Fool Me Twice -Editing - (Com...

By turning_japanese

1.6M 17.6K 2.9K

Ito ay kwento ng masalimuot at kumplikadong love story ni Jessica, ang bestfriend ni Haley. Will she give Amb... More

Prologue
Chapter 1: Ambrose
Chapter 2: How it All Started
Chapter 3: Twice a week
Chapter 4: Carl
Chapter 5: The Reason
Chapter 6: The Transferee
Chapter 7: Another Transferee
Chapter 8: The Decision
Chapter 9: Stripes
Chapter 10 : White Christmas
Chapter 11: Kazi
Chapter 12: Fhaye
Chapter 14: All Gone
Chapter 15: I should go.....
Chapter 16: The Mystery Guy ( Part 1)
Chapter 17: The Mystery Guy (Part 2)
Chapter 18: Homecoming
Chapter 19: Is it over?
Chapter 20: Again
Chapter 21: Deja Vu (With External Link)
Chapter 22: Revealation
Chapter 23: One-sided
Chapter 24: Here's To Us
Chapter 25: Still
Epilogue
FMT: Jess and Ambrose (Restricted)
Fool Me Twice : Deja Vu ( Restricted)

Chapter 13: Missed Call

47.4K 507 55
By turning_japanese

Jessica's POV

Hanggang ngayon hind pa rin ako makapaniwala. Na nasa paligid lang pala ang babaeng naging dahilan kung ba't nagkahiwalay kami ni Ambrose noon. Unti unti na namang bumabalik sa alaala ko ang eksenang naabutan ko noon sa kwarto ni Ambrose. Ang eksenang naging multo sa aking alaala ng halos isang taon. Ang alaalang hindi nagpatulog sa akin gabi gabi.

Kahit alam ko na ang totoong nangyari na hindi ito ginusto ni Amborse. Na wala siyang gusto sa babae na yun, hindi pa rin ako matahimik. Pakiramdam ko may ahas sa paligid at handang manuklaw anumang oras.

Tuluyan ko ng iniwasan si Fhaye. Iniwasan ko lahat ng charity programs na kasama siya. Sabi ko na nga pamilyar ang mukha niya. Siya yung nakita ko na kausap ni Ambrose isang beses. Hindi ko na kasi maalala yung mukha nung babae na kasama ni Ambrose sa kwarto. Siya pala yun.

Ngayong alam ko na, hindi ako dapat maging kampante. Yung ginawa niyang pag akit dati kay Ambrose ay isang desperate move. At hindi ko alam kung kelan ulit siya magiging desperada. Malay ko ba kung may feelings pa siya kay Ambrose. Nakatakot ang mga babaeng ganun. Mga desperada. Kayng gumawa ng kahit na ano makuha lang ang gusto nila.

At naiinis ako kay Ambrose kasi nung una ko silang makita ni Fhaye, nung tinanong ko siya kung sino ito, sabi niya hindi daw niya kilala transferee din daw. Bakit hindi niya sinabi yung totoo? Pero hindi ko na ito inungkat pa. Sinabihan niya ako na iwasan ko si Kazi, pero ano, siya pwede niyang lapitan si Fhaye? Bahala siya. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya.

Hindi ko iiwasan si Kazi. Eh ano kung makita niya na kasama ko siya. Tsaka two birds in one shot yun, dapat kong ibefriend si Kazi. Baka makakuha pa ako ng information tungkol sa nangyari noon at tungkol kay Fhaye. Sabi nga ni Haley, keep your friends close, and your enemies closer.

" Baka maging kamukha ko na ang anak mo niyan." bigla ito nagsalita nang hindi man lang inaalis ang tingin sa ice cream na kinakain.

Kanina ko pa kasi siya punagmamasdan. Namumula na yung mga labi niya sa lamig ng ice cream na kinakain niya. At ang takaw niya. Hindi lang sa ice cream. Kahit anong pagkain. Ilang araw ko na ring kasabay mag lunch si Kazi. Busy kasi si Ambrose. Malapit na ang major game nila.

" Bakit naman?" patay malisya kong tanong. Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Grabe siya kumain.

" Wag mo akong paglihian. Baka pumayat ako." napansin niya siguro na kanina pa ako nakatingin sa kanya.

" Ikaw papayat? Sa takaw mong yan?" pambihira. Naubos nga niya mag isa yung half galon na ice cream. Ubos ng wala pang 10 minutes.

Tumawa lang siya. Hindi na nagsalita ulit. Baka siguro mabitin sa pagkain.

" Uy baka mag brain freeze ka." oh di ba. Concern naman ako. Kung kelan paubos na tska ko naisip na paalalahanan siya.

Tumawa ulit ito. " Favorite ko ang ice cream. May technique ako para hindi ako mag brain freeze."

At may technique pang nalalaman ang kolokoy. " Sige nga, anong techinique yun?"

Huminto siya sa pagsubo. " Dapat kasi tinutunaw mo muna sa bibig mo bago mo lunukin. Para na rin hindi mamaga yung lalamunan. Tsaka yun nga, iwas brain freeze na rin. Marami pa akong makakain na ice cream."

Hindi ko pa rin maimagine. Kahit na siguro sundin ko ang technique niya hindi ko pa rin kayang kumain ng ganyan karami na ice cream.

" Ganyan ka ba talaga kalakas kumain niyan?"  ang gagamitin ko dapat na word " katakaw". Eh hindi pa naman kami ganun ka close baka ma offend siya.

" Hindi mo pa ako nakikitang umubos ng one galon." pagmamayabang niya.

 Sa totoo lang parang nakikinita kinita ko na. Sa siba niyang yan hindi malabong kaya niyang gawin yun.Uminom siya ng coke. Hudyat na tapos na itong kumain. Ganun kasi ya. Napansin ko hindi siya umiinom habang kumakain. Pagkatapos tsaka siya umiinom.

  " Gusto mo bang sumabay saken manonood ng laro next week?" Out of the blue magtatanong siya ng ganun.

Ako nga dapat ang nagtatanong sa kanya. Pero madalas nauunahan niya ako lagi. Pero ba't niya pa tinatanong eh alam naman niya na malamang si Ambrose ang kasabay ko. Pero ang galing niya ha, kasi hindi ako makakasabay kay Ambrose nun. Kasi maaga silang aalis. Si Haley naman kay Russell sasabay kahit na sobrang aga. Ewan ko ba sa dalawa na yun. Parang may mighty bond sa sarili. Lagi na lang magkasama at magkadikit. After mag alsa balutan ni Haley naging ganyan na sila. Sobrang sweet.

" Uy...." pinitik ako sa braso.

Nagulat ako. Hinampas ko siya ng mahina sa ulo ng notebook ko.

" Ikaw wag mo akong ginugulat baka mapatalon ako dito. " pinandilatan ko siya.

 " Nagtanong lang ako kung sinong kasabay mo natulala ka na. Ok lang kung may kasabay ka hindi mo na kailngang mag isip ng dahilan " akala niya siguro  hindi makakasabay sa kanya at nag iisip ako ng dahilan.

Ang bilis ng panahon. Next week na pala yung major game nila Ambrose. Ibig sabihin a week after nun graduation na.

 " Hindi ok lang. Wala naman akong kasabay. Naisip ko lang si Haley. Kaso baka sumabay na kay Russell. "

" Alam mo chicks din yung friend mo na yun ah. Mag asawa na ba talaga yung dalawa na yun?"

Si Haley chicks daw. Saan niya napulot ang term na yun. Pang kanto. Hindi chicks si Haley, hotbabe si besty.

Oo mag asawa na yung dalawa na yun.  Ikaw talaga ang talas ng pang amoy mo sa magaganda. Hindi ba selosa ang girlfriend mo?" Aha! One point. Malalaman ko na kung may girlfriend siya.

" Para kasing ang bata pa nila para mag pakasal. " nag aantay ako ng susunod niya na sasabihin. Pero parang deadma siya sa tanong ko tungkol sa girlfriend niya.

Sa totoo lang wala akong nakikita na kasama niya. Kasi ilang araw na kaming magkasabay maglunch. Kung hindi ako buntis at walang asawa iisipin ko na may gusto ito sa akin.

" Ganyan ang mga mayayaman, kahit ano pwede nilang gawin. " hindi ko naman pwedeng sabihin na set up lang yung kasal nung dalawa.

" Eh  ikaw,kung hindi ka buntis, papayag ka kayang magpakasal sa boyfriend ng ganito kaaga?" nagulat ako sa tanong niya.

Taas kilay ko siyang hinarap." Teka nga, bat ako na naman ang nakita mo? " hindi pa nga niya sinagot ang tinatanong ko tungkol sa girlfriend niya. " At bakit mo naman naisipang itanong yan. Syempre doon din naman kami pupunta ba't pa mag aantay. "

Umiiling siya. " Hindi kasi enough na dahilan na kaya ka lang magpapakasal eh dahil buntis ka.

Hindi lang siya matakas at tsismoso. Pakialamero pa.

" Syempre hindi lang naman yun ang dahilan. Mahal ko si Ambrose kaya nung inaya niya akong magpakasal pumayag na ako. " kung makapag salita parang may pinag huhugutan.

Tumingin siya saken ng derecho. " Sa tingin mo, kung hindi ka buntis, aayaain ka kaya niyang magpakasal?"

Tumingin ako sa relo ko kunwari. " Hay naku Kazi ang dami mong alam. Mauna na nga ako. Baka malate pa ako sa susunod ko na subject."

Kinuha ko ang mga gamit ko at nagmamadaling uamlis. Nasa hallway na ako ng maisip ko ang tanong ni Kazi. It makes sense. Papakasalan kaya ako kung hindi ako buntis.

 Ba't naman niya naisipang tanungin yun.

********************************

" Are you sure ok ka lang? You want me to stay? " alam ko nag aalala siya kasi kanina pa ako walang kibo nasa bar pa lang kami.

" I'm fine. Wag mo na akong alalahanin. Magpahatid ka na lang kina Irish." hindi na kasi siya nabalikan ni Russell kaya wala siyang kasabay uuwi pag nagkataon.

At parang naguiguilty ako. Alam ko gutso niyang sumama kay Russell papuntang Libis pero nagpaiwan ito dahil sa akin.

" Pag gusto mo ng kausap call me, ok. I mean it. " she's really my bestfriend. At sa sitwasyon ko lalo siyang nag aalala.

Yumakap ako sa kanya. Naiiyak na naman ako. Kanina ko pa gustong umiyak.

" Thank you." bulong ko sa kanya.

Hinaplos niya ang likod ko. " Alam ko na yan. Pwede kang umiyak pag alis ko, pero 5 minutes lang ha. Pag sumobra pa dun makakasama na sa baby."

Natawa ako. Ayan na naman siya sa 5 minutes na yan. Nahawa na siya kay Russell. Meron kaming private green joke dito. Si Russell kasi mahilig sa 5 minutes. Lalo na pag papasok na siya sa school. Kaya minsan nalelate siya.  Kaya yung 5 minutes na yan naging bukam bibig na namin pareho.

Nakangiti pa rin ako hanggang sa makapasok ako sa loob ng condo. Ngunit nawala ang ngiti ko nung makita ko si Ambrose na tulog na tulog. Hindi man lang siya sumunod sa bar after ng graduation ceremony. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang sumunod. Iniiwasan niya si Russell. Nagkasamaan kasi sila ng loob nung huling laro.

He messed up. At nagalit sa kanya si Russell. Pati halos lahat ng team. And it's my fault. I went to the game with Kazi. Magakatabi pa kami sa upuan. Kaming dalawa lang.Hindi ako umupo sa tabi ni Haley kung saan may reserved seat ako.

I saw him talking to Fhaye the day prior to the game. I asked him about it pero sabi niya ngakataon lang daw na nagkita sila. And I didn't believe him. At napanisn ko laging mainit ang ulo niya. Hindi ko na siya kinulit. Pero masama ang loob ko. Kaya gumaganti lang ako sa kanya. And I was wrong. Wrong timing pa. He always looked at our direction during the game. And before he was taken out of the game, Russell confronted him, ay napatingin siya sa side namin. Russell looked at the same direction as well. Kaya parang nauhulaan nito kung bakit nagkakaganun si Ambrose. Kaya nagalit si Russell sa kanya.

Nagsisisi ako. Napakaimportante ng laro na yun para sa kanya. Siya pa naman ang napipisil na maging captain ng soccer pag graduate nila Russell at Kevin. At pinaghandaan niya ito. At nauwi ang lari niya sa ganun. Walang kwenta. Muntik pa silang matalo. Buti na lang magaling talaga maglaro si Russell. Kundi siya talaga ang sisisihin. At ako ang may kasalanan. Seloso kasi si Ambrose. 

Lumapit ako sa kanya. Inayos ko siya ng higa. Hindi pa niya nahuhubad nag shoes niya. Lasing ba'to. Inamoy ko siya. Mukhang nakainom nga. Saan kaya siya galing. Pupunta na sana ako sa shower ng mapansin ko na umiilaw ang phone ni Ambrose. Mukhang may tumatawag kasi patuloy ang pag blink ng ilaw. Tiningnan ko ito. Number lang.

Lumakas ang kaba ng dibdib ko.

Kinuha ko agad yung phone ko. Last time may tumatawag kay Ambrose na number lang. Nung malaman ko ang tungkol kay Fhaye palihim kong kinuha sa missed call list ng phone ni  Ambrose nung araw na yun ang number na yun at sinave ko sa phone ko. At yun ang ichecheck ko kung same number pa rin yung tumatawag ngayon. Kinutuban kasi ako nung time na yun. And I don't like it pag kinukutuban ako. Madalas kasi totoo ang mga hinala ko.

 Huminga muna ako na malalim bago ko tiningnan ang number sa phone ko. At tama ang hinala ko. Same number pa rin yung tumatawag. Tumingin ako kay Ambrose na himbing pa rin sa pagtulog. Kahit na nanginginig ako sa kaba hindi ako dapat magpadalos dalos.Pero sa totoo lang gusto ko nang ibato kay Ambrose ang phone niya.

I checked his call logs. From missed calls to received calls. And almost everyday may missed call ang number na yun. I checked sa received call logs. May nakalista na recieved call galing sa number na yun 3 days prior sa graduation. At meron kaninang received call din galing sa same number bago mag start ang graduation ceremony. I scanned the call duration. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Kasi one minute and 1 second lang yung isa ta yung isa naman 30 seconds lang. Hindi niya ito nakausap ng matagal.

Isa lang ang naisip ko kung sino ito. Kinuha ko agad ang isang sim card ko. Tatawagan ko ang number. At ayokong gamitin ang personal number ko. Nanginginig ako habang dinadial ko ang  number. Kailangan hindi ako mahalata.

Nag ring. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat.

"Hello?" boses ng babae. Ito rin yung babaeng tumawag dati. Parang bagong gising ito.

I will bluff her.

" Hi Fhaye!" masaya kong bati kunwari.

" Uh, yeah, who's this?" sagot nito pero mukhang nag aalangan ito. 

Yun lang ang inaantay ko. Ang malaman kung sino ang may ari ng number na yun. At tama ang hinala ko. Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Galit na galit ako.

" Hello? Hello?" napatingin ako sa phone na hawak ko.

Binaba ko na.

********************************

Halfway na po ang story. Uulitin ko na naman. Sa mga nakakaunawa, slow lang po ang UD dito.

Maraming salamat! Pag may tanong, send PM.

fujeeko x



















 


Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 20K 5
Mariev Leigh Lamaitre has a perfect life. She's living with her loving family, caring best friends and has a successful career. But everything change...
127K 1.2K 14
Gabriela Elena Velazquez a City girl with an arrogant attitude. She's from a decent and rich family and soon to inherit their business but to be a te...
689K 12K 22
She fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already have someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...