The Mafia Boss' Wife

By Peonie_Pie

725 67 6

Beauty, brains and brawn? Kakambal ng mga yan ang pangalang Zhannie Myr! Kaya nga lang, dehado 'to sa pangal... More

Prologue
Chapter 1 - Enter Zhannie
Chapter 2 - Mr. de Vill
Chapter 3 - Second encounter
Chapter 4 - Troubled Preggy
Chapter 6 - We're Married?!
Chapter 7 - First Dinner
Chapter 8 - Bestfriend?
Chapter 9 - Start of something?
Chapter 10 - Make-up Pasta
Chapter 11 - Gone and... Gun?!
Chapter 12 - Eagle & Swords
Chapter 13 - Mrs. de Vill
Chapter 14 - Bloody night
Chapter 15 - Breathe of Air
Chapter 16 - 'Her' (Part I)
Chapter 16 - 'Her' (Part II)
Chapter 17 - 3 Shots
Chapter 18 - Foggianas
Chapter 19 - Hospital

Chapter 5 - Deal NO Deal

33 4 0
By Peonie_Pie

[Jax del Fuego's POV]


[How is she, son?] Tanong ni dad kabilang linya.


May sa katigasan din kasi talaga ang ulo nung kapatid kong leon at talagang nagtagal pa kami ng higit trenta minuto para lang mapilit ko siyang palinisan ang sugat niya't magpahinga dito sa ospital.


I massaged my temples habang inaalala kung pano na naman rumatatat yung bibig niya kanina. Mas gusto niya raw umuwi at magpahinga sa kama niyang ginto kesa sa manatili sa mala-chlorine na kwarto dito sa ospital. Kinailangan ko pang ibargain yung kakabiling bugatti at isang araw ng honeymoon ko para lang mapapayag siya. Pambihira talaga!


Pero sa kabila ng bunganga niya, 'di rin naman maikakailang she really do have a huge heart. And isa pa, she called me 'Kuya', na ginagawa niya lang kapag talagang takot siya.


She's really like her mother,  napangiti ako dahil sa naisip ko. 'Yan din ang naririnig ko galing kay dad.


"Other than a slight scratch on her forehead, she's all good, dad. She just needs to rest."


I heard him sigh on the other end of the line bago magsalita, [How 'bout those damned idiots?] May bahid ng pagkairita niyang tanong. He's talking about those guys that were following Zhannie earlier.


Pinapakiramdaman ko muna siya bago sumagot "I think we need to tell her, dad." Napatingin ako sa natutulog na itsura ni Zhannie.


[Zhannie Myr's POV]


Daig ko pa ang may kapansanan sa pagiging bantay-sarado ng monggoloid kong kapatid. Himala nga't nandito 'to sa condo ko eh. Nabalitaan kong nalaman na rin daw nila tita and dad ang nangyari, magtatanong pa ba 'ko kung bakit? Try mo kayang adopt-in yung kapatid kong tsisoso?


Napatayo ako mula sa pagkahiga. Gusto ko sanang maghilamos bago kumain.


"Oh, dahan-dahan lang." Hindi pa nga 'ko nakakatayo nang sumalpot si Jax sa may pintuan habang may suot na apron.


Inirapan ko siya at naglakad papuntang banyo. "Dahan-dahan lang, Zhan." Ulit niya pa.


Sinamaan ko siya ng tingin nang makalapit siya saakin at parang inaakay pa ko habang may hawak na sandok. "Mukha ba 'kong pilay, Jax? E flush kaya kita sa bowl?"


"'To naman, parang nag-alala lang eh."


Tuluyan na 'kong pumasok sa cr at nag-ayos, medjo sumasakit parin yung sugat ko sa noo pero keri lang naman. Nag toothbrush muna ako bago nanghilamos.


Unti-unti na ring nadidigest ng system ko kung anong nangyari. In fairness, mala-action movie ang buhay ko for one day nung isang araw.


Napanatag naman ako nang malaman kong okay na yung lagay ni Ms. Barlowe pati yung baby niya. Hindi ko nga lang nagawang bisitahin sila dahil ang huli kong naalala ay nakahiga ako sa hospital bed but I woke up na sa condo ko kahapon. Malamang sa malamang, yung kapatid ko ang may gawa. Since then, hindi umalis si Jax dito.


'Di ba nga't honeymoon nila ngayon? Baka konsensyahin ako ng mokong dahil absent siya sa piling ng mala-fishlips niyang asawa.


Nang matapos ako sa pag-aayos ay nagpalit ako ng damit at bumaba na.


"Damn! I will kill you myself if you don't get it right the next ti-" Naputol ang sasabihin sana ni Jax sa kausap niya sa telepono niya nang makita akong pababa ng hagadan. Halata ring nagbago ang expresyon ng mukha niya, kanina nung may kausap siya para siyang galit at pikon. Ngayon ay lumambot ang kanyang mukha at nakangiti na saakin.


Tinaasan ko siya ng kilay nang tuluyan na 'kong  makababa at hindi nalang nagtanong. Bayolente masyado kung magsalita minsan 'tong mokong na 'to. Tsk.


"Breakfast is ready!" Nakangiting sambit niya na parang tanga. He's still wearing my rose gold apron na may gold bits sa seams nito.


Pinanlisikan ko siya ng mata nang makitang ang gulo ng apron ko at nagkamantsa-mantsa pa. Tinapunan ko ng tingin ang mga nakahandang pagkain sa mesa.


Bacon, hotdog, sunny-side up na itlog, toasted bread... na puro itim! I mean may mga parte namang hindi ganon ka itim pero parang ganon din yun eh. Trip ata nitong magka-cancer.


Napakamot siya ng ulong nakangiti na parang nahihiya. Tignan mo 'tong isang to, sa mahigit dalawang dekadang pagsasama namin ngayon pa siya nahiya sa mga luto niyang palaging umiitim?


Inirapan ko lang siya't umupo na dahil gutom na rin naman ako. Bumalik siya dun sa may kusina at nagtanggal ng apron, nadala rin siya ng dalawang tasa ng kape.


"Let's eat." Nagsimula na kaming kumain at hindi ko nalang talaga pinansin yung kulay ng pagkain, sanay na rin naman kasi ako pag si Jax ang nagluluto. Alam kaya 'to ng asawa niya?


Tiningnan ko yung kasama ko na parang balewala lang din sa kanya ang mga sunog na luto niya. Tumayo ako at kinuha yung remote control at binuksan ang tv. Nakagawian ko na kasing makinig ng balita habang kumakain.



"Patuloy pa ring iniimbestigahan ang pagkamatay ng mga prominenteng taong sina Ferdinand at Vianca Barlowe at Paulina Javier."


Pati si Jax ay napatigil sa pagkain at napatingin sa tv gaya ko na naagaw ang pansin sa inanunsyong balita.



"Nitong Linggo lang ay binalitang nawalan ng kontrol ang pribadong eroplanong sinakyan ni Mr. Barlowe. Sunog at sira-sira na 'to nang marespondehan dahil na rin sa impact na natamo ng sinabing sasakyan."



Nilakasan ko ang volume at nanatiling tutok sa balita. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko't pilit na nilunok ang sunog na hotdog at uminom ng mapait na kape na timpla ni Jax.



"Nasundan pa ang trahedyang ito nang sumabog ang isang Italian Restaurant na pag-aari ng pamilya, na kung saan labing-dalawa ang nasawi, kasama rito ang asawa ni Mr. Barlowe na si Vianca at ang kaibigang si Paulina Javier. Labing-siyam naman ang sugatan, kabilang dito ang asawa ni Paulina na si Phillip Javier."



Tahimik parin hanggang ngayon ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung anong nagtulak saakin pero agad kong hinanap at tinawagan si Sienna.


After a few rings, I heard her voice. [Good morning, Ms. Z. How are you feeling?]



"G'morning. Kindly prepare the documents that needs my signature regarding the Javier's proposal." I ignored her question. Binalewala ko rin ang nagtatakang mukha ni Jax na ngayon ay nakatingin saakin.


[Are you sure? Last time you sai-]


"I don't appreciate you questioning my decisions. If you can't do it, I'll handle it myself"


[I'll get it ready, Ms. Z]


"What's with the apbrupt decision, sis?" Bungag na tanong ng kapatid ko pagkababa ko ng telepono.


"I suddenly remember the proposal that Mrs. Javier offered, it's not bad. I bet her family's going through an inconsolable state, nakikiramay lang" I answered at sumubo ng tinapay.


"Papasok ka?"


"Obviously." Duhh, anong silbi nung pinagaw akk sa secretary ko kung 'di ako pupunta? Utak talag ng isang 'to parang nasa pwet. Tsk


Akala ko nga bubuntot na naman siya saakin hanggang sa pagtrabaho, mabuti nga at naisipan niyang uwian muna yung asawa niya kamukha ang isda matapos aking ihatid sa opisina.


As usual, binati ako ng mga empleyado ko, may ibang nagpa-plastikan, may goody-goody, may iba ring nag tataka bakit may benda yung ulo ko. But other than that, my day was smooth-sailing, usual stuff happened. Pirma rito, pirma doon.


Nang magsapit ang gabi, isa-isa nang nagsiuwian ang mga tao dito sa building. Nag-aayos na rin ako ng gamit nang may naalala ako.


Napasalampak ako sa mamahaling swivel chair ko at napatampal sa ulo.


Minsa'y may pagkatanga rin ako eh no? Paano ako uuwi ngayon, eh hinatid ako nung mokong kong kapatid?


Agad ko itong tinawagan pero out of coverage area raw. Panira talaga yung monggoloid na yun!Inulit-ulit ko pa ang pag dial pero ganun parin. 'Di pa naman ako sanay mag taxi tuwing gabi, okay lang sana kung may liwanag pa, kaso maraming kababalaghan ang nangyayari tuwing gabi eh. Take for example yung nangyari kamakailan lang. Jusko! Ayoko na talaga maulit 'yun.


"I'll take my leave now, Ms. Z" paalam ni Siemma nang sumilip ito sa pinto. Tinanguan ko naman siya.


"Alright, see you tomorrow."


"See you" masigla sambit niya at tuluyan nang umalis habang namomroblema pa ako paano umuwi.


Napatingin ulit ako sa phone kong walang silbi. 'Di ko rin matawagan si Dad o si Tita dahil nag out of town business trip din sila.


"Talagang inunudnod kita sa inodoro pagmakita kita! Pangalan mo pa lang, tunog panglinis nag banyo. Madapa ka sanang monggoloid ka! Kalimutan raw ba ako? Naku naku!" Gigil kong sambit habang pinipigilan ang pagkakapikon dahil hindi parin ma contact si Jax.


Napaangat ako ng tingin sa pinto nang may kumatok.


May nakalimutan siguro si Sienna bulong ko sa sarili


"Come in."


Bumukas naman ito, but instead of revealing my secretary napataas ako ng kilay ng makita kung sino ang dumating.


"I changed my mind, get out" asik ko at nagpanggap na nagbubuklat ng mga folders.


"Fiesty as always, Z."  Inirapan ko siya pero hindi natinag at umupo pa talaga sa harapan ko. "Come on, let me drive you home."


Sinamaan ko siya ng tingin and formed my arms into a cross in front of him habang naka sandal sa upuan ko. "I bet you're lost. Last time I checked, hindi ito kwadra ng mga kabayong manloloko. So please get your damned ass out of here you piece of horseshit!"


Mas lalong nag-init ang ulo ko nang marinig ang halakhak niya kaya mas lalo kong sinamaan ang tingin ko sa kanya. Maya-maya ay napatayo siya with his hands raised. "Okay, okay. Ikaw na nga 'tong inaalok. Bahala ka nga." Mahinang bulong niya pero rinig na rinig ko pa rin. Tangang 'to, nahiya pa talaga. Sana gumamit nalang siya ng microphone.


Napahawak nalang ako sa sentido ko nang tuluyan itong makalabas pero nakahinga rin naman ako ng maluwag. Agad kong binawi ang hininga ko't agad na tinanggal ang sapatos kong may mataas na takong nang bumukas ulit ang pinto.


Dali-dali ko itong tinapon sa direksyon ng pinto when I thought it's the horsed-face douche.


"ARAY!" agad akong napatayo sa gulat ng mukha ni, teka ba't 'to nandito?


"Interesting" napatingin ako sa kasama niyang seryosong nakatayo at nakatingin saakin. Ako lang ba, o parang uminit dito sa opisina ko?


"Miss Zhannie naman, kawawa naman 'tong asset kong mukha!" Daing ni Mr. Barlowe habang hawak hawak ang ulo niyang nasapol ko sa sapatos kanina.


"Have you ever heard of knocking before entering, Mr-"


"Vhone nalang, Miss Zhannie. Heheheh" napangunot ako nang biglang nagbago yung expression niya't ngumiti na. May pataas-baba pa ng kilay. Hangin ah.


"Ms. del Fuego" sambit ni kuyang may misty gray eyes. Taray nito ah, pinaglihi ata 'to sa estatwa at parang ang hirap ng isang 'to ngumiti. Parang palaging galit eh.


Kahit na medjo naamaze, tinago ko lang dahil nga believe it or not, ilan lang ang may alam na del Fuego ko, tanging yung nagtatrabaho sa kumpanya ko lang at relatives ang nakakaalam na del Fuego ako. Though ginagamit ko yung maiden's name ni Mommy, wala namang umaangal at so fae wala naman akong na encounter na mga tanong from my people about it.


"And you are?" Kunwaring pagminaldita ko kahit may kung 'di maipaliwanag na kaba akong naramdaman.


"Zeus Industry." Huh?


Sa pagkakataong 'to, hindi ko na talaga napigilan ang pagkagulat. What the hell? Ba't nandito sa harap ko ang mga tao ng mga de Vill?


"What is it you want to discuss this late at night?" Tanong ko habang sumenyas na maupo sila. Sinamaan ko ng tingin yung tangang si Vhone na pahimas-himas parin ng ulo niya.


Nang maka upo si mister representative sa harap ko ay nagkaroon ako ng chance para matingnan ng mabuti ang mukha niya.


Ang gwapo!


Pero duh, kailan pa ako sumettle sa less? Siguro naman mukha lang puhunan nito. Tsk tsk.


"I want to acquire Aackley Realty." Oh, ito yung deal na talagang inayawan ko eh. I heard it from dad the other week pero I sabi ko kay dad, I'm not interested.


Napasandal ako at pilit na sinasabihan ang sariling wag ma distract sa gwapo niyang mukha. "My business isn't for sale mister, much more  merging. Please extend my apologies to Mr. De Vill."


"Perhaps you misunderstood. I said 'I' want to acquire your business."


Medjo hindi ko pa na gets nang sumingit sa usapan yung kasama niyang may bukol.


"Ah Miss Zhannie, Oliver de Vill pala." May pangisi-ngisi niyang sambit habang pinapakilala ang taong nasa harap ko.


Ano raw?


Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, pero parang nagsasabi naman 'tong isang 'to ng totoo.


Pero seryoso?


OLIVER QUIR DE VILL?!


Anak ng virging pating!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...