Save to Heart (Student Series...

By maysique

77.7K 3.4K 3.3K

Student Series 2: "Bahala Na" Attitude šœšØš¦š©š„šžš­šžš Manifesting a fatalistic attitude is nearly a norm... More

Save to Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 26

1.2K 68 99
By maysique

Chapter 26

"Axasiel, maraming salamat..." 

Nalaman ko kay Eden na kinausap ni Axasiel ang prefect tungkol sa kaso ko. Hindi ko alam kung paano niya pinatunayan na inosente naman talaga ako sa kasalanang ibinintang sa akin pero ang mahalaga, maari na akong mag-take ng final exam. Iyon ay matapos kong ibigay sa kanya ang kinuha ni Ybarra na mga gawa ni Ate Izzy para sa requirement nito.

Hindi pa madali para sa akin na bawiin iyon kay Ybarra. Pero dahil hindi naman dapat pang madamay rito si Ate Izzy, ginawa ko na lang ang gusto ng lalaking iyon bilang kapalit sa mga kinuha niya. I told Axasiel that I was the one who stole it, though he didn't seem to believe that I'd be able to do it. 

Hindi ko lang alam kung sinabi niya iyon kay Ate Izzy. Bigla tuloy ay nahiya ako para sa mga bagay na ginawa at ibinigay niya sa akin noon. For the past years, she did nothing but to be kind and generous to me. Kung magagalit siya sa ginawa ko, wala naman akong magagawa roon.

"Don't worry, Asia. I didn't tell her that you were the one who... stole it," Axe replied after a while with doubt in the last words.

"Si... Ral? Alam niya na ba?" alanganin kong tanong.

Umalon ang lalamunan niya at nag-iwas ng tingin. "Hindi. Huwag kang mag-alala."

Malungkot akong ngumiti. Wala pa akong pinagsasabihan ng tungkol sa nalaman ko kay Ybarra—kahit si Eden. Alam naman ni Eden na 'di na kami nagpapansinan ni Raghnall pero hindi naman ibig sabihin no'n, e, pati sila ay hindi na rin dapat magpansinan. 

"Europe, punta muna tayo sa Gateway! Bukas ka na mag-library, dali!"

Napalingon ako kay Eden nang isigaw niya iyon. Lumipat ang tingin ko sa nakasunod sa kanya na si Raghnall na dala rin ang bag. Huminto si Eden sa tabi ko at hinawakan ang aking braso.

"Gateway? Ano'ng gagawin natin doon?" 

Ngumisi siya. "Maghahanap ng pogi!"

"Tss... Axasiel, let's go home."

Napasulyap ako kay Raghnall dahil sa sinabi niya. Hindi naman siya nakatingin sa amin at tuluyan na kaming nilagpasan. Tumango sa akin si Axasiel at sumunod na rin sa kaibigan niya. Napansin ko namang sinundan din ni Eden ng tingin ang dalawa bago lumingon ulit sa akin.

"Kita mo 'yon? Daling inisin, 'no?"

Kumunot ang noo ko. Tinampal niya ang braso ko.

"Hay naku! Lika na nga! Basta sa Gateway muna tayo, ah? Joke lang 'yong maghahanap tayo ng pogi. Bibilhan ko lang ng regalo si Kuya. Birthday niya na sa Biyernes, e. Punta ka sa bahay, ah!"

"Okay..."

"Dalhin mo rin 'yong anak natin, ah?"

"Si Cherry?"

"Oo. Si Leche." At kinaladkad niya na ako palabas ng room.

Hindi ko alam kung paanong mula sa school namin papuntang Gateway, napapunta pa kami sa MOA nang wala sa oras para lang maglaro sa perya. Ang tibay, dala pa namin ang mga gamit at naka-uniform pa. Kahit matagal nang sanay sa uniporme namin, nagiging uncomfortable pa rin ako na gumala na ganito ang suot. Napa-text tuloy ako kay Papa para hindi naman siya mag-alala. 

Kinaladkad niya ako patungo roon sa may basketball-an. May mga naglalaro naman doon pero habang pinanonood muna namin sila, napansin kong masyadong maliit ang sukat ng diameter at radius ng basketball rim kung ikukumpara sa circumference ng bola nila. Say their ball has around 30 inches of circumference, the rim probably has only 35 inches for its circumference or around 11 inches in diameter and approximately 5.5 inches in radius.

The standard size of the basketball rim should have an inner diameter of 18 inches and a radius of 9 inches. Kung ganito nga naman kaliit ang ring dito, maliit din talaga ang tyansa na makuha ang prize. Unless tsamba o magaling lang talaga. 

Pero bakit ako nagma-Math dito?

Nagbayad si Eden para sa tatlong bola. Nasa gitna siya habang ako ay nasa gilid kasama ng ilang nanonood. Umatras siya nang kaunti palayo roon sa harang habang nagdi-dribble bago tumingin sa gawi ko at kumindat.

"Para sa 'yo 'to, Asia. Manood ka."

Humarap na siya sa ring at pumorma kaso... hindi pasok.

"Luh, dumulas," sabi niya pa. "May lubricant yata 'yong bola. Dulas, e!"

Tumawa ako. Pati 'yong nagbabantay ay nakita kong napangiti at napailing.

"Ayusin mo naman, keso. Pinapahiya mo naman tayo, e!"

Sa pangalawang hagis ng bola sa ring ay tumalbog lang iyon sa ring at tumama sa isang bola na inihagis ng isang manlalaro sa tabi niya. Pero sa ikatlong subok niya, sabay pa kaming napatalon at napasigaw nang diretsong pumasok iyon sa loob ng napakahabang net.

Tumakbo siya sa akin at niyakap ako habang tumatalon pa rin kaming dalawa. "Nanalo tayo! Nanalo tayo!" 

"Yes! Yes! Galing mo!"

Tuwang-tuwa kami pareho nang nakuha niya na ang premyo. Sobrang laking bilog na stuffed toy at ang sarap niyang yakapin. Pagkatapos namin doon ay naglibot-libot pa kami roon sa perya hanggang sa naupo na lang kami roon sa may seaside, nakaharap sa kulay kahel na kalangitan at pinanonood ang paglubog ng haring araw.

Magkatabi kami at nasa ibabaw ng tig-isang hita namin ang malaking stuffed toy niya. Nagtama ang dalawang siko naming dalawa na nakapatong sa ibabaw nito nang gumalaw si Eden at humarap sa akin.

"Ang bilis ng panahon, 'no? Parang dati lang, naglalaro lang tayo ng jackstone at Chinese garter noong elementary. Ngayon, heto, naglalaro pa rin naman. Tayo nga lang yata ang pinaglalaruan ng tadhana." Humalakhak siya.

Tumaas ang kilay ko. "Paano mo nasabing pinaglalaruan tayo ng tadhana?"

Umangat-baba ang kanyang balikat at humarap muli sa palubog na araw. May maliit na ngiti pa rin sa kanyang labi habang ang mata ay kumikinang sa pagtama ng sikat ng panghapong araw.

"Ano'ng kukunin mong strand sa senior high, Asia? HUMSS? Initially, gusto mong mag-teacher noong Kinder pa lang tayo, 'di ba? Puwede ring STEM kasi pinangarap mo rin noon maging doktor noong Grade 4. O kaya TVL-Agri-Fishery kasi ginusto mo ring maging mangingisda noong Grade 5? Ah! Siguro, ABM or GAS, 'no? Kasi gusto mo yumaman! Basta sa perahan!"

Humagikgik ako. "Siguro 'yong huli mo nang binanggit. Mas praktikal sa panahon ngayon."

"Ayos 'yan! ABM tayo, ha? Kapag nakapagpatayo ka ng business at lumaki iyon, ako magiging accountant mo!" 

"Puwede naman tayong dalawa ang mag-business? Partnership, gano'n? Tapos para makatipid sa paghahanap ng accountant sa simula, ikaw na lang din doon." I chuckled.

Pinalo niya ang braso kong nakapatong sa stuffed toy. 

"User!"

"Mas lamang ka pa nga kung sakali. Kumikita ka na sa business, kumikita ka pa sa trabaho mo sa pagiging accountant kasi for sure, hindi lang naman ako ang magiging kliyente mo." Ngumisi ako. "Facultative mutualism lang 'yan. Magbe-benefit tayo sa isa't isa but at the same time, hindi lang ako sa 'yo magre-rely at ganoon ka rin sa akin."

Naningkit ang mata niya sa akin at tumulis ang nguso.

"Kunsabagay. Fallback na rin siguro 'yon kung sakali. Advance lang tayo."

Tinapik-tapik ko siya sa balikat. "Huwag kang mag-alala, ako ang bahala. Kapag sinabi kong yayaman tayo, yayaman tayo."

"Ba't ba kasi gustong-gusto mong yumaman?"

"Sino ba'ng hindi gusto maging kumportable ang buhay?" I asked back.

"Hindi natin kailangan maging mayaman nang sobra para masabing kumportable ang buhay. Paano kung mayaman at kumportable ka nga, hindi ka naman masaya? Yes, money can bring happiness and contentment. Pero mula lang 'yon sa materyal na bagay. At hindi ka naman materialistic, e."

Ngumiti ako sa kanya. "Kasi kapag nagkapera ako, ayaw ko nang ako lang ang masaya at kumportable ang buhay. I'll help other people's lives be more comfortable for themselves and their family in the near future. That's my main goal. Maybe someday... it would come."

"Hmm.. Darating ang panahon na 'yon. May tiwala ako sa 'yo."

Kumain na lang muna kami sa Jollibee bago umuwi. Binilhan ko na rin ng kahit burger na pasalubong ang mga kasama ko sa bahay, pati na si Cherry. Nga lang, problemado kami noong pauwi na dahil sa laki ng hawak niya. Nag-jeep pa naman kami tapos sa gitna nakaupo kaya isang malaking harang talaga iyong dala niya kapag nagbabayad ang mga nasa likod.

Dalawang beses din kaming sumakay ng LRT para mabilis na rin dahil alam kong traffic kapag nag-jeep o bus pa kami. Bago kami naghiwalay ni Eden sa gabing iyon ay iniabot niya sa akin ang stuffed toy na nakuha niya kanina.

"Sabi ko kanina, para sa 'yo 'yong laro kanina. Kaya para sa 'yo talaga 'yan." Ngumisi siya at humakbang patalikod. "Bilog ang pangalan niya."

Nakangiti lang ako habang naglalakad patungo sa bahay namin. Yakap ko lang si Bilog habang pinipisil-pisil, iniisip na paglaruan ito mamaya kasama si Cherry. 

Nasa gate na ako ng bahay nang narinig ang tawanan ng iilang tao mula sa loob. Hindi naka-lock ang gate kaya nakapasok ako agad at dumireso sa pintuan. Pagtulak ko sa pinto, naabutan ko ang apat na lalaking hindi pamilyar aa akin. Nagtatawanan sila habang nakaupo sa mga upuan sa sala at puro bote ng alak, baso, plato, at plastic ng chichirya ang nasa lamesita namin.

"Ohh, ayan na pala si—" Natigil sa pagsasalita 'yong may hawak pang bote ng Red Horse pagkatingin sa akin.

Humupa ang tawanan nila habang ako ay nakatayo lang sa likod ng pinto at nakatingin sa kanila.

"Uh... mga kaibigan po kayo ni Kuya? Nasaan po si Kuya?"

Nakatingin lang sila sa akin hanggang sa siniko ng naka-gray na shirt ang katabi.

"Ah! Oo!" Ngumisi ang sumagot at tumayo sa kinatatayuan. "Lumabas lang saglit 'yong kuya mo para bumili ng alak."

Bumili ng alak? Ang dami nang bote sa harapan nila... hindi pa sapat iyan?

Pare-parehong malalaki ang pangangatawan nila tulad ng kay Kuya. Mukhang mas matangkad nga lang itong lalaking tumayo at naglakad palapit sa akin. Gayunpaman, hindi naman nalalayo ang agwat nito sa akin.

Lalo kong idiniin si Bilog sa aking katawan nang tumigil sa gilid ko ang lalaki at pinasadahan ako ng tingin mula ulo pababa.

"Hindi ko alam na may maganda at bata palang kapatid si Rey..." mababa ang boses nitong sambit at halata nang medyo lasing dahil sa boses.

Nanindig ang balahibo ko at nakitang umangat ang kamay niya at nag-ambang hahaplusin ang pisngi ko. Mabuti at nakaiwas ako agad at napahakbang palayo sa kanya.

"Woah!" kantiyaw ng mga kasama niya dahil sa ginawa ko.

"Tarantado ka, Viktor! 'Wag mo nga kasing tinatakot ang bata." Humalakhak ang nagsalita.

I tried my best not to direct my gaze to any of them. 

"M-Magbibihis po muna ako. Excuse me po..."

Tumayo ang isa sa kanila at mabilis akong hinarangan sa daan kaya natigil ako. Lumingon ako sa likod pero hindi ko tiningnan sa mata ang tinawag na Viktor at namataan siyang lumapit ulit sa akin.

"Teka lang, baby. Tutal, wala pa naman ang Kuya mo, samahan mo na muna kami rito."

"Techically, kasama niyo na po ako sa bahay namin," pinagdiinan ko ang huling salita. "Dito po kayo, sa kuwarto lang ako."

"Oh, well, puwede bang sumama kami sa kuwarto mo?" demonyong utas ng nasa harapan ko habang nakalabas ang naninilaw na ngipin.

"Hindi po. Ayoko."

Sinubukan kong lagpasan ang nakaharang sa harap pero hinawakan niya ako sa braso. Tumagilid ang ulo ko at umigting ang panga nang ibaba ang tingin sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa braso ko. 

"Suplada mo naman, 'ne. Samahan mo lang kami—"

Pailalim ko siyang tiningnan. "Dumaan po ba kayo sa Nursery or Kinder? O kahit Grade 1 na lang? Mukha po kasing hindi niyo alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'hindi' at 'ayoko' kahit matanda na kayo."

"Yabang mo bata, ah?" Lumapit ang may hawak sa akin lalo. "Bakit? Matalino ka ba?"

Pinigilan ko pa ang paghinga mula sa ilong dahil ang baho ng hininga niya. Madali lang naman sagutin ang tanong niya pero nagdadalawang isip ako at baka mapahiya lang siya lalo sa pamamahay namin mismo. Masyado namang nakakahiya sa kanila na bisita na nga lang, nakuha pang mangbastos sa nakatira dito sa tinatambayan nila.

Hindi ko na siya nasagot dahil narinig ko na ang pagbukas ng pinto namin at nahihinuha ko nang si Kuya iyon. Kumawala agad ako sa hawak ng lalaki at tumakbo na patungo sa pintuan ng kuwarto. Muntik pa yatang masira ang pintuan sa lakas ng pagkakasara ko roon bago pinindot ang lock ng pinto.

Nakahinga ako nang maluwag at napatingala. Bakit ba iniwan ni Kuya ang bahay sa mga kaibigan niya? Ni hindi ko nga sila kilala. Wala naman sana akong problema sa kanila kung hindi nila ako hinarang at hinawakan at hinayaan na lang pumasok dito sa kuwarto. 

Napatingin ako sa paahan nang naramdamang may kumikiskis sa gilid ng binti ko. Nawala bigla ang irita ko nang makita si Cherry kaya naman yumuko ako para sana kunin siya nang naalala ang hawak ko. Ihahagis ko na sana si Bilog sa kama ko nang napatalon ako sa nakita.

"Bakit ka nandito?" gulat kong tanong kay Raghnall na prenteng nakaupo sa gilid ng kama ko. "Paano ka nakapasok dito?"

Nakasuot pa siya ng uniporme namin pero sa pang-itaas ay puting shirt na lang. Nakapatong ang kanan niyang hita sa kaliwa at nakahalukipkip pa. Medyo magulo pa ang itim niyang buhok at ang mga mata ay tamad at tila antok na nakatingin nang diretso sa akin.

"Tinatanong kita. Bakit ka nandito, Raghnall? Si Kuya ang nagpapasok sa 'yo rito?"

"I want us to have a talk so I went here. And yes, your brother let me stay here to wait for you after paying him three thousand pesos."

Kumunot ang noo ko. "Ano? Binigyan mo si Kuya ng pera?!"

He lifted his chin lazily. Mariin akong napapikit bago nagtungo sa kama ni Ate imbes na sa akin. Inilapag ko si Bilog at ang bag ko sa kama nang tumalon doon si Cherry. Tinanggal ko ang necktie sa leeg bago umikot para harapin muli si Raghnall.

Dahil magkaharap lang kami at nakatayo ako, bahagya siyang nakatingala sa akin.

"Ginabi ka nang uwi. Ano? Marami ba kayong nahanap?" malamig niyang tanong na mas lalong ikinalukot ng mukha ko.

Maraming nahanap na ano? At bakit kung magsalita siya ay  daig pa si Papa at tila ba wala siyang ginawang mali sa akin? Is he pretending that he's innocent from sabotaging my works and record in ODA? 

"Galit ka ba sa akin?" 

Ni hindi man lang nagkakulay ang blangkong ekspresyon niya sa tanong ko na para bang inaasahan niya nang ibato ko iyon sa kanya.

"Yes," he answered flatly and craned his neck to the side, eyes lowering down on my feet. "Why don't you sit down, Asia? Your legs and feet are probably achy and sore from strolling and trying to search for some good looking boys for almost four hours and a half."

Sampung sako ng bigas ang bumagsak sa balikat ko sa sagot niya pero agad ko ring itinaas ang lumaylay na balikat. 

"Do you want some water before you go home?"

His eyes brought back to mine. "Pinauuwi mo na 'ko?"

"Malamang, gabi na at may pasok pa tayo bukas. Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yo na pumunta ka rito?"

"Myself."

"Hindi ko kilala si Myself. Umuwi ka na. Ihahatid na kita sa labas—"

Tumayo siya at itinaas ang kamay para patigilin ako sa pagsasalita.

"Uuwi na ako pero dito ka lang sa kuwarto. Siguradong lasing na ang mga nasa labas nitong kuwarto mo."

I parted my lips to talk but it seemed like his words were a cast to make me mute for a moment so I wouldn't have to argue with him. Pinanood ko na lang siyang kunin ang bag na nasa ibaba ng kama ko sa gilid bago naglakad papunta sa pintuan.

Nagulat ako nang tumalon si Cherry pababa sa kama at tumakbo patungo sa paahan ni Raghnall. He stopped ambling because of my cat and bent down to drop his knee on the floor. 

Hinawakan niya ang ulo ng pusa ko. "I'm going home, little cat. Keep being a good girl, alright?"

"Mabait 'yan kahit hindi mo sabihan," hindi ko napigilang sumingit.

Hindi siya lumingon sa akin at nanatiling nakayuko sa pusa ko.

"And don't stay up late outside just to search for other male cats. The right tomcat will find his way onto you. You're a queen, remember that. So while you're waiting for him, stay single, okay?"

Ano ba'ng pinagsasabi ng isang 'to sa pusa ko? As if Cherry would understand what he said. 

"Umuwi ka na."

His hand automatically stopped from caressing Cherry's head until he finally retrieved it. Muli siyang tumayo nang maayos at kahit nakatalikod ay kita ang paggalaw ng kanyang ulo.

"Uuwi na," marahan niyang sinabi.

I looked away from his back. Pinigilan ko ang sarili na bitiwan ang dalawang salita kaya sa isip na lang sinabi.

Ingat ka...

Kahit masama ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa niya, hindi ko naman kayang hilingin na mapahamak siya. 

Pagkasara ng pinto sa likod niya nang nakalabas ay lumapit agad ako roon at idinikit ang tainga sa pinto para pakinggan ang nasa labas. Maingay sina Kuya at ang mga kaibigan niya pero narinig ko naman ang boses ni Raghnall na nagpaalam sa kapatid ko.

Nagpalit na ako ng damit pambahay nang nakita ko ang isang malaking garapon ng treats para sa pusa ang nasa ibabaw ng study table ko. Kahit wala namang sulat, alam ko na galing agad iyon kay Raghnall. Wala naman kasing may pakialam sa pusa ko rito sa amin kundi ako at si Papa lang. Bumibili naman kami minsan ni Papa ng treats para kay Cherry pero iyong maliit at nasa pack lang.

Mukhang busog na rin si Cherry dahil nang binigyan ko ng pagkain, inisnab na. Paniguradong pinakain na ni Raghnall. Abala na siya sa pagpapagulong kay Bilog habang ako ay nagbabasa ng libro. Ang ingay sa labas ay unti-unti ring nawala kaya naman nakapag-focus na ako sa binabasa.

Nakahiga na ako sa kama nang nagsumiksik sa tabi ko ang alaga. Ngumiti ako at hinayaan siya sa kanyang puwesto. 

"Psst, Cherry..." bulong ko nang hindi na siya naramdamang gumagalaw. "Naalala mo 'yong sinabi ni Ral sa 'yo kanina? Huwag ka raw maghahanap muna ng ibang pusa, ha. Kapag nalaman kong umalis ka rito sa bahay at umuwing buntis, naku... gagawin kong siopao 'yong makakabuntis sa 'yo." I giggled.

I didn't hear any response from her so I shifted on my position. Nakatagilid na ako ngayon at nakaharap sa kanya. Kinapa ko siya sa dilim at hinimas-himas ang katawan niya. 

"Cherry... Tingin mo, bakit nagawa sa akin 'yon ni Raghnall?" Pumikit ako. "Hindi ko maintidihan, e. Galit daw siya pero hindi naman nilinaw kung bakit. Iyon ba ang rason kaya niya nagawa iyon?"

I smiled sadly but even with closed eyes, I could feel my eyes producing tears and trying to escape from my eyelids. My throat was clogged with suppressed sobs. Binuka ko ang labi upang suminghap dahil sa pagpipigil din ng paghinga.

Napabangon ako sa kama at tumayo para sindihan ang ilaw sa kuwarto. Hindi ko ugaling hawakan pa ang telepono bago matulog pero tila may nagtulak sa akin na kunin iyon at buksan muna.

I scrolled through my contacts and tapped his number to send him a message. Nanginginig ang mga daliri ko habang pumipindot at kinukumpleto ang bawat salita na bubuo ng isang simpleng tanong pero kinatatakutan ang sagot.

Asia:

Magkaibigan pa ba tayo, Raghnall?

Tinitigan ko ang screen nang makitang na-send na nga iyon. Tama ang capitalization, punctuation marks, at kumpleto ang letra ng bawat salita. 

Muntik nang lumabas ang puso ko sa dibdib nang dumating ang sagot mula sa kanya. Pumikit pa ako dahil hindi ko naman nabasa agad iyon. Nagdasal ako na sana... kahit ganito ang turingan namin ngayon, sasagot siya ng 'oo'. Baka sakali... kahit na trinaydor niya ako... basta sabihin niyang magkaibigan pa rin kami, ayos na ako roon. Kuntento na ako roon. Kahit hanggang pagkakaibigan lang kami.

But who am I kidding?

Hindi nga lumabas ang puso ko sa dibdib dahil sa gulat, tinapak-tapakan naman ito mula sa loob nang dumilat ako at binasa ang sagot niya. 

Asturias:

How thick your face could ever be to ask me that? Don't expect me to stay as your friend after brazenly stealing my sister's schoolworks. You must know how I loathe anyone who would make her shed tears. Even if it is you. You're unworthy of friendship. You are nothing but an ungrateful parasite.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 64 8
HUE SERIES #4 Mirn had a huge crush on car racer Marcus Spencer. She went to great lengths to get Marcus's attention, even sliding into his DMs and s...
45.5K 355 4
NBSB Ariella Unique Cortez is your typical spoiled brat who's used to getting everything she wants. She's as hardheaded as the mermaid she was named...
8.1K 626 161
pov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this cha...
2.4K 81 4
An Epistolary šŸ’­ā˜€ļø | Summer Romance In We're Falling Back (the third book in Calgary's Lovestruck Series), Amber and Luke were one of Solana and Bren...