ABKD Mahal Kita

De DianeJeremiah

290K 22.3K 9.4K

Puppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamda... Mais

Introduction
Chapter 2 First Crush
Chapter 3 May Gatas pa sa Labi
Chapter 4 'Crush Back'
Chapter 5 Multiply
Chapter 6 Bakit Di Pwede?
Chapter 7 Katorse
Chapter 8 Madayang Tadhana
Chapter 9 TOTGA
Chapter 10 Dancin' Away With My Heart
Chapter 11 Pendulum
Chapter 12 Joyride (Part 1)
Chapter 13 Joyride (Part 2)
Chapter 14 Happy Heart's Day
Chapter 15 Sleepover
Chapter 16 Heart of a Dragon
Chapter 17 Silly Games
Chapter 18 Make or Break
Chapter 19 Her Eighteenth Birthday
Chapter 20 Is this the End of Us?
Chapter 21 Some Things
Chapter 22 As Long As...
Chapter 23 ABKD Mahal Kita
Chapter 24 Kumpas
Chapter 25 Heart to Heart
Chapter 26 All Too Well
Chapter 27 Dito Ka Lang
Chapter 28 In Your Eyes
Chapter 29 Next Level
Chapter 30 Amame Tiernamente
Chapter 31 Love Language
Chapter 32 Differences
Chapter 33 A Busy Day
Chapter 34 I'm Here
Chapter 35 Love Lots
Chapter 36 All For Love
Chapter 37 Gets Mo Rin Ba?
Chapter 38 Don't Leave
Chapter 39 Her Baby
Chapter 40 The Wild Side of Her
Chapter 41 Thirty-Six
Chapter 42 Her Birthday Gift
Chapter 43 Nunca Me Dejes, Mi Amor
Chapter 44 Wake Up, Wake Up
Chapter 45 Begin Again
Chapter 46 There's Only You & Me
Chapter 47 Love Makes You Crazy
Chapter 48 Tidbits of Memories
Chapter 49 You Kiss Her, You Kiss Me
Chapter 50 Hate That I Love You
Chapter 51 Tenme Por Siempre
Chapter 52 On Your Knees
Final Chapter
Erich and Angie

Chapter 1 Ang Gusgusing Dalagita

13.3K 619 222
De DianeJeremiah

"Huwag mong kalilimutan na ikaw ay nasa proseso pa lamang ng paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal at ang iyong nararamdaman marahil sa ngayon ay paghanga lamang at hindi pa tunay na pagmamahal."


Angie POV


"Angie!"

Napakalakas na tawag ni Mama sa akin. Ngunit hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pakikipaglaro sa mga kaibigan.

"O, Angie ikaw na ang sunod!" Sabi ni Marlo, isa sa mga kalaro ko. "Patumbahin mo na!" Udyok pa nito.

Inihanda ko na ang hawak na tsinelas tsaka itinuon ang buong atensyon sa target na nakataob na wala ng laman na lata ng sardinas na nasa harapan. Nasa gitna ito ng bilog na guhit.

Dinig na dinig ko ang pagchi-cheer sa akin ng mga kalaro pwera sa batang lalaking taya na siyang nagsisilbing bantay ng lata. Isa lang ang nasa isip ko ng mga oras na iyon, ang mapataob ang lata para manalo.

Saktong pagbitaw ko ng tsinelas ay siya namang may humawak sa tainga ko at iniangat ito ng konti dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

"Aray, aray!" Hinaing ko.

"Ikaw, kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot!" May inis na sabi ni mama habang iginigiya ako, hawak pa rin sa tainga, patungo sa direksyon ng aming bahay.

Panay ang kantiyaw at tawanan ng mga kalaro ko. Saglit ko na nga lang natapunan ng pansin ang nakatayo pa ring lata sa gitna ng bilog at ang nakangising lalaking bantay nito. Ibig lang sabihin no'n na walang nakatama sa target. 

Panay ang litanya ni mama habang pauwi kami ng bahay. Tsaka na nga lang niya binitawan ang tainga ko ng nasa loob na kami ng aming tahanan. Nakangiwing napahawak ako dito. Pakiramdam ko ang init-init ng tainga ko. Tiyak na pulang-pula na ito.

"Ke babae mong tao nakikipaglaro ka sa mga lalake!" Patuloy ni mama sa paglilitanya habang nakapameywang sa harapan ko. Nakasuot ito ng bulaklaking daster, nakasuot din siya ng eyeglasses at nakapusod ang may mangilan-ngilan ng puting buhok nito.

"Kasama ko naman po si Linet -"

"Hay naku si Lino ang ibig mong sabihin!" Maagap na putol niya sa sinasabi ko. "Kahit na! Lalake pa rin 'yon kahit pa sabihing kilos babae!" Katwiran niya. "Tsaka tignan mo nga 'yang itsura mo?" Sabay hagod ng tingin sa akin ng may pagkadisgusto. "Dalaga ka na, Angelina! Hindi ka na bata! Mag-ayos ayos ka naman!"

"Ma naman -"

Hindi ko na naituloy ang pangangatwiran ko dahil inumangan ako nito ng palo. "Mangangatwiran ka pa!" Pinanlakihan ako nito ng mata. "Hala! Pumasok ka sa banyo at maligo!"

Napakamot ako sa ulo. Kaysa marinig pa ang iba pa niyang sasabihin, tumalikod na lang ako't naglakad patungong hagdan. Nakasalubong ko si kuya Karlito ng paakyat ako sa ikalawang palapag ng aming bahay. Mas matanda ito sa akin ng tatlong taon. At sa edad na dise-sais, mamang-mama na ito kung pumorma.

Napatakip ito sa ilong. "Ang baho mo!" Nandidiri kunwaring sabi nito. "Napaka-dugyutin mo talaga!"

Benelatan ko lang ito tsaka inis na tinungo ang kuwarto. Pero imbes na magsimula ng kumilos para makaligo ay nahiga na lang ako sa kama. Hindi ko alintanang pawisan ako at baka madumihan ang kobre-kama, magagalit na naman lalo si mama. Nakakatamad maligo! Inamoy ko ang sarili, napaismid ako.

Hindi pa naman ako gano'n kabaho. Mamaya na lang ako maliligo. Sabi ko sa sarili.

Napabuntong-hininga ako sabay napatitig sa kisame. Magha-high school na ako sa susunod na pasukan. Haist, parang ayoko pa. Mas masaya pag elementary pa lang wala pang masyadong iniisip o kaya pressure.

Sa kakaisip sa hinaharap ay hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako. Marahil ay dahil na rin sa pagod sa pakikipaglaro sa labas. Haist, sana ganito na lang palagi ka-simple ang buhay...

Magdadapit-hapon na ng magising ako. Pupungas-pungas at kinukusot-kusot pa ang mga matang naglakad ako pababa ng hagdan. Saglit ko lang nasulyapan si kuya na may kausap na binata sa labas, malapit sa bukas na gate. Kabarkada niya siguro. Baka nasa kusina si mama, nagluluto. Dumiretso ako do'n.

"Oo, mare. Kadarating lang niya kanina." Ani ng kausap nitong halos kaedad din ni mama na babae. Mahaba ang kulot nitong buhok. Nakasuot din ng bulaklaking daster.

"Ma, ano pong ulam?" Wala pa sa tamang wisyong tanong ko sabay naupo sa harap ng pabilog na mesa.

"Hindi na ako nagluto." Tugon niya. "Kina ninang Susan mo daw tayo kakain ngayong gabi."

"Po?" Nalilitong tanong ko.

"Oo, hija." Nakangiting sagot ni ninang Susan. "Dumating kasi si Erich ko kanina kaya gusto ko kayong anyayahan na doon na maghapunan sa bahay."

Ang tinutukoy niya ay ang panganay nilang anak ni ninong Enrico. Bata pa lang ako no'ng huli ko itong makita. Nagtungo ito sa London at doon na yata nag-aral. Kinuha yata ng mga kapatid ni ninang Susan at ang mga ito na ang nagpaaral dito. Ah ewan. Wala akong pakealam. Nasa kumukulong tiyan ko ang aking atensyon. Nagugutom na ako.

Saktong namataan ko ang ilang imported chocolates, de lata at mamahaling cookies na nakalagay sa box na nasa ibabaw ng lamesa. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa ng makita ang paborito kong tsokolate.

Mabilis ko itong inabot at binuksan ang karton. Ngunit hindi ko pa man tuluyang nailalabas ang lamang tsokolate nito mula sa karton ay tinampal na ni mama ang kamay ko.

"Hindi ka na makakain ng kanin mamaya kapag kumain ka na ng tsokolate!" Saway niya sabay kuha sa hawak ko.

Napalabi ako sabay napangalumbaba sa mesa.

"Tsaka kanina ko pa sinasabi sayong maligo ka hanggang ngayon hindi mo pa nagagawa!" Pagpapatuloy niya. Nangingiti lang si ninang Susan na nasa tabi niya habang nakikinig sa amin. "Hala, sige na. Maligo ka na't magbihis. Pupunta na tayo kina ninang mo maya-maya lang." Utos pa nito.

Nakalabing tumayo ako mula sa kinauupuan. Tinungo ko ang banyo habang napapakamot sa ulo.

"Sige, mare. Uuwi na rin ako para makapaghanda na." Bahagya ko na lang narinig na paalam ni ninang kay mama.

"Okay sige, mare. Salamat dito ha?" Tukoy niya marahil sa mga ibinigay ni ninang sa amin.

Pumasok na ako sa loob ng banyo. Naramdaman ko ang may kalamigang tubig ng isinawsaw ko ang daliri sa timbang pinuno ko ng tubig. Arrgh, ang lamig! Parang mas lalong nakakatamad maligo. Ayoko namang buksan ang shower. At least dito matatantsa ko ang ibubuhos kong tubig sa katawan.

Tinatamad man ay napipilitang nagtanggal ako ng damit tsaka isinabit ito sa bakal na nagsisilbing hawakan ng kurtina ng shower. Napapikit ako sabay napausal ng nagsimula na akong magbuhos ng tubig sa ulo. Bakit pa kasi kailangang maligo ang isang tao? Mamamatay ba kung di maliligo? Ano ba yan?

Panay ang himutok ko habang nagsasabon. Pero sa totoo lang halos pinadaan ko lang sabon sa katawan ko tsaka nagbanlaw na. Tapos na akong makaligo ng mapansing wala pala akong tuwalya.

"Ma, tuwalya!" Malakas na sigaw ko mula sa loob ng banyo.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng katok mula sa pinto ng banyo. Mabilis ko itong binuksan para abutin ang tuwalya.

Napakunot-noo si mama. "Ang bilis mo namang naligo. Nag-shampoo ka naman ba?" Tanong niya habang nakatingin sa buhok ko.

Saglit akong napaisip. Hindi yata? Sasagot pa lang ako pero tumalikod na siya. Muli kong isinara ang pinto para magtapis ng tuwalya sa katawan. Tumutulo pa ang buhok ko ng lumabas ako ng banyo. Wala na si mama sa kusina ng dumaan ako do'n.

Pumili lang ako ng simpleng shorts at pambahay na damit para isuot. Kakain lang naman kami kina ninang wala namang espesyal na okasyon. Kung pupwede nga lang hindi na ako sasama e. Pero siguradong panay na naman ang litanya ni mama pag di ako sumama sa kanila ni kuya.

Ilang sandali pa ay lumabas na ako ng kuwarto. Pinagitnaan ng kuwarto ni kuya Karl at kuwarto nina mama ang kuwarto ko. Bumaba na ako ng hagdan pagkatapos.

"Nag-abala ka pang magbihis." Nakangising puna ni kuya ng makababa ako ng hagdan at mapansin ang suot ko.

"Pake mo ba?" Sabay irap dito.

Imbes na patulan ako ay napapailing-iling na itinuon ang atensyon sa hawak na cellphone. Baka naglalaro na naman ito ng Mobile Legends o di kaya kausap ang girlfriend niyang di naman kagandahan. Nakaisip tuloy ako ng pang-alaska ko sa kanya.

"Isumbong kaya kita kay papa pagdating niya?" Nakangising asar ko sa kanya.

Isang sundalo ang papa ko. Kasalukuyan siyang nakadestino sa Mindanao. Halos isang beses sa isang taon lang namin siya nakakasama. Minsan madalang pa siyang tumawag o mag-text kay mama para makausap namin. Pero naiintindihan namin ang trabaho niya.

"Isusumbong ko na may jowa ka na." Patuloy ko.

Pero imbes na maasar ay napangisi pa siya. "Mas matutuwa pa si papa 'no!" Tugon niya. "Hindi gaya mo, tanda-tanda mo na nakikipaglaro ka pa sa kalsada! Tapos puro lalake pa mga kalaro mo!" Napapalatak ito na ikinairap ko.

"E ano ngayon?" Ganti ko.

"O, o! Ano na naman ba 'yan?" Saway ni mama habang pababa ito ng hagdan.

"Si kuya kasi!" Nakalabing sumbong ko.

"Anong ako? Ikaw 'tong nagsimula!" Sagot naman ni kuya.

"Tama na nga 'yan! Para kayong mga aso't pusa!" Saway niya sa aming magkapatid.

Maya-maya pa ay lulan na kami ng tricycle. Si kuya ang nagmamaneho habang sakay kami sa loob nito. Sa kabilang kanto pa kasi ang bahay nina ninang Susan. Medyo malayo-layo rin pag lalakarin namin. Tsaka baka magutom ulit ako pag-uwi pag maglalakad pa.

Mas may kalakihan ang bahay nina ninang Susan kaysa sa aming bahay. Kapitan ng isang cruise ship ang asawa niyang si ninong Enrico. Once a year din yata ito kung magbakasyon. Napansin kong inayos ni kuya ang suot na polo ng naglakad na kami papasok sa bakuran nina ninang. Iniwan namin sa bukana ng gate ang tricycle. Napakunot-noo ako sa outfit nito. Para itong aakyat ng ligaw. Nakakahilo din ang pabango niya.

Sinalubong kami ni ninang Susan sa pinto at iginiya kami papasok sa loob ng kanilang bahay.

"Si Linet este Lino po ninang?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa itaas, nagbibihis." Sagot niya.

"Pwede ko po ba siyang puntahan?" Tanong ko.

Pinayagan naman ako ni ninang na puntahan ang kaibigan ko. Dire-diretso akong umakyat sa hagdan at nagtungo sa kuwarto ni Lino. Paulino ang totoo nitong pangalan. Ang sabi niya, Lino daw siya sa umaga at Linet naman sa gabi. Tsk.

Hindi na ako kumatok sa pinto niya at dire-diretso na lang na pumasok. Nahuli ko siyang naglalagay ng lipstick sa labi habang nakaharap sa life-sized mirror.

"Hoy!" Panggugulat ko dito.

Natatarantang mabilis niyang itinago ang lipstick at humarap sa akin. Humaglpak ako sa tawa dahil ang pula-pula ng labi niya. Napasimangot siya sa naging reaksyon ko kaya binura niya ang lipstick sa labi. Pero mahahalata pa rin ang bakat dito.

"Saan ba kasi galing 'yan?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo sa paanan ng kanyang kama. Lalaking-lalake ang ayos ng kanyang kuwarto pero kilos at puso (daw) niya ay babae.

"Sa ate ko." Sagot niya habang maingat itong itinatago sa drawer. "Pasalubong ko daw." Nakangiti na siya ng humarap sa akin. "Marami pa daw siyang ibibigay sa akin pag dumating na 'yong package niya."

"Alam niya?" Gulat na tanong ko.

Napatirik ang kanyang mga mata. "Baliw! Si papa lang naman ang hindi nakakaalam."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Close na kayo?" Tukoy ko sa ate niya.

"Close naman talaga kami ni ate Erich -"

"E wala ka naman kasing nakukwento sa akin." Sabay napahalukipkip na putol ko sa sinasabi niya.

"Hoy! Panay kaya ang kwento ko sayo ikaw lang naman 'tong hindi interesado. Mas interesado ka pang makipaglaro sa mga boys. Di na talaga ako magtataka kung kabilang ka din sa federasyon namin." Mahaba niyang litanya.

"Ah ewan ko sayo." Sabay bumaba sa kama. "Halika na nga sa baba, nagugutom na ako." Aya ko.

Sabay na kaming bumaba ng hagdan. Nadatnan namin sina mama at ninang na abala na sa paghahanda ng makakain sa mahaba nilang lamesa.

"O, nandito na pala si Erich e!" Sabi ni ninang habang nakatingin sa aming direksyon.

Napakunot-noo ako sabay napatingin sa katabi kong si Lino. Pero nakatingin pala ito sa aming likuran. May ngiti pa sa labi ha. Kunot-noo tuloy akong sinundan ng tingin ang kanyang tinitingnan. Literal yatang tumigil ang mundo sa pag-ikot ng makita ko ang babaeng nakatayo sa aming likod.

"Hi!" Nakangiting bati nito sa amin pero pakiramdam ko no'n para sa akin lang ang ngiti at pagbating iyon.

Literal din yatang tumigil ako sa paghinga at tumalon ang puso ko mula sa kinalalagyan nito habang nakatulala sa kanya. Siya na yata ang pinakamagandang nilalang na nakita ko sa balat ng lupa!



-Unedited.

Continue lendo

Você também vai gostar

271K 2.4K 5
She's Heather Bryant. An English Professor. Mataray at istrikto. She's Madison Hans. Nerd at laging nabubully sa school. Tahimik at matalino. When th...
449K 12.9K 38
Calle Dyosa #4 **[Highest Rank in Humor: #11, #5 in gxg]**
605K 13.9K 69
WARNING: pakyu sa homophobics. This is a lesbian/girltogirl story. Maybe we will meet again Next time, there is a new moon I will be walking arou...
364K 13.2K 34
"Someone said to me that It's hard to pretend you love someone when you don't. But its harder to pretend you don't love someone when you really do."...