The Billionaire's Unexpected...

By desiredink

972K 20K 2.8K

Reverio Twins #1: Tredore Adamant Zreinessa Nerillano, a simple woman who was deprived of living her life to... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 13

20.4K 425 38
By desiredink


Hi, @gela7540, this chapter is dedicated to you! Thank you for supporting TBUT!

Enjoy!

—desiredink—







"THEY have pretty names." Sathel smiled. Umaliwalas na rin ang kaniyang mukha.

"Of course!" I chuckled. "Hindi ko akalain na dalawang anghel pala ang dinadala ko."

"Surprise talaga, Madam," aniya.

"Sobra." Napangiti ako nang maalala ang reaksyon ko sa gitna ng panganganak.

"Nangingiti ka r'yan?" pang-aasar niya.

I glared at him. "Pakialam mo ba! Mas dinaig mo pa nga reaksyon ko no'ng malaman kong kambal ang anak ko!"

Gulat na gulat kasi ang hitsura niya. Akala mo siya 'yong nagbuntis!

He chuckled. "Nakakagulat naman kasi talaga, Madam. Sino ba naman nag-expect na kambal na pala ang dala-dala mo?"

I let out a heavy sigh. "Hahanapin ko pa rin si Zreandra. Hindi ako titigil hangga't hindi nagbabayad ang taong may gawa nito sa pamilya ko."

"I will help you as I can, Zrei. Tutulong ako sa paghahanap," he muttered.

I'm so lucky to have Sathel on my side. He's my greatest friend. Talagang nag-aalala ako para sa kaligtasan niya no'ng mabalitaan ko ang nangyari sa kaniya.

Hndi ko yata matatanggap kapag may nangyaring masama kay Sathel. Napakadami na niyang naitulong sa akin at hindi ko pa nasusuklian ang mga 'yon.

"Thank you, Sathel," I sincerely said.

Nang dahil kay Sathel ay hindi ko naramdaman na mag-isa kong kinakaharap ang mga problema ko. He's always there beside me, kahit hindi niya talaga alam ang buong problemang dinadala ko. He's always willing to help me in everything he could.

"Wala 'yon! Basta para sa 'yo, Madam!" He smiled.

"Kumain ka para mabilis kang makalabas sa ospital na 'to." Tumayo ako at lumapit sa center table kung nasaan ang isang basket ng prutas na binili ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may complications pang nakita sa 'yo."

Kumuha ako ng isang orange at mabilis na binalatan iyon. Kumuha na rin ako ng isang tangkay ng grapes at dinala kay Sathel.

He was smiling from ear to ear. Napairap na lang ako sa kaniya.

"Nai-kuwento sa 'kin ng nurse 'yong tungkol sa unang doktor ko," aniya.

I rolled my eyes again as I sat back on my chair. "Kainin mo 'to." Inabot ko sa kaniya 'yong orange na agad naman niyang tinanggap. "Tss. Don't call him a doctor, he didn't deserve to be called one."

He stifled a laugh. "I'm flattered."

"Kumain ka na lang diyan! Huwag mong sinisira ang mood ko nang dahil sa doctor na 'yon. Bigyan ulit kita ng hemorrhage d'yan, eh!" I joked.

Tinawanan niya lang ako at kumain na rin siya ng mga prutas na dala ko.

Naalala ko pa ang sinabi ng doctor niya noon sa akin nang subukan niyang humingi ng tawad, dahil nagsampa ako ng kaso sa kaniya. Aniya, napag-utusan lang daw siya na gawin 'yon at pinagbantaan daw ang kaniyang buhay kung hindi niya susundin ang utos. Hindi naman ako naniwala sa mga sinabi niya dahil wala siyang sapat na ebidensiya na makapagtuturo sa kung sino ang nag-utos sa kaniya.

Nang makalabas si Sathel sa ospital ay bumalik siya sa kaniyang dating gawi. Halos araw-araw siyang nandito sa bahay tuwing natatapos ang trabaho niya sa hotel. Kung dati ay ako ang lubos na inaalagaan niya, ngayon naman ay ang anak ko.

"Ang guwapo-guwapo mo, Zeirode. Manang-mana sa ninong!" Sabay halakhak ni Sathel.

Nandito kami ngayon sa sala at karga-karga ni Sathel ang anak ko. Natawa naman kami ni Clara dahil paulit-ulit na lang namin na naririnig ang ganiyang mga sinasabi niya.

"Kamukha mo si Mommy. Buti hindi mo naging kamukha 'yong tatay mong mang-iiwan, 'no?" aniya.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang ang tunay na nangyari, Sathel. Ako ang lumayo sa kanila para sa katahimikan ng buhay namin ng mga anak ko.

I don't need them in my life. Magiging komplikado lang ang lahat kung mananatili akong malapit sa kanila lalo pa't may mga anak na ako.

I sighed. Hindi kami tumitigil at sumusuko sa paghahanap kay Zreandra. Kahit ang mga bahay-ampunan na posibleng mapapad ang anak ko ay inisa-isa na namin pero bigo pa rin kaming mahanap si Zreandra.

Hindi ako susuko hangga't hindi ko nakikita ang anak ko. Alam kong itinago lang anak ko at may posibilidad na nasa ibang katauhan na ito.

"MOMMY! Are we going to work again?" Napangiti ako nang yumakap sa baywang ko si Zeirode.

Kahit limang taon pa lang ang anak ko ay hindi maikakaila na matangkad siya. Kanino niya pa ba mamamana 'yon?

"Yes, baby! I'm glad that you're awake now," malambing na sabi ko at pinisil ang makabila niyang pisngi.

"Aray! Stop kurot my psingi po! I'm not a baby anymore!" He pouted.

He's so cute! Kahit nandito kami sa Spain ay pinagtuunan ko ng pansin ang pananalita niya ng Filipino.

"You're still my baby kahit lumaki ka na, okay?" I smiled as I caressed his cheeks. "Kayo ni Zreandra, baby ko kayo kahit mas malaki na kayo sa 'kin."

Zeirode's mood suddenly changed by the mention of his twin. Kahit sa murang edad niya ay naintindihan niya agad ang nangyari tungol sa kaniyang kambal. Hindi naman ako natutuwa na naintindihan niya dahil alam kong nasasaktan siya. Nawalan siya ng kapatid.

"We can still find her, right?" malungkot na tanong niya.

I kissed his forehead. "Of course, baby. We will look for your sister."

"Want ko na pong lumaki para ako na ang maglo-look sa kaniya." Nakanguso pa rin siya.

I smiled. "We can still look for her kahit hindi ka pa malaki, okay?" He nodded. "Just stay beside me, Rode."

He hugged me. "Of course, Mommy! I won't leave you. I won't let the bad guys take me away from you po."

I smiled as I tightened my hug on him. Hindi man sabihin sa akin ni Zeirode, alam kong gustong-gusto na niyang makita ang kaniyang kapatid, and it hurts me knowing that we couldn't still find my daughter.

Bumalik na rin ako sa pagma-manage ng The Neri Spain nang magtatlong taon si Zeirode. Lagi ko rin siyang isinasama sa opisina dahil binigyan ko na rin ng trabaho si Clara sa hotel maliban sa pag-aalaga sa anak ko na agad naman niyang tinangggap.

"Tito Guwapo!" Napailing na lang ako nang marinig ang pagtawag ng anak ko kay Sathel.

"Inaanak kong guwapo!" bati naman pabalik ni Sathel at nilapitan kami sa lobby.

Puro talaga kalokohan ang itinuturo nitong si Sathel sa anak ko. Pati ba naman ang pagtawag sa kaniya ay naging 'Tito Guwapo' na?

Kumawala naman sa pagkakahawak ko si Zeirode at mabilis na sinalubong ang paglapit ni Sathel. Nang maglapit ang dalawa ay agad naman na binuhat ni Sathel ang anak ko. Napangiwi pa nga siya kaya napangiwi rin ako. Alam ko kasing mabigat na si Zeirode kaya hindi ko na rin siya nabubuhat.

"Kumusta ang inaanak ko? Na-miss kita!" Ginulo ni Sathel ang buhok ng anak ko.

"My hair, Tito Guwapo!" reklamo ni Zeirode. Nangingiting napailing na lang ako dahil talagang ayaw ni Zeirode na pinapakialaman ang buhok niya.

"You're so maarte!" pang-aasar ni Sathel.

"I am not po! You'll ruin my hair kasi!" depensa ng anak ko.

Sathel laughed. "Ano'ng gusto mo today? Or want mo na mag-mall ulit?"

I sighed. Ayan na naman siya sa pang-i-spoil kay Zeirode. Hinahayaan ko na lang ang dalawa dahil mukhang nag-e-enjoy sila pero lagi kong pinapaaalahanan tungkol sa limitasyon nila.

"Kapupunta lang natin sa mall no'ng isang araw," singit ko.

"No'ng isang araw pa 'yon, Zrei," ganti naman ni Sathel.

I rolled my eyes on him. Bakit ko pa nga bang sinubukan na tumutol? Lagi naman nasusunod ang gusto niya basta gusto rin ni Zeirode.

"Yes, yes! Let's go to mall again!" Zeirode chanted.

"Whatever!" sabi ko na lang.

Hindi na rin kami nagtagal sa lobby at dumiretso na sa aking opisina. Zeirode stayed on Sathel's arms. Ewan ko na lang kung hindi siya magreklamo na masakit na ang mga braso niya.

"Bagay na bagay talaga sila Sir Sathel at Madam, 'no?"

"Ang pogi pa ng anak nila!"

"Hindi nga ako naniniwala na hindi si Sir Sathel ang ama no'ng bata."

"Super cute ni Sir Zeirode!"

Napapailing na lang ako. Sanay na kami ni Sathel na marinig ang mga ganoong komento ng mga empleyado ng hotel sa amin. Ipinagkikibit-balikat na lang namin iyon ni Sathel at pagtatawanan kalaunan.

Basta nasabi naman na ni Sathel na hindi siya ang ama ni Zeirode. Hindi ko na hawak kung paniniwalaan nila 'yon o hindi.

"They really thought you're my father, Tito Guwapo," Zeirode suddenly said.

Sa mga nakalipas na taon ay wala akong naririnig kay Zeirode tungkol sa paghahanap niya ng presensiya sa kaniyang ama. Tanging si Zreandra lang ang binabanggit niya sa akin.

I felt so bad about it. Zeirode deserves to know his father, right? Ayokong ipagkait sa kaniya kung gusto man niyang makilala ang ama nila ni Zreandra.

"We're both handsome, Rode! Huwag ka na magtaka!" Sabay halakhak ulit ni Sathel.

"Mas guwapo po ako sa 'yo, Tito Guwapo," pakikipagtalo ni Zeirode.

"Of course! Ikaw ang pinakaguwapo sa lahat!" panggagatong naman ni Sathel.

Nakakatuwa na nandito pa rin si Sathel sa tabi namin. Alam kong makasariling pakinggan pero natutuwa ako dahil siya ang tumatayong ama kay Zeirode. He's really a great friend and I don't want him to think that I was just letting him beside us because of Zeirode.

WALANG masyadong trabaho sa hotel ngayong araw. Kaunting papeles lang ang kailangan kong pirmahan at agad ko namang natapos 'yon.

Bumibisita rin si Clara sa opisina kung may oras siya sa kaniyang trabaho para makipaglaro rin kay Zeirode. Hindi kami nagkakasabay sa trabaho dahil mas maaga ang pasok ng mga empleyado. Well, kahit anong oras naman kasi ako puwedeng pumasok sa hotel.

"Madam, balik na po ako. Tapos na ang break ko, eh," paalam ni Clara.

"Sure! By the way, pupunta kaming mall nila Sathel, do you want to come along?" I asked.

"Sama ka, Tita Ganda!" singit naman ni Zeirode na kumakain ng sliced cake na ipinadala ko.

"Sige po, Madam. Sasama po ako," aniya.

I smiled. "Sa lobby na lang mamaya."

Tumango siya at umalis na agad para bumalik sa kaniyang trabaho.

I stood up from my chair and went to Zeirode on the long couch.

"Are you done, baby?" malambing na tanong ko.

He shook his head aggressively. "Hindi pa, 'My. Cakes are really delicious!"

Napailing na lang ako. He really loves cakes. Hindi siya kumakain ng sweets kung hindi naman cake ang ihahain sa kaniya. Well, hindi naman ako mahilig sa cake kaya hindi ko alam ang sasabihin do'n.

"Cakes are heaven!" gigil na sabi pa ng anak ko.

I shook my head again as I ordered for another slice of cake he was eating. Mas maganda yata na mgdala na lang ako rito ng isang buong cake, 'no?

Nang matapos ang trabaho ay binihisan ko muna si Zeirode ng bagong damit. Nagpalagay ako ng wardrobe sa opisina para sa mga gamit at damit ni Zeirode dahil palagi ko naman siyang isinasama rito.

"We'll eat cake again, right, Mommy?" He blinked his eyes like he was really pleading.

He's really fond of cakes! Hindi ba nagsasawa ang anak ko ro'n?

"Sure, baby! But just one slice, okay? You already ate two slices earlier," I reminded.

"Yes po, Mommy!" he happily agreed.

I hugged him tight before we stormed out the office. Dumiretso na kami sa elevator para makapunta sa lobby. Inilabas ko naman ang cell phone para mag-text kay Sathel.

Zreinessa:
otw sa lobby.

Excited na lumabas si Zeirode sa elevator kaya napabilis ang mga hakbang ko dahil hawak ko ang kamay niya.

"Slow down, Rode," saway ko.

Huminto siya sa paghila sa akin at bumagsak ang tingin niya sa paa kong nakasuot ng heels.

"I'm just excited. I'm sorry, Mommy. Sumakit po ba paa mo?" he sweetly asked.

I smiled. "Hindi masakit ang paa ni Mommy. Baka kasi madapa ka kapag tumakbo ka," paliwanag ko.

"I'm sorry po," he muttered.

Nag-squat ako sa harap niya at sinapo ang kaniyang mga pisngi. "It's okay, baby. Huwag mo na uulitin, okay?"

He nodded. "Yes po. I love you, Mommy!"

"I love you more, Zeirode Trev," I tenderly said as I embraced him for a hug. Mas mahigpit na yakap ang iginanti niya kaya napangiti ako.

Ang ngiting 'yon sa aking mabi ay unti-unting nawala nang may makita akong sobrang pamilyar na mukha na naglalakad mula sa left wing ng lobby.

"Magandang hapon, Sir Reverio!"

"Good afternoon, Sir Reverio!"

Tila napako ako sa aking kinaroroonan habang nakatitig sa kaniya na tuloy-tuloy lang na naglalakad at binabalewala ang mga bumabati sa kaniya.

My heart was starting to pump hard. Tanging pagtingin ko lang sa kaniya mula sa malayo ay nagkakagulo ang sistema ko! Agad akong natauhan nang maisip si Zeirode.

Hindi niya kami puwedeng makita!

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil hinatak ko na lang bigla si Zeirode paalis sa kinaroroonan namin.

"Mommy, where are we going?" Zeirode asked, but I was preoccupied with the sight of him.

He's here?

Ano ang ginagawa niya rito?

Bakit nandito si Tredore?

Hindi niya ako puwedeng makita. Mas lalong hindi niya puwedeng malaman na may anak kami! Gusto ko siyang ipakilala kay Zeirode pero hindi ito ang tamang oras!

"We're going home. Tito Sathel texted that he still has works to do. Bukas na tayo mag-mall, okay?" I explained as I was calming myself.

Damn!

I just took a full glance of him and he could really make my whole system in chaos! Gano'n pa rin ang epekto niya sa akin kahit ilang taon na ang lumipas.




DESIREDINK

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
25.8K 1K 57
Being the only girl in the house that full of arrogant , playboy , asshole and a jerkass boys is a curse for Ivy. She always with her crazy brothers...
38.2K 863 41
I give my everything! I don't know what is the reason why he still choose other girl over me. I always ask myself what else should I do so that he wi...
933K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.