Twisted Fate Book 1 ♡Complete...

By waanjaimjora

16.4K 1.9K 254

Jamie's Nagbago ang lahat until makilala ko sya!Kakayanin ko ba pag nawala sya sa buhay ko? Kakayanin ko pa n... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
WAKAS

Kabanata 23

190 26 2
By waanjaimjora

Jamie POV

Andito dito kami ngayon sa may labasan ng lugar kung saan ako nakatira, hindi pa ko makauwi paano ba naman itong batang kasama ko nangungulit ng kendi ay este si Cid nangungulit sakin na ihatid nya na daw ako mismo sa bahay namin.

Para syang bata kung magpacute sakin ngayon. With matching non stop blinking of his eyes pa syang nalalaman.

"Love, sige na hatid na kita para alam ko yung bahay nyo!"

"Pero Cid kasi..." Hindi nya ako pinatapos magsalita. He held my hand and speak again.

"Love, sige na. Please! I really want to see where you live!" Patuloy nyang pangungulit sa akin.

"Pero..."

"Please! Please love! Please!" Di ba! para namang bata kung magmakaawa ngayon sakin!

Ay naku bahala na nga! Mukhang hindi sya titigilan hanggat di ako umuoo sa gusto nya.

"Sige sige pero sandali ka lang ahh" In an instant para syang naging bata na nabuhayan dahil sa sagot ko.

"Yes, Love! I promise!" With matching taas pa ng kamay. Hindi ko tuloy maiwasang hindi matawa sa kanya. Nakakatawa talaga sya kung makikita mo. Can you believe someone as famous as him can act like this? If only his fans can see him now.

Then ayun nga, bumaba na kami sa sasakyan nya and naglakad na papunta samin. Medyo malayo pa yung amin mula dito sa gate.

Some people even have to rent motorcycle or motorbycles just to go home pero ako, never kong na try yun, sayang lang sa pera pwede naman lakarin.

We are just walking, Cid even pulled my hand again for him to hold. I tried na bumitaw pero he is holding me so tight. After a while ng paglalakad, pagtingin ko kay Cid, para syang inosenteng na hangang hanga sa mga nakikita nya!

Ngayon lang ba sya nakakita ng mga bahay na gawa sa kahoy at dikit dikit?

"Cid? ngayon lang ba nakakita ng ganitong lugar parang hangang hanga ka dyan?" Tinanong ko sya.

"Yes, Love! Actually, sa mga documentaries lang ako nakakapanood ng mga ganito. Ang galing nga, ang cute ng mga houses. Gawa sa kahoy!" Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa mga sagot nya.

Is he serious?

Ang weird talaga minsan nito ni Cid!

After 10 minutes na lakaran.

Nakarating na kami sa bahay namin, papasok na sana ko ng biglang bumukas yung pintuan!

"Kuya? Ma! Andito na po si Kuya!" sigaw ng isang batang lumabas galing sa bahay namin.

Nung makalapit sya sakin, si Joshua pala. Sinalubong nya ako ng isang mahigpit na yakap.

Si Joshua yung kapatid kong lalake.

Andito na pala sila? Akala ko bukas pa sila uuwi.

"Oh, bakit ngayon ka lang Jameson! Nagalala ako sayo, akala ko... Ah may kasama ka pala?" Sabi ni mama yan, na mukhang nagulat nung makita si Cid na nakaakbay sakin.

Naalala ko andito nga pala si Cid kaya bigla kong tinggal yung kamay nya. Gosh! nakaakbay na pala sya sakin hindi ko man lang namalayan! Kasi naman medyo nasanay na ko sa ganitong gestures sakin ni Cid kaya hindi ko napapansin pag may bigla bigla syang ginagawa around me.

Patay!

"Hala! Kuya jamie! May boyfriend ka na?" malokong sigaw naman nung isa ko pang kapatid na babae

"Liza!" Saway ko sa kanya! Ang daldal talaga ng batang yan kahit kelan!

Lumapit na ko kay mama para magmano.

"Ma! Mano po!" nagmano ako kay mama na halatang madaming tanong sakin, judging sa kung paano nya ko tingnan ngayon.

No choice ako kung hindi ipakilala ko nalang si Cid sa kanya. Andito narin sya eh so may magagawa pa ba ko? Alangang paalisin ko sya, mas pangit naman ata yun diba?

"Ma, eto nga po pala si Cid. Ahhh... Ano ko po.... Ah... Eh..." Hala anong sasabihin ko?

Nahalata ata ni Cid na di ako mapakali kaya sya na ang nag salita.

"Manliligaw po ako ni Jamie, Ma'am. Nice to meet you po!" Diretsong sabi ni Cid yan tapos inilahad nya yung kamay nya para makipagkamay kay mama.

Muntik naman akong matumba dahil sa sinabi ni Cid! Ano bang iniisip ng lalaking ito at sinabi nya yun. Sobrang pinagpapawisan na yung mga kamay ko sa pinaggagawa nya pero etong lokong ito.

Si Cid ayan pagkahaba haba ng ngiti tapos si mama halatang confuse! Hala patay! Tiningnan ko tuloy ng masama si Cid. Patay ka sakin mamaya! Tiningnan ko ulit si mama. Medyo gulat din ata sya pero mayamaya nagbago din yung mukha nya at ngumiti.

"Ahh ganun ba, pasok ka iho. Pagpasensyahan mo na tong bahay namin ahh. Maliit at medyo masikip pa! Medyo madumi din, kakauwi lang kasi namin galing probinsya kaya hindi pa ako nakakapagligpit. May gusto ka ba? Kape? Soft drinks? Magpapabili ako!" Medyo nagtaka naman ako sa sagot ni mama.

Totoo ba ito?

Di sya nagagalit?

"Salamat nalang po, Tita! Okay lang po ako, hinatid ko lang po talaga si Jamie!" sagot naman ni Cid na hindi parin nawawala ang ngiti sa labi nya.

Pasaway talaga! Kaya ayun nga pumasok na kami Cid at naupo sya sa isang mono block na upuan.

Ilang segundo ding naging tahimik ang buong kapaligiran. Para kaming nagpapakiramdaman kung sino ang susunod na magsasalita.

Grabe awkward!

"Ahh Cid, kuha lang kitang tubig ahh, medyo mainit sa labas kanina eh, sigurado pinagpawisan ka at nainitan!" Sabi ko para lang matapos ung sobrang katahimikan between us.

Pabalik na sana ko sa kanila ng mayamaya biglang nagsalita si mama.

"Iho, wag mo sanang masamain yung itatanong ko ahh pero gaano na nga pala kayo magkakilala ng Jamie ko?" Tanong ni mama kay Cid

"Ay nagkakilala po kami nung first day of school sa university?" Nakangiting sagot ni Cid. Grabe naman makangiti itong isang ito, sa sobrang lapad hindi ako magugulat kung mayamaya mapupubit nayan.

"Ahh ganun. Kailan lang pala, nililigawan ba kamo? Hindi ba napaka aga naman iho, baka nabibigla ka lang at saka napaka bata nyo pa para sa mga ganyang bagay!" Sagot ni mama, medyo nagulat ata si Cid sa sinabi ni mama, naging seryoso kasi mukha nya.

"Alam ko po yun, Ma'am!" Seryosong sagot ni Cid.

"Tita nalang! Wag na ma'am di ako sanay iho"

"Sige po, Tita! Alam ko po kailan ko lang po nakilala si Jamie, pero sinisigurado ko po sa inyo na totoo yung nararamdaman ko kay Jameson, I mean Jamie at seryoso po ako sa kanya. Mahal na mahal ko po ang anak nyo at plano ko pong patunayan sa kanya yun hanggang sa dumating ang panahon na handa na syang tanggapin at suklian ang pagmamahal na ibibigay ko."

"Ganoon ba, Iho. Kung yan yung sinasabi mo, sige paniniwalaan kita pero sana maintindihan mo na Ina ako. Nagaalala lang ako sa para sa anak ko. Napakaraming sakit na ang naranasan ng anak ko bata pala sya. Ayoko nang madagdagan pa yun! Ang tanging nais ko bilang isang ina ay masiguradong masaya at nasa mabuting kalagayan ang aking anak. Wala nang iba pa!" Malumanay pero seryosong sabi ni Mama.

"Yes po, Tita. Naiintindihan ko naman po kayo at pinapangako po sa inyo na hinding hindi ko po sasaktan si Jamie. Mahal na mahal ko po sya at ako po ang kahuli hulihang taong mananakit sa kanya." Sagot naman ni Cid kay mama.

Nakakaoverwhelm marinig yung usapan nila mama.

Para tuloy akong tsismosang nakikinig dito sa likod ng kurtina!

"Sana nga iho. Wala naman akong tutol na ligawan mo si Jamie ko kasi sya parin naman ang magdedesisyon sa bagay yan. Ang sakin at ang magagawa ko lang bilang magulang ay gabayan sya." Nakangiting sabi ni Mama. I can't help but smile hearing her. She is the best talaga!

"Salamat po kung ganun, Tita! Alam nyo po sa mga nakukukwento ni Jamie tungkol sa inyo parang kilalang kilala ko na po kayo. and to tell you the truth. Sobrang hanga po ako sa inyo. Nagagawa nyo pong palakihin sila magisa. I salute you po, tita!"

"Salamat naman iho sa mga pagbati mo!"

"Wala pong ano man, Tita." Sagot naman ni Cid. lumabas na ko sa kurtina baka kung san pa mapunta yung usapan nila.

~~~

After ng usapan nila Mama at Cid. Umalis narin si Cid may practice pa raw sila.

Nagpaalam na rin sya sa mga kapatid ko na halatang gustong gusto sya.

Ayaw nga magpatinag nung bunso naming si Joshua siguro dahil nagkaroon sya ng kuya figure. Yes, lalaki ako pero never akong nahilig sa kahit na anong sports pang lalaki. Kaya masaya si Joshua na sa wakas nagkaroon sya ng taong makakasundo nya. Nakakatuwa silang pagmasdan habang nagkukulitan.

In the evening!

Andito ako ngayon sa labas namin at nagpapahangin. Medyo iniintay ko din si mama kasi sigurado ako kakausapin ako ni mama dahil kay Cid.

Patay anong sasabihin ko! Sigurado pagagalitan nya ko or hindi. Ay nako hindi ko alam na talaga!

Maya maya eto na nga lumalapit na sya sakin.

"Anak, pwede ba tayong magusap?" Sabi ni mama habang lumalapit sakin, tulog na rin kasi yung mga kapatid ko kaya wala nang makulit at maiingay sa bahay!

"Ah sige po, Mama!" naupo kami parehas ni Mama para mas makapagusap ng maayos.

Grabe kinakabahan ako. Mukha kasi syang seryoso!

"Anak, akala ko ba walang lihimin sa pagitan nating dalawa! Bakit di mo naman na kwento sakin na may nanliligaw na pala sayo?"

Patay! Sabi ko na nga ba tatanongin ako neto ni mama eh.

"Ahh ma! Kasi ano po... Ahhh!" My gulay hindi ko makapagsalita ng diretso.

"Ay naku, eto talagang anak ko eh noh, hindi mo na kailangan magpakautal utal jan. Naiintindihan naman kita siguro nahihiya ka sakin pero sana anak wag na mauulit ahh. Hindi ba tayong dalawa ang magkakampi, tapos malalaman ko, may sikreto ka na pala sakin. Kung hindi pa ako umuwi ng maaga di ko pa kayo maabutan!" Naging malungkot yung mukha ni mama. Naguilty nanaman tuloy ako.

"Sorry, ma! I'm really sorry po"

"Okay lang yun anak ano ka ba! Basta wag nalang mauulit ahh and yung tungkol kay Cid. May tiwala ako sayo, alam kong magiisip ka muna bago ka magdesisyon. Basta lagi mong tatandaan andito lang kami ng mga kapatid mo laging nakaalalay para sayo."

Grabe napakaswerte ko talaga kay Mama!

"Thank you, Ma! I promise po. Pagiisipan ko munang mabuti yung tungkol sa amin ni Cid before ako magdesisyon. I love you so much, Ma! Ikaw at yung mga kapatid ko!" Sabi ko kay mama habang nakayakap sa kanya.

"Mahal ka din namin anak. Sobra! Alam mo yan! Kahit anong mangyari hinding hindi magbabago yun!"

Sobrang sweet at bait talaga ng mama ko. Mahal na Mahal ko yan! Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa antukin si mama.

Kaya pumasok na sya sa bahay at natulog. Medyo malalim narin kasi ang gabi.

Ako? Eto naiwan dito sa labas.

Siguro nga dapat pagisipan ko na ng maayos yung tungkol samin ni Cid.

Para malaman ko na din kung tatanggapin ko ba siya ng tuluyan sa buhay ko or hindi. Ayoko naman sya umasa ng sobra tapos wala naman pala. Mas masakit naman yun diba. Tama! Sige simula ngayon magsisimula na kong magisip. Napabuntong hininga nalang ako!

Ay naku naman Cid!

Ano bang gagawin ko sayo!

TO BE CONTINUED

WAANJAMJORA

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
208K 11.5K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
153K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?