Sometimes You Just Know - Vol...

By JasmineEsperanzaPHR

22.5K 1.1K 110

Walang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa l... More

Author's Note
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 1
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 2
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 3
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 4
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 5
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 6
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 7
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 8
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 9
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 10
Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 11
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 1
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 2
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 3
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 5
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 6
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 7
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 8
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 9
Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 10
Book 5 (Marra & Tody) Chapter 11

Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 4

560 40 6
By JasmineEsperanzaPHR

NAKATULUGAN na ni Marra ang pag-iisip. Nang magising siya ay alanganing oras na. Tanging ang nasa katawan niya ay ang flimsy underwear.

Alam niyang si Rachel ang naglagay ng gatas sa ibabaw ng bedside table. Nang hawakan niya ang baso ay maligamgam pa rin iyon.

Nasulyapan niyang nakasaksak ang electronic coaster na pinagpatungan ni Rachel ng baso.

Bumangon siya at nagtuloy sa banyo. Lubos na siyang nakapagpahinga at sa oras na iyon ay bale-walang naligo. Maginhawang-maginhawa ang kanyang pakiramdam nang lumabas siya ng banyo. Noon lang niya ininom ang gatas.

Napansin niya ang note na nakalapag sa tabi ng baso. Ipinapaalala sa kanya ni Rachel na kailangan niyang tumawag sa kanyang mama. At noon din ay dinampot niya ang telepono.

"Hija, I've been waiting for your call." Nasa tono nga ng ina ang gayon dahil kalahati pa lang ng pangalawang ring ay sumagot na.

"Sorry, Mommy. I was so tired. Nakatulog ako. What's up?"

"Si Rachel. Gusto ko sana siyang hiramin muna sa iyo since tapos na ang mga shows mo. Maybe a week or two."

"Bakit?" May pagtutol na agad sa kanyang tinig. Sanay na siyang nasa tabi si Rachel. Munting kibot ay si Rachel ang gumagawa ng mga bagay para sa kanya.

Ito ang kanyang alalay, yaya at driver.

"May conference ang daddy mo sa LA for two weeks. Ayoko namang sumama. I just want company."

"And you want Rachel of all people," she muttered.

"Hija, kaya nga itinawag ko sa iyo. I just hope na mapagbigyan mo naman ako," madiplomasyang wika nito.

Napangiti siya. Pagdating sa pagkukumbinsi ay napakagaling ng kanyang mga magulang. She wondered kung bakit hindi na rin naging diplomat ang kanyang ina kagaya ng ama.

"Alam na ba ito ni Rachel?" tanong niya.

Nagduda siyang baka nagkausap na ang dalawa. May pakiramdam siyang pinagtaksilan siya ni Rachel.

"No, Marra. And how could I have the chance to talk to her? Palagi kayong magkasama, 'di ba?"

"You said it, Mommy. Palagi kaming magkasama ni Rachel. Kaya nga sanay na akong kasa-kasama siya. At hindi ko alam ang gagawin ko kung aalis siya sa akin."

"Isa hanggang dalawang linggo lang, hija. I know, wala ka namang shows and you are independent, by nature. Hindi mo naman siguro iindahin kung pansamantalang mawala si Rachel sa tabi mo."

Napakalalim ng hinugot niyang hininga. "Seems... I don't have a choice..."

"Thanks, hija," maagap na wika ng ina. "Thanks."

"Mommy, wait! Hanggang isang linggo lang."

"That's fine with me. Ipapadala ko agad ang ticket ni Rachel." At naputol na ang linya.

Nakatitig pa rin siya sa telepono kahit matagal na niya iyong ibinaba.

Mas dobleng generous ang mama niya kompara sa kanya. Kaya naman bale-wala rito ang halaga ng ticket mula sa London pa-Amerika para sagutin ang pamasahe ni Rachel.

Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit kailangan nito si Rachel.

All her life, being a diplomat's wife, nasanay na ang kanyang ina na palaging naiiwan ng kanyang ama so why now? Bakit biglang-bigla ay tila nangailangan ito ng makakasama? At si Rachel pa, of all people.

Alam niyang maraming kaibigan ang mommy niya. Mga kapwa Filipino rin na maaaring makasama nito sa loob ng dalawang linggo. Kung sa katulong, meron din naman ito.

Kung bakit si Rachel pa ang pinili nito, iyon ang hindi niya maintindihan.

Napailing na lamang siya.

Ilang oras na lang at umaga na. Hindi na siya natulog uli. Sa halip ay siya na ang nagtungo sa kusina para ihanda ang almusal nila ni Rachel.

Sa isang banda, tama naman ang kanyang ina. She was independent by nature. Kayang-kaya niyang asikasuhin ang sarili kung gugustuhin niya. Lamang, mula nang dumating si Rachel ay nasanay na siyang ito ang gumagawa ng mga bagay para sa kanya.

Kumulo na ang inilaga niyang kape nang bumangon si Rachel. Nagulat pa ito nang makitang siya ang kumikilos sa kusina.

"Good morning!" bati nito sa tonong namamangha.

"'Morning yourself. Kain na. You'll do some packing afterwards."

Lalo itong nagulat. Nabitin ang pagpunta sa banyo. "Packing? Saan tayo pupunta?"

Ininguso niya ang banyo. "Mamaya na natin pag-usapan."



"ANO'NG gagawin ko roon?" Bakas ang pagtutol sa mukha ni Rachel.

Sa nakitang reaksyon nito ay naniwala na si Marra na wala itong kinalaman sa gustong mangyari ng ina.

"Nire-request ka ni Mommy. Keep her company daw," gagad niya sa sinabi ng ina. "I said one week kahit na two weeks ang gusto niya."

Lumabi si Rachel. "Mas sanay ako na ikaw ang kasama ko."

"Wala akong magagawa. Anyway, isang linggo lang naman. Knowing my mom, mayamaya lang ay itatawag na n'on ang ticket mo. So you better pack your things."

Sumunod naman ito. Ngunit bago iyon ay ito muna ang nagligpit ng kanilang almusal. Ito na rin ang gumawa ng laundry. At patapos na ito nang muling tumawag ang kanyang ina.

Kinumpirma nito ang flight ni Rachel. At sa gabi ring iyon!

Naiiling na nagkatinginan na lamang sila ni Rachel. Magkatulong pa sila sa pag-eempake ng mga gamit nito para sa isang linggo.

They were almost finished nang hayaan niyang mag-isa na lamang na tapusin ni Rachel ang ginagawa.

"I really can't believe this..." bulong niya.

Napatingin naman ito sa kanya. "Ako man. At may palagay akong setup ito."

Sa mga taong ipinaglingkod nito sa kanya ay naging kaibigan na rin niya ito. Rachel had the guts to tell her kung ano ang nasa loob. At madalas ay tama ito.

"Setup?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Setup." Tumango ito. "Nakalimutan mo na ba? Nandito si Tody. Hindi kaya kinausap ni Tody ang mommy mo na masolo ka niya rito?"

"At bakit niya gagawin iyon? Wala namang alam sina Mommy tungkol sa paghihiwalay namin."

Napatirik ang mga mata nito. "Baka gusto kang solohin ni Tody," nanunuksong wika nito.

"Solohin?" bulalas niya. "No! Ayoko na siyang makita ulit." Kulang sa kombiksyon ang kanyang tinig.

Ngumiti ito. "Imposible iyon. Mag-asawa pa rin kayo."

"Yeah," malungkot na sabi niya. "At mukhang hindi na mababago iyon."

Isinarado na nito ang maleta at tuluyan na siyang hinarap. "Bakit naman? Sa Amerika kayo ikinasal. May divorce ro'n."

"Hindi ang lugar ang problema. It's our parents. Hindi papayag ang mga iyon. See? For three years ay pilit naming isinangkalan ang mga trabaho namin para lang pagtakpan ang paghihiwalay namin."

Tinitigan siya nito. "Hindi pa ba sila nakakahalata?"

"Madalas tumawag si Tody sa mga mommy. Talagang nakikipagkita siya sa mga ito. At sigurado akong nakapaghabi siya ng mga kapani-paniwalang kuwento."

"Hay!" bulalas nito. "Bakit nga ba kasi hindi na lang ninyo subukang ma-save ang inyong pagsasama bilang mag-asawa? Sa totoo lang, kung hindi ko alam ang talagang dahilan ng pagpapakasal ninyo, gusto kong mainggit. Bagay na bagay kasi kayo. Guwapo at maganda. Pareho pang mayaman at may pinag-aralan. At saka, 'di ba, in love ka naman kay Tody?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "At huwag kang magkakamaling idaldal iyan sa iba!"

Pilya ang gumuhit na ngiti sa mga labi nito. "You are both in love with each other. Hindi ba't iyon naman ang alam ng lahat?"

"Pero hindi alam ni Tody."

"At ayaw mong ipaalam?"

"Ayoko. At huwag na huwag kang magkakamali." May banta sa tinig niya.

Tinanggap nitong biro iyon. "Bakit naman kaya?"

"Basta!" Hinila na niya ang drawer at kinuha roon ang wallet. "Here." Inilagay niya sa kamay nito ang pera.

"Kapapasuweldo mo lang sa akin," tutol nito. Sanay na ito sa pagiging generous niya.

Kasama sa mga bagay na nagustuhan niya rito ay hindi mapagsamantala. Alam niyang hindi kaplastikan ang pagpapakita nito ng pagtanggi.

"Sige na, tanggapin mo na."

"S-salamat," atubiling wika nito.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Continue Reading

You'll Also Like

113K 2.7K 13
Maraming nagawang pagkakamali sa buhay si Katalina, mga pagkakamaling naging dahilan kung bakit kinilala siya ni Gabriel Wharton, ang nag-iisang anak...
366K 19.3K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 32.2K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
43.1K 1.1K 20
This is the unedited copy.