Slept with a Stranger #Wattys...

Da Whroxie

31.4M 534K 36.9K

Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with... Altro

Slept with a Stranger
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40(Restricted)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43(restricted)
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 46
CHAPTER 4 7
To my beloved readers
Chapter 48
CHAPTER 49
Chapter 50
The Finale
Author's note
#MyWattysChoice

CHAPTER 34

519K 8.7K 443
Da Whroxie


Hey Yamara my dear, ito na extra ka na dito.

______________________
Pagkatapos ng nangyari sa beach resort,  agad na umalis si Cassandra, mabuti na lang at hindi pa nila nailalagay sa closet ang mga damit nila kaya binuhat na lang nila, kahit tulog na si Gelo byenahe pa rin niya. Nag-pahatid na lang siya kay Miguel at dito sila tumuloy sa bahay ng mga magulang niya. Masyado talaga siyang nasasaktan sa nangyayari sa kanila ni Iñigo,  nalalabuan talaga siya ng husto sa mga ginagawa nito. Ito siya ngayon nakaupo sa beranda at nakatingin sa kawalan.

"Andra" Nilingon niya ang tumawag sa kanya.

"Dad" Umupo ito sa kaharap na upuan kung saan siya nakaupo. Tinaas nito ang isang newspaper, takang kinuha naman niya ito at tinignan.

"Oh my!" Halos lumuwa ang mata niya dahil sa balita at mga pictures niyang nakabalandara dito, throughout her life ngayon lang siya nabalita sa isang newspaper.

Kuha ang mga pictures sa beach at kahapon lang yon, lahat ata ng eksena na nangyari sa beach ay nasa newspaper na, pati si Gelo nadamay na din. Ayon sa balita siya ang dahilan kung bakit nag-kakalabuan si Martina at Iñigo dahil siya ang babaeng nabuntis ni Iñigo noon, at ngayon sinasabi na nag-hahabol siya at gusto niyang panagutan siya ni Iñigo.

Ayon naman sa isang writer, siya naman daw ngayon ang kinahuhumalingan at pinag-aagawan ng dalawang most eligible bachelor in the country. May pictures pa na magkahawak sila ni Miguel ng kamay at hinila siya ni Iñigo. 

"Grabe! Ang lumapit ng mga paparazzi dito, akala ko sa hollywood lang ang may ganito." Tumingin siya sa daddy niya, napapikit siya dahil 'yong titig nito mukhang maraming nakalistang tanong.

"So.." Napabuntong hininga siya kahit 'so' palang ang naririnig niya mula dito,  baka masermon na naman siya nito dahil nakakaladkad na naman ang pangalan nito sa kahihiyan.

Hindi pa rin niya nasasabi sa mga magulang niya ang tungkol kay Iñigo. Nilapag ni Cassandra sa bilog na salaming lamesa ang newspaper na hawak niya bago sumagot.

"Dad, that is not the entirely true. Some.... but  not all."

"So, which is true?" Hindi siya sumagot.

"Is that Inigo Galvez is a father of Gelo?" Tumitig siya mata ng daddy niya at tumango.

"Siya ang lalaking ng iwan at nangloko sa 'yo?"

"Dad no. not that! he didn't know that I was pregnat." Hindi na niya balak pang sabihin na aksidente lang ang pag-kakabuntis niya, mas nanaisin na lang niyang isipin nito na na buntis lang siya ng naging kasintahan niya.

"CEO yan ng Galvez group of company, nag karelasyon pala kayo niyan? Bakit hindi mo sinabi yan noon? Noon pa man laman na yan ng mga balita dahil sa pagiging babaero niyan."

Malay ko! Hindi ko siya kilala noon.. -Kung malamang lagi siyang sumama sa mga party na dinadaluhan ng magulang niya possibleng nakilala niya si Iñigo.

Hindi rin siya magtataka kung kilala ito ng mga magulang niya dahil kilala naman talaga ito ng halos lahat, ewan ba niya kung bakit siya lang ang hindi nakakakilala dito. Siguro dahil wala siyang ibang interest maliban kung may kinalaman sa interior designing.  Kahit mga magazine, binabasa lang niya  pag tungkol sa arts.

"Nakatira ka sa kanya ngayon?"Tanong nito, dahil nasa balita din yong tungkol sa pagtira  niya kila Iñigo.

"For Gelo dad, iniiyakan niya ako eh, he wants his father."

"Hindi ba 'yon makakasama sa apo ko Andra?" Nagtatanong ang mata niyang tumitig sa daddy niya.

"A broken family. He has girlfriend and soon they will get married, and you will have your own as well. Kawawa ang bata niyan." Napaisip si Cassandra at napasandal. Kawawa nga ang anak niya, umaasa ito na magiging happy family sila na impossible naman mangyari. Naiisip pa lang niyang masasaktan si Gelo naiiyak na siya.

"Mommy" Naangat niya ang ulo niya mula sa pagkakasandal ng marinig si Gelo.

"Yes baby? come." Lumapit ito sa kanya at hinagkan niya ang noo nito.

"When are we  going home? I miss daddy. Sabi ni daddy matagal tayo sa beach." Naawa siya bigla sa itsura ng anak niya, para na itong iiyak. excited pa naman ito kanina pag-gising dahil akala nito nasa resort pa sila, pero bigla na lang 'tong umiyak ng pag-labas ng kwarto nasa  bahay sila ng lolo at lola niya.

"Gelo, Come to lolo." Lumapit naman ang bata dito.

"Mamaya mag-swimming tayo sa pool, wag ka na ma-sad. ayaw mo ba kay lolo at lola?"

"Gusto po."Sagot nito sa mahinang boses.

"smile na" Ngumiti naman si Gelo pero malungkot pa rin ang mukha nito. Tumingin uli sa kanya ang daddy niya.

"Anyway Andra, can you attend the party on my behalf."

"Party dad? Mga business associates po ba ang dadalo?"Agad niyang tanong sa halip na tanungin kung anong klaseng party.

"Yeah" Napangiwi siya sa sinabi ng daddy niya, sa totoo lang ayaw niyang sumasama sa mga party na pinupuntahan nito noon. Boring ang ganoong party para sa kanya, nakaka-antok, parang prayer meeting ito sa kanya.

"It might help you. Marami kang makakilala doon na pwede mong maging client." Napangiti siya sa sinabi nito. Tanggap na talaga nito kung ano ang gusto niya at ngayon sinusuportahan pa siya.

"Kelan po ba 'yon?"

"Tonight"

"Tonight! Dad naman, agad-agad."Bulalas niya.

"Lastweek pa dumating ang invitation. Ang mommy mo kasi masama ang pakiramdam, nakakahiya naman kay Mr. Yap kung  walang dadalo."

"Anong klaseng party po ba yan? And who's Mr. Yap?"

"Wedding Anniversary ng mag-asawa. Hindi mo sila kilala, ayaw mo naman kasing sumasama sa party noon eh."

"Tss. Bakit kailangan talaga ng engrandeng party sa mga ganyan? Hindi na lang sila mag - celebrate ng sila lang, candlelight dinner,  mas romantic 'yon." Natawa ng mahina ang daddy niya.

"Ganoon talaga ang mundo ng mga business men."

"Yeah right!  Para mas makilala ang pamilya at para  ipasikat na mayaman sila." Ngumiti siya sa daddy niya dahil tumaas ng bahagya ang kilay nito.

"Just an opinion." Nailing na lang ang daddy niya sa sinabi niya.

"I think Miguel will come to attend too. Tatawagan ko, para sama na lang kayo."

"Kilala din ni Miguel?"

"Andra, isa lang ang mundong ginagalawan  namin."Tumango na lang siya.

"But dad, wag mo akong sisihin kung mapahiya ko kayo, alam mo naman wala akong alam sa pakikipag-mingle sa mga business men, lalo kung pag-uusapan tungkol sa mga boring businesses."

"Less talk, less mistakes,  daanin mo na lang sa charm mo, katulad ng ginawa mo kay Miguel. Ahaha!" Nangunot ang noo niya sa sinabi ng daddy niya, dahil tumawa pa ito ng malakas, pero napangiti na rin siya, dahil mukhang nag-bago-bago na ito mula sa pagiging seryoso, nahahawa na siguro ng kakulitan ni Gelo.

"Dad talaga."Tangi niyang nasabi.

"Hay Cassandra,  whenever you like or not, ikaw ang mag tutuloy ng negosyo natin." Hindi na umimik si Cassandra,  wala naman talaga siyang choice dahil siya lang ang inaasahan ng daddy niya,  kaya iniisip na rin niyang pag-aralan ang field ng business nila. Alam niya kasi kung gaano ito ka-importante sa magulang niya, lalo na sa daddy niya. Lalo na sa kanya dahil gawa ng kompanya nila ang paboritong instant coffee na iniinom niya.

**

Nang-malaman ni Iñigo na nag-check-out na sila Cassandra kagabi, umuwi na rin siya, sinama na rin niya at hinatid si Martina sa bahay nito. Halos wala din sila nitong imikan habang nasa byahe, pero pag hatid niya dito at bago ito bumaba sa sasakyan niya, humingi naman ng tawad sa kanya si Martina at tinananggap naman niya ang pag-hingi nito ng tawad. Nasabi na rin nito sa kanya kung paano nito nalaman ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Cassandra noon.

Tuloy-tuloy na naglalakad si Inigo sa pasilyo ng building nila, diretso ito sa opisina ni Mathew, ngiti lang ang sinagot niya sa secretary ni Mathew na bumati sa kanya, pumasok siyang hindi kumakatok sa opisina nito at pabagsak siyang umupo sa tapat ng desk nito.

"Dude akala ko nasa outing ka?" Tanong ni Mathew na tumigil sa ginagawa.

"Umuwi sila Andra eh." Napapalo pa ito sa table. 

"Ano na naman ang nangyari? Akala ko ba pag-balik niyo magiging okay na ang lahat. Anong kapalpakan  ang ginawa mo naman? T*ng-inang buhay mo yan hindi kana naubusan ng problema ah." Napasandal pa si Matthew na parang apektado na rin sa nang-yayari sa buhay ng kaibigan niya.

"Magiging okay na kami pag-nakapag-paliwanag na ako. Kaya kailangan ko siyang makausap, kaso ang problema hindi ko alam kung asan siya." Nag-punta siya sa bahay ni Cassandra pero wala doon, nag-punta rin siya sa opisina nito pero wala naman masabi sa kanya si Vera kung asan ito makikita.

Kahit si Aiken na nasa Singapore parin tinawagan niya para itanong kung saan pwedeng mag-punta si Cassandra, pero wala rin itong masabi. Alam na rin naman nito ang tungkol sa kanya. 

"Kahit si Aiken tinanong ko walang masabi, namura pa tuloy ako. Akala kung may ginawa na naman ako kay Andra eh." Natawa ng malakas si Matthew sa sinabi niya.

"Ano ba kasing nangyari?" Natatawang tanong nito.

"Si Martina." Nilahad nga niya sa kaibigan ang mga nalaman niya, napa-iling na lang si Matthew sa nalaman.

"Adik din 'to si Martina. Wag mo na nga munang isipin yan, sumama ka na lang sa party mamaya. Nandito ka na naman eh." 

"Wag na dude wala ako sa mood para makipag-party."

"Sige na sumama ka na. Si dad kasi kailangan ko daw pumunta, kung ako lang ayaw ko naman eh. Pupunta din naman sila tito diba?" Hindi na umimik pa si Inigo.

***

Dumating si Iñigo at Matthew sa isang hotel kung saan idaraos  ang event na dadaluhan nila. Pag-pasok palang nila ng ball room, agad ng may mga nag-flash na ilaw galing sa mga camera at kinukuhanan sila.

"Langhiya, ito na nga ba ang sinasabi ko, expose na naman ang ka-gwapuhan ko nito." Sabi ni Matthew at inayos pa ang suit na suot nito. May mga lumapit na reporter sa dalawa.

"Mr. Iñigo Galvez, totoo ba ang balita na nag-kakalabuan kayo ni Ms. Martina Kate dahil sa pag-hahabol ng babaeng nabuntis mo daw." Tanong ng isang reporter.

"Good luck dude, mukhang tatad-tadin ka ng tanong dito." Bulong ni Matthew sa kanya.

"Excuse me guys, babatiin ko lang muna sina Mr. And Mrs. Yap, mamaya ko na sasagutin ang mga tanong niyo." Umalis si Iñigo at Matthew at lumapit sa mag-asawang Yap.

"Oh! The two of the most eligible bachelor in town. Mukhang maraming reporter sa party namin dahil sa 'yo Iñigo." Agad na sabi ni Mr. Yap sa kanya at nakipag kamay siya dito.

"I'm sorry Mr. Yap, but don't worry I won't ruin your party." Natawa lang ito ng mahina sa sinabi niya, bumaling siya sa asawa nito.

"Mrs Yap. Happy anniversary." Bati niya dito at nakipag-beso. Gan'on din ang ginawa ni Matthew.

"My parents sent their apologies for not being here tonight." Pahayag ni Iñigo dahil hindi rin ang mga magulang nito nakadalo.

"Hi Iñigo,  Hi Matthew." Bati ng isang babaeng lumapit sa kanila.

"Oh it's Bettina right?" Tanong  ni Matthew na parang hindi sigurado.

"I'm not my ate, I'm Yamara. I'm prettier than her." May ikot pa ng matang sabi nito.

"Oh! The youngest heiress of Yap family." Tumango-tango ito.

"But you look like your sister."Dagdag ni Matthew.

"I'm not, why everybody says  that I look like her? I'm Yamara, gorgeous and fresh, but ate is old woman. Excuse me." Sabay talikod nito.

"Pasensya na kayo, she's brat." Sabi ni Mrs. Yap.

"I'm not brat mom." Sabi nito kahit papalayo na kaya nag tawanan na lang ang lahat.

"It's Martina." Sabi ni Mrs. Yap na nakatingin sa may Entrance.

Kasama nito ang mga magulang at pinag-kakaguluhan ng reporter, hula ni Iñigo tungkol sa kanila  ang mga tinatanong nito.  Nakita siya nito, at agad na nag-paalam sa mga reporter at lumapit sa kanila. Binati muna nito ang mag-asawang Yap bago bumaling sa kanya.

"Hi Iñigo." Bati nito.

"Hi" Nag-beso ang dalawa na may ilang. Binati rin niya ang mga magulang nito at nag-paalam din muna para lapitan ang nakitang ibang kakilala.

Lumapit ang mga reporter na hindi na nakapag-pigil pa, dahil takam na takam sa scoop na makukuha tungkol sa kanila.

"Ms. Martina, Mr. Galvez, paki-sagot naman po ang mga tanong namin please. Kahit isa man lang sa tanong namin." Sabi ng isang reporter.

"Guys! Excuse me!" Natigil ang mga reporter sa pagkakagulo sa biglang pag salita ng isang magandang babae. Tsinita ito, matangkad at fair complexion. Lumapit ito sa gawi nila at medyo hinawi ang mga reporter.

"Guys,  I think this is not the right time for you to make an interview with them, because it's my parents' party, naagawan sila ng scene." Sabi nito. Bumaling ito kay Martina.

"I'm sorry Martina for this, sana naman wag mag-bago ang isip mong maging model ng clothing line ko dahil dito." Hindi na nakasagot pa si Martina sa sinabi nito ng mag-salita uli ang reporter.

"Isang tanong lang Mr. Galvez, totoo bang may nabuntis ka at nag-hahabol sa 'yo ngayon kaya kayo nag kakalabuan ni Ms. Martina." Alam niyang hindi siya titigilan ng mga reporter, at si Cassandra ngayon ang nag mumukhang kontrabida sa kanila ni Martina.

Kahit ayaw niyang pag-usapan siya at pag-pyestahan ng mga tsimosong reporter, wala siyang magagawa dahil sa sikat si Martina.  Tinaas niya ang kamay niya at ginalaw ang mga daliri para palapitin ang isang reporter na nag-tanong. Agad naman itong lumapit sa kanya at tinapat sa bibig niya ang isang recorder.

"Martina and I were over more than a year ago. Walang kinalaman si Cassandra dito." Yon lang ang sinagot niya dito.

"Si Miguel Montecillo at Cassandra Lopez." Sigaw ng isang reporter at lahat ng mata nabaling sa may entrance. 

Nakita niya si Cassandra na naka-angkla ang mga kamay sa braso ni Miguel, nakasuot ito ng eleganteng mini dress, dewy make-up and updo hairstyle.

Agad itong nilapitan ng mga reporter, nakita niyang biglang nagulat si Cassandra ng dumugin ito ng mga reporter, nakita niya kung paano itong kumapit ng husto sa braso ni Miguel at agad namang hinawakan ni Miguel ang kamay nito.

"Hay naku ate Bettina! Ayan kasi, nag-invite ka pa ng mga reporter. Hindi naman ikaw ang pinag-kakaguluhan." Sabi ni Yamara na bigla na lang sumulpot sa kung saan.

"Shut up Yamara. Isang reporter lang ang in-invite ko para sa collection ko." Singhal nito sa kapatid.

**

Pag-pasok ni Miguel at Cassandra sa ballroom gulat na gulat ito ng dumugin siya ng reporter, maraming kumukuha ng larawan sa kanya. May mga tinatanong ang reporter na hindi niya maintindihan kung ano, dahil sa sabay-sabay itong nag-sasalita.  Napakapit na lang siya ng husto sa braso ni Miguel, hinawakan ni Miguel ang kamay niya at giniya siya nito sa kung saan, nakayuko na lang siyang nag-lakad.

Huminto si Miguel sa pag-lalakad kaya napahinito rin siya, pero nanatili siyang nakayuko,  bahagya siyang lumingon sa likod niya para tignan ang mga reporter na hinarang na ng mga security, pero tuloy-tuloy  sa pag-kuha ng larawan ang mga kasamang camera man.

"And this Cassandra Lopez." Narinig na lang niyang sabi ni Miguel kaya humarap siya dito at nag-angat ng mukha.

Nagulat siya ng makita ang mga matang nakatingin sa kanya, expression less, hindi niya maintindihan ang iniisip nito. Parang galit na parang hindi naman, may pananabik din sa mata nito.

Anong ginagawa niya dito? Tsk. Bakit hindi ko naisip na pwedeng nandito  siya?-sa isip niya.

"Where's my son?" Tanong ni Iñigo sa kanya. Hindi niya ito sinagot sa halip binaling niya ang mata sa ibang taong nandoon.

Pero ang lahat ay tumingin kay Inigo dahil sa tanong nito. Nagtama naman ang mata nila ni Martina na hindi umaalis sa tabi Inigo kahit wala na ang magulang nito, binigyan siya nito ng intimidating look, pero hindi siya nag pasindak dito. Sinalubong niya ang titig nito.

"Cassandra they're Mr and Mrs. Yap." Sabi ni Miguel, tsaka siya bumitaw ng tingin dito at bumaling sa mag-asawa.

"Good evening po, I'm Cassandra Lopez, the daughter of Louie and Selina Lopez." Pakilala niya dito.

"Nice to meet you hija." Nakipag-kamay si Mr. Yap dito at nag-beso naman sila ni Mrs. Yap.

"Tumawag nga si Louie kanina na hindi siya makakarating at sinabing ikaw ang dadalo." Ngumiti lang siya sa sinabi ni Mr. Yap.

"Lagi naman kaming uma-attend ng party with your parents,  but I haven't seen you around before." Sabi ni Mrs. Yap

"Noong high school day ko po ako madalas kasama, pero n'ong college day, minsan na lang at tuwing kasama naman ako, nag-tatago lang ako sa isang sulok at kumakain. Kaya po siguro hindi niyo ako nakikita." Natawa ito sa sinabi niya.

Totoo naman ang sinasabi niya, siguro sa sampong party na dinaluhan ng magulang niya dalawa lang ang nasamahan niya. Lahat ata ng dahilan sinasabi na niya para lang hindi siya pilitin na sumama.

"Anyway they're are my daughters. Bettina, the eldest, she's fashion designer. And Yamara my youngest-"

"A super model to be." Putol ni Yamara kay Mrs. Yap at nilahad nito ang kamay. Natawa na lang ang magulang nito dito, tinanggap naman ito ni Cassandra.

"Nice to meet you." Nakipag-kamay din siya kay Bettina.

"So, You're Cassandra. ikaw yung nabuntis ni Inigo?" tanong ni Bettina.

"Mr. and Mrs Yap. Excuse us first,  puntahan lang namin sila dad." Biglang sabi ni Miguel para iiwas si Cassandra sa mga tanong, tumingin si Miguel kay Cassandra.

"Let's go Cassy, ipapakilala kita kila dad, they're dying to meet you." Nagpaalam lang siya sa mga ito, pero hindi niya tinignan si Iñigo. Tumingin siya kay Martina, nag-naangat lang ito ng husto ng mukha habang naka-tingin sa Kanya. Giniya na siya ni Miguel palayo.

**

Mga isang oras na silang nasa party, sinubukan ni Iñigo na lumapit kay Cassandra pero agad itong umiiwas na halatang ayaw talaga siyang makausap. Kaya wala siyang nagawa kundi sundan lang ito ng tingin, habang mag-isa siyang nakatayo sa cocktail table at hawak ang isang kopeta na naglalaman ng alak. Si Matthew naman ay kausap ang ibang business associates kasama ang magulang nito.

"Kailangan mo akong kausapin Cassandra sa ayaw at sa gusto mo." Inubos niya ang laman ng kopetang hawak niya.

Bigla naman pumailanlan ang tugtugin sa buong ball room, isang mellow music. Nakita niyang hinawakan ni Miguel ang kamay ni Cassandra at giniya ito papunta sa gitna, mukhang isasayaw nito. Hinawakan ni Miguel si Cassandra sa bewang nito at nilagay naman ni Cassandra ang mga kamay sa balikat nito. 

*

Habang nag-sasayaw si Miguel at Cassandra, titig na titig naman si Miguel sa kanya na ikinailang ni Cassandra.

"Miguel stop staring at me, it's awkward." saway niya dito, pero hindi pa rin nito inalis ang mata sa kanya.

"Andra" Bigkas ni Miguel sa pangalan niya.

"About sa sinabi ko sa 'yo. Na-gusto kong manligaw."

"Miguel, mabait ka, lately nakikita kong ibang-iba ka naman sa una kong pag-kakakilala ko sa 'yo." Simula ni Cassandra.

"Pero magiging unfair sa 'yo kung papayagan kitang manligaw, if..." Medyo tumigil siya sa pag-sasalita na medyo nag-alangan.

"If I still love Iñigo, and we're living under the same roof." Medyo ngumiti si Miguel, pero kita sa mukha na medyo nalungkot ito sa sagot niya.

"Maybe in time, mag-aantay ako pag handa ka ng mag-paligaw." Ngumiti na rin si Cassandra.

"Bakit ang ganda mo sobra?" Sabi nito habang titig na titig na naman sa mukha niya.

"Hindi naman, bolero ka lang masyado."

"Hindi ah, hindi mo ba nakikita ang mga taong nandito sa party? They're all staring at you, mapa-lalaki man o mapa-babae." Medyo nilibot nga ni Cassandra ang paningin niya, bigla siyang nailang dahil may mga mata ngang nakatingin sa kanya.

"Baka pinag-ti-tsismisan lang ako ng mga yan dahil sa pagiging dalagang ina ko. Or Maybe, naiinggit sila sa 'kin dahil kasayaw ko ang gwapong katulad mo." Medyo natawa si Miguel sa sinabi niya at maging siya ay natawa din.

"Hindi siguro, baka ako ang kinaiinggitan nila dahil kasayaw ko ang isang endangered specie." Napalakas ang tawa ni Cassandra sa sinabi ni Miguel at pinalo pa  niya ito sa dibdib.

"Anong klaseng specie naman kaya ako? Abir!" Mas nilapit pa ni Miguel ang sarili dito, ang mga bisig nito ay tuluyang pinulupot sa mga bewang niya, bigla namang nailang si Cassandra kaya bahagya niyang nilayo ang upper limb niya dito. Napangiti naman si Miguel sa naging reaksyon niya.

"Do I make you nervous?" He asks and smile, more of like smirk.

"No, nakakailang lang. Kaya pwedeng bitawan mo ako." Ngumisi lang si Miguel.

"Tignan nga natin kong kaya kitang pakabahin." Nilapit  ni Miguel ang mukha niya sa mukha ni Cassandra.

"Miguel" Saway niya dito at napapikit siya dahil sa sobrang lapit na ang mukha nito, naramdaman na lang niyang inihipan nito ang ibabang bahagi ng mata niya, kaya unti-unti siyang dumilat. Naka-ngiti at sobrang lapit pa rin ng mukha nito sa kanya.

"Fallen eyelash." Halos pabulong nitong sambit.

Pero laking gulat ng dalawa ng bigla na lang may humawak sa braso ni Cassandra at tinulak ng malakas si Miguel, muntik-muntikan itong masubsob.

Kahit ang mga tao na nandoon gulat na gulat din sa eksena, muli naman nag-kagulo ang mga reporter at camera man na kanina pa nag-aabang ng magandang mangyayari. 

Hinila ni Iñigo si Cassandra na hindi pa man nakaka-babawi sa gulat, hinila niya ito palabas ng ball room. Agad namang humarang ang mga reporter sa kanila at nag-simula na naman mag-tanong.

Huminto si Iñigo para harapin ang mga ito. Inakbayan nito si Cassandra.

"Cassandra and I are officially together, we just had a little misunderstanding recently kaya ganito ang nang-yayari. So please,  wag niyo siyang gawan ng kwento na ikakasira niya." Napabuntong hininga ito bago nag patuloy.

"Hindi siya ang nag-hahabol sa 'kin, ako ang nag-hahabol sa kanya. And I'll do everything to win her back." bahagyang tumingin si Iñigo kay Cassandra na nakatingin din sa kanya. Muli siyang humarap sa mga reporter.

"Mahal na mahal ko ang ina ng anak. At siya lang ang mamahalin ko." Pagkasabi niya n'on, muli niyang hinila si Cassandra hanggang sa makalabas ng hotel.

"Iñigo sandali nga, anong palabas na naman ba yon?" Hindi siya pinansin nito, tuloy-tuloy lang ito sa pag-lalakad habang hawak ang kamay niya. Pakiramdam niya bibigay na ang tuhod niya dahil sa taas ng heels niya.

"Iñigo sandali nga masakit na ang paa ko." Huminto si Iñigo at agad siyang binuha nito, napakapit na lang siya sa balikat nito.

Hindi na umimik si Cassandra, napatitig na lang siya sa mukha nito habang nag-lalakad ito. Narating nila ang parking lot at doon siya binababa ni Iñigo,  kinuha nito ang remote key control para i-unlock ang kotse, agad niyang binuksan ang passenger seat.

"Sakay" Hindi kumilos si Cassandra,  kaya hinawakan ni Iñigo ang ulo nito gamit ang isang kamay. Sumakay na lang si Cassandra at agad naman sumakay si Iñigo sa driver seat at pinaandar agad ang sasakyan.

Biglang tumunog ang cellphone ni Cassandra na nasa clutch bag, kinuha niya ito at agad na sinagot ang tawag.

"Yes Miguel?"

"Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. Tawagan na lang kita mamaya." Tinignan lang ito ni Iñigo sa gilid ng mata niya. Hanggang sa marating nila ang isang condominium,  agad niyang pinasok ang sasakyan sa parking lot.

Agad siyang bumaba at pinag-buksan niya si Cassandra,  agad naman bumababa si Cassandra at hinawakan ni Iñigo ang kamay niya at hinila uli, wala na itong nagawa kung hindi ang sumunod na lang. Pumasok sila ng condominium at tumuloy sa elevator, pagpasok at pagkasarang pagkasara ng pinto ng elevator tsaka siya binitawan ni Iñigo.

"Iñigo saan ba tayo pupunta? Kaninong place ba 'to?" Hindi umimik si Iñigo.

"Iñigo kung tungkol 'to kay Gelo, hindi ko siya ilala--" Naputol ang sasabihin ni Cassandra sa gulat ng bigla siyang ipasandal ni Iñigo.

Tinukod nito ang isang braso sa gilid ng ulo niya at ang palad naman nito nakalapat sa kabilang gilid ng ulo niya. Napalunok na lang si Cassandra dahil amoy na amoy niya ang hininga nito na medyo amoy alak. Halos idikit ni Iñigo ang ilong niya sa ilong ni Cassandra.

"Mag-uusap tayo, hmm! Wag na wag mo akong subukang takasan uli, kung hindi, I'll no longer hesitate to tie you." Dahan-dahan pero may diin ang bawat katagang bigkas nito sa nga salita.

"I'm a gentleman, but I can be a monster too, it depends on you."  Napawaang ng bahagya ang labi ni Cassandra sa sinabi ni Iñigo, pakiramdam niya kailangan niya ng hangin. Hindi niya lubos maisip kung paano ito maging halimaw.

"So ikaw ang mamimili if what would you want me to be. Do you understand?"

"Okay" Halos hangin lang ang lumabas sa bibig ni Cassandra at halos idiin niya ng husto ang likod ng ulo niya sa nasasandalan niya.

---------------------------------------------------------

Cut ko muna dito, masyado ng mahaba kaya ginawa ko na lang chapter 35 ang kasunod nito..

Continua a leggere

Ti piacerà anche

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.1M 889 1
Rafa Armand Castro. CEO of his own company. Billionaire. Powerful. All-time playboy. And handsome - extremely handsome. Geneva Garcia The normal empl...
Game Over Da beeyotch

Storie d'amore

720K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2K 206 13
This summer is something Camilla wants to avoid. In addition to catching up with pals in the Philippines, Camilla plans to attend a debutante celebra...