Book of Memories: Enzo and Ce...

By me_ynnna

4.3K 103 2

"How I wish, I was the girl you loved, Enzo." - Celine This story is about two bestfriends who unexpecte... More

Panimula.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4
Wakas.

Chapter 1.

752 18 0
By me_ynnna

**** Page 1. Panandaliang saya.

Noong bata ako akala ko kapag nabilhan ako ng laruan at bagong damit eh sobra-sobra na yung saya pero hindi pala siya true happiness, momentary lang pala.

Noon, kapag kalaro ko ang mga kaibigan ko sobrang saya ko na. Naalala ko pa nga, nagdadabog ako kapag di ako pinapalabas ni mama-la pero sana pala nakinig na lang ako kaysa sa nasanay akong kalaro sila at nasanay akong lagi silang nandyan.

Ang saya saya nga eh kasi lagi kaming naglalaro, nagfofood trip, magkasama sa kalokohan, sa kwentuhan, at gayundin ang mangarap. Magkakasama kaming nangarap pero magkakahiwalay naming tutuparin.

Dati, ang saya saya ko talaga na sila yung kaibigan ko eh kasi sobrang ka-vibes ko talaga sila. Sobrang natulungan nila ako bumangon sa lungkot na nararamdam ko kapag mag-isa lang ako.

Pero sana bawat segudo masaya pa rin 'no?

Mula nang ipinanganak ako hanggang sa mag-anim na taong gulang ako, palagi nang nagaaway ang parents ko sa pareho na dahilan, ang pang-bababae ni Papa. Hanggang sa bago ako magpitong taon naisipan na nilang tapusin ang relasyon nila. Sobrang trauma ang naibigay sakin nun ever since dahil lagi ko silang nakikitang nagsasakitan physically, mentally and emotionally.

Mula nang maghiwalay sila, napunta ako kay mama pero 'di nagtagal iniwan din naman niya ako kay Lola. Siya ang nagpalaki sakin, nagpakain, nagpaaral at lahat-lahat, siya na nga ang nanay na kinikilala ko eh.

Halos mabaliw kasi si mama mula nung tinapos nila ang relasyon nila ni papa, to the point na sinasaktan niya na 'ko at mga taong nagmamalasakit sakanya kapag inaatake siya ng depression niya. And I witnessed it all.

Grabeng trauma at pain talaga ang naidulot sakanya ni papa pero ang masakit lang, nung okay na siya, iniwan niya naman ako. Sulit na sulit naman ang pain, suffering, trauma's, anxieties, at over thinking na naranasan ko muna no'n hanggang ngayon. Nung ginawa ata ako ni lord, nakalimutan niya ata ako budburan ng peace of mind na never man lang sakin pinaramdam.

Madalas napapaisip ako, alam na nga ni mama yung pakiramdam nang maiwan pero bakit ginawa niya pa din sakin? Like, alam niya na nga 'yung pain at suffering na kailangan pagdaanan pero bakit ipinaramdam niya din?

At ngayon na okay na yung mama ko at naghiwalay na sila ng papa ko nang tuluyan, anong nangyari sa parents ko? Malamang may bagong sari-sariling pamilya. Okay lang pero paano naman ako???

Page 2. 7th grade.

7th grade, itong year level na 'to sobrang saya ko talaga dahil nagkaroon ulit ako ng best friend. Dalawa lang kami, tipo na walang maoout of place. All goods kami sa lahat ng kalokohan, kopyahan, at pagkain. To be honest, iba 'yung friendship na nafefeel ko sakanya kesa do'n sa mga elementary friendships ko. Hindi na din kasi nila ako kinakausap.

Naalala ko, nagkaroon ako ng crush dun sa kaklase ko pero I keep it to myself lang kasi ayoko namang malaman ng mga kaklase ko. I admire him because he's good at his acads, sobrang bait sakin at tinutulungan talaga niya ko kapag nahihirapan ako sa math pero di nagtagal sinabi ko yun sa best friend ko and she said, she also find him attractive dahil daw magaling sa acads.

It was Valentines day. Pinagawa kami ng teacher ko ng love letter tungkol sa friends, lovers or sa crush, masyado na daw kasing common ang family kaya 'yun na lang daw. Anyways hindi namin pwedeng sabihin kung para kaninong letter ang ginagawa namin.

Of course, I decided to write a love letter for my best friend 'cause I am grateful that she considers me to be her best friend. So, I assumed the letter she was writing was for me, but it wasn't.

Sabi ng teacher ko, ibigay na daw yung letter namin dun sa taong ginawaan namin pero yung best friend ko hindi pa siya tapos but I decided to give the letter and I saw her smile which makes me happy.

She put down what she was doing and read the letter, she was smiling the whole time. "Hoy, nakakaiyak naman yung letter mo ah. Thank you, Eline!" She said happily.

It was actually break time na pero hindi pa din siya tapos, dapat nga bibili na ako ng snack pero wag muna kasi gusto kong hintayin yung letter niya. Kitang-kita kong tumayo siya dun sa kinauupuan niya, kitang-kita ko ding naglalakad siya papalapit sakin.

I'm so happy.

"Ethan!" She shouts happily. My smile faded as I continued to stare at her, wondering where she was heading. "Here. Pag-uwi mo na basahin ha? Nakakahiya e HAHAHAHA" She said and then handed the letter to Ethan.

I couldn't help but smile at what I saw and heard. I felt completely betrayed.

Why did I expect something??

Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw.

Gusto kong itanong, bakit si Ethan? Alam naman niyang may gusto ako kay Ethan? Hindi naman niya sinabi sakin na, Eline may gusto din ako sakanya. Grabe. Gusto kong magalit, gusto ko siyang saktan pero ang babaw ko naman.

Mula no'n, hindi na 'ko nagexpect pa sakanya ng kahit na ano at mula din non after namin bumili sa canteen ng snacks, inaasar na siya ng mga kaklase ko kay Ethan. My classmates started to ship Ethan and her :')

Page 3. 8th and 9th grade.

8th grade. Magkaklase pa din kami. It was first day of class, after ng flag ceremony pumunta na kami sa building ng grade 8 at hinanap namin 'yong klasrum namin.

After a few minutes, nahanap na namin kaya pumila kami do'n kasama ang mga kaklase namin dahil sarado pa yung room. Until, a pretty girl asked us, "Ito po ba yung Section B?" Nakangiti siya samin, talagang masasabi mong mabait siya.

"Opo, ate" Sagot ng kaibigan ko. "I see, thanks" Sagot nung babae.

"Eline, ang ganda niya 'no? Tas halatang may kaya" Bulong niya sakin. Tumango naman ako.

Hindi ko alam na yun na pala ang huling bonding namin as duo. :')

Kinaibigan niya si Talia pero sakin okay lang naman dahil may sarili siyang buhay pero hindi niya naman sinabi sakin na ako pala yung maoout of place sa friendship naming dalawa.

Hinayaan ko. Hinayaan kong maging kaibigan niya si Talia pero hindi na ganon ang closeness namin, sobrang ibang-iba na sa dati mula ng makilala niya yon.

Dumating na sa punto na ako na yung lumayo, ako na yung dumistansya sakanya kasi mas masakit kapag pinipilit kong sumama sakanila.

Si Talia may mga kaibigan din at dumagdag yung best friend ko, tapos ako? Wala.

Hindi naman sa sinisiraan ko si Talia pero hindi pala maganda ugali niya. Napaka-bossy niya sa mga kaklase ko at mga kaibigan niya. Pala-utos na ibili siya ng ganito, talian buhok niya, sunduin siya at jusko marami pang iba.

Hindi ko alam kung bakit ang dami pa ding kumakaibigan sakanya e? Samantalang ginagawa lang naman niyang utusan mga tao sa paligid niya. Ah, baka naman dahil sikat siya, maganda at may pera?

Dati, magkatabi kami ng best friend ko pero ngayon hindi na. Malamang, si Talia katabi niya. Buti na lang tinabihan ako ni Bryie, hindi na tuloy ako lonely.

Nakakapang-sisi mag expect kasi umaasa ako.

9th grade. Pinagdasal ko talaga na huwag ko na sila maging kaklase, kahit ako lang mag-isa mapunta sa ibang section okay lang. Once again, kaklase ko pa din sila. Mas malala 'tong year level na 'to dahil napaka-lonely ko talaga kaya napabarkada ako sa mga kaklase kong lalaki.

Nagpapansinan pa din naman kami ng ex bff ko pero hindi na gaya dati, talagang maffeel mo na ikaw na dapat ang lumayo dahil mas masasaktan ka kapag pinilit mong ipasok ang sarili mo sa mga taong ipinaparamdam sa'yo na dapat ka nang mag-adjust.

One time, sinubukan kong pumasok sa friendship nila kasi okay naman sila, mabait naman pero 'yun nga hinahayaan nilang may naiiwan, naoout of place at pinaparamdam nilang hindi ka belong. Hindi ko masikmura ang ganong friendship kasi 'di ba kapag magkakaibigan dapat pantay-pantay ang pagmamahal na mayroon ang bawat isa? Yung walang nahuhuli, walang naiiwan at walang nasasaktan.

Bakit ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sakanila? Hindi ako takot mawalan ng kaibigan kung wala naman silang magandang naidudulot sakin. As if naman na hawak nila 'yung paghinga ko kaya no choice?

Kaya ikaw, oo Ikaw mare, wag ka matakot mawalan ng kaibigan kung ipinaparamdam naman nila sayo na hindi ka belong sa friendship nila. Mabubuhay ka ng walang kaibigan. Ang kailangan mo ay tunay, ipaparamdam sa'yo lagi na mahalaga ka sakanya at hindi ka iiwan kahit may other circle of friends siya.

Tanda ko pa nga kapag may mga practice kami sa labas ng school, palagi akong naoout of place sakanila. One time nga, I have no choice kun'di sumabay sakanila papunta do'n sa venue ng pagppractice-an namin.

Sa isip-isip ko, okay lang naman saglit lang naman 'yon hindi naman aabutin ng isang oras na makakasama ko sila sa sasakyan. Jusko. Nakakapang-sisi na naman.

Usapan namin no'n na 1pm dapat exactly na nasa harapan ng school para hindi mapatagal yung paghihintay. Lahat kami nandun na, except dito kila Talia, yung two close friends niyang babae, yung dalawang lalaking magkaibigan na may gusto sakanya at yung ex bff ko.

Yung ibang classmates ko rinig ko yung pangbback stabbed nila kay Talia. Ilang daang taon pa ang nakalipas, dumating na sila.

"Hala guys, sorry ha huhuhuhu" sambit ni Talia samin. Kala mo kinaganda eh. "Ba't ba ang tagal niyo?" Tanong ng President namin.

"Sinundo pa kasi namin si Talia ta's pagdating namin dun, naliligo pa lang sya"

See? Kung may konsiderasyon siya, sana ginamit niya.

Paulit-ulit na ganitong eksena ang ranas ko buong 9th grade ko, grabe natiis kong itikom ang bibig ko. Achievement.

Continue Reading

You'll Also Like

252K 573 21
TOM KAULITZ SMUT
11K 234 33
"i used to secretly admire you....."
2.7K 135 12
Saan nga ba kami nagsimulang nagkakilala? Natutuwa akong tuwing maalala ko iyong panahon na nagsimulang naging beshi kami. "Pwedeng beshi na tayo?" t...
27K 413 10
That moment when your crush says Crush:hi Me:hello...