Icy Princess

De btgkoorin

146K 7.1K 514

Upang mapanatili ang magandang samahan sa pagitan ng dalawang angkan sa bayan ng Wisteria, ang angkan na tuma... Mais

Simula❄
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Thank You!

Kabanata 25

3.4K 172 13
De btgkoorin

❄YEJIN❄

"Anong plano mo?"

Napamulat ako ng mata at binalingan si Master Vinz na ganun pa rin ang ayos pero halatang tulad ko ay galing rin sa malalim na pag-iisip.

Napabuntong hininga ako at umayos ng upo.

"May bagay akong hindi nasasabi sayo, Master Vinz..." putol na ani ko at umangat naman ang isa niyang kilay.

"May relasyon kami ni Prinsipe Terrence at Kaden---"

"Alam ko."

Nalaglag ang mga panga ko sa sinabi niya.

"Kaya anong plano mo?"

"Totoo ba ang nararamdaman mo sa dalawa? Mahal mo ba sila? Isang araw mula ngayon gaganapin ang opisyal na pagpapahayag ng mapapangasawa ng Prinsipe sa Palasyo. Anong gagawin mo?"

Bumigat na naman ang pakiramdam ko.

"Pupunta ako."

Kung ano man ang gagawin ko sa dalawa ay hindi ko pa alam. Ang gusto kong pagtuunan kung paano kakausapin ang Mahal na Reyna sa pagdiriwang.

May nabubuong plano sa isip ko pero kailangan kong pag-isipan ng mabuti dahil sa palagay ko ay naroon ang mga pamilyang kasabwat ng Mahal na Reyna dalawampong taon na ang nakakalipas.

Anong gagawin nila kung nalaman nilang may buhay pa sa pamilyang Frost? O alam ba nilang buhay pa ang anak ng pinagtulungan nila?

"Di mo pa nasasagot yung tanong ko. Anong plano mo sa dalawa?"

"Hindi ko pa alam."

"Mukhang ayaw mong pakawalan." Aniya at ngumisi sa akin. Seryoso ko lamang siyang tiningnan habang hinahawakan ko ang mga singsing sa mga daliri ko. Totoong hindi ko alam kung anong gagawin ko sa dalawa. Hindi. Ang totoo, hindi ako handang bitawan sila. 

"Aminin mo nga sa akin, Yejin, may nangyari na ba sa inyong tatlo?" Napalunok ako sa kanyang tanong at umiwas ng tingin. Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Hmm. Mukhang makakaganti ka rin sa Mahal na Reyna kung sakaling magbunga."

"Anong ibig mong sabihin, Master Vinz?"

"May palagay akong planado lahat ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna ang magiging kinabukasan ng mga anak nila. Kung sino ang magiging asawa ng kanilang panganay at ang sumunod pang anak. Kung nais nilang magpatuloy ay siguradong ang mapapangasawa ng unang prinsipe ay magbebenepisyo sa kanila ng husto. Subalit, ang unang anak ng Mahal na Prinsipe na susunod na hari ay ang susunod na tagapagmana ng korona at ang ina nito ay magiging Reyna. Kahit na kinasal at may anak ito sa ipinagkasundo sa kanya ngunit naunang ipinanganak ang anak mo ay mababalewala ang mga ito. Mapapalitan mo sila. Ang titulo nila ay mapupunta sa iyo at sa anak mo."

"Sa ganung paraan, makakapaghiganti ka. Nasira mo yung plano ng Mahal na Reyna."

Napaisip ako.

"Kung magbunga, Master Vinz."

"Araw-arawin nyo para sigurado." Aniya at ngumisi ng nakakaloko sa akin. Agad naman akong nakahanap ng maibabato sa kanya na bagay ngunit nasangga niya ito.

"Hoy! Master mo ako baka nakakalimutan mo, Yejin!" Sigaw niya at dinuro ako.

"Kaya siguro hindi ka pinatulan kasi ganyan ka mag-isip, MASTER." Nanlaki ang mga mata nito sa akin at akmang lalapit sa akin nang tumakbo ako palayo salungat sa kanya.

Nang akmang maabutan niya na ako ay pinigilan ko siya.

"Sandali, Master!" Napatigil siya.

"May ikokonsulta ako sa iyo. Tungkol sa kapangyarihan ko." Nangunot naman ang noo nito.

"Kamakailan lang Master Vinz, natuklasan kong kayang magmanipula ng snowflakes ko ng tubig. Nagawa kong magpalabas at kontrolin ito sa paraang gusto ko." Paliwanag ko. Inaasahan kong magugulat siya pero nabigo ako.

"Isa iyon sa dahilan kung bakit pinagtulungan ang mga magulang mo, Yejin. Ang iyong ina, napakalakas niyang talaga kaya't marami ang naiingit sa kanya. Sa kanya ako natuto gumamit ng kapangyarihan na kontrolin ang tubig."

Napanganga ako.

"Master Vinz, anong pangalan ni ina? Ni ama? Nasabi na sa akin ang lahat pero ang mga pangalan nila ay hindi nabanggit."

"Ang iyong ina ay si Yerin Frost at ang iyong ama ay si Jinro Frost."

Kumabog ang dibdib ko. Nalaman ko na din kung saan kinuha ang pangalan ko. Hindi ko maiwasang hindi sumaya ang pakiramdam gayong nalaman ko ang kanilang pangalan. Namasa ang mga mata ko.

"Master may larawan ka ba nila?" Umiling ito sa akin.

"Hahanap ako ng magpipinta para ipinta ang kanilang mukha. Ibibigay ko sa iyo ito kapag tapos na."

"Maraming salamat, Master Vinz."

Napayuko ako.

"Yejin!" Isang malamig na boses ang nagdulot sa akin ng kaba. Paano ako nahanap ng dalawa? Nangunot ang noo ko nang mapansin ang pag-iilaw ng bahagya ng dalawa kong singsing.

Napaangat ako ng tingin kay Master Vinz at nginuso nito ang pintuang nasa likuran ko. Bakit hindi ko naramdaman ang pagdating nila?

"Iuwi nyo na yan. Pinipilit akong dito daw siya magpapalipas ng gabi." Sinamaan ko ito ng tingin pero tinalikuran ako nito at sumipol. Naramdaman ko tuloy lalo ang pag-iba ng awra ng dalawa.

Balak ko sanang batuhin ito pero wala akong makitang malapit sa akin. Kaasar din talaga itong si Master Vinz!

"Yejin!" Malamig na tawag ni Kaden.

Bago pa may humawak sa akin mula sa kanila ay mabilis akong lumayo at hinarap sila.

"Anong ginagawa nyo rito?" Pinantayan ko ang malamig na boses nilang dalawa.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Balik na tanong ni Terrence. Sumama ang tingin ko sa kanya maging kay Kaden. Nang akmang lalapit sila sa akin ay muli akong umatras.

"Di nyo na kailangang magpakita sa akin. Alam ko ang mga nangyayari at tinapos ko na rin ang relasyon n-natin." Nautal ako nang sumama ang awra nila at pagkakatingin sa akin.

Tumikhim si Master Vinz.

Bago pa ako makaiwas ulit ay nawakan nilang pareho ang magkabilang braso ko at wala akong nagawa sa lakas nila. Isang iglap lang ay nasa loob na kami ng silid na pinagdalhan rin nila sa akin.

"Bitaw, Terrence! Kaden!" Sigaw ko pero hindi sila natinag.

"Sabing bitaw. Kung ayaw nyong madagdagan ang galit ko sa inyo bitawan nyo ako."

"Mag-uusap tayo."

"Para saan pa. Iuwi nyo na lang ako."

Binitawan nila akong pareho matapos iupo sa dulo ng kama. Akmang tatayo ako nang pigilan nila akong pareho at ibalik sa pagkakaupo.

"Hindi ka uuwi. Mag-uusap tayo." Natigilan ako sa diin at punong otoridad na boses ni Terrence.

Sa pagkabigla ko ay bigla akong napaluha. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa magkabilang pisnge at iniwas sa kanila ang tingin.

"Yejin." Nag-aalalang sambit ni Kaden saka mabilis na umupo sa tabi ko at iniangat ako para maiupo sa kanyang mga hita at hinawakan ang magkabila kong pisnge para punasan ang patuloy na bumubuhos kong mga luha.

"Yejin..." Mahinahon at may lambing na tawag sa akin ni Terrence. Hinimas nito ang buhok ko at kinuha ang kaliwa kong kamay at hinalikan ang singsing na galing sa kanya.

"Shh..."

Nang makabawi sa pag-iyak ay inalis ko ang kamay sa pagkakahawak ni Terrence rito. Hindi ko rin siya matingnan matapos maalala ang sinabi sa akin na pinakilala na sa kanya ang mapapangasawa niya kahapon.

"Maghiwalay na tayo." Mahinang sambit ko.

"Hindi kami papayag, Yejin." Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanilang dalawa.

"Mas lalong hindi ako papayag na maging babae nyo sa labas lamang."

"Hindi yan mangyayari. Ikaw lang ang babae namin, Yejin."

"Nandyan na ang mapapangasawa mo, kaya bakit ako mananatili?" Baling ko kay Terrence. Napansin ko ang pagyuko ni Kaden kaya may nabuo sa isipan ko.

"Ikaw rin pala. Kung ganun tama lang na tapusin na natin kung ano man ang meron sa ating tatlo."

"Hindi ako papayag."

"Walang maghihiwalay, Yejin."

Napunta sa harap ko si Terrence at nabigla ako nang kabigin nito ang bewang ko at inilapit sa katawan niya. Siniil niya ako ng halik na ikinabigla ko. Natigilan rin ako nang maramdaman si Kaden na nasa likod ko at ang kanyang ulo ay nasa balikat ko habang hinahalikan ang leeg ko.

Bumitaw sa pagkakahalik si Terrence at seryosong sinalubong ang tingin ko.

"Ikaw lang, Yejin. Ikaw lang ang para sa amin. Wala kaming ibang mamahalin kundi ikaw lang." Muli akong siniil ng halik nito.

"Ikaw lang ang gusto naming ina ng magiging anak namin." Nakaramdam ako ng kiliti sa pagsalita ni Kaden.

Gumalaw ang kaliwa kong kamay at nilagay ko sa kaliwang pisngi ni Terrence habang ang kanang kamay ay sa ulo ni Kaden. Nakakaramdam ako ng paghina ng tuhod kaya napahigpit ang pagkapit ni Terrence sa bewang ko.

"Sabihin mo ang mga salita, Yejin."

"Mahal ko kayo, Terrence, Kaden."

Namalayan ko na lang na ginawa na namin iyon. Pare-parehong gustong angkinin ang buong katawan ko. Para silang nag-usap kung saang bahagi sila. Pareho silang dalawang nagsang-ayun kung sinong mauuna. Walang lamangan.

Hindi rin nila akong pinapayagang gawin ang gusto ko dahil sila ang halos gumagawa. Ang tanging nagagawa ko ay haplusin ang mga pang-itaas nilang katawan at banggitin ang kanilang pangalan.

Itanggi ko man pero parte na ng sistema ko ang dalawa. Gusto kong ako lang ang pinapaligaya nila ng ganito. Sa akin lang din silang dalawa.

Gusto kong magtiwala sa kanila na ako lang at walang iba. Sa kabila ng mga nalaman ko, gusto kong kumapit. Totoong ayaw ko silang pakawalan at nasabi ko lamang iyon kanina kasi wala akong maisip na paraan para sa kahihinatnan ng relasyon naming tatlo.

Pero sa huli alam kong kailangan kong magsakripisyo. Bago iyon, gusto kong pagbigyan muna ang nais ng isip at puso ko ngayon.  Sa bisig ng dalawang lalaking mahal ko.

"Ikaw lang ang nag-iisang Icy Princess namin, Yejin Frost."

Kasabay ng huling mga salita ni Kaden na hinalikan ang singsing sa kanang kamay ko ang pagdaing ko ay hindi ko narinig ang mga iyon.

*****
-btgkoorin-

Continue lendo

Você também vai gostar

181K 7.6K 54
Zheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is...
39.9K 1.7K 54
A mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©Al...
144K 9.5K 60
[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nakikipaghabulan sa KAMATAYAN Paano kaya ni...
Unexpected Royal De ...RJMF...

Mistério / Suspense

5.8K 243 61
Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madrigal, dragon kung magalit pero mabait, s...