Filming Love

By pink_opal_27

7.9K 446 1.1K

Can you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with... More

Cam 001: Shine
Cam 002: Pony
Cam 003: Five Years
Cam 004: Miracle
Cam 005: Stars
Cam 006: Betrayal
Cam 007: Background
Cam 008: Waiting
Cam 009: Caldereta
Cam 010: Onscreen
Cam 011: Lovechild
Cam 012: Tears
Cam 013: Surface
Cam 014: Surprise
Cam 015: Eggs
Cam 016: Game
Cam 017: Care
Cam 018: Again
Cam 019: Crossover
Cam 020: Dad
Cam 021: Mission
Cam 022: Back
Cam 023: Shadow
Cam 024: Author
Cam 025: Bestfriend
Cam 026: Start
Cam 027: Give
Cam 028: Sorry
Cam 029: Station
Cam 030: Bettina
Cam 031: Villain
Cam 032: Merge
Cam 033: Drowned
Cam 034: Reunited
Cam 035: Happy
Cam 036: Family
Cam 038: Opportunity
Cam 039: Big Night
Cam 040: Tired
Cam 041: Post
Cam 042: Wrath
Cam 043: Scope
Cam 044: Exercise
Cam 045: Fifth
Cam 046: Two
Cam 047: Bond
Cam 048: End
Cam 049: Ate
Cam 050: Final
Filming Love: A Love that is Yet to be Filmed

Cam 037: Alarm

145 5 10
By pink_opal_27

Ken's POV 



Medyo hindi ko nagugustuhan ang pagngiti ni Rita sa Nathan na ito.



"Sino siya, Mahal?"



"Ah Chow, si Nathan. Kababata ko. Actually naalala mo yung kinikuwento kong may kababata akong Kevin? Magpinsan yan sila"



"Kevin?"



"Oo yung nasa province. Yung anak nina Tita Connie and Tito Frank"



Inaalala ko kung sino nga ba. May naalala kasi akong Tita Connie and Tito Frank noon sa neighborhood namin sa probinsiya pero imposible naman yatang same na tao yun diba? Kasi ang pagkakaalala ko ay hindi Kevin ang pangalan niya eh. Enteng ang tawag ko dun sa anak nila eh.



"Sorry hindi ko maalala Choi"



"It's fine hehe" sabay baling ulit ng tingin kay Nathan, "Uy kamusta ka na? Nakita ko pala sina Tita and Tito nung umuwi kami sa probinsiya para kay Ate"



"Ay oo kakauwi lang nila from Canada"



"Oo nga daw. Balita ko pala nagkaroon pa pala ng kapatid si Kevs? Babae daw yung bunso na nina Tita"



"Ha? Eh alam ko hindi na pwedeng magkaanak si Tita after ni Kevs kasi medyo hindi na daw kakayanin ng katawan niya. Alam mo na signs of old age"



"Uy grabe ka naman. 47 pa lang naman si Tita"



"Kahit na. Mahirap na daw siya magbuntis eh kaya imposibleng nagkaroon pa ng kapatid si Kevin"



"Talaga ba? Hindi ko alam eh. Yun lang naman kasi ang sinabi nila"



Naputol ang usapan nila ng pumasok na sa kwarto ang events coordinator.



"Ma'am complete na po yung guests. We can start anytime you want po"



"Ah ganun ba? Sige. Paannounce na in 10 mins ha, papagandahin muna namin ulit yung prinsesa namin"



"Sige po Ma'am, Sir. Happy birthday ulit baby girl" sabay nagpaulan ng flying kiss. Dahil nga sobrang hands-on ni Rita para sa birthday na ito ay halos araw-araw nang bumibisita sa condo itong events coordinator kaya naging close na rin sila ni Dani.



"Sige Nathan. Pasensya ka na. Kailangan na rin naming magprepare na MAG-ASAWA" may pagdiin kong banggit. Bahagya naman akong hinampas ni Rita sa likod pero hindi naman siya nagpumiglas sa paghapit ko sa bewang niya.



Aba dapat lang. Akin lang si Rita. Akin lang ang asawa ko.



Correction po. Hindi pa po kayo kasal kaya hindi niyo pa po siya officially asawa.



Ikaw author, napakadaldal mo talaga. Basta asawa ko siya. 















Sobrang ganda ng pagkakaayos ng event. Iba talaga kapag babae ang gumalaw at mag-asikaso ng party.



Sumunod naman ang lahat sa mga pastel colors. Ang gandang tingnan lalo na sa mga kaibigan at kaklase ni Dani na dumalo. Para tuloy kaming nasa isang fairytale sa party na ito.



As expected, families pa lang namin ni Rita eh halos puno na ang venue. Kumpleto ang lahat kaya parang naging isang malaking family reunion ang nangyari na rin.



Sa di kalayuan ay nakikita kong naglalaro si Dani with her cousins and friends. Kitang-kita ko ang saya ni Dani while enjoying the party at kitang-kita ko rin kung gaano kasaya ang mga families na dumalo.



Habang minamasdan ko sila ay napatingin ako kay Rita na nasa may tabi kong upuan na tila ay masayang pinagmamasdan din ang lahat. Nang tinitigan ko pang mabuti ay may namumuong mga mumunting butil ng luha sa mga mata niya.



"Oh, Choi, Mahal. Bakit ka umiiyak?"



Agad naman siyang tumingin sa akin at nagpahid ng kanyang luha.



"Wala naman Chow. Ang saya lang tingnan na ang saya ng pamilya natin lalo na si Dani. Ngayon ko lang nakita ang ganyang malalapad na ngiti at halakhak ng anak natin. Nagsisisi tuloy ako na parang naipagkait ko ito kay Dani ng ilang taon"



Agad akong yumakap sa kanya.



"Choi wag mo nang sisihin ang sarili mo. Tingnan mo okay na yung pamilya natin. Nakaraan na yun, wag mo nang isipin"



Tumingin naman siya sa akin ng medyo matagal saka tumango.



Mga halos apat na oras din ang itinagal ng party ng anak namin. Kitang-kita mo talaga na nag-enjoy ang mga bata. Sa sobrang pagod nga ni Dani ay ayun nakatulog na sa taas. 























"Mommy, mag-oovernight lang po kami dito sa venue. Kasama kasi sa package. Tapos bukas uuwi kami sa bahay ha" paghalik ko kay Mommy habang nakasakay na sila sa sasakyan at ready na pauwi.



"O sige anak. Hintayin namin kayo ni Rita at Dani ha. Tulog na rin si Bryan pati mga pinsan mo napagod din. Una na kami. Mag-iingat kayo rito. Pagpaalam mo na lang din kami kay Rita ha"



"Sige po Mommy. Ingat po kayo pauwi"



Agad ko namang hinanap si Rita and there she is, mukhang nagpapaalam din kay Tita Osang.

















Rita's POV



"Ingat po kayo Mama sa pag-uwi ha. Kuya Roy, ingat sa pagdrive, gabi na"



"Oo na bunso. Kilala mo ako"



"Sus kilala nga kitang kaskasero"



"Naku kung hindi lang birthday ng pamangkin ko, papatulan kita eh. Siya sige na. Pasensya na bunso di na namin kayo masamahan dito, tulog na rin kasi si Lorraine. Tinopak na din"



"Okay lang po Kuya ano ka ba. Basta ingat sa pagdadrive ha. Ingatan mo si Mama"



"Yes po Boss. Una na kami. Ingat rin kayo dito ha. Yung alarm mo ha"



Tumango naman ako at hinatid ko sa tingin ang sasakyan nilang palabas ng gate.



Naulinigan ko namang may naglalakad sa likod ko. Agad kong lumingon at di ako nagkamali.



"Chow, gugulatin mo ako no?"



"Hindi ah"



"Oh eh bakit ready nang nakataas yang kamay mo sa may balikat ko"



"Hindi ko alam"



"Hmmm ewan ko sayo. Alam mo namang sobra akong matatakutin sa dilim eh"



"Alam ko kaya nga hindi kita gugulatin. Yayakapin lang sana kita. Medyo malamig na rin kasi ang simoy ng hangin"



"Alam mo, umakyat na lang kaya tayo. Samahan na nating matulog si Dani doon"



Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin pero pinag-interlock naman niya ang mga fingers namin at sabay kaming umakyat sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Dani. May pasway-sway pa nga ng kamay ko ang lalaking ito.









Pagpasok namin ay mahimbing na nga ang pagkakatulog ni Dani.



Maingat ang bawat pagkilos namin ni Ken para hindi namin siya magising. This was one of those most wonderful moments na gusto kong itreasure, and also one of those private moments na enough na lang ang pictures ang maipost namin sa social media accounts namin ni Ken.



Buti nga pumunta sina Gerlie at Badette kanina. At least may katulong kami ni Ken sa pag-organize ng mga tao and kaganapan. Gerlie and Badette ang mga presidente ng aming mga fans clubs, ang reason why we keep on working hard on our craft kasi alam namin andyan sila to support us no matter what. 



Trish was one of those fans club members before pero dahil nga naging close kami, naging bestfriend ko na lang talaga siya. 



Sadly nga wala siya today eh. I sent her the invite via email pero walang response. 



After makapagpalit ng damit ay tinabihan na rin namin si Dani sa bed. Bahagya lang siyang gumalaw pero tulog na tulog pa rin. Hayy baby ko.









Nagising ako ng 2am dahil sa alarm ko. Buti nga nagising ako kundi mapapatay na naman ako ng strikto kung kuya at buti mukhang di naman nagising si Ken sa tunog ng alarm ko.



Kinuha ko ang maliit na transparent box na may mga partitions. Nabaon na yata sa pinakailalim ng bag ko.



Dahan-dahan akong naglakad papuntang fridge para kumuha ng isang basong tubig saka binuksan ang kahon.



Pang-ilan ko na ba? Nakaka-one month na rin yata ako. Ang hirap itago lalo na't nakikita mo silang masasaya. Ang hirap baliin ang magandang atmosphere. 



Agad rin naman akong bumalik sa pagkakahiga. Humihilik pa nga ang Chow ko.



Sinet kong muli ang oras sa phone ko. 



8am. 



Done! Bakit kasi 6 hours eh.













Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Ken. Mga alas sais pa lang yata naliligo na si Ken at ako naman ay nililigpit na lahat ng mga regalo ni Dani kagabi. Inaayos ko na rin ang damit niyang susuutin pag-uwi namin kina Tita Veron.









7am na nang ginising ko si Dani. Sakto ring natapos na ring maligo ni Ken. Til 9am lang kasi ang pagstay namin dito as inclusion sa birthday package naming kinuha.



"Baby, wake up na" pagbulong ko kay Dani. Mukhang tulog na tulog pa rin ito pero pinilit ko siyang gisingin para makapagbreakfast muna kami bago bumiyahe.



"M-mommy?" dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at saka yumakap sa akin nang mahigpit.



"Yes baby. Wake up na ha. We need to eat breakfast pa kasi before going to Mommy Gran's house."



She nodded habang nagkukusot pa ng mata.



"Mommy pwede bang hindi ako mag-bath bath?"



"Why naman baby?"



"Ang lamig po kasi eh. Sabi ni Tita Jenny kahapon, no hot shower daw inside"



"Ay oo wala ngang hot shower. Of course naman baby. Doon na lang tayo liligo kina Mommy Gran, gusto mo?"



"Yes Mommy. Yehey. Pero baka I'll be smelly"



"Kahit gaano ka pa smelly baby ko, mabango ka pa rin para kay Mommy at lagi pa rin kitang yayakapin"



Pinaulanan ko naman siya ng halik sa mga pisngi at buong mukha.



"Mommy! Nakikiliti ako"



"Eh love ka kasi ni Mommy. I just wanted to give you sweet morning kisses"



"Mommy, promise me. Ikaw lagi ang makikita ko every morning at pupunuin mo ako ng mga kiss mo ha"



Natigilan ako ngunit ngumiti naman pagkatapos. "Oo naman anak. Promise ko yan sayo"



"Kaso Mommy, there's someone jealous out there oh" then she pointed sa something sa likod ko.



Paglingon ko, there was Ken standing, and smiling at us.



"Ang sweet naman ng mag-ina ko. Naiingit ako wala akong sweet morning kisses"



"Hmm sus. Halika nga dito nang makiss din kita"



Lumapit naman siya at imbis nga na halik ay pambabatok nang marahan lang ang ginawa ko.



"Sige na. Maliligo na muna ako. Ayos na lahat ng mga gamit natin. Order na lang kayo ni Dani na para sa breakfast natin nang maiprepare na at maiakyat dito ha"



"Sige Mahal. Gusto mo ng kasama sa pagligo?"



"Isa pang ganyan mo Mahal, itutuloy ko na ang pambabatok sayo nang malakas"



"Oh sabi ko nga titigil na. Happy ligo Mahal"



















Ken's POV



Tumawag na kami sa restaurant sa baba at inorder na namin ang gusto naming kainin. Alam ko namang tuyo ang favorite ni Rita always for breakfast kaya ayun ang inorder ko for her. Kiddie breakfast naman for our little one.



Maya-maya pa ay biglang tumunog ang phone ni Rita.



"Mahal, tumutunog ang phone mo" pagsigaw ko sa pintuan ng banyo pero parang hindi niya ako naririnig dahil nakabukas pa ang shower.



Hindi naman siguro masamang tingnan kung bakit ito tumutunog no?



Pagtingin ko ay alarm lang pala.



8am.

PM for L







Anong ibig sabihin ng note na yan sa alarm na yan?











----------

🤔🤔❤

Love alarm yan bhieee...charot lang!





Continue Reading

You'll Also Like

27.1K 2.3K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
72.1K 5.2K 66
wangge story What if a straight girl meet a campus crush? Will they found love and comfort or they're just going to break each other's heart?
2.2K 108 6
yan muna hirap palang gumawa ng story
220K 1.1K 199
Mature content