Twisted Fate Book 1 ♡Complete...

由 waanjaimjora

16.4K 1.9K 254

Jamie's Nagbago ang lahat until makilala ko sya!Kakayanin ko ba pag nawala sya sa buhay ko? Kakayanin ko pa n... 更多

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
WAKAS

Kabanata 25

169 25 2
由 waanjaimjora

Jamie POV

*February Valentines*

Syempre di magpapahuli si Cid. Kung titingnan kami ng ibang tao, aakalain talagang kami na. Kung mag effort si Cid, sobrang OA talaga minsan.


That day kasi sobrang daming tao sa restaurant kaya inabot kami ng 11 pm nanggabi. Akala ko nga noon wala na syang magiging balak, sabagay sabi ko naman kasi wag na kasi no choice talaga ako, need kong mag duty.


Nagulat nga ako kasi umuoo agad yung loko, medyo nagtampo tuloy ako. Yes, nagtampo ako! Paano ba naman kasi aminin naman natin kahit na sinong taong nililigawan tulad ko, mageexpect ng kahit na ano sa lalaking nanliligaw sa kanya. Kaya medyo na disappoint ako nung pumayag syang wag na kaming mag celebrate!



Gulo ko din minsan talaga tumatanggi ako pag meron then nadisappoint ako if wala! Gulay nalilito na ko sa sarili kong pagiisip!


Akala ko talaga wala na pero nagulat ako paglabas ko galing sa store. Naka abang sakin yung driver nya tapos dinala nya ko sa isang place. Pinapasok naman ako ng parang guard then hinatid nya ko sa parang isang malaking garden. Pagpasok ko, in a snap, nagliwanag yung buong lugar.


May naririnig din akong background music. habang pinagmamasdan ko yung buong lugar.


(Note: Please play the background music para mas feel nyo)


Omg! Sobrang ganda ng place na ito! As in! Tapos yung daaanan ko puro rose petals bukod sa iba't ibang uri ng bulaklak na nandito sa garden nakatanim.



Grabe sobrang ganda! Tapos sa dinadaan ko din, may mga nakasabit na pictures ko and picture namin dalawa pero karamihan ako lang. Halatang mga stolen pictures kasi lahat di ako nakatingin sa mga kuha.


Grabe ang gaganda ng kuha! Ngayon ko lang nakita yung sarili ko na ganyan ngumiti. Kung hindi ko lang alam na ako yung nasa piicture, sasabihin kong napakasaya ng tao na yan.


Mukha talaga akong masaya, alam nyo yung sayang genuine! Actually, totoo naman! Masaya talaga ako ngayon, lalo na simula nung nakilala ko sya.


Nagagawa ko na ulit ngumiti ng walang halong biro! Patuloy lang ako sa paglalakad. Yung iba mga letters or quotes not sure.


Sya ba nagsulat ng mga ito?


Mga Handwritten kasi! Grabe kinaya nya ito ang dami ahh.

"Sana hindi na lang kita nakilala. E di sana hindi ako nagkaka-ganito. Sana wala na kong iniisip pa. Ano ba yan? Puro sana! Ano pa bang magagawa ko e mahal na kita?"

* * * * *

"Minsan may nagtanong sa akin, paano daw kaya kapag nawala ka? Napa-isip ako, naluha. Natakot ako bigla. Tapos sabi niya, "Wag mo nang sagutin, sa mata mo pa lang halata na. Di mo talaga kaya. -- Totoo naman love. I cannot live without you. I will never be able to"

* * * * *

"Close your eyes, diba ang dilim? Try being alone, nakakatakot diba? When no one's with you, masakit diba? Don't worry, ayos lang yan. Try looking behind you, nandiyan lang ako. -- Always here for love. always"

* * * * *

"Dati, tuwang-tuwa ako kapag inaasar kita. Tuwang-tuwa ako kapag naiinis ka na. Tapos sabi mo lalayo ka, ayaw mo na ko makita. Sabi ko,"Wag! Mahal kita!" Sabi mo,"Nang-aasar ka nanaman ba?"

-- sorry naman love, pero isa yan sa minahal ko sayo napaka dali mong mapatawa haha super cute ka pag nagtatampo ka sakin

* * * * *

"Minsan daw, nakakapagod magmahal. Minsan masaya, tapos may oras na iiyak ka. Sabi nila nakakasawa. Pero ang totoo, hindi ako nagsasawa sayo. Bakit? Kailan ba nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo?"

* * * * *

"The sweetest thing a guy ever did for his girl was sit with his friends, look at her from afar and tell them,"Look at my baby. Have you ever seen anyone so beautiful? Damn pare, she's my life! --- you are love. you will always be my life"

** * * * *

"Minsan masayahin ako, minsan seryoso, minsan sobrang sweet, minsan sensitive, minsan manhid. Pero kahit bangag ako, minsan super busy ko dahil sa iba kong ginagawa pero ni minsan, di ka nawala sa puso ko."

-- Hinding hindi, Love. you will always be here in my heart and mind

~~

Tapos pag dating ko sa dulo, nandoon sya nagiintay sakin. May dalang bulaklak na napakagaganda!

Sobrang gwapo nya sa suot nya. Mukha syang mature. Sobra naman kasing tangkad ng taong to kaya di mo mahahalatang 1st year high school palang sya. Tapos may nakahandang table with candelight dinner.


"Do you like it, love?" Tanong nya sakin habang hindi binubura yung napaka tamis nyang ngiti.


"Akala ko?" tanong ko sa kanya. Akala ko wala na talang mangyayari sa araw na to.


Cid! You never fails to amaze me!


"Ako pa ba, Love! Hahayaan ko bang matapos ang araw na to na hindi tayo nakakapag celebrate ng Valentines, hindi noh! Gusto ko lahat ng occations kasama kita. Lalo na ngayong araw na ito. Gusto kong ipakita sayo how much I love you. Kung anong klaseng tao yung nakikita ngayon ng mata ko. Mahal na Mahal kita, Love! I hope madagdagan yung points ko sa puso mo after neto!"


Grabe sobrang hanga na talaga ko sa taong ito. Kaya ayun tumango nalang ako to answer his question tapos nag yes action naman sya. Totoo naman! Sino ba namang hindi mahuhulog sa ganitong klaseng action ng lalake para sayo.


Oo, may pusong bato ako pero gaya ng ibang tao. May puso parin naman ako! Then ayun nagsimula na kaming kumain.


Konting kwentuhan, ewan ko ba kahit araw araw kaming naguusap. Hindi kami nauubusan ng paguusapan. After ng super late dinner namin, hinatid na nya ko sa bahay ko.

"Sige dito na ko. Uwi ka na! Salamat ulit!" Paalam ko sa kanya.



"No problem, love! Pige pasok ka na! Late narin"

"Sige!"

"Sige love, bye! I love you!"


Ngumiti nalang ako, then ayun tumalikod na si Cid. Ako naman aakma ng papasok pero may naisip akong gawin. Okay lang naman siguro noh? Sa laki ba naman ng efforts nya for me.


Eto lang siguro yung magagawa ko para masuklian sya. Kahit ngayon lang! Kahit ngayon lang dadayaain ko muna yung sarili ko. Ngayon lang!

"Cid!" tawag ko sa kanya.

"Yes love?" humarap ulit sya sakin then...

CHUP!

Hinalikan ko sya sa pisngi!

"Thank you ulit for the surprise. I really appreciate it! Bye, Cid! Ingat ka!" Sinabi ko yun ng mabilis then ayun tumakbo na ko papasok ng bahay namin. Medyo natulala at nagulat ata sya sa ginawa ko. Di kasi sya nakapag salita agad.

Di ko na rin inintay na makapag react sya kasi sigurado mahihiya lang ako.

Omg! Anong ginawa ko!

~~~

Every weekend, nandoon sya sa bahay. Kahit nga wala ako sa bahay nandoon sya, Nakikipag laro sa mga kapatid ko. Minsan naman sinasamahan nya ko pag pinapasyal ko sila sa perya or sa park.

Sobrang magkasundo silang tatlo, minsan nga na iitsapwera na ko. Ok lang naman daw kay mama kasi nakikita naman nyang seryoso si Cid sa panliligaw nya. Alam nyo konti nalang feeling ko baka si mama pa yung sumagot sa kanya ng Oo! Hindi nalang kasi ako ang nililigawan nya. kung hindi pati narin si Mama na ngayon ay siguradong gusting gusto sya!

Si Ate Aubrey? Sa totoo lang hindi ko alam kung nasaan sya. Simula kasi nung inawan nya kami wala na kaming balita sa kanya nagoffer nga si Cid na ipahanap si ate sa isang private investigator pero tinanggihan ko na nakakahiya kasi alam ko kasi mahal magbayad sa mga ganun


Di narin namin pinagusapan yung ginawa ko nung valentines, nahalata rin siguro nya sobrang hiyang hiya na ko, buti nalang maintindihin talagang tao si Cid. He understood me so well! Isa pa yan sa gusto ko sa ugali nya.


Siguro mas napadali at napasaya din ang college ko dahil na rin sa presence ni Cid. 10 months narin mula nung nagkakilala kami ni Cid. Ngayon masasabi ko nang sobrang malapit nang maging malinaw yung magiging sagot ko sa tanong ni Cid sakin.


Malapit na malapit na, sobrang pinagiisipan ko lang kasi ayoko talagang magkamali kasi hindi lang ako masasaktan kung ganun kundi parehas kami. All I can say now, Mahalaga sya sakin at kung may tao man akong pagkakatiwalaan ng puso ko.


Si Cid yun at wala ng iba!

Andito nga pala ako ngayon sa school kasama si Yvonne, absent kasi si Connie. Papunta kami ngayon sa room ni Cid para dalin sa kanya yung pagkain na padala ni mama nagluto kasi si mama ng paborito nya.


Oh, diba sabi ko sa inyo, gustong gusto sya ni mama. Ayun nga nakarating narin kami sa room nila Cid. Grabe layo ralaga ng building ni Cid from my building.


"Hi, good morning! Si Cid?"

Medyo nahihiya ko magtanong doon sa isang student. First time ko lang kasi ginawa eto, yung ako mismo yung pupunta kay Cid.


Usually, kasi it's the other way around.


"Ahh ikaw si Jamie, right?" Tanong nya sakin! Paano nya ko nakilala

"Ahh yes, paano mo nalaman?" I confusedly asked her

"Ahh paano ka namin di makikilala, diba kailan lang yung nangyari sa inyo ni Cid. Yung sudden confession ni Cid sa court! Lahat ng student dito sa school kilala ka."

Grabe lahat ba talaga ng student kilala ako?


"Ahh ganoon ba!" Grabe nakakahiya naman.

"Yep! By the way, wala dito si Cid! Alam ko nasa Student Council pa sila!"

"Ahh ganoon ba sige thank you! Halika ka na Yvonne! Samahan mo naman ako!"

Aya ko kay Yvonne.

"Sure!" sagot nila sakin.

Lakad!

Lakad!

Lakad!

Lakad!

Pagdating namin sa student classroom. Medyo nakabukas yung pinto kaya nasisilip ko yung loob. Papasok sana ko ng marinig ko yung boses ni Cid and narinig ko din yung boses na nanggagaling sa isang babae. Sinilip ko ng konti, doon ko sila nakita!

Si Aira? Magkakilala sila ni Cid? Paano? Hindi naman member ng student council si Aira ahh. Medyo naiinis pa ko kasi bakit ganun parang sobrang lapit nila! Sobrang lapit pa nila sa isa't isa!

"Aira, alam mo ang kulit mo talaga! Sinabing ako na nga!" sabi ni Cid habang parang may inaagaw kay Aira


"Ako na nga sabi! Ang kulit mo talaga hahaha" sabi ni Aira habang nilalayo yung item kay Cid.


"Ako na nga, ikaw itong makulit eh!" sagot naman ni Cid.

Ganun lang sila na halatang di ako napapansin. Di ko na nakayanan kaya umalis na ko, grabe ang lapit ng mga mukha nila sa isat isa. Kulang magkapalit na sila sa sobrang lapit


"Yvonne, halika na alis na tayo!" Sabi ko sa kay Yvonne then ayun umalis na ko.

"Pero..." Magtatanong pa sana nya pero di ko na sya sinagot.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad! Sino si Aira sa buhay ni Cid? Paano sila nagkakilala? Oo, magka course sila, pero alam ko hindi sila magkablock. Niloloko ba ko ni Cid?

Aysstststs Jamie! Kung ano ano nang iniisip mo pero kasi naman yung mga tinginan nila. Parang hindi lang sa magkakilala, parang matagal at may pinagsamahan na sila!

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko! Ano ba tong nararamdaman ko!

Naguguluhan at nalilito ako! Ano ba ito!

TO BE CONTINUED

WAANJAIMJORA

繼續閱讀

You'll Also Like

262K 9.7K 44
•BL• RATED 18• TAGALOG• ─────────── ·  ·  ·  · ✦ "His obsessive acts can be the cause of an unnerving turmoil." ─────────── ·  ·  ·  ...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.2K 92 106
𝕳𝖔𝖜 𝖋𝖆𝖗 𝖜𝖎𝖑𝖑 𝖞𝖔𝖚 𝖌𝖔 𝖙𝖔 𝖍𝖎𝖉𝖊 𝖞𝖔𝖚𝖗 𝖘𝖎𝖓𝖘? ⚡WARNING⚡ 🔥This is not a typical LGBTQQIA + romance. 🔥This story might contain...