Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 51

56K 2.8K 536
By DemLux_Pain

HEAVENHELL'S POV


Nahugot ko ang lakas ko at agad na tinulak palayo sa'kin si Javier nang makita ang reaksyon ng dalawa. Hindi ko naman sila masisisi dahil kahit sinong makakakita ng posisyon namin kanina ay mag-iisip ng masama. Hayys! Ang sakit nila sa ulo.


"He--Heavenhell, y--you?" Hindi makapaniwalang tumingin sa'kin si Lorraine habang si Janice naman ay mababakas din ang gulat sa kaniyang mukha.


"H--help me! Hi--hindi ko alam kung anong ginawa ko sa lalaking 'to at bigla-bigla na lang nandidiin sa pader." naiiyak kong sabi. Nang makita na hindi sumabat si Javier ay agad akong tumakbo papalapit kay Lorraine at nagtago sa likod nito na para bang takot na takot.


"Brother, what do you think you're doing? She's our friend!" seryoso na sabi ni Janice sa kuya niyang mukhang walang pakialam sa nangyayari ngayon. Kung umasta nga siya ay para bang wala siyang ginawang masama sa'kin!


'Pero teka nga, kailan pa kami naging magkaibigan? Bakit wala akong alam?'


"I see."


Napapoker face na lang ako sa narinig. Kakaiba na talaga ang mga sira sa utak ng mga male characters ng nobelang 'to! Parang patagal nang patagal ay lalong nagiging weird ang mga nangyayari kaya wala naman akong magawa kung hindi ang makisakay.


"Apologize to her, brother." naiinis na sabi ni Janice kay Javier na prente lang na nakasandal sa pader na kanina naming pwesto. Bored na lumingon sa'min ang animal atsaka ako tinignan kung saan ako nakatago sa likod ni Lorraine.


"Why would I do that? That's her punishment." malamig nitong sabi na kinakunot ko ng noo. My punishment? For what?


"Tsk! May ginawa ba siya sa'yo para isandal mo siya sa pader? This is so not you, brother." seryoso naman na sabi ni Janice. That's right, girl! He's really not like this!


Normally, kapag may ayaw siya sa isang tao ay awtomatiko niya itong papatayin para burahin sa mundo. See? He's so brutal! Pero ano bang pakialam ko? Ang mahalaga ay buhay pa rin ako hanggang ngayon.


"Yeah, but I will not say anything." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagsimula na siyang maglakad pero hindi pa siya nakakalayo nang lumingon ulit siya at tumititig sa'kin.


"Let's meet again sometimes, Ms. Caventry." nakangisi nitong sabi atsaka nagpatuloy na sa paglalakad.


Napalunok na lang ako sa sinabi niya. Alam ko kasi na nakuha ko ang atensyon niya dahil sa ex-fiance ako ni Vile at wala ng iba.


Damn! Ayoko mang aminin pero talagang gwapo ang animal, yung tipong kahit sinong makakakita ng pamatay niyang ngisi ay mai-inlove. Mabuti na lang talaga at nabasa ko ang nobela kaya alam ko kung anong kasamaan ang pinaggagawa ng character niya.


Isa akong sira-ulo kung makakagusto ako sa kaniya no! Tsk! Actually, wala akong type sa mga characters kaya safe ako mula sa kanilang kagwapuhan bwahahaha! Ehem! Sige, Carnelia magsinungaling ka lang!


"Please forgive my brother. He's crazy and I find it difficult to fix him." seryosong paumanhin sa'kin ni Janice na kinangiti ko na lang. This is the unique characteristic that I like about her in the novel.


"It's okay, don't worry about it." Since I know how crazy your brother can get...


"W--wait, your neck is bleeding, Heavenhell. Let's go to the hospital." seryoso na sabi ni Janice habang nakatingin sa leeg kong may panyo.


Paano niya kaya nalaman na dumudugo 'to ganitong sobrang dilim sa third floor at kulay itim ang panyo. Like duh? Gaano ba kalinaw ang mata niya at pati 'to nakita niya pa? Is this part of their training, huh?


"It's just a small scratch, by the way, I need to go." sabi ko na lang at akmang aalis na nang bigla akong harangan ni Lorraine. Aish! Balak ko pa namang tumakas sa interrogation session kuno nila para naman makaiwas sa sakit ng ulo.


"Hea--Heavenhell, this is for you." nahihiyang sabi ni Lorraine habang nakayuko. Inabot niya sa'kin ang paperbag na sa tingin ko ay binili niya sa store.


"Sorry, but who are you?" nagtataka kong kunwaring tanong. Hindi kasi siya naka-disguise ngayon kaya hindi ko pwedeng tawagin siyang Lorraine dahil magtataka sila kung paano ko nalaman kung sino siya.


"It--it's me, Lorraine and this is my real self. I want to say sorry for deceiving you, Heavenhell but I really want to be your friend." malungkot na sabi niya na kinaiwas ko na lang ng tingin. Masiyado kasi siyang mukhang anghel at sa itsura niya ngayon ay parang ako pa ang nang-aapi sa kaniya.


"I see, so you're Lorraine. Don't worry, I understand you since we all have secrets that we want to keep." nakangiti kong sabi na kinangiti niya na rin. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko atsaka excited na nagsalita.


"So, we're friends now right?"


"Hmm..." Tinanguan ko na lang siya at baka umiyak na naman siya edi kasalanan ko pa. Geez!


"Hey, Janice say something!"


Napalingon ako kay Janice nang marinig ang sinabi ni Lorraine at doon nakita siyang naka-crossed arms habang nasa malayo ang tingin.


"I'm sorry about what I've said to you last time. I hope we can also be friends." seryoso nitong sabi atsaka lumingon na sa gawi ko.


"It's okay. Alam ko naman na concern ka lang kay Lorraine at naiintindihan ko 'yon."


"Yey! I'm glad that we're all friends now!" masaya na sabi ni Lorraine bago sabay kaming hinila papunta sa elevator. Mukhang magkahiwalay kaming uuwi ni Pira ngayon dahil kailangan ko munang takasan ang dalawang 'to.


Hindi kasi bagay ang kabaitan nila sa kasamaan ko kaya kapag nalalapit ako sa kanila ay feeling ko ay makasalanan ako. Geez! Kung pwede ko nga lang silang tanggihan ay ginawa ko na, kaya lang baka naman makarating 'to kay Lawrence at Javier tapos isipin pa nila na binubully ko ang mga kapatid nila.


"Heavenhell, paano ka nga pala nakapunta sa third floor? Hindi ba't bawal ang mga customers dito?" nagtatakang tanong ni Lorraine.


"Naglilibot-libot lang ako at balak mamili ng bagong damit, kaya lang hindi ko namalayan na ang napindot ko pala sa elevator ay ang third floor imbes na second floor." kalmado kong pagpapaliwanag.


Mukha namang naniniwala ang dalawa sa pagpapalusot ko dahil nakita ko silang tumango. Aish! Ang bilis naman nilang mauto dahil hindi na sila nagtanong ulit.


"Pasensya talaga sa nangyari kanina, Heavenhell. Ganoon lang talaga ang kuya ni Janice kahit ako ay natatakot ehh. By the way, sigurado ka ba na hindi masakit ang leeg mo?" nag-aalalang tanong niya habang nakatingin pa rin sa'kin.


"Huwag kang mag-alala dahil hindi naman talaga masakit. Sigurado ako na mawawala din 'to sa susunod na araw."


"I'm glad that you're okay." seryosong singit ni Janice. Nagulat ako sa pag-aalalang pinapakita nila sa'kin na para namang matagal na kaming magkakakilala.


'Ganito ba ang feeling ng may kaibigan ka? Hindi ko kasi alam since ito ang unang beses na magkaroon ako ng kaibigan. Geez! Kawawa naman pala ako at ang lungkot ng kabataan ko."


"*Coughs* Thank you for your concerns but I'm really okay. Ahm... You see, I need to go now since my dad called me a while ago and he wants to talk to me about something." pagpapaalam ko sa kanila.


Actually, gusto ko lang talaga na makaiwas sa awkward na atmosphere na 'to. Hindi kasi ako sanay na may nag-aalala sa'kin dahil mula bata ako ay pinalaki na ako nila daddy na independent. Noong eighteen nga ako ay pinatira na ako ni daddy sa isa naming bahay na walang katulong para daw masanay akong mag-isa at hindi umasa sa iba.


'See? Kitang-kita mo talaga kung gaano ako kamahal ng parents ko.'


Sa sobrang pagmamahal nila ay nakalimutan nilang kailangan ko ring matutong makipag-usap sa iba kung ayaw kong mabuhay mag-isa. My gosh! Kung hindi lang ako magaling umarte at magsinungaling ay siguradong hindi ako makaka-survive sa mundong 'to. Aish!


Nang makarating kami sa first floor ay tsaka ako nagpaalam sa kanila. Balak pa nga sana nila akong ihatid kaya lang alam ko na kasama nila yung dalawa nilang kuya. ayoko nga na pati si Lawrence ay dumagdag pa sa problema ko. Ayon pa naman sa novel ay baliw din ang isang 'yon.


"Sigurado ka ba na hindi ka na sasabay sa'min, Heavenhell?" nag-aalalang tanong ni Lorraine.


"Yeah, I brought my car here so I'll drive." nakangiti kong sabi bago kumaway sa dalawa.


Nang makapagpaalam ay agad akong tumalikod at nagmadaling pumunta sa kotse ko habang hindi pa lumilitaw ang dalawa nilang kuya. Mahirap na at baka sumabak na naman ako sa giyera with Javier.


Sumakay ako sa kotse at nag-text kay Pira na magpaalam na kay Chiara dahil uuwi na kami. Balak ko sanang iwan si Pira kaya lang naisip ko na baka magtaka sa'kin ang mga katulong kapag hindi nila nakitang kasama ko siya sa pag-uwi. Lalo pa't sa panahon ngayon ay nakatutok ang atensyon sa'kin ni Lord Caventry dahil sa bulletproof vest na niregalo ko sa kaniya.


Napangisi na lang ako nang maisip ang maaaring reaksyon niya kapag sinabi ko sa kaniya ang planong naiisip tungkol doon, lalo pa't hihingi ako five percent ng profit ratio na paghahatian ng dalawang pamilyang involve sa plano ko.


Like duh? Alam ko kung anong magiging impact ng bulletproof vest sa business world at maging sa iba't-bang sektor ng Atlante, kaya hindi naman tama na hayaan ko lang sila na makinabang sa produkto na ako ang nasabi sa kanila.


Isa pa 't kailangan ko rin ng pera dahil marami pa akong nakapila na plano na kailangan ko nang masimulan sa lalong madaling panahon. Hindi ko kasi alam kung posibleng magkaroon ng malaking pagbabago ang takbo ng istorya ganoong marami akong binago magmula nang dumating ako sa mundo nila.


Kaya nararapat lamang na hindi ako magpakampante, lalo na't hindi ko alam kung anong saktong date ang pagdating ng female lead sa eksena. Basta ang alam ko lang ay ilang buwan mula ngayon ay lilitaw na lang siya bigla na siyang hudyat na simula na ng nobela.


"Milady, bakit uuwi na tayo agad? May nangyari ba?"


Napalingon ako sa kabute-este kay Pira nang bigla na lang siyang lumitaw sa may bintana habang nakasilip sa'kin.


"Dad called, we need to go home." sabi ko na lang at sumakay sa passenger seat. Napatango si Pira at dumiretso na sa driver's seat dahil siya ang magmamaneho ng kotse ko.


Tahimik lang ang buong biyahe habang ako ay nanatili lang na nakatingin sa labas ng bintana at tinitignan ang nagtataasang building sa Capital. Alas-nuwebe na rin kasi ng gabi kaya magandang tignan ang mga ilaw na nagmumula dito at pati na rin sa mga sasakyan.


Nakakarelax din pala na tumingin lang sa paligid at kahit papaano ay nakakalimutan ko yung mga problema ko. My gosh! Bente anyos pa lang si Heavenhell pero ang dami-dami ng problema kaya hindi nakakapagtaka na maaga akong tatanda.


Wala rin naman akong magagawa kung hindi ang harapin ang lahat dahil kahit ayoko na madamay sa kanila ay kusa na silang lumalapit sa'kin na para bang pilit nila akong sinasama sa nobela. Sa totoo lang? Kamatayan ba talaga ang ending ko dito? Nakakairita ahh!


"Milady, pwede ba kitang tanungin?" magalang na sabi ni Pira.


"Nagtatanong ka na nga ehh. Well, nevermind. Speak." sabi ko na lang.


"Bakit feeling ko may nag-iba sa inyo, milady?"


Napatingin ako sa kaniya nang marinig ang tanong niya. Hindi na din ako nagtaka na mapapansin niya yun dahil kasama ang lahat ng ginagawa ko sa mga plano ko. Ito lang ang dapat niyong tandaan, wala akong ginagawa na hindi kasama sa plano kaya lahat din ng reaksyon nila ay ini-expect ko na. *smirks*


"Let's just say that the people around me inspires me to change and nothing else." nakangiti kong sabi bago hindi na pinansin ang mga tingin niya. Hehe! Bahala silang mag-isip ng sarili nila dahil ayoko ng alalahanin pa pati sila.


Makalipas ang halos isang oras na pagbiyahe ay nakarating na rin kami sa Caventry's Palace. Agad kaming pinagbuksan ng guard ng mansiyon at magalang na yumuko bilang pagbati sa'kin.


Taas-noo akong bumaba ng kotse nang makita na agad kaming sinalubong ng ilan sa mga maid at butlers ng mansiyon, maging ang ilan sa mga Elite guards ay bumati din sa'kin nang makita nila ako. Kahit kasi na hindi sila pabor sa'kin bilang isang Caventry ay trabaho pa rin nila na batiin ako kahit pa na ayaw nila.


Bilang miyembro kasi ng Mafia Organization at A.R.F ay may karapatan akong pugutan sila ng ulo kung iinsultuhin nila ako. Shala diba? Lakas maka-ancient ang dating! Tinalo pa ang ibang reincarnation novels na nabasa ko sa Earth.


'Geez! Ang daming alam ng author ng nobela at mag panito pa, ako tuloy ang nahihirapan.'


"Welcome back, Lady Heavenhell." sabay-sabay na bati sa'kin ng mga maids nang makapasok ng main door.


Hindi ko na sila pinansin at diretsong umakyat sa kwarto ko para maligo. Kailangan kasi na presentable akong haharap kay Lord Caventry at nakakahiya naman sa mafia boss, diba? Tsk!


"Milady, it's ready. Take a nice warm bath and relax for a while." magalang na sabi ni Pira na nagpaalam kanina kung ihahanda niya na ba ang pampaligo ko.


"Alright, you may leave now."


"Yes, milady."


Pagkalabas niya ng kwarto ay tsaka naman ako pumasok ng banyo at mabilisang naligo. Tutal sobrang kinis at puti na rin naman nitong katawan ni Heavenhell ay hindi naman siguro kailangan na araw-araw akong magkuskos diba?


Baka kapag ako ang nagkuskos sa katawan niya pati balat niya masama. Bwahahaha! Just kidding! Takot ko lang sa kaluluwa ni Heavenhell...


Pagkatapos kong magbihis ng simpleng dress ay tsaka ako nag-ayos ng mukha para ready to go na ako sa pakikipagplastikan sa daddy ni Heavenhell.


Nang matapos ay naglakad na ako papunta sa opisina ni Lord Caventry dahil alam ko na sa oras na ito ay nasa study room niya pa rin siya at inaasikaso ang iba't-ibang business na meron ang pamilya.


Syempre bilang lider ng mafia group ay marami siyang trabaho na dapat matapos mula sa mga reports at maging sa mga secret dealings na ginagawa ng organization.


Makalipas ang ilang minutong paglalakad sa mahabang pasilyo ng third floor ay narating ko na rin ang study room ni Lord Caventry kaya agad akong kumatok dito.


Hindi pa ako nakakakatok ng ilang beses ay mabilis na nagbukas ang pinto at bumungad sa'kin ang mukha ni Butler Kajik. Nakasuot siya ng tuxedo na siyang uniform niya bilang kanang kamay ng mafia boss.


"Magandang gabi, milady, maaari na kayong pumasok." Mala-makata nitong sabi habang nilalahad pa ang kamay sa harap ko na para bang tinuturo niya kung saan ako dapat pumunta.


Hindi na ako nagsalita at pumasok na sa loob ng study room. Pagkapasok ko pa lang ay una ng bumungad sa'kin ang mga naglalakihang shelfs na may iba't-ibang libro na nakalagay. Sa itsura nito ay mahahalata mo na mamahalin ang lahat ng libro na parang nanggaling pa sa sinaunang panahon yung disenyo ng mga cover.


'Geez! Iba talaga kapag big time ka kahit anong makita mo sa paligid ay nangangamoy pera!'


"Sit down, Athanasia."


Napatigil ako sa pagtingin sa paligid nang marinig ang malamig na boses ni Lord Caventry na kasalukuyang nakaupo sa kaniyang golden chair na mukhang tinalo pa ang hari sa itsura.


"Good evening, father." magalang kong bati sa kaniya bago umupo sa kaharap nitong upuan.


"Do you know why I called you here?"


Napatingin ako sa kaniya bago nagsalita, "I have an idea."


"And what do you think is it?" seryoso nitong tanong. Nakita ko rin sa reaksyon niya na interesado siya sa magiging sagot ko sa tanong niya.


"Isn't this about the bulletproof vest that I gave you last time?" pa-inosente kong tanong dito na kinangiti ni Lord Caventry.


"Hahahaha! You're gaining my attention, lately and I can see that you've changed a bit from being timid to being bold. I like that." nakangising sabi pa nito. Tsk!


"You're flattering me, father. I just did what I have to do as your daughter." nakangiti kong sabi at pinakita na natutuwa ako sa sinasabi niya.


Alam niya kasi na ang kahinaan ni Heavenhell ay ang atensyon ng pamilya niya kaya balak niyang gamitin 'yon para maging pabor sa kaniya ang usapang mangyayari sa pagitan namin. Too bad tho since I'm not her daughter and I don't care about their unwanted attention.


"Very good, Athanasia. Ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo at susuportahan kita sa mga bagay na gusto mong gawin."


'Tsk! Support your ass, you son of a bitch!'


"Thank you, father." Nakangiti ko na lang na sabi na parang sobrang nasiyahan ako sa sinabi niya kahit na gusto ko na siyang murahin sa kalokohang pinagsasabi niya.


"Ngayon ay pag-usapan natin ang tungkol sa binigay mo sa'king regalo. Gusto kong malaman kung anong tawag sa bagay na 'yon?" seryoso na tanong niya sa'kin napalihim ko na lang na kinangisi.


"Oh, that? I called that bulletproof vest, father."nakangiti kong sabi na kinagulat niya.


"A bulletproof vest? So, that's why I'm safe when that bastard Diaz shot me..." malamig nitong sabi habang nakapangalumbaba na pawang malalim ang iniisip.


"Dad, let's just go straight to the point..." diretso kong sabi na kinatingin niya sa'kin.


Tutal kaming dalawa lang naman ang nasa loob ng study room dahil hindi pumasok si Butler Kajik para kuno sa privacy namin, kaya maiigi na diretsuhin ko na siya nang matapos na.


'I don't have time to sit here idle. I would rather sleep than talk to him for a long time.'


"Alam ko na kaya mo ako pinatawag para malaman ang lahat tungkol sa bulletproof vest. Gusto niyong ibigay ko sa inyo ang lahat na may kinalaman don tulad na lamang ng procedures at list ng materials. Tama ba ako, dad?" kalmado kong sabi tanong sa kaniya habang nakasandal sa upuan.


'This is my businesswoman mode hehe!'


"You're wise, Athanasia. Hindi ko akalain na may tinatago ka pa lang galing pagdating sa negosasyon." nakangiti nitong sabi.


"Stop flattering me, father. This is just my advice to you... It's better if you give this idea to the Eckheart family and used this to have a partnership contract with them." walang paligoy-ligoy kong sabi atsaka kumagat sa apple na nakita ko sa lamesa kanina.


Nakita kong napatigil si Lord Caventry sa sinabi ko bago tumingin sa'kin na parang hindi makapaniwalang naisip ko 'yon. Geez! Gaano ba katanga si Heavenhell sa paningin nila at simpleng plano lang na katulad nito ay nagugulat na sila. Paano pa sa mga susunod kong gagawin? Baka mamatay na sila sa atake sa puso kapag nagkataon. Tsk!


"How do you say so?" interesado na tanong nito habang may hawak-hawak na tasa ng kape.


"It's less trouble. You know what I mean, right father?" nakangisi kong sabi.


"Good, let's do what you say."


"But in business there's always a condition, father. I can't let myself be on the disadvantageous side when my product is being used. Aside from the royalty income, I want five percent of the profit when the partnership contract is signed. Is that alright, father?" nakangiti kong tanong na kinagulat niya ng husto.


Sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi ko diba? Five percent mula sa billions of profit na kikitain nila ay talagang malaking halaga na, ibig-sabihin lang non ay magiging milyonaryo na ako sa iisang product lang. Hehehe! My bank accounts are ready baby! Come to mommy!


Napatigil ako sa pag-iimagine nang marinig ang nagtatakang boses ni Lord Caventry.


"It's a deal, if the Eckheart family agreed to the contract." seryoso nitong sabi na kinangiti ko na lang.


"They'll agree and I'm one hundred percent sure." nakangisi kong sabi bago magpaalam sa kaniya na matutulog na.


"I'll send you the details through email, father, and I hope the contract will be ready after a week. Goodnight."


Lumabas ako ng study room ni Lord Caventry nang may ngiti sa labi. Bwahahah! This is great! Sinong mag-aakala na papayag agad siya sa sinabi ko. Marahil ay iniisip niya na malabong pumirma agad ang Eckheart family sa partnership contract at doon siya nagkakamali.


Eckheart family is the founder of the number one supplier of weapons here in Atlante, so it's only natural for them to agree to the partnership since bulletproof vest is not yet invented in the world.


Isa pa sa dahilan nila ay ang lumalalang away ng iba't-ibang bansa na may kinalaman sa mafia world, kaya kung meron ang Atlante ng bulletproof vest ay mababawasan ang mga kapahamakan na pwedeng mangyari sa tauhan nila.


'This is a good thing!'


Binati ulit ako ni butler Kajik nang makalabas pero dahil good mood ako ngayon at binati ko rin siya pabalik. Nang makalampas sa kaniya ay tsaka ko na ulit nilabas ang tuwa sa nangyayari ngayon.


Salamat naman ay may mabuting nangyari sa araw na 'to dahil sira ang buong gabi ko kung pati ang pag-uusap namin ni Lord Caventry ay mauuwi sa problema.


Patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa kwaro ko nang marinig ang usapan ng ilan sa mga Elite guards ng mansyon na nagbabantay ng paligid.


"Narinig niyo ba na may magaganap na challenger's battle bukas ng gabi?"

"Oo nga ehh, binalita rin sa'kin ng isa sa mga kasamahan ko sa training ground."

"Ang sabi pa ay ang sasabak daw ngayon ay si Neri."

"Si Neri? Yung maganda sa training ground na dinala mismo ni Lord Henry dito para kunin bilang Elite Guards?"

"Oo siya yun! Sabi pa yung ilalaban daw sa kaniya ay yung baguhan din ngayon."

"Baguhan? Sino namang baguhan ang tinutukoy mo? Sa pagkakatanda ko ay wala namang bago na pinasok ngayon ahh!"

"Ano ka ba? Nakalimutan niyo na ba yung lalaki na dinala ni milady sa training ground? Siya yun!"

"Ahh oo kilala ko na! Siya yung usap-usapan ng mga newbies na magaling sa pakikipaglaban. Sino naman kaya ang mananalo sa pagitan ng dalawa?"

"Syempre yung lalaki, mas malakas oa rin ang lalaki sa babae no!"

"Ano ka ba? Kilala mo ba si Neri ahh? Siya lang naman yung nakatalo sa halos isang daang newbies ng training ground last year kaya sigurado na siya ang mananalo."


Napatigil ako sa paglalakad sa narinig.


"Wait-- si Trider ba ang tinutukoy nila? At anong Challenger's battle?! Bakit hindi ko alam?!"



_______________________________________


Dem's note: May mga errors pa kaya paki-intindi na lang. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...