Never Cry Murder

Από Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? Περισσότερα

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 2 : On Duty

69.9K 3.4K 1.3K
Από Serialsleeper

2.

On Duty

Sisa

"B-borneo Grady!" Sigaw ko sa nurse na nasa desk kahit hingal na hingal at basang-basa pa ako ng ulan. Madaling araw na at iilan lamang ang nakikita ko dito sa pasilyo ng ospital.

"Miss kaano-ano ka ng pasyente? Pasensya na pero---"

"God damn it! Tell where his room is if you love your face!" Pagwawala ko sabay tanggal ng cap ko at tapon nito sa sahig. 

Napaatras ng bahagya ang nurse mula sakin. Halata ang gulat at takot sa mga mata niya. Wow, I must really look like a psychopath right now.

"M-miss pasensya na talaga.." Hindi niya ako halos magawang tingnan sa mga mata "Pamilya lang ang pwede at isa pa tapos na ang visiting hours." Aniya saka inilibot ang kanyang paningin na para bang naghahanap ng makakatulong sa kanya.

"I'm his long lost sister and i'm the only one he's got right now. I don't care---"

"You don't have to lie. Borneo is on Room 707. Nurse Aya, ako na ang bahala dito." Agad akong napalingon nang biglang may magsalita mula sa likuran ko. Nagtaka ako nang makita ang isang matangkad na doktor, medyo singkit at cute. Namumukhaan ko siya, siya ang gumamot sa leeg ko. Mukha siyang naiinis sakin na nababagot na ewan. 

Wala akong pakialam sa kanya kaya nagtatakbo na lamang ako papunta sa kwartong sinabi niya.

"Spermy...." 

Sa pagpasok ko pa lamang sa kwarto ay agad na bumungad sa akin ang kalunos-lunos niyang lagay. May benda nang nakapulot sa ulo niya at may tubo naring nakakabit sa bahagya niyang nakabukas na bibig. Wala siyang malay at ang mga makitang nakakabit sa kanya ang natatanging nagbibigay buhay sa kanya.

Tagaktak man ang luha ko, naglakad parin ako papalapit sa kanya. 

Nakakapanlumo. Para kong nakikita ulit si Julia na naghihingalo sa mismong harapan ko.

Bahagya akong lumuhod upang mapalapit ako sa mukha ni Spermy. Pilit kong pinipigilan ang mga hikbi ko sa papamagitan ng pagngiti. "You son of a psychotic bitch..." Idinaan ko na lamang sa tawa ang bigat ng nararamdaman ko, "You scared me, you really scared me." I reached for his hand and hold unto it. For the first time, I held his hand. Ever since we met, I tried my best to distance myself. Ayokong umasa siya kaya kahit magmukhang bruha, ginawa ko ang lahat para ipagtulakan siya palayo. Ayoko siyang masaktan dahil sakin pero ngayon natatakot ako, baka lalo ko lang siyang sinaktan dahil sa paulit-ulit na pagsasabi ng totoo. Was my honesty too brutal? Did I crush his heart like the way Dustin crushed mine?

"You’re the only person who came to visit him." Muling nagsalita ang doktor na nasa likuran ko pa pala kaya nilingon ko siya habang pinupunasan ang luha ko.

"His grandparents? His other relatives? His other friends? How about them? Did they not give a single fuck?" Tanong ko habang hindi parin bumibitaw sa sugatan niyang kamay.

Napabuntong-hininga si Doc habang nakasilid ang dalawang kamay sa lab coat niya, "He's the son of a serial killer. Everyone's a judge. His relatives are probably scared to be involved and demonized. Its not easy for everyone."

No matter how pissed I am right now, he has a point.

I'm not a hypocrite kasi alam ko sa sarili ko na mapanghusga rin ako.

Pare-pareho ang lahat.

Everyone can deny but the truth will always be there.

Everyone judges.

Everyone is a judge.

"He'll still wake up right?" Huminga ako ng malalim at muling ibinalik ang tingin sa maamong mukha ni Spermy.

"God only knows." Aniya kaya muli ko siyang nilingon.

"Stop giving me that bullshit! You're a doctor! Give me an answer!" Giit ko.

Muli siyang napabuntong-hininga, "Maaring hindi na siya magising."

"Maari therefore there's another possibility! Do whatever it takes to keep him alive! I'll pay for everything just please heal him!" Bulyaw ko dahilan para dahan-dahan siyang tumango.

Inilapit ko ng bahagya ang ulo ko sa tenga niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang noo niya habang muling pinipilit ang sarili kong ngumiti.

"Borneo, you can hear me right?" Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng luha ko, "Listen to me okay? You'll wake up. You can take all the rest that you want but just make sure you'll wake up okay? You're the only one that I have right now so please, please, please don't leave. Minsan lang akong magmakaawa sayo kaya sundin mo okay? I'm not the girl for you but i'll always be a friend to you. I'll help you pick-up chicks. I'll help you find the one for you but just please, wake up....." Tumigil ang paglabas ng boses mula sa bibig ko hanggang sa hikbi na lamang ang tanging pinapakawalan nito. Hindi ko na alam anong gagawin kaya lumabas na lamang ako ng kwarto at agad na pumasok sa pintong patungo sa hagdan.

Mistulang walang katao-tao sa hagdan kaya para akong nakahinga ng maluwag. Sumandal ako sa pader at napatingala. Hindi ko na mapigilan pa ang luha ko kaya hinayaan ko na lamang ang emosyon ko tutal wala namang ibang nandito pero nagtaka ako nang bigla kong marinig ang isang iyak—parang may isang lalakeng umiiyak at nasa hindi ito kalayuan.

Sinundan ko ang ingay hanggang sa maaninag ko ang isang lalakeng nakaupo sa hagdan. Nakasandal ang ulo niya sa tuhod niya. Oo nga’t nakatalikod siya mula sakin at napakarami niyang benda at cast pero nakikilala ko parin siya. Wala eh, superpower to kapag gusto mo ang isang tao.

“Get out. I need this place all to myself.” Bulalas ko dahilan para unti-unti siyang lumingon sa akin.

Nagkatinginan kami. Kapwa kami lumuluha. Kapwa namumugto ang mga mata kakaiyak.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Kapwa kami humarap sa kawalan..

“Did I..” Napalunok si Dustin at bigla na lamang humagulgol. “Did I caused all this.”

Napapikit na lamang ako.

Oo gustong-gusto kong sisihin si Dustin. Gustong-gusto kong isisisi sa kanya ang lahat ng nangyayari—kahit ang pagtraydor sakin ni Ponzi pero alam kong hindi ito ang totoo. Isa lang naman ang dahilan ng lahat ng ‘to eh.

“Vengeance caused everything.” Idinilat ko ang mga mata ko at nanatiling nakatitig sa kawalan.

“Gusto ko lang namang bigyan ng hustisya si Tatay…” Muling napahagulgol si Dustin saka isinandal ang noo niya sa nakakuyom niyang mga kamao, “Hindi dapat nadamay si Ate…Hindi dapat nadamay ang anak niya.”

Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi ko na alam anong sasabihin kasi maging ako, hindi ko rin alam anong gagawin kung ako ang nasa posisyon niya.

Dustin lost his Dad. Lost his Innocence. Lost his friends. And now he just lost his sister.

I can’t stand to see him die inside kaya tumayo na lamang ako at agad na naglakad palayo. Lakad ako ng lakad, bumaba ako sa hagdan, hindi na ako lumingon pa. Natagpuan ko ang sarili ko sa labas ng ospital.

Napakalakas ng buhos ng ulan.

Maga-alas sais na ng umaga pero napakadilim parin ng kalangitan.

Sa kabila ng ulan ay nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad sa walang katao-taong sidewalk. Natigil lamang ako nang mapansin ko ang isang papel sa dinadaanan ko. May litrato rito ng isang babaeng minsan kong naging kaklase.

“Missing: Ada Mae Romualdez

Missing Since: July 20, 2014”

 

“Yung classmate naming si Ada, nawawala.”

“I know Ada, she might be malandi. Mahilig siyang kumerengkeng sa boys, she even has this pagnanasa over you Calix but I know this Bitch. May Strong and Mighty wifi ang bahay niya. Imposibleng maglayas siya.”

“Pasensya na po Manang, bawal po talaga kayong magdikit ng kahit na ano dito.”

“Isa lang naman, pagbigyan mo na ako.”

“Manang naman, ako ang pagagalitan ng boss naming. Sa ibang pader mo nalang idikit yan.”

Napatingin ako sa pinanggagalingan ng ingay at nakita ko ang mama ni Ada. Nangangayayat na ito at mukhang napabayaan na ang sarili. Sirang-sira na ang payong na bitbit niya pero hindi ito balakid sa kanya sa paghahanap kay Ada. Pilit siyang nagmamakaawa sa gwardya na hayaan siyang magkabit ng poster sa establismentong binabantayan nito.

Sa di malamang dahilan, dumako ang paningin ko sa isang pader na puno na ng vandal. Napakaraming mga poster na nakadikit dito, may mga lumang poster ng pulitiko at produkto pero mas marami ang missing poster na nakikita ko—Napakarami.

Missing since: September 3, 2013

Missing since: January 2, 2014

Missing since : April 23, 2008

Missing since : December 25, 2003

Missing since : January18, 2001

Missing since : February 4, 1998

Napakarami ng mga missing poster na nakikita ko, ang iba sa sobrang luma ay hindi ko na maaninag ang nakasulat. Lahat sila mga babaeng teenagers. Lahat sila nawawala.

“Julia…” Parang muling pinunit ang puso ko nang makita ko ang missing poster ni Julia. Muli kong naalala ang mga katagang binitawan niya nang makita ko siya. Muli kong naalala ang hitsura niya nang muli kaming magkita.

Ako pa mismo ang nagdikit ng poster na ito dito, tandang-tanda ko pa. Ngayong wala na si Julia kailangan ko na itong tanggalin.

Dalawang taon rin akong naghanap at umasa. Ngayon, wala na. Siguro maswerte ako kasi ngayon, tapos na ang paghahanap ko at tapos na akong umasa, yung pamilya ng ibang nawawala? Patuloy parin ang kalbaryo nila. Ilang taon din—wait. NO WAIT! OH SHIT!

Chelsea, Bea and those other girls—they only went missing for a few days until they were found dead.

These girls except for Julia—their bodies are still not found. They’re still missing.

“I didn’t get to her first. I failed to save her from hell.” Mrs. Grady’s words…. They all make sense now.

Mrs. Grady stopped killing after Dustin’s Dad was killed. The killings stopped but the disappearances went on over and over and over again. No one made the connection because no bodies were found which is very far away from the victimology…

Oh God…

The other Crimson Ripper—he’s been victimizing girls all this time!

He’s been kidnapping girls and God knows what he does to them while in captivity.

Julia… she was one of his captives thats why I never found her for two years!

All these missing girls… He has them…

END OF CHAPTER 2.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

14.4M 360K 83
"Come on wifey. Ngumiti ka na diyan." Zach said to cheer me up pero walang effect e. "Sige na. I love you. I love you. I love you." "I love you too...
Skeletons in her closet Από bambi

Μυστήριο / Τρόμου/ Θρίλερ

4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
1.1M 32K 14
(COMPLETED) In order to get my brother back, I am being tasked to get all the wealth he got, and then kill him right after. So I planned to make him...
2.4M 87.8K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016