Nakita ni Zairah si Gabriel na nakasalampak pa din sa lupa. Mas lalo niya akong tiningnan ng masama.
"Umalis ka na Kyle." mahinahon ang pagkakasabi niya. Why would I? Bakit niya ako biglang pinapaalis?
"What's wrong? Okay naman tayo kagabi ah. Tapos bakit parang may naging kasalanan ako sa'yo?" I just want to spend another day with you, I'm so excited to go here at ito ang madadatnan ko.
Is this some kind of prank?
"Umalis ka na lang Kyle! Please!" I tried to hug her pero kumakalas siya. This is not a prank, seryoso nga siya.
"Bakit nga?! Hindi ako aalis dito without any valid reason! Akala ko ba we have a mutual understanding na tapos ganito na lang? Tapos na agad? Kahapon lang iyon!" sobrang bilis naman atang nagbago ang isip niya. Biglang nagbago ang mood niya na ayaw na niya agad sa akin?
"Feeling mo lang iyon! I never confirmed to you na we have a mutual understanding. Sobrang feelingero mo naman. Is that a valid reason already to stay away from me?" para akong sinasaksak ng paulit-ulit habang nagsasalita si Zairah.
I assumed things lang pala. Tama siya, ang feelingero ko. Kita ko sa mga mata niya ang matinding galit. Hindi niya sinasabi sa akin ang rason kung bakit niya ako pinapalayo. I just don't understand why.
"Are you really sure that you want me to leave?" pinalis niya ang luha niya at tinalikuran niya ako. Pumunta siya sa tabi ng Lola niya na parang naaawa sa akin.
I will take it as a yes. She wants me to leave. Gusto na niya akong alisin na agad sa buhay niya gayong kakapasok ko pa lamang. Why do people kept on leaving me? Am I not worth it to love?
Una ang Tatay ko, si Mama tapos sumunod si Vien, mga pinsan ko at ngayon naman si Zairah. Siguro nga kailangan ko na matuto maging mapag-isa. Wala din namang tumatagal sa buhay ko. Siguro kakayanin ko naman maging mag-isa.
Hindi ko na nilingon pa si Zairah. Umalis na ako agad doon. Alam ko namang hindi magbabago na ang isip niya. She is mad at me kahit na hindi ko alam ang dahilan, I'll respect what she really wants.
I immediately went to the bus terminal. Napag-isipan ko na umuwi na lang sa Pampanga dahil wala din naman na ako pang gagawin dito. Balak ko lang naman manatili sana dito para malapit pa din ako kay Zairah. But I think it's not worth it to stay here, mahal ko siya pero kung sa una pa lang ay ganito na kaagad kabigat ang problema between sa amin then it's already a sign that our relationship won't work out.
Sobrang bilis ang nangyari sa amin ni Zairah at sobrang bilis ding natapos. Siguro i'll just accept our fate and move on. Parang bumabalik na naman yung sakit na nararamdaman ko noon kay Vien. It's so hard, life is really tough dumagdag pa ang lovelife ko. Ano pa bang ibibigay sa aking sakit? Hirap na hirap na ako.
"Hijo Kyle? Hala! Sa wakas, umuwi ka din!" tuwang-tuwa si Tiya Belinda na makita ako. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanya dahil nga diba kinidnap ako ng mga Saavedra at dinala sa SKH.
"Kamusta na po Tiya Belinda?" bigla siyang naluha. Si Tiya Belinda ay parang pangalawang Nanay ko na din kaya gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil alam kong nag-alala siya sa akin.
"Ikaw talaga kang bata ka! Akala ko kung napano ka na. Bigla ka na lang hindi umuwi! Alam mo ba sobra akong naga-alala sa'yo, akala ko hindi na talaga kita makikita! Saan ka ba pumunta? Bakit antagal mo nakabalik?" Kahit papaano meron pa ding naga-alala sa akin. I thought everyone already forgot me.
Pumasok na muna kami sa bahay ni Tiya Belinda at dinalahan din niya ako ng kanin at ulam. Habang kumakain ako ay kinu-kwento ko sa kanya ang nangyari sa akin. Sabi niya daw sa sobrang paga-alala niya sa akin ay humingi na siya ng tulong kay Mayor para mahanap ako, pero hindi daw ako mahanap sa buong Pampanga kaya hirap silang malaman kung nasaan ako.
"Bakit hindi ka na nga lang sumama sa Tatay mo? Mas maganda ang buhay mo doon. Hindi mo na kailangan magtiis pa dito. Alam kong kung andito Mama mo, iyon din ang sasabihin niya." Tama si Tiya, ganun na nga ang sasabihin sa akin ni Mama. Noong nagkasakit siya parati niya akong pinapapunta sa mga Saavedra, ginawa ko naman pero ano napala ko? Diba wala.
Hindi nila ako matutulungan. Wala silang balak na tulungan ako kaya magsa-sariling sikap na lamang ako.
"Ayaw ko na po ipagsiksikan pa ang sarili ko sa mga Saavedra. Nga pala Tiya, may alam kang trabaho? Kaunti na lamang ang pera ko eh." nag-isip saglit si Tiya.
"Wala akong alam pero hayaan mo sasamahan kita bukas kay Mayor, alam kong may alam siya na pwede mong pasukan. At saka para din malaman na niya na nagbalik ka na din, naga-alala din iyon sa'yo eh noong nawala ka." mas mukhang Tatay ko pa tuloy si Mayor. Sobrang dami na niyang natulong sa akin at kay Mama. Nakakahiya man pero si Mayor na lang talaga ang pag-asa ko ngayon.
"At saka nga pala pati yung girlfriend mo, dalawin mo din! Pumunta dito yun nung nakaraang buwan lang eh, hinahanap ka. Sabi ko naman matagal ka na hindi umuuwi dito at wala akong balita kung nasaan ka. Sobrang naga-alala din iyon sa'yo." Huh? Si Lavienne ba tinutukoy ni Tiya? Hindi niya kilala ang girlfriend ko dahil hindi ko naman dati dinadala si Vien unless nagpakilala si Vien na girlfriend ko. Ano naman kaya kailangan niya sa akin?
Kinabukasan nga ay pumunta na kami kay Mayor at tuwang-tuwa si Mayor na makita ako na buhay. Nakahinga daw siya ng maluwag dahil matagal na daw siyang naga-alala kung nasaan ako. Pinahanap pa daw niya ako sa buong Pampanga. Sinabi ko din kay Mayor ang nangyari, kilala daw niya ang mga Saavedra dahil palagi daw siyang nasa party ng mga ito dati at ini-invite daw siya.
Sinabi ko din kung may alam siyang trabaho at binigyan nga niya ako ng trabaho sa isang art museum bilang isang art curator. Mahirap ang trabaho dahil madami akong ginagawa, ako ang naga-asikaso sa lahat tipong pati sa paglalagyan ng painting ako din pero kumpara sa pagiging gasoline boy ay madali pa nga ito dahil hindi na ako expose sa init unlike noon. Matagal na ako sa trabaho kong ito.
Nae-enjoy ko din at mas napalapit ako sa art. Noon dinadaanan ko lang ang mga paintings, minsan napapasabi ako ng "Wow, ang ganda naman!" pero ngayon naiintindihan ko na ang gustong ihatid na message ng painter. Sobrang deep ng mga messages kada painting, I'm also applying some of it on my life.
Katulad ng bagong dating na painting namin. It's a painting entitled, Moonchild. Isang buwan iyon na may mukha na nakangiti habang nakapikit. Plain black ang background niya pero may mga maliliit na dots na kulay dilaw representing the stars. Magiging kalmado pakiramdam mo when you're looking at it. But when you stared at it ng matagal, my reflection to is that just like the moon that is surrounded by darkness, we can still shine. So kahit madami na tayong problemang pinagdadaanan, sobrang dilim na ng buhay natin stay positive in life. Let's not lose hope.
Sobrang dami ko na pinagdaanan. I thought of ending it already way back then but now I'm proud at myself na hindi ko naituloy iyon. It's not a reason to give up easily. As long as buhay ka, there's still a hope. I know someday magiging okay din ang lahat.
While walking down the streets, napansin ko na there's a commotion sa may tulay. Lumapit ako at nakita ko ang isang babae na umiiyak na nakasampa sa may tulay. I remember myself from her.
"Lily please huwag mong ituloy ito. Maawa ka please!" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon at nakita ko si Jack na kitang-kita sa mukha niya na naga-alala talaga siya doon sa babae.
"Wala nang kwenta ang buhay ko. Wala na si Inay, ako na lang mag-isa sa buhay. Kaya handa na akong sumunod sa kanya, Jack. Sana maintindihan mo kung bakit ko kailangang gawin ito." No, please no! Hindi ka magiging masaya sa gagawin mo. I really remembered what I did years ago. Naiintindihan ko siya but it's not the right answer to end the pain you're feeling.
"Hindi ka nagi-isa Lily, andito ako. Andito si Philip, kaming mga kaibigan mo. Andito kami! Kaya bumaba ka na diyan please!" hindi nakinig kay Jack ang babae at tuluyan na itong tumalon. Hindi naman nag-alinlangan pa si Jack at tumalon na din siya.
Teka! Hindi marunong lumangoy si Jack! Hindi pwede, Jack hintayin mo ako! Sino ba iyong babae na iyon at handa talaga siyang magpakamatay din dahil sa kanya.