Lancelot's Young Master

By ilovepeterpants

20 1 0

Si Gian Lancelot Mathew laking Engrassia. Isang graduating student. Si Claude Aston Williams laking siyudad a... More

Chapter 1: Unbelievable First Meeting
Chapter 2: Madness and Pain
Chapter 4:It makes me feel Bad
CHAPTER 5: Sa VIP ROOM

Chapter 3:First Day First Fight

1 0 0
By ilovepeterpants

CHAPTER 3: First Day First Fight

Sa Engrassia muli na namang naging makulay ang buhay ng mga istudyante at ang iba namay napapabuntong hininga dahil unang araw na naman ng pasukan. Mag isa ngayon si Gian na naglalakad papunta sa kanyang pinapasukang paaralan. Maganda ang kondisyon ng panahon at sinabayan ito ng mga taong masayang nag uusap usap sa kung anong nangyare sa kanilang bakasyon. “ hay naku…. Lord sana maka survive ako ngayong araw…. Wala sanang mangyaring di ko inaasahan” saad ni Gian

Habang patuloy na naglalakad si gian ng may biglang bumusinang sasakyan at hinintuan sya. Nagulat sya rito pero bigla nyang naalala na isa itong sasakyan sa pinagtatrabahuan ng kanyang nanay. “ hijo, sumabay ka na sa amin parehas lang tayo ng paroroonan” mahinahon na saad ng driver na sa pag kakaalala nya ay argus ang ngalan. “ naku! Pasensya na po kayo nakakahiya naman po na inyong isakay… okay lang po ako mang Argus” sabi ni Gian na nakangiti.

“ ano bay an Tay! If he don’t like then just take him by force!!” naiinis na saad ni Claude na nakaupo sa backseat. Sya talaga ang may gustong isakay ito dahil sya ang may kasalanan kung bakit di sya nakatulog ng maayos kagabi dahil natatakot sya nab aka may mag invade sa kwarto nya kahit na alam nyang may mga body guards sya na nagbabantay sa bahay nila.

“ ano? Naku po pasensya nap o di nalang po ako sasabay sira ulo po ata ang amo nyo… maiwan ko nap o kay” pagkasabi nun ni Gian ay agad na itong nagpatuloy na mag lakad papalayo sa sasakyan. Hinayaan nalang ito ni Mang Argus at Si Claude naman ay halatang nabwisit din.

“ lets go Tay! Gusto ko nang Makita ang bagong papasukan ko at bakit gusto ako nila Mom at Dad mag aral dito?” pag kasaad ni Claude agad namang umandar ang sasakyan nila ng mabilis……

*****
Ilang minute rin ang nilakad ni Gian at sa wakas nasa harapan na sya ng  gate ng Engrassia High.

Engrassia High. Ang paaralang ito kaunaunahang paaralan na itinayo sa bayan ng Engrassia ang paaralang ito medyo makalumang tignan ngunit kapag nakapasok ka na sa loob nito ay napaka modernong tingnan idagdag pa ang kanilang teknolohiya ay advance  malayong malayo kapag itoy tititngnan mula sa labas kaya nga ang iilan na di pa nakakapasok dito ay ayw mag enroll dahil iniisip nilang napag iwanan na ito ng panahon. Ang rason kung bakit ganito ang paaralan ay pinag isipan ng mga bumuo nito nakuha nila ang ideyang ito sa sikat na salitang “DON’T JUDGE A BOOK BY ITS COVER” kaya naman ganito ang Engrassia High.

Pagpasok palamang ni Gian sa Gate ay muli nanaman nyang narinig ang mga boses na pilit nyang nilalayuaan mula ng magsimula syang pumasok sa paaralang ito

“omg!!!! Si Baby lancelot !!!!!”
“Girls !!!! lancelot is here now AHHHHH!!!!”

Napabuntong hininga na lang si Gian ng Makita ang mga kababaihang nagmamadaling tumakbo patungo sa kanya. Nasanay na sya sa gawaing ito simula kasi ng manalo ito ng Mr. Engrassia ay naging matunog na ang pangalan nya sa Engrasssia.  Kagaya ng dati tatakbuhan nya nanaman ang mga ito. Nagsimula na syang tumakbo at tiyak na malalate nanaman ito sa kanyang unang araw ng pasok.

Nang masiguro ni Gian na wala na ang mga babaeng kumukuyog sa kanya ay muli nyang inayos ang kanyang uniporme chinecheck kung may dumi ba ito. Sa tingin naman nya ay wala agad na itong tumayo sa pinagtataguan nya at nagsimula ng maglakad.

“beep” “beep” Napatalon naman sa gulat si Gian sa busina ng sasakyan.

“ hop on!” saad nito sa kanya at walang sabi sabi agad itong sumakay sa sasakyan. Mabuti nalamng dumating ito.

“same as usual bro? hahaha” tawa nito sa kanya

“Louie!!!! You’re a big help br-bro” hingal nitong saad.

Louie Scott. 16 years old kababata ni Gian. Magkaklase sila since Kinder till now. Umamin it okay Gian na isa syang Bi-sexual person natanggap naman ito ni Gian.

***
Samantala manghang mangha naman si Claude sa paaralan akala niya nung una ay isa itong old school na paaralan pero pag pasok na pagpasok nya rito ay natuwa sya sa kanyang nakikita para syang napunta sa ibang mundo. Kaya lamang ay hindi sya mapakali sa mga taong nakatingin sa kanya hyabang naglalakad sya sa hall pakiwari nya ay dahil sa mga bodyguards nyang nakasunod sa kanya ngunit nagkamali sya yun ay dahil marami ang humahanga sa kanyang mga kababaihan at maging kalalakihan para kasi syang artista sa suot nya bagay na bagay ang suot nyang uniporme sa kanya at idagdag pa ang cold expression nan a pakiramdam ng mga tumitingin sa kanya ay nilalamig sila perpektong perpekto sa bad guy look nya.

Mga 15 minutes  ang lumipas matapos nyang magpakilala ay umalis ang kanilang adviser at hindi pa bumabalik… napansin naman nito ang isang silya na punong puno ng mga regaling pagkain mga bags, mga letters at marami pang iba. “aba mukhang sikat na sikat ang taong ito” paki wari nya sa kanyang isipan “ sino kaya ang napakaswerteng taong ito?” dadagdag nya pang saad. Nakatingin lang ito sa lamesahan ng may biglang nagsalita.

“swerte talaga ni Lancelot no? mukhang marami nanaman tayong paghahati hatian mamaya” sarkastikong saad ng babae sa kanya

“ hi Claude ako nga pala si Minerva kinagagalak kong makilala ka” saad nito sa kanya. Tinignan lamang sya ni Claude ng malamig at hindi naglabas ng kahit anong salita sa kanyang bibig. Pakiramdam ng nagpakilala sa kanya ay dinedma sya nito… magsasalita palang sana si Claude ng agad umalis ang babae. Napabuntong hininga nalang ito kahit san talaga ito pumunta ay ganun at ganun parin ang tingin sa kanya ng mga tao. Si Claude ay mukhang bad boy ngunit marunong naman itong makisama sa mga gusto nya lang na kasama at sa ngayon ay wala pa syang gusting makasama.


Sobrang tahimik ng lahat ng tao sa silid nila Claude dahil pakiramdam nila ay may masamang ugali si Claude at ayaw nilang gumawa ng kung anong ingay lalo pat nalaman nilang apo sya ng nagmamay ari ng paaralang kanilang pinapasukan. Ngunit hindi naman ito alam ni Claude dahil wala syang hilig sa mga business business ng mga magulang nito at isa pa ay hindi naman ito nasabi sa kanya ngayon nya lang rin nalaman.

Nabasag naman ang katahimikan at pakiramdam nilay tinutunaw ang lamig ng dumating si Gian sa kanilang silid.

“pasensya na nalate ako” hingal na hingal na saad ni Gian habang ang kamay ay nakalagay sa kanyang tuhod.

“Lancelot!!!” saad nilang lahat

Napatayo naman si Gian sa kanyang kuryosidad “ bakit?” saad nito sa kanyang mga kaklase. Napawi naman ang tingin nito sa isang di kilalang tao na nasa dulong lamesahan. Ngumiti ito at agad agad na naglakad rito. Ang lahat naman ay napatingin kay Gian kung saan tutungo.

“hello! Kamusta ka?” nagulat naman sila sa sinabi ni Gian sa bago nilang kaklase pakiramdam nila ay magkakilala ang dalawang ito.

Samantala ng malamn  ni Claude kung sino nga ba ang Lancelot na ito ay bigla syang natulala sa kanyng nakita at tila naiinis ito ng papunta sya sa kanyang  upuan “ hello kamusta ka” nakangiting saad nito sa kanya… biglang namula si Claude ng muling Makita ang mukha ni Gian ng malapitan bagay na kinainis nya

“ im okay…” saad ni Claude

“okay” sabi naman Gian. At nagpunta sa kanyang lamesahan at isa isang sinisinop ang mga nakalagay sa kanyang mga upuan. Matapos nya itong sinupin ay itinapon nya ito sa basurahan.

“ dude naman saying yung mga yun?” bigla namang saad ni Louie na kakarating lang. Nag hiwalay kasi sila kanina at kinakailangan pa mag park ng sasakyan ni Louie

“bro naman sige kunin mo na paghati hatian nyo” nakangiting saad ni Gian

“Narinig nyo mga guys? Kunin na ang dapat kunin” pagkasaad ni Loiue ng mga katagang iyon ay agad namang naging parang asot pusa ang mga kaklase ng mga itoo… napatawa nalang si Claude sa inasal ng mga bago nyang kaklase. Sa loob loob ni Claude ay napaka yabang ni Gian kaya naman nakaisip sya ng isang ideya na sa tingin nya ay makapagpabago sa inaasal ni Gian

“Hey! Gian? My bed misses you so much” saad ni Claude. Napa tigil naman ang lahat sa kanilang ginagawa sa kanilang narinig. Nagulat naman si Gian sa sinabi nito. Napatingin tingin si Gian sa kanyang mga kaklase at walang ano anoy hinila ni Gian si Claude papalayo sa kanila. Napasunod naman si Claude sa kanya at tumigil sila sa paglalakad ng makarating sila sa  isang sulok sa ilalaim ng hagdanan

“ Huiwag mo naman akong ihiya sa kanila baka kung ano ang isipin nila” mahinahon na sabi ni Gian kay Claude. “bakit kailangan mo pang sabihin yun sa maraming tao?” pagkasabi ni Gian nito ay nagumpisa na syang mainis at kwinelyuhan si Claude

“don’t touch me you ass hole!!” saad naman ni Claude

“ why? You mad? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Bakit ka natulog sa kwarto ko?” sabi naman ni Claude.

Napabuntong hininga nalang si Gian” Okay. Pasensya ka na… nilinis ko kasi ang kwarto mo tinulungan ko ang aking ina sa paglilinis medyo napagod kasi ako kaya di ko namalayan ang oras at nakatulog na pala ako. Yun lang yun Mister” saad naman ni Gian sa kanya

“did you do something about me? Bakit nakayakap ka sa akin nung umaga?” diretsahang tanong naman ni Claude sa Kanya

“ ano?! Bat ang dumi ng utak mo? Ganayn ka ba pinalaki ng magulang mo? Sabagay di ka nga pala nagabayan kung di ako nagkakamali….” Inis na saad ni Gian.

Pagkasabing pagkasabi ni Gian ng mga salitang iyon ay tila di na nakapag timpi si Claude at dumapo na ang kamao nito sa mukha ni Gian. Napaatras naman si Gian at tila nahilo sa ginawa nito sa kanya. Agad namang napag tanto ni Gian na nagkamali ito ng mga binitawang salita.

“ you insult me like you know my life…. Ill make sure your last year here in this fucking school will be a hell for you!” galit na sinabi ni Claude at iniwan itong mag iosa at nagtungo na sa kanilang silid.

Natulala naman si Gian ng ilang sandali bago ito bumalik sa kanilang silid.  Usap usapan naman kung anong nangyare kina Gian at Claude at sa kanilang pakiwari ay nag away ang dalawa. Dahil nagkaroon ng pasa si Gian sa kanyang bibig. Samantala muling lumapit si Gian kay Claude “ p-patawad dala lamang ng aking pag kainis kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon.. pasensya ka na ulit” sabi ni Gian at nagtungo sa kanyang upuan.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...