Pagtuklas

By Anngorge

14 0 0

Ang mundo ay magulo at hindi patas ayon sa pagkakaintindi ng iba, maaaring dahil ito sa karanasan nila sa buh... More

May Hangganan sa Kaalaman
Sa aking Paglisan
Ako ay isang estudyante
Pagmamahal o Kabutihan
Sino Ako?
Katotohanan at Hinahangad
Kumusta
Emosyon

Pag-unlad ng Ekonomiya

0 0 0
By Anngorge

     Habang patuloy na lumilipas ang panahon unti-unti ring nagbabago ang ekonomiya hindi lang sa pakikipagkalakan, sa politika, sa kultura, at sa sports kundi pati narin sa istilo ng pamumuhay ng bawat indibidwal mula sa kanilang pananamit, pananalita, paniniwala at hanggang sa kanilang pag-iisip. Dito rin umuusbong ang mga makabagong teknolohiya, pamamaraan, at mga salita kung saan kadalasan ay napapalitan na nito ang ating lokal na kinagawian. Ngayong panahon din ay mas binibigyang pansin natin ang pagiging perpekto dahil ito ang mas nakakaangat o nagiging dahilan ng pag-angat sa ekonomiya.

     Sa bawat henerasyon ng bawat pamilya ay simbolo ng paglipas ng panahon, pagdagdag ng bagong kasaysayan, at pagpalit ng uso o pagkakaroon ng panibagong pag-unlad at kaalaman na nagreresulta ng luma at bago. Minsan ang mga matatanda ay hindi na maunawaan ang henerasyon ngayon dahil ang kanilang kinagawiang pamumuhay noon ay halos wala nang replika sa pamumuhay ngayon at ang nangunguna sa repleksiyon ng pagbabago ay ang teknolohiya na halos bahagi na ng pamumuhay ngayon at maaaring nagiging kabilang na sa pangangailangan ng mga tao at hindi na sa kagustuhan, sapagkat hindi makakayang  makipagsabayan ng isang indibidwal sa kanyang pamumuhay kung siya ay walang anumang gadgets dahil ang teknolohiya ay koneksiyon sa mundo. Ito rin ay maaaring sumasalamin sa realidad na ang mundo ay punong-puno ng peke at pagpapanggap base sa bawat isinusulat o ipino-post sa internet dahil ang teknolohiya ay maaaring gumawa ng maganda mula sa pangit at totoo mula sa kasinungalingan. Ang teknolohiya rin ay punong-puno ng mga kasulatan, mga dokumento, at mga mahahalagang impormasyon ng bawat indibidwal na nagsisilbing imahe na nila sa paningin ng iba, ito man ay katotohanan o hindi.

    Ang pag-unlad ay isa ring indikasyon ng kapangyarihan. Ang mas nakakaangat ay mas maraming nakukuha at mas maraming kaya, samantala para sa mababang sektor na naghahangad ng pag-unlad ay sadyang napakahirap at nangangailangan ng mabuting pagsisikap at tiyaga.

     Isang halimbawa ng karaniwang nangyayari sa ating ekonomiya ay sa kung papaano kumita ang dalawang indibidwal kumpara sa trabaho o ginawa nila. Sila ay ang magsasaka at ang may-ari ng isang pamilihan, kung saan ang magsasaka  ay maghapon na nagtatrabaho sa bukirin sa kabila ng mainit na panahon at sa kabila ng maraming proseso ng pagsasaka ngunit ang benta ng palay ay maliit lamang at para sa isang magsasaka na maliit lamang ang sakahan ang kita nila ay hindi sapat sa kanilang pangaraw-araw na gastusin sa kabila pa nito'y silang nagpoproduce ng palay ay minsan nawawalan rin kinakain, sa kabilang banda ang may-ari ng pamilihan ay buong araw lamang na nagbabantay ng kanyang paninda at kung siya ang bumibili ng palay ibinebenta niya ito sa malaking halaga sa kabila pa nito siya'y hindi nagtatrabaho ng sobra ngunit siya ay kumikita.

Continue Reading

You'll Also Like

651K 10.8K 14
On the verge of tears, she smiled. ~~~~~ "I have noticed a thing about you; you don't like being treated like a lady. You prefer being treated with...
2.8M 120K 32
Stay in your limits. Don't think that I don't know anything. I cannot forget what you and your mother did to me and with my sister. Be there where yo...
14.4K 1.2K 28
Allah says in the Quran : ── "Women of purity are for men of purity, and men of purity are for women of purity" - This is the story of a girl named f...
457K 18.6K 36
Aimen Khan a bubbly girl with an ambition of living the life to the fullest. she loves her family to the core. But what happens when an incident cha...