Alpas

By AnakniRizal

78K 7.7K 3.5K

Despite fame and success, Louella Starling is in deep melancholy for she believes that she's an impostor. One... More

Alpas
/1/ Behind the Mask
/2/ A Big Fraud
/3/ It's Hard to Say No
/4/ Following the Clues
/5/ A Surprising Offer
/7/ Synchronicity
/8/ A Lost Tale
/9/ It Disappeared
/10/ Broken & Mended
/11/ What He Saw
/12/ The Test of Courage
/13/ To Make a Choice
/14/ Together Forever?
/15/ Blowback
/16/ Nobody Will Save Us
/17/ Red Banner
/18/ Love & Courage
/19/ Rise Above Hate
/20/ The Traitor's Karma
/21/ The Courage of Disappearing
/22/ The Heart's Deception
/23/ Out of Reach Peace
/24/ When the Abyss Stares Back
/25/ Was It All Meaningless?
/26/ Remember You Are Worthy
/27/ Amor Vincit Omnia (Love Conquers All)
/28/ Alis Volat Propiis (She Flies with Her Own Wings)

/6/ Bargain and Blackmail

2.2K 297 173
By AnakniRizal

The world is
cruel sometimes.
Use your head
to win battles
but use your heart
to make yourself
happy.
Not all the time
winning a battle means
 happiness.

/6/ Bargain and Blackmail

[LOUELLA]

'WHEN ASKING FOR HELP, APPEAL TO PEOPLE'S INTEREST, NEVER TO THEIR MERCY OR GRATITUDE.'

That's how I remember it from Robert Greene's book. Ibig sabihin nito, kapag may kailangan ka sa isang tao dapat daw ay sabihin mo sa kanila kung anong mapapala nila sa pagtulong sa'yo.

Sa madaling salita, ang mga tao raw ay makukumbinsi mo lang na kumilos para sa'yo kapag mayroong kapalit. And that makes sense.

I know it sounds dark and manipulative but that's how the world works even before in ancient civilization.

Kung iisipin mo nga, bakit ba gumagawa ng kabutihan ang ibang tao? Dahil naniniwala sila na kapalit no'n ay pagpunta sa langit kapag namatay sila.

Kaya naman hindi na ako nasurpresa pa nang pumayag si Lysander sa inalok ko. Wala pang limang minuto nang umoo siya sa kagustuhan kong sumama siya sa paghahanap ko sa Alpas.

Now, I only need two more people for this quest.

Napakunot siya nang iabot ko 'yung phone ko. "Your number," I told him. After typing it, binalik niya rin 'yon sa'kin. "I'll contact you again for the meeting tomorrow."

"Tomorrow? Nagmamadali ka ba?" tanong niya.

"Yes," I answered without blinking.

He sighed and said, "Whatever you want." Papatalikod na sana 'ko nang bigla siyang magsalita ulit. "By the way, you left your car."

"I know, saka ko na lang babalikan."

"You're going somewhere?" I don't know why he asked that.

"Yes. I need to recruit two more people."

"Why are you in hurry?"

"I want to sleep better." Napakunot siya sa sagot ko dahil mukhang malayo sa inaasahan niya.

Iniwanan ko na siya at lumabas ng institution. After hailing a cab, I told the driver to take me to Raven's subdivision.

Yeah, nagmamadali talaga ako. I don't want to waste more time, at bukod do'n ay dahil hindi ko nagagawang maisip 'yung mga problemang tinatakasan ko noon.

I don't know if doing this would solve my problem, but I got a strong feeling that it will make me so much better. That's why I don't mind if I sound crazy for proposing a plan to travel far south to find a mystical bird that I'm not even sure if it truly exists.

Malupit ang realidad pero mas pinili kong maniwala sa alamat at sa kwentong iniwan sa akin ni Manong Ling. My heart was touched and I truly believe that I can find it too.

It's already past four in the afternoon when I arrived at Tita Alicia's residence. I'm secretly hoping na sana nasa loob pa rin ng bahay si Raven—I didn't know where she lives and I'm sure na hindi niya ako rereplyan sa social media kapag sinabi kong magkita kami.

Maid ang nagpapasok sa'kin sa loob ng manor. She looked worried and when I asked her what's wrong, I was surprised on what I've heard. Napansin ko rin kanina sa may gate na may mga bodyguards na nagbabantay.

"Si Ma'am Raven po kasi at si Ma'am Alicia kanina pa nag-aaway."

"B-Bakit po?"

"Kanina pa po kasi ayaw paalisin ni Ma'am Alicia si Ma'am Raven."

It seems like the timing was off for me to come but it's too late to backout. Parang ako 'yung saklolo na kanina pa hinihintay ng kasambahay na naghatid sa'kin papasok sa loob ng mansion.

I instantly heard a familiar voice shouting, nakita ko si Tita Alicia sa may sofa na prenteng nakaupo habang hinihilot ang sentido.

"Damn these clothes! Damn everything about this stupid house!" Boses ni Raven ang umaalingawngaw sa bahay.

At parang confetti na lumilipad sa living room ang mga damit na tiyak kong puro mamahalin. Nakita ko sa itaas si Raven na hinahagis ang mga 'yon mula sa kwarto niya.

Saka naramdaman ni Tita Alicia ang presensiya ko at halatang nasurprsesa sa pagdating ko.

"Hija, you're here—"

"Thank goodness you're here, Lou!" Parehas pa kaming napatingala ni Tita Alicia nang isigaw 'yon ni Raven.

Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay nagkukumahog itong bumaba sa sala. She's now wearing dress, malayong-malayo sa porma at itsura niya kaninang nagkita kami noong umaga sa labas. Nakalugay din ang buhok niya, that's the Raven I knew from high school.

Mas nagulat ako nang bigla siyang umangkla sa'kin na akala mo'y napaka-close naming dalawa (well, at least before), what the hell is she doing? I can't imagine my face right now.

Pasimpleng pinandilatan ako ng mga mata ni Raven, hudyat na huwag akong magsalita, like the old times na kinakasabwat niya akong huwag magsumbong sa Mommy niya.

"Lou—"

"I called her, Mom." Kaagad na putol ni Raven sa kanyang ina. "May lakad kami and you won't stop me from leaving this house."

Bago pa makapagsalita si Tita Alicia na ngayon ay napatayo na sa kinauupuan niya'y hinila ako ni Raven palabas ng bahay.

My mind was too stunned to speak or to ask what she's up too. Tumigil lang kami sa may labas nang biglang humarang ang mga bodyguards.

"Let them." Parehas kaming lumingon ni Raven at nakita si Tita Alicia sa pintuan, napabuntonghininga siya at tumingin sa'kin. "You two take care." At muli itong pumasok sa loob.

Pinadaan na kami ng mga bodyguards at nang makalabas na kami ng gate ay saka lang ako binitawan ni Raven na akala mo'y mayroon akong virus.

"What was that?" sawakas ay natanong ko na rin. I got so many questions.

"Mind your own business, Lou." Halos mapanganga naman ako nang sabihin niya 'yon habang hinubad ang heels na suot at nagsuot ng rubber shoes.

"I suppose you'll have to thank me." Kundi dahil sa'kin ay hindi siya makakalabas ng bahay.

"Bakit kita pasasalamatan? It's your fault I came here in the first place."

"Raven—" napanganga na 'ko nang tuluyan dahil nakuha niyang magsuot ng malaking t-shirt at hinubad ang dress na suot. Mabuti na lang walang ibang tao sa kalsada. "N-nag-away ba kayo ng mommy mo?" What happened?

"Bibigyan mo ba ako ng touching advice how to make up with my Mom?" halata naman sa boses niya ang sarcasm.

I sighed. "Fine, it's not my business anyway. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako nandito?"

She rolled her eyes at saka hinagis sa basurahan 'yung dress na hinubad. "I've been meaning to ask. Anong masamang hangin na naman ang nagdala sa'yo rito?"

Your patience, Lou...

"Can we talk somewhere? I need to ask you something important."

It's a miracle that Raven agreed. Pumunta kami ro'n sa coffee shop kung saan ko na-meet si Ellon.

Sinabi ko rin sa kanya kung ano 'yong sinabi ko kay Lysander, unsurprisingly, Raven gave me a flat 'no' for an answer.

"Hindi mo ba narinig 'yung proposal ko?" I asked while she sipped her coffee. "I'm willing to do anything you want me to do in return for joining me."

"Join you what? A silly adventure? Hiking is not my thing, Lou."

"You used to be an athlete, kaya mo 'yon."

"It's not that I can't do it—it's like I don't want to do it kahit pa sinabi mong may kapalit na kahit na ano mula sa'yo. What do I want from you?" Hindi kumukurap na tinitigan niya 'ko.

"Well... Anything... Like leeching off to my fame?" I wanted to make a joke but it's a total fail.

Bigla naman siyang natawa.

"Alam mo, medyo yumabang ka na rin talaga. Like what my mother said, sana ikaw na lang ang naging anak niya."

"W-what?"

"You two looked great on show business, that's your world."

"No, it's not."

"Whatever. Spare me from your plan, Lou." Tumayo siya at ako naman ay parang aso na hinabol siya hanggang sa labas.

"Raven—" Hindi ko na siya nahabol nang makasakay siya agad ng jeep. And just like that she disappeared from my sight.

Naiwan akong nakatulala sa kawalan hanggang sa may tumapik sa'kin.

"H-hi, Lou." It's Ellon again. He's not wearing his uniform and I guess his shift was over. "Sorry kung feeling close ako. Papauwi na 'ko nang makita kita." His warm smile can ease any heartache, I'm just hoping that he's not a player because he seems really kind.

Nginitian ko siya. "It's good to see you again."

"Itatanong ko sana kung bakit ka bumalik, nakita ko na may kasama kang kaibigan." Hindi maikaila ang saya niya nang makita ko, malay ko naman kung talagang masayahin siya? But he's blushing. "By the way, nagpunta ka ng National Museum?"

Tumango ako. "Oo, salamat sa'yo, sobrang amazing nang natuklasan ko."

"T-talaga?"


*****


I insisted to treat Ellon a dinner, bilang pasasalamat sa malaking kontribyusyon niya sa paghahanap ko ng mga kasagutan.

I wanted to take him to a restaurant or at least to a fast-food chain pero pinilit niyang sa isang karinderya ko na lang daw siya ilibre.

"Ay, sorry, hindi ka ba komportable kumain sa ganito?" tanong niya nang makaupo na kami sa may labas.

"No, hindi naman ako maselan."

Mas lalo siyang ngumiti. "Suki kasi ako rito saka masarap luto ni Manang, pramis." Napakamot siya sa ulo at biglang nahiya. "Saka... Mahirap na baka may makakita sa'tin sa mall at..."

Oh, that's the reason why... Hindi ko naisip 'yon pero nagawa niyang maisip 'yung kapakanan ko. He's really kind.

"I understand, thank you for being thoughtful," sabi ko.

Maya-maya lang ay kumain na kami at tama nga siya na masarap ang pagkain dito.

Ang weird nga dahil pakiramdam ko'y matagal na kaming magkakilala at komportable akong nagkukwento sa kanya. He's all ears and an active listener. Unlike Lysander and Raven, he seems to believe my story or what Manong Ling told me about Alpas.

"Wow... Speechless ako ro'n, ah," sabi niya. "So... Balak mong pumunta ro'n at hanapin 'yung ibon na nasa painting?"

"Yes. I know it sounds crazy—"

"Hindi! Ang cool kaya! May kasama ka na?" Dahan-dahan akong tumango.

At nang sabihin ko sa kanya na pumayag si Lysander Vireo na sumama sa'kin ay halos mabulunan siya.

Kaagad ko naman siyang inabutan ng isang baso ng tubig. "Okay ka lang?"

"Si V-Vireo? Napapayag mo?"

"Yes, of course mayroong kapalit. It's like a deal." Nanlaki naman ang mga mata niya at napatakip pa ng bibig kaya kaagad kong nabasa kung anong iniisip niya. "It's not what you think, Ellon. Don't worry."

Parang nakahinga naman siya nang maluwag. "Mabuti naman dahil hindi ko siya mapapatawad."

"I need at least four people if I ask you to join us, sasama ka ba?"

"YES!" Napahampas pa siya sa mesa kaya napatingin sa'min 'yung ibang kumakain. "S-sorry, na-excite lang ako. Actually... Kahit na hindi mo itanong sasabihin ko palang sana na gusto kong sumama."

"That would mean so much, thank you." I smiled at him. Hindi siya bigla makatingin sa'kin ng diretso.

"Kung... Kung sasama ba 'ko sa'yo pwede rin ba 'kong humingi ng kapalit?"

"Well... As long as it's decent," I joked.

Ngumiti si Ellon. "If it's too much to ask for an ice cream date—as a friend, siyempre. P-pwede ba?"

Gusto kong pisilin 'yung pisngi niya pero mabuti na lang ay napigilan ko 'yung sarili ko.

Inabot ko 'yung kamay ko sa kanya. "It's a deal then." At malugod niyang tinanggap 'yon.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni Ellon sa may kanto ng highway. Habang naglalakad ay bigla siyang nagsalita.

"Si Raven ba 'yung kasama mo kanina?" Napatingin ako sa kanya bigla. "Sorry, hindi naman sa tsismoso ako, medyo lang," natawa siya pero muling sumeryoso, "ex kasi siya ng ka-dorm ko. Minsan dumalaw na siya sa dorm, hindi ko makalimutan 'yon kasi pinagluto ko pa sila ng pancit canton."

"Oh, I see," iyon na lang ang nasagot ko. "Right, si Raven 'yon. Dati kaming magkaibigan."

"So, hindi na kayo friends ngayon?" bigla niyang tinampal ang sarili. "Sorry, sorry, lumalabas talaga pagiging tsismoso ko."

"She rejected my proposal kahit pa sinabi ko sa kanya na kahit anong kapalit gagawin o ibibigay ko."

"Baka malaki ang galit niya sa'yo."

"Baka nga."

"Sayang naman, sana ginamit niya na lang utak niya."

"What do you mean?" hindi ko mapigilang maitanong. Para kasing kilala niya rin talaga si Raven.

"Ha? Kasi kung ako nasa kalagayan niya, kung desperada ako sa pera iyon ang hihingin kong kapalit."

Bigla akong natigilan sa paglalakad kaya tumigil din si Ellon.

"Desperada... sa pera? Si Raven?"

"Mahirap lang daw kasi sila, saka kaya nga siya hiniwalayan ng tropa ko kasi masyado raw kuripot, ni hindi sila makapagdate sa labas at palaging nangingingain sa'min sa dorm."

Naguluhan bigla 'yung utak ko.

"Baka naman magkaiba 'yung Raven na kilala natin?" tanong ko. "Her name is Rachelle Venice Arwani."

"Oo, siya nga. Teka, ito may groupie picture kami sa phone ko." Pinakita niya sa'kin 'yung larawan at si Raven nga 'yong tinutukoy niya.

Magtatanong pa sana 'ko nang biglang may pumasok na realization sa utak ko.

Raven... She concealed her real identity as a daughter of a wealthy and former actress-singer.

Again, Ellon saved the day.

Hindi ko na napigilan at pinisil ko 'yung dalawang pisngi niya.

"A-aray! Lou! Bakit?!"

"Natutuwa lang ako sa'yo, sinalba mo na naman ako! Kung pwede lang kitang i-kiss."

"Pwede naman—aray!" mas kinurot ko kasi siya lalo. "Teka, anong ginawa ko?"

"Tinulungan mo na naman ako kasi alam ko na kung paano ko mapapapayag si Raven na sumama sa'tin."

"P-paano?"

"By blackmailing her."


*****


"FUCK you, Lou." As expected iyon ang narinig kong sagot kay Raven mula sa kabilang linya. "Mamatay na rin sana kung sino man ang nagbigay ng number ko sa'yo."

Of course, I didn't tell her that I got her number through Ellon and from his ex-boyfriend.

"Gusto mo bang isumbong kita kay Tita for that bad word?" pang-aasar ko.

"Ha-ha. Fuck you ulit."

"Life is short, Raven,"

"Tangina naman, Louella! Bakit ba ako ang pinagti-tripan mong sumama riyan sa kabaliwan mo?! At ang lakas pa ng loob mo na i-blackmail ako?!"

"Kaya pala nagtataka ako noon kung bakit napaka-carefree mo sa university... You can wear all the clothes you like, hangout with shady people, at kung bakit wala ng journalist ang bumubuntot sa'yo... Tinatago mo pala sa kanila—"

"Shut up, Lou. Don't you dare to expose me or else—"

"I found it amusing na favorite food mo raw ang pancit canton?"

"S-sinong nagsabi sa'yo niyan?!"

"Hindi ba noong mga bata tayo you hated eating noodles kasi conscious ka sa carbs?"

"Shit! Si Macky ba ang nagsabi sa'yo—"

"Whatever, Raven."

"Listen, Lou." She sounded desperate. "Please, spare me from this, gusto ko ng katahimikan at ng maayos na mental health. Marami kang ibang kaibigan bakit hindi na lang sila ang yayain mo riyan sa adventure na 'yan? Pagkatapos i-vlog n'yo pa, eh 'di kumita pa kayo!"

"They're not my friends. I don't have a real one." Hindi siya nakasagot. "Besides, I'd like to keep this secret. You're in, Raven. Or else expect to get viral tomorrow." Binaba ko na 'yung tawag.

I did it. I just blackmailed her.

Binagsak ko 'yung sarili ko sa kama. It's been a long day at ngayon ko lang naramdaman 'yung pagod.

Tumitig lang ako sa kisame habang winawari kung tama ba 'tong ginagawa ko. Am I alright?

Nobody's asking if I'm okay...

I guess I am.

Muli akong bumangon para i-text kina Lysander, Ellon, at Raven 'yung meeting place namin tomorrow.

Hindi pa man napagpapasyahan ang lahat, nagpunta 'ko sa website ng isang airline para bumili na ng apat na ticket papuntang Davao. 

-xxx-



A/N: First update of 2022. Happy new year, guys! Maraming salamat ulit sa pagbabasa ng mga kwento ko :) 

Continue Reading

You'll Also Like

6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
5.1M 196K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
1.6M 64.3K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...