Unexpected (Salazar Series #5...

By Joyanglicious

13.7K 456 64

Date Started: November 01, 2021. Date Ended: January 19, 2022. - Sienna Dawn Conley mabait at mapagbigay. Lum... More

Unexpected (Salazar Series #5)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Message to my yannies<3

Kabanata 14

302 11 0
By Joyanglicious

“What’s your gift to Yosef, baby girl?” Chelsie asked me.

Nasa cafeteria pa kami pero tapos na naman ang mga klase namin. Didiritso na kami sa bar dahil birthday nga ni Yosef ngayon.

“Watch and shoes,” sabi ko. Wala na kasi akong maisip pa na pwedeng ibigay sa kaniya. Nagmamadali pa kami ni Aria para lang makabili agad.

“Take this.” Kumunot ang noo ko nang may inabot sa akin si Chelsie. Kulay pula iyon at parang candy. Namilog ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang binigay sa akin ng babae.

God.

Condom!?

“Chelsie!” Gulat na sabi ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang nakahawak ako ng condom! Ngumisi lang sa akin si Chelsie at mukhang tuwang-tuwa sa naging reaksiyon ko.

Ibabalik ko na sana iyon sa kaniya kaya lang siya na ang naglagay nun sa bulsa ko. Hindi ko na alam kung paano iyon kukunin ulit para ibalik sa kaniya. Nasa cafeteria pa naman kami at maraming studyante!

“C’mon girl! Masarap kaya ‘yon,” sabi naman ni Naih. Bakit ba sila lang ang kasama ko? Sana nandito din ang boys para hindi ito ang usapan namin ngayon.

Napatingin din ako sa pinsan ko na kumakain ng fries at mukhang wala namang balak na tulongan akong wag na iopen-up ang topic na iyon dahil nga nahihiya ako. Alam ko din naman nagawa na nilang lahat iyon pero ayaw ko talagang pag-uusapan dahil nakakahiya.

“Ganiyan din ako dati pero enjoy naman,” sabi pa ni Naih.

Talaga bang pag-uusapan namin ito ngayon? Talaga ba? At talagang nakikinig ako sa kanila. God. Ano ba ‘to huhu?

“Oo nga bebe,” ani Chelsie sa akin habang nakangiti. Hindi na nga ata mawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

“Guys. Stop that. Wala pa akong balak sa ganiyan,” sabi ko sa kanila. Sabay-sabay silang nagkatinginan at hindi pa makapaniwala sa sinabi ko kanina.

God. Hindi ko nga alam kung paano iyon gagawin at diba nakakahiya kung makita niya ang buong katawan ko!? At saka nakakahiya din kung makita ko ang sa kaniya! Paano iyon?

“Oh my god! Are you serious?” ani Chelsie na tinangoan ko. Hindi ko talaga alam kung ilang pagtanggi pa ang sasabihin ko sa kanila. Ayaw ko na gawin iyon, nakakahiya talaga. Iniisip ko pa lang na gawin namin iyon ni Yosef ay nahihiya na ako paano pa kaya kung naging totoo?

Agad akong napailing sa mga naiisip ko. Hindi ko iyon gagawin. Hindi namin iyon gagawin ni Yosef. Nakakahiya talaga.

“Alam mo ganiyan din ako nun pero hindi iyon maiiwasan lalo na kung kayong dalawa lang sa isang kwarto!” sabi pa ni Naih.

Akala ko ay matatapos na kami sa topic na ito pero mukhang nagsisimula pa lang ata ang mga babae. Hindi ko na alam kung masasabayan ko pa ba sila. Hindi ko na nga sila masabayan kanina eh, ngayon pa kaya. Ang tagal naman kasing dumating ng mga sundo namin, kung ano-ano na tuloy ang pinagsasabi nitong mga girls sa akin.

“Oo nga Sienna. Ganiyan din ako dati eh pero keri lang naman,” ani ng pinsan ko. Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya. Nahahawa na ang pinsan ko sa kanila. Si Venn naman ay tahimik lang at natatawa pa sa amin. Mukhang may sasabihin din pero hindi naman nagsasalita.

“See? May protection naman,” sabi pa ni Chelsie sa akin. Napailing na lang ako sa kanila.

Dati ay wala akong kaalam-alam sa mga ganiyan. Hindi ko nga din alam iyong mga tungkol sa mga lalaki. Iyong pagiging babaero at mahilig nila sa mga babae na easy to get. Hindi nga kasi ako madalas na nasa labas dahil mahigpit sila mom sa akin pero dahil sa pinsan ko may mga nalaman ako tungkol sa mga lalaki. Kwento kasi nang kwento sa akin si Aria kaya nga nalaman ko din iyon. Panay pa ang punta niya sa mga bar kaya ganun na lang din ang kagustuhan ko na sumama sa kaniya.

Siya talaga ang gumawa ng paraan para lang makasama ako sa kaniya. Mabuti na lang at pinayagan ako nila mom nun. Nakilala ko ang ilang mga lalaki sa bar kaya lang masyado naman silang madaldal at panay pa ang hawak. Muntik pa kaming makuha ng mga lalaki ni Aria. Pinagalitan nga kami nila mom nun kaya mas lalo silang nagalit at hindi na nga ako pinalabas.

Pero mabuti na ngayon dahil hindi na sila masiyadong mahigpit sa akin. Natututo na din ako dito sa mga kasama ko. Puro mga kalokohan kasi ang mga kinukwento kaya ayon araw-araw ay madami akong nalalaman. Ngayon lang din naman kami nagkaroon ng mga ganitong kaibigan ni Aria kaya masaya din ako na may mga kaibigan kami. Kahit na ganito sila Chelsie ay maaasahan naman sila sa mga bagay.

“Tagal mong mag-isip ah. Gora ka na?” Tanong sa akin ni Naih. Napatawa si Chelsie doon.

“What?” Tanong ko pa. Iniisip ata nila na papayag na ako. Hindi no. Wala talagang mangyayari. Ayoko!

“Hay naku, basta may protection na diyan sa bulsa mo ha. Sabihan ko si Yosef, baka makalimutan mo eh.” Kumindat pa sa akin si Chelsie. Nag-init tuloy ang pisngi ko doon.

Ano ba naman kasi ‘yang mga lumalabas sa bunganga ni Chelsie? Ang kalat ah.

Natapos din naman kami sa pag-uusap dahil dumating na ang mga boys. Nagulat pa sila nang makitang tawa nang tawa ang mga kasama ko habang ako naman ay namumula na ngayon. Kung ano-ano kasing mga lumalabas sa bibig nila eh.

“What happened?” Tanong ni Yosef sa amin. Nagkatinginan pa kaming lima doon.

“Wala naman,” ani Chelsie at ngumiti sa akin. Umiling na lang ako sa kanila at lumabas na kami ng campus.

Alam kong maraming a-attend sa birthday ni Yosef. Sana lang ay magustuhan niya ang regalo ko. Mamaya ko na iyon ibibigay sa kaniya. Binuksan na niya ang pinto ng kotse niya at sumakay na nga ako doon. Kahit na magkaiba na kami ng sinakyan nila Chelsie ay naririnig ko pa din ang mga boses nila. Talagang hindi talaga mawala-wala sa isip ko iyon?

Kainis naman. Baka kung anong isipin ni Yosef sa akin. Kailangan kong kumalma. Hay naku, kasalanan talaga ‘to nila Chelsie. Bakit ba kasi naopen ang ganung topic kanina eh? Hindi sana ako magkakaganito ngayon?

Napasulyap ako sa katabi ko na nagmamaneho. Napatingin din siya sa akin at agad naman akong ngumiti sa kaniya.

“Why? Did the girls say something to you?” He asked.

Napakurap pa ako sa sinabi niyang iyon. Napapansin niya talaga lahat no? Muli akong napatingin sa lalaki pero hindi na naman siya nakatingin sa akin. Malamang! Nagd-drive siya baka mamaya ay mabangga pa kami kung sa akin lang nakatuon ang tingin niya.

“Wala ah,” sabi ko sa kaniya.

Hindi ko naman sasabihin sa kaniya kung ano nga ba ang napag-usapan namin kanina. Baka kung ano pang isipin niya! At saka wala din naman akong balak na gawin namin iyon. Oh my god. Nakakahiya talaga.

“Okay. Then, why are you blushing?” He curiously asked. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Nakaramdam din ako ng init doon. Kanina pa ata ako namumula sa kakaisip nung mga sinabi nila Chelsie sa akin.

Bakit ba kasi hindi mawala iyon sa isip ko? Hindi ko iyon gagawin, okay? Kahit ano pang mangyari. Hindi namin gagawin iyon ni Yosef. My god, nakakahiya talaga. Kung nababasa lang ni Yosef ang iniisip ko ay kanina pa siya nakangiti sa akin at inasar na din ako nito.

“I’m not!” giit ko sa kaniya. Nakita kong natawa siya sa reaksiyon ko. Napanguso tuloy ako. Kainis naman. Bakit ba ako namumula?

“Okay-okay baby,” aniya at ngumiti pa sa akin.

Hindi na ako nagsalita at tumingin na lang sa labas. Mabuti nga at hindi traffic kaya mabilis din kaming nakarating sa bar. Nang makapasok sa loob ay kita ko na ag mga kaibigan at iba pa naming schoolmates doon. Nakita ko din ang ilang mga taga Xavier University na nakaupo na sa sofa at may ilang lumapit sa amin.

Nagbigay na nga sila ng mga regalo kay Yosef na nilagay lang sa isang malaking table. Nakita ko pa ang ilang mga babae na mukhang gustong-gusto na makalapit sa amin. Nagtataka pa ako dahil mukhang ayaw naman nilang lumapit na para bang may iniiwasan din sila. Hindi ko na lang iyon pinansin at naupo na din kami nila Yosef.

“Wait here love. I’ll just greet my other visitors,” aniya at hinalikan ako sa noo. Tumango naman ako sa kaniya.

Naupo na din sa kabilang sofa sila Chelsie na kaharap ng sofa na inuupoan ko. Ngumisi agad sila sa akin. Kahit na hindi magsalita ay alam ko na agad ang iniisip ng mga ‘to.

“Mamaya niyo gawin,” ani Chelsie. Kahit na wala pa akong iniinom na alak ay nasamid pa din ako sa sinabi ng babae. Natawa sila Naih sa naging reaksiyon ko.

Hindi pa pala sila tapos dito? Akala ko ay tapos na. Pati ba naman dito ay magkakalat sila. Hay naku.

“Kaya mo ‘yan girl,” ani Venn.

“May protection naman. Keri lang ‘yan,” sabi pa ni Naih.

“Masakit sa una pero choks lang.” Naningkit na ang mata ko nang sumali na nga sa usapan ang pinsan ko.

“Basta mamaya niyo gawin ah!” ani Chelsie.

“Gawin ang?” Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Yosef. Nakita ko na din sila Zymon na naupo na nga sa tabi nila Naih.

Hindi naman siguro niya narinig lahat, ano? Hindi naman siguro. Nakakainis talaga ang mga babaeng ‘to. Paano na ngayon? Anong sasabihin ko dito sa katabi ko na nakatingin na sa akin at naghihintay ng tanong.

“Mamaya gagawin ang inoman! Oo!” sabi ko at tiningnan ang mga babae.

Tumango-tango naman sila sa akin kahit na natatawa sa sinabi ko. Napapikit na lang ako habang nahihiya sa nangyari.

“Okay?” ani Yosef na mukhang hindi naman naniwala sa sinabi ko at nakatingin lang sa akin.

Nagdala na din ng inomin sa table namin at agad din naman akong uminom. Kumunot tuloy ang noo sa akin ni Yosef.

“Akala ko ba mamaya?” Tanong niya pa sa akin. Muntik pa akong masamid dahil sa sinabi niya. Nakalimutan ko! My god. Nababaliw na ata ako dito. Kasi naman sila Chelsie eh!

“Ah! Nauhaw ako bigla eh,” palusot ko sa kaniya. Hindi na naman siya nagsalita at napatingin na lang sa akin.

Nagpatuloy ang party ta nag-inoman na nga kaming lahat habang ang iba ay kumakain at sumasayaw. Naramdaman ko ang kamay ni Yosef sa bewang ko. Sinuklay niya pa ba ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay. Inaantok tuloy ako sa ginagawa niya.

“Happy birthday love,” bati ko sa kaniya at hinalikan siya sa labi.

Gumanti naman siya sa halik ko at hindi agad ako nakabawi doon dahil sobrang agrisibo ng bawat paggalaw ng kaniyang labi. Mas napapikit lang ako nang maramdaman ko ang pagkagat niya sa ibaba kong labi. Habol tuloy namin ang hininga nang maghiwalay ang mga labi namin.

Napatingin ako sa kaniya at tila nakulangan pa doon. Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti din naman siya sa akin. Hinalikan niya ako ulit at gumanti din naman ako. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa likod ko. Nag-iinit na din ang buong katawan ko dahil sa mga haplos niya sa akin.

“Ay pocha! Bakit dito kayo nagm-make love?! Tangina naman oh!” Mabilis akong napahiwalay sa lalaki nang marinig ang boses ni Troy.

Nakita ko ang masamang tingin ni Yosef sa pinsan.

“What now Troy?” Inis na sabi ng katabi ko.

“Gago! Sa kwarto nga kayo! Wag dito, please lang.” Natawa ako nang magkaawa pa siya. Lasing na ata ‘to?

Tumingin ulit ako sa boyfriend ko at ngumiti ulit sa kaniya. Inaantok na naman tuloy ako.

“I love you,” he whispered before I closed my eyes. I’m really sleepy.

Continue Reading

You'll Also Like

798K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
115K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?
71.2K 2.5K 58
Travesia Series #1 "Hold on, babe. Please breathe for me..." Kylie Cyril De Guzman admires this one boy who makes her heart beat so fast. Watching hi...
1.5M 29.7K 68
[Imperfect Girls Series #1] Getting married to a random stranger just because of a single mistake? That is what happened to Amaia Imogen Muñoz when...