Mr. Billionaire, Don't Englis...

By donnionsxx04

95.2K 3.1K 495

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Pasilip:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119:
Chapter 120:
Chapter 121:

Mr. Stranger 36:

588 25 0
By donnionsxx04

ANDREW SY POV:)

Pagkalabas ko ng kotse ay agad na naglakad na ako papasok. Sinalubong naman ako ng assistant ko at sumabay na rin ito sa paglalakad.

"Gusto kayo makausap ni Mr. Chua." Mahinang sabi nito.

"Bakit raw?" Bahagyang napatingin dito na tanong ko. Nakapasok na kami ng Uphone building.

"Tungkol sa pagpapalitan ng produkto natin." Mahinang balita nito.

Tumigil naman ako sa paglalakad. Dahan-dahan ako humarap dito na may ngiting nakakaloko.

"Ilan ba gusto niya?"

"100 kilo kapalit ng $100,000." Seryosong sagot nito sabay ayos ng salamin nito.

"Okay. Ikaw na bahala kung ano oras siya bakante." Nakangiti pa ring sabi ko at nagsimula na maglakad.

"Sige po."

Nasa harap na kami ng elevator. Ang assistant ko na pumindot kung saan destinasyon kami pupunta. Nang bumukas ay pumasok na ako. Hinarangan naman ng assistant ko ang isang empleyado na papasok sana. Umiling ito dito na ibig sabihin ay bawal.

Nang makita ako nito, agad na yumuko ito at nagbow.

Pumasok na rin sa loob ang assistant ko at sumara na ang elevator.

"Ready na ba si Johnser?" Tanong ko dito maya-maya.

"Nakahanda na po siya."

THIRD PERSON POV:)

Bumaba na ng kotse si Ros. Di maiwasan mapangiti si Ros habang nakatingin sa mataas na building ng Uphone. Sobrang saya si Ros dahil makikita na naman niya si Lady Beth.

"Let's go." Sabi ni Mr. Kailes halos napatingin Siya dito.

"Can I not come with you??" Mahinanong sabi niya dito.

"Sure." Nakangiting payag ni Mr. Kailes."Hintayin mo nalang kami dito." Sabi pa nito sa kanya bago umalis.

"Thank you." Pasalamat niya sabay bow-bow.

Pumasok na nga sila sa building habang kasama ang assistant nito pati na ang limang bodyguard. Siya namay ay nakangiti na dumaan sa ibang pintuan papasok rin sa office.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Elizabeth, nabalitaan mo ba?" Si Rose iyon.

Abala ako sa paglagay ng ibang gamit ko sa locker. Breaktime namin ngayon at balak namin ni Rose kumain ng street foods sa labas.

"Ang alin?" Tanong ko sabay pasok ng damit kong pang-trabaho sa locker. Nagpalit lang ako ng damit pero yung pang-ibaba ko, hindi.

"Malalaman na raw sino magiging tagapagmana ng Uphone." Chismis nito sa akin.

Natigilan naman ako. Naisip ko kaagad si Sir Johnser. Sana magtagumpay siya na mapapayag yung negosyanteng mayaman. Nakita ko naman na grabe ang pagsisikap niya at alam kong mahal na mahal niya ang Uphone. Sana siya ang maging tagapagmana.

Nakangiting bumaling ako sa kanya.

"Oo nga." Sagot ko rito."Tara na! Labas na tayo!" Yaya ko na dito.

Lumabas na nga kami ng locker room.

JOHNSER SY POV:)

Inayos ko ang coat ng damit ko. Nasa tapat na ko ng pintuan ng meeting room at ramdam ko ang kaba ng oras iyon. Di ko mapigilang mapalunok ng laway pero nilalakasan ko ang loob ko. Tiwala lang sa sarili ang baon ko ngayon.

***Flashbacks***

"Sobrang napakahalaga talaga sayo sir ang Uphone ano?" Narinig kong turan ni Elizabeth habang pinupunas nito ng tuyong tela ang mga libro ko sa bookshelves.

"Ofcourse. Dito nabuo ang pangarap ko. Gusto ko mas lalong umunlad ang pinagmulan ng pamilya namin." Sagot ko sabay tingin at ngumiti ng bahagya.

"Tama, Sir. Yan baon mo para mamaya. Pangarap, at pagmamahal mo sa iyong pinagmulan. Syempre, ibaon mo rin ang tiwala sa sarili mo. Pag dala mo yan, alam kong magtatagumpay ka." Nakangiting pahayag nito habang patuloy sa paglulunos.

Bahagyang natigilan naman ako sa sinabi niya.

Tama nga siya.

***END OF FLASHBACKS***

"Nasa loob na po si Mr. Kailes. Naghihintay sainyo." Sabi ni Ramon habang hawak na ang doorknob ng pinto.

Bago paman buksan ni Ramon ang pinto ay bumuntong-hininga pa ko saka pumasok na sa loob.

SOMEONE POV:)

Panay libot lamang si Ros sa loob ng Uphone building. Nang makarating siya sa food court ay dali-dali pumunta siya sa mga sari-saring tinitinda. Tumingin siya ng chocolates na naka-display doon. Natatakam siya sa sarap ng mga cake halos di natiis ay umorder siya.

"One sliced of Chocolate cake. This one." Sabi niya sa nagbabantay sabay turo sa gusto niya.

"Okay, Sir."

Habang naghihintay si Ros ay may nagsidating na grupo. Napaatras naman siya nang banggain siya ng isang lalaki. Kunot-noo na tinitigan niya ang mga ito na kasalukuyan na ang iingay nila.

"Kainis yung boyfriend ko. Kakabili ko lang ng sapatos, nanghihingi na naman pambili ng bago." Problemadong sabi ni Alesia.

"Girl, di ka kasi nakikinig. Nakita ko yung jowa mo may kasamang bekla. Niloloko ka lang nyan!" Sabi ni Coreen dito.

"Puro hotdog kasi iniisip mo e. Makakahanap ka rin ng iba." Sermon naman ni Jacksy dito.

"Wow? Ikaw nga, puro mani e niloko ka rin naman ng girlfriend mo." Pabirong kantiyaw ni Lania kay Jacksy.

"Yan ka na naman. Nagsisimula ka na naman." Halatang napikon na sabi ni Jacksy dito.
Nagtawanan lamang sila.

"Tinext nyo na ba si Mandy?" Tanong ni Alfred sa mga kasama niya.

"Papunta na raw siya." Sagot ni Coreen dito."Order na kayo."

Magsasalita na sana si Alfred para umorder nang naunahan siya ng nagbabantay.

"Sir, yung order nyo po."

Takang tiningnan naman ng mga ito si Ros halos napaatras pa sila para bigyan ito ng space para makuha ang order nito. Napanganga naman sina Alesia, Lanie at Coreen nang makita si Ros. Halos kumikislap sa kaguwapuhan si Ros halos parang may hangin na tumatama sa kanila dahil sa pag-wave ng kanilang buhok. Pareho silang nakahawak sa dibdib halos hindi maipinta sa kanilang mukha ng makakita ng guwapong nilalang.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Ros."Keep the change."

Bago paman umalis ay napatingin pa si Ros sa nga dito. Nginitian lamang niya bahagya sila Coreen at umalis na para maghanap ng mauupuan. Hinang-hina na napaluhod ang tatlo sa nakita. Napataas-kilay lamang si Jacksy at Alfred na nakatingin sa tatlo.

"Ang guwapo niya." Wala pa rin sa sarili turan ni Coreen.

"Para akong nakakita ng anghel." Nakangiti sa kawalan turan naman ni Alesia.

"I think I found the one." Wala rin sa sarili turan ni Lanie habang nakahawak sa dibdib at nakangiti sa kawalan.

Sinundan lang ng tingin ng tatlo ang papaalis na si Ros. Sa di kalayuan...

"Ang OA naman nila." Pabulong na sabi ni Jacksy kay Alfred.

"Sinabi mo pa." Sagot naman nito.

Nang maka-order ang Chismosa Squad, agad na naupo sila sa malapit na inuupuan na table ni Jk. Pinagmamasdan lamang nila ito habang sumisipsip sa straw ng milktea habang naglalaro sa cp nito.

Nakatingin lamang ang tatlo na patay na patay dito habang ang dalawa naman si Jacksy at Alfred, kunot-noo na nakatingin lamang kay Ros habang nagsisipsip ng milktea.

Natigil naman sa paglalaro ng COC si Ros nang nakita niyang tumatawag sa messenger si Lady Beth. Di maiwasang matuwa si Ros nang makitang tumatawag ang babaeng gusto niya. Nakangiting sinagot niya agad ito.

"Hello, Lady Beth? Good morning!" Masayang bati niya dito sabay wave ng hand.

"Good morning din." Bati din nito."Asan ka?"

"Oh?" Bulalas ni Ros nang makita kay Lady Beth ang kinaroroonan niya.

Nakatalikod siya sa video call dito habang nakaupo rin siya sa table. Pareho silang nagulat at sabay napalingon sa likod. Nakita naman nila ang isa't-isa, malapit lang pala sila at sa iisang lugar lamang sila.

Tuwang-tuwa tumayo kaagad sa kinatatayuan si Ros.

"Lady Beth!" Tawag nito sabay kamay ng kamay habang hawak ang cellphone.

Nakangiting tinago ni Elizabeth ang cellphone sa bulsa niya at lumapit dito.

Napa-pout naman ang tatlong sina Coreen, Lanie at Alesia nang makitang may girlfriend na ang lalaking gusto nila. Sabay napa-cross arms sila sabay padabog na uminom ng milktea. Pagkatapos sabay rin nila nilapag sa mesa ito.

"Taken naman." Turan ni Coreen.

"Sayang!" Saad naman ni Lanie.

"Sinabi mo pa." Payag din ni Alesia.

Sabay-sabay napabuntong-hininga na lamang sila.

Palihim na natawa naman si Jacksy at Alfred.

"Kanina ka pa dito?" Nakangiting tanong kaagad ni Lady Beth dito.

Umiling si Ros na parang bata."Mga five minutes palang ako nandito." Sagot nito."Break time mo ba? You want, let's eat here?"

"Oo, breaktime ko." Sagot ni Elizabeth dito."Wag na dito. May alam akong pwedeng tambayan natin. Tara!" Hinawakan na nga niya si Ros at hinila paalis sa Foodcourt.

Pagkaalis ng dalawa, saka dumating si Mandy. Nakita nito na ang lulukot ng mukha ng tatlo halos pareho pa silang nakayungko. Takang bumaling siya sa dalawa na chill na chill na umiinom ng milktea.

"Anyare sa kanila?" Tanong niya dito.

Parehong kumibit-balikat lang ang mga ito.

Napatingin siya sa dalawang tao na pamilyar sa kanya na papaalis. Dahil hindi niya nakita ang mukha nito, di nalang niya pinsan. Naupo na siya sa mesa kung saan naka-pwesto ang Chismosa Squad.

JOHNSER SY POV:)

"Thank you." Sabi ko paglatapos ko ipresent ang pinaghirapan kong kagabi.

Nagsipalakpakan naman ang lahat sakin except kay Mr. Kailes. Mukhang iniisip pa nito ang mga prinesent ko. Sabay-sabay na napatingin ang lahat pati sila Papa kay Mr. Kailes. Hinihintay nito ang masasabi nito sa performance ko at pagpayag nito na pumirma sa kasunduan.

Kinakabahan na nakatingin lamang ako sa magiging sagot nito. Nakasalalay sa kanya ang magiging role ko sa kompanyang iniingatan ko.

"Honestly, you convinced me." Patango-tango na sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag."But..." Napatingin naman ako dito. Hinihintay ko susunod na sasabihin nito."I have an acquaintance who knows a lot about your product and everything he said to the ones you presented to me was accurate. And I heard, you will be the heir of Uphone if I sign the contract. My question is, for you, what is Uphone? That's what I want to know."

Tumingin naman sakin ang lahat dahil sa tinanong ni Mr. Kailes sa akin. Lalo na si Papa na hinihintay nito ang isasagot ko. Kinakabahan na napatingin ako kay papa, sunod kay Mr. Kailes at sa lahat na na dito. Lahat sila ay hinihintay na isasagot ko. Kinakabahan na napaunok ako ng laway.

Naalala ko na lamang ang sinabi ni Elizabeth sa akin.

"Yan baon mo para mamaya. Pangarap, at pagmamahal mo sa iyong pinagmulan. Syempre, ibaon mo rin ang tiwala sa sarili mo. Pag dala mo yan, alam kong magtatagumpay ka."

Tama. Alam ko na ang isasagot ko.

Confident na ngumiti ako kay Mr. Kailes."For me? Uphone is my home, Mr. Kailes."

Takang napatingin naman ang lahat sa isa't-isa. Napakunot-noo naman si papa pati si Mr. Kailes sa sinagot ko. Pati na si Tito Cedric na halatang nalito sa sinagot ko.

"Why?" Tanong ni Mr. Kailes sa akin.

"Dahil dito ako nagsimula at dito rin ako nagsimulang mangarap. Despite the many failures I have made, I still have not forgotten where I started, how I dreamed and how I loved myself even though there were times when I couldn't understand myself. Pero kahit ganun, hindi ako sumuko. Nagtiwala ako sa sarili ko at nagtiwala sa pangarap ko na alam kong kaya kong higitan ang mga nagawa nila kahit ilang beses akong minamaliit at ilang beses akong mawalan ng pag-asa. I love Uphone, this is where I started dreaming, and it embraced me for who I am. Not only that, but I believe, a person will not be shaped if there are no mistakes that come into his life." Mahabang pahayag ko.

Natahimik naman ang lahat sa sinagot ko. Walang umimik kahit ni isa. Lahat sila nagulat sa sagot ko at lahat sila napanganga. Natigil nalang ang katahimikan nang pumalakpak si Mr. Kailes. Napatingin naman kaming lahat dito.

"Your amazing." Sabi nito habang pumapalakpak."So, I'll sign the contract." Nakangiting sabi nito.

Nagsiingay naman ang lahat sa tuwa. Bakas sa mukha nila ang saya dahil tagumpay na nakuha namin ang loob ni Mr. Kailes. Samantala ako, tahimik na nakatingin sa kawalan. Di ako makapaniwala na magiging success ang araw na ito sa akin. Tumingin ako kay Papa, nakatingin lamang siyang seryoso sakin. Maya-maya ngumiti siya sakin pero mabilis lang.

Dahil doon, nakaramdam ako ng proud sa sarili ko. Ibig sabihin lamang iyon, pumasa ako kay Papa. Ako na ang magiging tagapagmana ng Uphone.

Lumabas na si Mr. Kailes at sumunod na din dito sila papa. Lahat ng mga miyembro Ng m kompanya ay binati ako. Tinanggap ko naman ang pakikikamay nila. Lumapit sakin si Tito Andrew, agad naman niya pinatong ang kamay niya sa aking balikat.

"I'm so proud of you." Sabi nito.

"Salamat, Tito." Nakangiting pasalamat ko.

Ito na ang simula ng journey ko sa kompanya.

THIRD PERSON POV:)

"Where's Ros?" Tanong ni Mr. Kailes sa kanyang assistant pagkapasok sa kanyang kotse.

"He's coming here." Sagot nito sa akin.

Nakita naman nila sa labas na kasama nito ang umampon sa kanya. Nagmamadaling binigay ni Ros ang pagkain kay Elizabeth nang makita sila na papaalis na. Aalis na sana siya papunta sasakyan nila nang pinigilan ito ni Elizabeth. Napabalik naman ito at pinaubos nito ang pagkain.

Pagkalagay sa bunganga ang lahat na pagkain ay tumakbo na ito patungo sa nakaparadang kotse ni Mr. Kailes. Nag-wave pa ng kamay si Ros habang papunta dito. Di maiwasan ni Mr. Kailes alalahanin ang pinag-usapan nila ni Ros kanina.

**Flashbacks**

"That's the use of Uphone Pro Max." Sabi ni Ros nang ma-explain lahat nito sa kanya ang ila-launch ng Uphone Company.

Di maiwasang mamangha at magtaka siya sa mga sinabi nito sa kanya.

"Your explanation is beautiful, very clean and really easy to understand." Sabi niya rito habang nakaupo sa kanyang office seat."Do I have to trust it?"

"It depends on you." Nakangiting sabi nito sabay kibit-balikat.

Sumandig si Mr. Kailes sa kanyang swivel sabay hawak sa baba habang nag-iisip. Pinag-iisipan niya ang mga sinabi ni Ros sa kanya. Tila may nabubuong paghihinala bakit alam nito lahat ang mga model na nilunsad ng Uphone pati na ang mga gamit nito.

Naisip din niya na siguro fan na fan ito ng Uphone dahil gustong-gusto nito ang kalidad ng produkto kaya maraming alam ito dito.

Naupo si Ros sa visitor seat sa harapan ng desk niya."You know, Uphone is a home. Home of dream and home of trust. That's why I love Uphone." Nakangiting pahayag nito at tiningnan ulit ang picture ng cp na bagong ila-launch ng Uphone company.

**End of Flashbacks**

Iyon ang dahilan kaya siya pumayag makipag-negosyo sa Uphone. Pareho ang sinagot nito sa sinabi ni Ros. Kaya dahil doon nakumbinsi na rin siya.

Pumasok na nga sa kotse si Ros at nakangiting bumaling kay Mr. Kailes.

"I'm sorry, I'm late." Hinging paumahin nito.

"It's okay." Imbes sagot ng sekretarya nito.

"By the way, how's the meeting?" Tanong nito nang simula na umandar ang kotse.

"Good." Nakangiting sagot ni Mr. Kailes.

"Wow! Thanks God!" Masayang diwang ni Ros." I promise you, di ka magsisisi." Nakangiting malapat na sabi nito.

Ngiti lamang ang sagot ni Mr. Kailes dito.

Umalis na nga sila sakay ng kotse nito.

To be continued...

I'm sorry if Ngayon ulit ako nag-update.
Busy kasi sa Dreame. Hehehe.
Anyway, yan Muna ah?
SA may dreame account Dyan, pa-support naman Ako.
Lablab😘💖
Username: Lovely Adeline

Continue Reading

You'll Also Like

106K 673 6
"It was you. The one who watched me every night, who visits me in my bed and who kissed me in my sleeps... It was you. The beast that I saw and love...
141K 3.1K 44
(Alferez Series 1) Lucas Dwayne Alferez & Stacey Leila Flores Story Started Writting: Dec.20,2018 Finish Writting: Feb.6,2019 Written By:Shireroseee
281K 4K 49
The Billionaire's Heiress_ _Ice Alcantara is a normal working student. Has this bitter boss, expressionless professor, talkative classmate and a craz...