El Destino desde 1870

By Im_Vena

32.9K 2.1K 377

Completed In modern-day Philippines, Ten, a reclusive mystery writer, release the book "Arrow Pen". As he pen... More

Disclaimer
Logline
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!
El Destino desde 1870
Sequel of El Destino desde 1870

Kabanata 32

118 12 0
By Im_Vena

Kabanata 32

Isang sampal sa mukha ang nakuha ko mula kay Madame Racelita nang puntahan ko siya sa Bahay Aliwan. Nanginig ang aking mga kamay at puno ng luha ang aking mukha. Sa puntong iyon ay tila nanigas ako sa kinatatayuan at hindi na malaman ang sunod na gagawin.

"Sumagot ka! Ano ang nangyari?" Hindi ko malaman kung paano siya sasagutin ng hindi umiiyak. Hindi ko malaman ang gagawin ko at dito ko unang napagdesisyonang pumunta.

"S-Sina M-Maria... S-Sina M-Maria..." Muli akong nakatanggap ng sampal dahil doon.

"Sumagot ka nang maayos! Nasaan sila? Nasaan ang mga pamangkin ko!" Tuluyan nang naghumiyaw ang ginang na mas nagbigay dahilan sa aking pag-iyak. Nang hindi ko na iyon kayanin ay napasalampak na lamang ako sa harapan ng pinto ng aliwan. Agad namang hinawakan ni Madame Racelita ang aking braso upang ako ay alalayan.

"Ano ba ang nangyari, Mira! Sumagot ka! Nasaan ang aking mga pamangkin!" Nagsimula na ring manginig at maluha ang ginang. Hindi ko naman malaman kung paano bubuo nang salita.

"P-Pinatay.. P-Patay..." Iyon lang ang aking nabubuo subalit abot langit na ang pagkagimbal ng ginang.

"A-Anong pinatay? Umayos ka! Ano iyon!" Subalit hindi ko na siya nasagot nang tuluyan nang agawin nang kadiliman ang aking kamalayan.

Nang ako ay muling magising ay ang aking silid na ang aking nabungaran. Tahimik at tila nagdadalamhati rin iyon. Hindi ko akalain na maging sa aking pagmulat ay bumabalik lamang sa aking balintataw ang nasaksihan. Muli ay nag-unahang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Nanlamig at nagsimulang manginig. Tuluyan na akong umupo at mabilis na pinagsalikop ang aking mga tuhod. Niyakap iyon at doon nag-i-iyak.

"Kagigising mo pa lamang ay umiiyak kana naman, Binibini." Boses pa lamang ni Agnes ay nakikilala ko na siya. Tiyak kong may dala siyang pagkain dahil naamoy ko ang aroma niyon. Subalit hindi pa rin ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Sa puntong ito ay hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili sa mga nangyari. Kung hindi ko sana sila iniwan o hindi ko sana nabitawan si Laura ay makaliligtas sana kami. Maging ang simpleng pagsasabi kay Madame Racelita ay hindi ko nagawa ng ayos. Kasalanan ko ang lahat, pinatay ko sila. "Tahan na Olivia." Naramdaman ko ang pagbaba nang isang parte ng aking kama. Marahil ay umupo roon si Agnes. 'Di nagtagal ay naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kaniyang kamay sa aking likuran. Nang-aalo. "Huwag mong sisihin ang iyong sarili, Olivia. Hindi mo kasalanan." Gayunpaman ay hindi ko siya binigyan ng pansin. Sa loob ng ilang araw ay ganon lamang ang nangyari. Hindi na rin ako tumikim ng pagkain at tubig. Wala akong kagana-gana sa lahat ng bagay. Hindi ko maatim tumikim ng kahit ano gayong nasa akin ang kaalamang patay na ang aking mga kaibigan. Hindi ko kayaning makibalita sa kahit na sinong bumisita sa aking silid patungkol kay Laura. Kung kamusta na ba ito o kung ayos lamang ba ito.

Subalit ang ika-29 ng Disyembre ay naging kakaiba. Si Carlos na ang dumalaw sa akin nang araw na iyon. Bitbit ang maraming pagkain at prutas na inilapag niya sa aking kama. Inaasahan ko na kagaya ng ibang mga katulong at ni Agnes ay pipilitin niya akong kumain subalit ikanagulat ko ang bigla na lamang niyang sinabi.

"Kalat sa buong San Fernando at San Ignacio ang pagbibigti ng tatlong mang-a-aliw ng aking Aliwan sa gitna ng kagubatan." Natigilan na ako roon. Pagbibigti? Sino? Nanlalaki ang aking matang binalingan si Carlos.

"A-Ano ang iyong pinagsasasabi?"

"Hindi mo ba alam na nagbigti ang iyong mga kaibigan?" Tuluyang nanginig ang aking kamay sa tinuran niya. Hindi ko na halos nabigyan ng pansin ang mukha niya dahil sa panlalabo nang aking mga mata. Napuno muli iyon ng luha. Kung gayon ay ipinalabas na nagbigti ang aking mga kaibigan? Mga hayop sila! Sa puntong iyon ay napuno nang galit ang aking kalooban. Anong karapatan nilang manipulahin ang pagkamatay ng aking mga kaibigan? Matapos nilang lapastanganin ang mga bangkay nila ay ganito?

"Ano bang nagbigti? Pinatay sila Carlos! Pinatay sila ni Felicito Fernando! Pinatay ang mga kaibigan ko! Anong kahangalan iyang sinasabi mo!" Tuluyan na akong nawalan ng kotrol at napahiyaw na ako. Nagsimula namang magkatukan ang mga kung sino sa pinto ng aking silid.

"Walang papasok!" marahas na sigaw ni Carlos na nagpatigil sa kumosyon sa labas. Matapos iyon ay muli niya akong binalingan. "Pinatay ang mga kaibigan mo, alam mo pala iyon subalit nanahimik ka lamang dito? At balak mong patayin ang sarili mo sa gutom! Isa kang ipokrita!" Tumalim ang tingin ko kay Carlos sa sinabi niyang iyon. "Wala kang ipinagkaiba kay Felicito, Olivia! Kung iyong sinabi agad ang nangyari, nailigtas sana kahit si Laura man lamang!" Natigilan ako sa pag-iyak nang dahil doon. Nanginig ang aking kalamnan sa mga sinasabi ni Carlos. "Ano na lamang ang silbi ng pagkaligtas mo? Sumagot ka!" Sa puntong iyon ay malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni Carlos. Halos mamantal ang aking pisngi dahil doon subalit mas masakit ang aking dibdib. Masakit dahil alam kong tama si Carlos. Kasalanan ko itong lahat, kasalanan ko. Hindi ako nararapat mabuhay! Hindi nararapat!

Sa isiping iyon ay mabilis kong nahawakan ang isang tinidor na siyang malapit at akma ko na iyong isasaksak sa sarili nang muling magsalita si Carlos.

"Sa tingin mo ba, kapag pinatay mo ang sarili mo ngayon ay mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan mo? Mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo? Tatakas ka lang Olivia! Tatakas ka lang muli! Iiwan mo lang ang mga taong nagsakripisyo para mabuhay ka!" Doon ko na lamang nabitawan ang tinidor at umiyak nang umiyak. Wala na akong ibang ginawa kundi ang ma-iyak. "Huwag kang umiyak diyan na tila ikaw lang ang nawalan! Namatayan ng pamilya si Agnes at namatayan ng mga pamangkin si Madame Racelita!" Sa puntong iyon ay naikuyom ko na lang ang aking mga kamay. Tila nawalan naman ng pasensya sa akin si Carlos. "Kung alam ko lamang na ganito ang mangyayari sa iyo, hindi kana sana namin iniligtas pa." Matapos niya iyong bitawan ay marahas niyang binuksan at sinara ang aking pintuan. Natigil ang aking pag-iyak at natulala na lang matapos ang paguusap na iyon. Umuukilkil sa isip ko ang mga binitawang salita sa akin na iyon Carlos. Maghapon lamang akong tulala hanggang sa makapagisip-isip.

Kung ipagpapatuloy ko ba ang pagiging ganito ay may mangyayari ba sa akin? Kung papatayin ko ba ang sarili ko ay mabibigyang hustisya ang nangyari sa mga kaibigan ko? May mangyayari ba sa pagsasakripisyong ginawa nila? Bukod doon ay marami akong gustong itanong kay Carlos subalit lubos kong ikinatatakot ang kaniyang magiging sagot.

Kaya naman, bago sumapit ang gabi ay nagdesisyon akong kainin ang lahat ng pagkaing nakahain sa aking kama. Inubos ko iyon lahat subalit mukhang hindi talaga nagpapaawat ang mga luha ko na nakikisabay sa bawat pag nguya ko. Kinakain ako ng konsensya dahil alam kong may pagkakamali at kapabayaan ako sa nangyari, na sa bawat paglunok ko ay tila may bumabara. Lalo sa isiping kinakain na nang lupa ang mga bangkay nang aking mga kaibigang namayapa.

Bakit ganito kasaklap ang nangyari sa kanila? Bakit kailangan nilang mawala sa napakabatang edad? Hindi naman yata iyon patas. Pero kapag ba nagsabi ako sa mga kinauukulan ay may magagawa sila? Bata pa lang ay itinatak ko na sa isip ko na walang hustisya kung i-a-asa iyon sa mga nakatataas. Subalit paano kakamitin ang hustisya? Sa papaanong paraan.

Dala ang isiping iyon ay lumabas ako nang aking silid matapos kumain. Bibit ang mga pinagkainan ay nagtungo ako sa kusina. Doon ko iyon ibinaba. Ipagpapasabukas ko na lamang ang paghuhugas sa mga iyon. Magdedesisyon na sana akong bumalik sa silid nang matanawang bukas ang kamalig (cellar). Napabuntong hininga na lamang ako at walang nagawa kundi ang puntahan iyon para sana saraduhan nang may bigla na lamang humila sa akin papasok doon.

Halos takasan ako ng kaluluwa nang tuluyan ako nitong higitin pababa.

"Sino ka?! Isa kang mapangahas! Bitawan mo——" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang bigla nitong takluban ang aking bibig.

"Huminahon ka, binibini. Ako lamang ito." Tuluyang nakalma ang aking sistema nang marinig ang tinig ni Leonardo na tila kay tagal ko na ring hindi naririnig. Sa loob ng ilang araw ay hindi naman nito sinubukang pasukin ako sa aking silid at kausapin. Nanatili lang itong tahimik at hindi nagpapakita subalit ano itong nangyayari ngayon?

Naramdaman niya siguro ang aking pagkalma kung kaya't minabuti na niyang ako ay bitawan at buksan ang isang gasera na nakasabit sa isang haligi.

"Paumanhin sa aking kalapastanganan." Agad niyang paghingi ng tawad. Gayunpaman, kagaya nang nakasanayan ay wala namang ekspresyon ang kaniyang mukha. Hindi ko na lamang dapat siya pinansin at akmang babalik na lamang sa aking silid nang muli siyang umimik. "Gusto kong ipaalam sa iyong ipinasunog ng simbahan ang katawan ng iyong mga kaibigan dahil sa sabi-sabing sila ay nagpakamatay. Paumanhin, wala akong nagawa upang maisalba man lamang ang kanilang labi." Napayuko na lamang ako sa sinabi nito. Muli kong naikuyom ang kamao ko, ni hindi man lamang nila nirespeto ang labi ng aking mga kaibigan. "Alam kong ikaw ay napupuno ng puot ngayon, binibini. Subalit hindi naman yata gugustuhin ng iyong mga kaibigan na ikaw ay mamuhay ng ganito matapos nilang iligtas ang buhay mo." Muling pumatak ang mga luha ko dahil doon. Nasasaktan ako sa isiping tunay ang kanilang mga sinasabi. "Magpatuloy kang mabuhay, Olivia. Darating ang araw at makakamtan din nila ang hustisya." Tuluyan na akong nawalan ng panimbang doon at naiyak na lamang muli. Sa gabing iyon ay nanatiling may agwat sa pagitan namin ni Leonardo. Hindi man siya lumapit upang aluin ako ay nanatili naman siyang naroon para samahan ako na lubos kong ipinagpapasalamat.

I M _ V E N A

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.2M 73.2K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
533K 19.3K 48
#80 on Fantasy as of February 03,2019 #36 out of 5.45k stories on Academy as of March 7, 2019 #1 on cursed as of October 28, 2020 Ctto of the picture...
1M 38.1K 61
Highest Ranks #1 in Thriller #2 in Mystery/Thriller "Kailangan mong pumatay kung gusto mo pang mabuhay. Kung hindi ikaw ang papatay? Ikaw ang mamama...
29.7K 1.7K 34
Nexus Series #8 Adira Maude Serano - Astaseul's story. Started: August 10, 2021 Completed: May 29, 2022