The Mafia Boss' Wife

By Peonie_Pie

725 67 6

Beauty, brains and brawn? Kakambal ng mga yan ang pangalang Zhannie Myr! Kaya nga lang, dehado 'to sa pangal... More

Prologue
Chapter 1 - Enter Zhannie
Chapter 2 - Mr. de Vill
Chapter 3 - Second encounter
Chapter 4 - Troubled Preggy
Chapter 5 - Deal NO Deal
Chapter 6 - We're Married?!
Chapter 8 - Bestfriend?
Chapter 9 - Start of something?
Chapter 10 - Make-up Pasta
Chapter 11 - Gone and... Gun?!
Chapter 12 - Eagle & Swords
Chapter 13 - Mrs. de Vill
Chapter 14 - Bloody night
Chapter 15 - Breathe of Air
Chapter 16 - 'Her' (Part I)
Chapter 16 - 'Her' (Part II)
Chapter 17 - 3 Shots
Chapter 18 - Foggianas
Chapter 19 - Hospital

Chapter 7 - First Dinner

29 4 0
By Peonie_Pie

[Zhannie Myr's POV]


"We're here" saad niya nang huminto ang kotseng sinasakyan namin sa isang sikat na mamahaling Italian Restaurant.

I was about to leave his place sana kanina to sort whatever thoughts and emotions I have pero pinigilan niya 'ko dahil gusto niya raw mag dinner.


A few hours ago...

"Where do you think you're going?" He asked as he saw me about to open his office doors. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

"Home, why?"

"Join me for dinner." Sabi niya habang may binabasang mga documents.

Antipatiko tong isang 'to, ah. Demanding much? Wala bang bahid ng ka-sweetan to sa katawan niya? Nakakaasar ah? Sana pala hindi niya 'ko inasawa't pina sekretarya niya nalang. Tsk.

"Too demanding." balik na sagot ko sa kanya kaya napataas ang tingin niya. Huminto siya kanyang ginagawa at dahan-dahang naglakad papalapit saakin kaya kinabahang napaatras ako.


"Really..." Mahinang bulong niya habang papalapit sa kinatatayuan ko, just enough for me to hear. Nang tuluyan na siyang nasa harapan ko, dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang yumuko ito ng konti at huminto sa tenga ko, enough to send shivers not just in my spine but throughout my body as I felt his warm breath on my skin. "Mrs. de Vill?"

At dahil nga, parang hindi naman niya ako tatantanan, hinintay ko siyang matapos sa kung anong ginagawa niya.



"Obvious nga." I muttered under my breath but he heard it kaya sinamaan niya ako ng tingin. 'Tong lalaking 'to talaga, palibhasa nadadala niya 'ko sa mga tingin niya. Pagsamantalahan ba naman kahinaan ko? Mga mata niya kasi eh, nakakapanghina, ayan tuloy.

Ngumiti nalang ako ng alanganin dahil hindi ko rin naman alam anong sasabihin o gagawin ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse sa side ko nang pigilan niya 'ko kaya napatingin naman ako sa kanya. "What?" Tanong ko. May balak pa ata akong ikulong dito ng gagong 'to eh.

Instead na sagutin ko ay sinamaan niya naman ako ng tingin kaya napabuntong-hininga nalang ako at hinayaan siyang bumaba sa kotse at pagbuksan ako ng pinto.

Gentleman na may dalaw.

Nang tuluyan na akong makalabas ay sinara niya na ang pinto at naunang maglakad. Tignan mo nga naman.

Sumunod nalang ako sa kanya at nanatili sa likuran niya. Nang nasa pinto na kami ng restaurant ay agad siyang binati ng guard at babaeng staff.

"Good evening, Mr. de Vill." bati ng babeng mukhang ketsup sa makapal na lipstick niyang pula. Aba't- may pangiti-ngiti pa at pakislap-kislap pa ng mata. Tusokin kita diyan, eh.

Hindi siya binati pabalik ni Mr. de Vill kaya medjo napangisi ako. alam kaya ng isang 'to na may lahing bingi 'tong kasama ko? Ha! Kung alam niya lang.

Sinundan ko lang ang kasama ko pero unlike him, hinarang ako nung babaeng ketsup.

"Any reservation, Miss?" Kita mo 'tong babaeng 'to. Talagang hinead to toe niya pa ako. Anong tingin niya sa'kin? Cheap? Ihampas ko sa kanya 'tong Gucci handbag ko eh!


"I'm with de Vill." Saad ko, kasi natataasan na ako sa pa Mr. de Vill, Mr. de Vill na yan. Tanungin ko kaya kung anong itatawag ko sa kanya mamaya.

"Ha! Dream on. Alam ko na yang mga modus niyo. Kaya 'wag niyo ho akong lokohin." Pagmamaldita niya. Buhusan ko 'to ng kumukulong sipon eh.

Inirapan ko siya at siniguro ko talagang makita niya 'yon saka ko siya tinaasan ng kilay. "I'm Zhannie Myr del Fuego de Vill. I just married that devilishly handsome brute over there." Maangal na sabi ko sabay turo sa likod ng kasama kong iniwan ako dito sa labas. "Do you think I can't afford this place? I can even buy this whole damn establishment on my own without my husband's help. Do you need my credentials, Miss... Anna?" Basa ko sa pangalan niya na nakasulat sa pin ng uniform niya. Parang unti-unti naman niyang naiintindihan ang mga pinagsasabi ko lalo na nang pinakita ko sa kanya ang palasingsingan sa kaliwang kamay ko saka ko siya inirapan.

"Pag 'di mo pa ako papapasukin, e hahampas ko sayo 'tong Versace heels ko!" 'Di ko napigilang mapataas ng boses dahil napipikon na 'ko sa babaeng 'to. Gutom pa naman ako! Pinalaki ko pa mga mata ko para matakot siya at talagang aakmang bubunutin ang sapatos ko.


"Is there a problem here?" Buti naman at namalayan ng isang 'to na naiwan ako dito sa labas. Palunukin ko rin 'to ng sapatos eh. Kapal ng mukha isama ako tas kalimutan. Tsk.

Magsasalita sana yung babae para hihingi ng paumanhin nang inunahan ko na. "Nothing, dear." Nginitian ko ng bonggang bonggang 'tong babaeng ketsup saka tiningnan 'tong lalaking palaging may dalaw. Kaasar ah.

Tinitigan pa ako ng ilang segundo nitong lalaking mag dalaw bago pinaikot sa bewang ko ang kamay niya and guided me papasok. Pinigilan ko talaga ang paghinga dahil sa lapit niya and amoy na amoy ko ang pabango niya nakakaadik.

We reached a table for two and pulled a chair for me, aarte pa ba ako? gutom na kaya ako. Kaya hindi na ako umangal at umupo na rin, he then settled in front of me. May dumating na waiter saka binuksan ang wine na nakahanda sa mesa naminn and poured us both.

Naiilang ako sa mga tingin na binibigay niya kaya minabuti kong uminom ng wine para maibsan ang kaba.

"I was wondering." Panimula niya, still holding the glass of wine. "How come you wander outside the empire of your family?"


"I wanted to challenge myself." tipid na sagot ko. 'Di ako nainform, interview with Boy Abunda pala peg namin ngayon. Instead of makipagstaring contest sa kanya, tinuon ko nalang ang pansin ko sa menu na nakalapag sa table.

Tumango nga pero halatang parang hindi siya nakuntento sa sagot ko. Nagkibit balikat nalang ako at tumingin-tingin sa paligid. May isang waitress na papalapit sa table namin.

"May I take your order Mr. de Vill and Ms...?" Panimula niya nang makarating ito saamin.

"My wife" 'di ko sinasadyang masamid sa iniinom kong wine nang biglang sumagot 'tong kumag sa harap ko kaya napatingin silang dalawa saakin. "You okay?" sinamaan ko siya ng tingin pero hindi natinag at ngumisi ng konti.

May pagkatanga talaga ang mga tao ngayon eh no? Tatanong-tanong, halata naman ang sagot. May okay bang nasamid? Tsk. Adik lang.

"My apologies. May I take your orders now Mr. and Mrs. de Vill?" Ulit ni ateng waitress. Mas bet ko 'tong isang 'to kesa dun sa may entrance, professional ang dating.

"I'll have Spaghetti Alla Puttanesca, a slice of Pizza Napoletana and Pistacchio Gelato." I read my favorites sa menu nila saka nag angat ng tingin na sinalubong na naman ni de Vill na para bang may kung anong tinatanong pero 'di ko gets kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Noted, how about you sir?

"Linguine Allo Scoglio and Peach Panna Cotta Trifle." Tumango ang waiter matapos masulat ang mga order namin saka umalis.

Nagpatuloy akong magtingin-tingin sa paligid and this place screams class. Kahit tumingin ka sa kaliwa't kanan, napapaligiran ka talaga ng mga taong nasa mataas na antas ng lipunan. It's my first time in this place and it's really nice, it gives of a relaxing ambiance at para ka talagang nasa Italy dahil sa interior design ng place down to the table arrangements and silverwares.

Uminom ulit ako sa baso ko at napatingin sa harapan ko, only to see him staring at me again. Nagagandahan ata 'to sakin eh.

"Do you want to ask something?" tanong niya. Napaisip din ako, this might be a good time to ask things para medjo maliwanagan ako ng konti kung ba't kami nandito in the first place.

But first, "Anong itatawag ko sa'yo?" Medyo kumunot ang noo niya sa tanong ko. May mali ba? Eh nakakasawa kaya tawagin siyang Mr. de Vill, ang taas lang, four syllables 'yun ah.

"Whatever you want." kulang ata sa bokabularyo 'tong lalaking 'to, ang tipid kung makapagsalita, nahiya naman ang gumawa ng dictionary.

"Jerk, Stone-faced guy, Shady man, Aloof gu-" Napahinto ako nang mamalayan kong ang sama na ng tingin ng kaharap ko kaya napalunok ako and unconsciously raised my hands and laughed a nervous one.

"Are you f*cking kidding me, you damn woman?" mahina pero ang bigat ng pagkakasabi niya. Halatang nagalit ko siya sa mga adjectives ko made specifically sa kanya. Kasalanan ko bang 'yang mga yan talaga ang nababagay sa kanya?

"Okay, okay. I'm just kidding, Mr. Serious." sabi ko sabay irap. Tanginang 'to, murahin raw ba ako? "At isa pang mura saakin, isasaksak ko 'tong tinidor diyan sa bunganga mo!" Lalong kumunot ang noo niya pero inirapan ko lang siya.

"Oli? Hmm, parang ang baduy." Kahit na medjo pikon ay nakikita ko siyang nakatingin saakin habang kinakausap ko ang sarili ko. "Oliver? Nah, ayokong mag sayang ng lawang with that two syllables." Nanatili parin saakin ang mga tingin niya pero hindi ko pinansin.

"Quir. I like it." Parang may sariling utak ang mga labi ko at 'di ko namalayang nakangiti na pala ako habang sinasabi yun. Agad ko namang binawi ang ngiti nang nakita ko siyang seryosong nakatingin saakin at tumikhim.

"Would that be okay?" Tanong ko.

"Tsk." Napairap nalang akomsa sagot niya. Edi wow!

It didn't took that long para dumating ang inorder naman kaya agad na kaming kumain.

"Nga pala, totohanin mo nga 'ko." Sambit ko habang nginunguya ang Spaghetti Alla Puttanesca ko. "Anong binabalak mo?"

"What do you mean?" Tinaasam ko siya ng kilay at nilunok ko ang pagkain ko bago sumagot.

Pinakita ko sa kanya ang daliri kong may singsing and answered him sarcastically, "This"


Uminom muma siya ng wine bago sumagot. "Since you don't have any intentions of giving up Aackley, I need to marry someone to get my inheritance."

"Eh adik ka naman pala, dba't medjo same lang din yun kasi you already have the acces to Aackley since you're tied to me? Naku, umiinit ulo ko sa'yo, Quir ah! Ipapakain ko sayo 'tong plato ng buo!" Pagalit na sambit ko habanh kumakagat ng pizza ko.

"Tsk. You signed the papers, it's in there." Ito na ata ang pinakamataas na sentence na lumabas sa bibig niya.

"Nahiya naman ako no, pinapirma mo kasi ako agad so hindi ko nabasa. Adik nito. Gawin ba naman akong bobo?"

"Tsk. Nagger" inirapan ko siya ng bonggang-bongga. "My apologies. This arrangement would only last for a couple of years then we'll file an anullment."

I acted as if hindi ko narinig ang pinnagsasabi niya at patuloy lang sa pagkain. Hindi ko alam pero kumirot bigla ang dibdib ko nang marinig na maghihiwalay rin kami.

I mean, duh! Ang swerte niya naman at nakikinabang siya ng malaki dito sa set-up namin. Para fair, makikinabang din ako no.

"Are you even listening, woman?" Pikon niyang sambit, nakakunot din ang noo niya.

"This is good" puri ko sa spahetting kinakain ko. "Do you know the origin of this dish?" Tanong ko sa kanya habang patuloy na ngumunguya.

"Some said that the name of this dish was because prostitutes can easily cook this for their clients back in the days." I'm still not comfortable with his stare but feel ko lamg magpatuloy sa pagkamadaldal. It actually feels good telling things to people other than my brother.

"But some said that it has something to do with it's aroma. The study of aromatic compounds has an ancient Roman history. Honest Italians will tell you it's named after those stimulating tastes."

Napailing siha dahil sa mga pinagsasabi ko habang patuloy na kumakain at nakikinig. Pero bahala siya diyan, inasawa niya 'ko kaya mag tiis siya saakin.

Speaking of asawa, I'm never against the idea especially now na I'm on my twenties amd still a virgin, I also long to have a lifetime partner no. Oo, nabigla ako ng bonggang-bongga, sino ba namang hindi? Eh ni hindi ko nga lubos na kilala ang naasawa ko. All I know is that he's sinfully good-looking with that misty grag eyes and damn rich!

Anyways, bibigyan ko pa sana siya ng more trivias nang may dumaang waiter na may dalang beverages na natapilok malapif sa table namin na natapilok kaya natapon ang mga inumin sa direksyon namin.

Agad akong napatayo nang matapunan ng strawberry shake ang damit kong puti.


Ang lamig! Sapol pa talaba sa dibdib! May pagkamanyak rin 'tong inuming 'to eh no?

"What the f*ck!" Pati si Quir ay napatago rin at agad na lumapit saakin. Dali-dali niyang hinubad ang coat niya at pinatong saakin.

"You!" Pansin kong nakakaagaw a kami ng atensyon sa loob, which I don't like. Eskandaloso rin pala 'tong lalaking 'to. "I don't want to see your face here again, get out. N‐"

"Teka nga" inis kong singit at sinamaan ng tingin si Quir. Adik nito, pagmakasesanten parang sa kanya 'tong lugar ma 'to ah.

Lumapit ako 'dun sa waiter na nakayuko "Wag kasing tatanga-tanga sa susunod, ha?" Umangat siya ng tingin at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Trabaho ka na 'dun." Sambit ko pero hindi parin siya umalis at pasimpleng tumingin sa kasama ko kaya napairap na naman ako.

"Ako na ang bahala sa asawa ko, kaya magtrabaho ka na bago ko pa padilaan sa'yo 'tong sahig." Yumuko ito ng konti at kumaripas paalis kaya napaupo na rin ako ulit.

Kumuha ako ng tissue at pasimpleng pinahiran ang damit ko habang ang kasama ko? Ayun, binigyan niya na naman ako ng matatalim sa titig with his clenched teeth "What?" I asked.

"Damn woman." Mahinang saad niya saka nagsalin at uminom ulit ng wine.

Aba't- minura na naman ako! Tangina 'tong lokong 'to. Kainis!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...