sasabihing ang pogi ko? hahaha" pangungulit niya pa rin na bahagya kong kinairap.

"Hindi." may diing pahayag ko.

"Grabe ka naman sakin! Hoy. Crush mo kaya ako nung elementary" sinamaan ko naman siya ng tingin sa sinabi niya. Syempre, nasa tabi lang namin si Kate baka ano isipin niya.

"Kadiri ka!" ani ko na lang. Hindi ko alam paano dedepensahan ang sarili ko. Totoo naman na crush ko siya ng elementary pero mga bata pa kami nun.

Naging crush ko lang naman siya kasi cute siya nun tapos lagi kaming magkasama.

"Sumusobra ka na sa feelings ko ha!" maktol niya.

Bigla namang dumating si Karina at pumwesto sa gitna namin ni Ashi kaya lalo akong nasiksik kay Kate. Di naman siya makausog dahil pader na ang katabi niya, kaya napapagitnaan siya ng dalawang pader. (Ako yung isa)

"Bess, tulongan mo naman ako dito." epal ni Karina. Inaabot niya sakin yung crown na susuotin nya sa play na gawa sa bulaklak na tela.

"Ba yan! Epal!" maktol ni Ashi at lumipat na ng pwesto. 

"Luh? Nandito pala siya." pahayag ni Kare na halatang hindi napansin si Ashi kanina sa tabi ko.

Napailing na lang ako at tinulongan si Karina sa pinapaayos niya. Nang matapos ko ay umalis na rin siya kaya kami na lang ni Kate ang naiwan.

Tinapos niya na rin pala ang ginagawa ko kanina kaya wala na kaming gagawin.

Naalala ko yung sinabi ni Kare. Yung tungkol sa First Step on How to make someon fall inlove with you. The Power of Touch.

Ngayong araw lang daw kaya sige na nga!

Habang pinapanuod namin mga kaklase namin ay pasimple kong nilagay ang kamay ko sa hita ni Kate. 

"Tingin mo magiging ayos ang play natin?" tanong ko para may pag-usapan naman kami.

"I guess." sagot niya. Bahagya ko syang sinulyapan at dun ko napansin na nakatingin pala siya sa kamay kong nakapatong sa hita niya.

Nahiya agad ako kaya tinanggal ko ang kamay ko dun. "Sorry. Naiilang ka ba?" lakas loob na tanong ko.

"Y-Yeah" sagot niya na kinabagsak ng balikat ko. Nahihiya akong napayuko.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang paggagap niya sa kamay ko. Nilingon ko siya at nasalubong ko na naman ang mga mata niyang nagbibigay ng kakakaibang ritmo ng puso ko. 

"If you don't know where to put your hand, just hold my hand." may tipid na ngiting turan niya.

Nanlaki ang mata ko, hindi ko alam ang i-rereact ko. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Napatitig na lang ako sa kamay naming magkahawak.

Hanggang mag-uwian ay hindi na namin binitawan ang kamay ng isa't isa. Mabuti na lang parehas kaming hindi pasmado. At kahit pasmado siya, magiging okay lang sakin hehehe

Nahinto kami sa tapat ng sasakyan niya. Ito na yung kailangan ko ng bitawan ang kamay niya.

"Bakit nawala pagka-crush mo sa kanya?" biglang tanong niya. Maghawak pa rin ang kamay namin.

"Sino?" maang maangan ko pero tinitigan niya lang ako kaya sumuko na akong magpanggap.

"Eh biglang nawala e. Biglang ikaw na crush ko." pagtatapat ko sa kanya.

"Bakit nga?" pag-uulit niya sa tanong na halatang di nakuntento sa sagot ko.

"Hindi ko alam basta ikaw na yan e." hindi ko lang talaga alam paano ipapaliwanag sa kanya e. Ako kasi hindi ko rin mapaliwanag.

Napabuntong hininga siya at binitawan ang kamay ko. "Uwi na tayo." aya niya lang sakin at nauna ng sumakay sa kotse.

Nagtataka naman akong sumakay na rin. Galit ba siya? Sinusulyapan ko siya pero poker face lang siya.

Saglit na tahimik na biyahe lang ay nakarating na kami sa bahay. "halika ka na" aya ko sa kanya dahil dito naman na siya naghahaponan. Konti na lang aamponin na siya nila Mommy e.

"Hindi ako nagugutom" kumunot ang noo ko sa sagot niya. 

Bumaba ako sa sasakyan at mabilis na binuksan ang driver side door. "Walang hindi kakain!" asik ko sa kanya at hinila na siya pababa. Wala siyang nagawa kundi magpatianod sakin.

"Andyan na pala kayo." salubong samin ni Mommy. Nagbless kami ni Kate sa kanila at naupo na sa hapag kainan.

Nakain na kami ng mapansin kong hindi nakain si Kate. "Bakit di ka nakain?" medyo naiiritang tanong ko.

"Hindi ako makakain ng isang kamay lang" sagot niya at dun ko lang napansin na hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Hehe di mo naman sinabi agad." sagot ko at binitawan na ang kamay niya. 

Nang matapos kumain ay umuwi na rin si Kate dahil gagabihin na rin siya. Bago matulog ay sinulat ko muna sa diary ko lahat ng mga nangyari ngayong araw. 

"Hay, ang dami palang nakakakilig nangyari ngayon hehehe" niyakap ko pa ang diary ko habang nakahiga at nakangiti.

*toot

Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa pagtunog nito. Nag-chat si Kate.

"Goodnight." simpleng bati niya lang pero napangiti na ako.

"Goodnight. Dream of me." mabilis na reply ko sa kanya.

"Always." Balik reply niya na kinalaki ng singkit kong mata.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

"SOULMATES" بواسطة j.sp

قصص الهواة

113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
179K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
1.2K 275 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
2.7K 75 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...