Breaking the Stoneheart (La T...

By issakalsada

4.5K 158 21

LA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, t... More

Breaking the Stoneheart
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 13

98 3 0
By issakalsada

Chapter 13
Secret

Saglit kaming nagkatitigan. Na-stuck ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Wala akong mahanap na salitang dapat sabihin sa kanya.

He will like me. Does it mean, he likes me? Matagal niya na ba akong gusto pero pinipigilan niya lang? Fuck! This can't be! Gusto ko ng umatras at umuwi.

The truth is...I'm afraid. Natatakot ako sa maari niyang idugtong at sa maari ko pang marinig at malaman. I'm not yet ready for this.

"U-uuwi na a-ako." Sa wakas ay nasabi ko na rin.

"Get in. Ihahatid na kita." Binuksan niya ang pinto ng kanyang itim na pick-up. Tiningnan ko lang ang loob at hindi gumalaw. "I'll drive you home, Rielle. Please." Pagsusumamo niya.

Kinuha niya ang maleta ko at isinakay sa likod. Hindi pa rin ako gumagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.

Nang ma-realize na hindi talaga ako sasama sa kanya, isinara niya ulit ang pinto ng sasakyan. Pumikit siya ng mariin, narinig ko ang paghinga niya ng malalim na para bang hirap na hirap siya sa sitwasyon namin ngayon. At nang magmulat ng mata, mapupungay na ang mga iyon. Wala ng bahid ng galit o iritasyon kundi ang pag-aalala at pagaagam-agam.

"Do you want to stay here for a while before going home?" Malambing niyang tanong.

Tumango ako ng dahan-dahan.

"Dito muna tayo, kung ganoon."

Tumingala ako. Nagkalat ang mga bituin sa kalangitan. 'Kay sarap pagmasdan lalo na't kumikinang ang mga ito. Malamig ang simoy ng hangin. Nanuot sa aking katawan ang lamig dahil manipis lang ang suot kong damit. Niyakap ko ang sarili at sumandal sa nakaparadang sasakyan.

Nagulat nalang ako ng isuot niya bigla saakin ang kanyang itim na jacket. Ngayon ko lang napansin ang kanyang suot. Simpleng puting t-shirt at short pero nagmumukha pa rin siyang model. Naamoy ko ang pamilyar na panlalaking pabango sa kanya. Pati ang kanyang hininga ay nakapanlambot ng aking tuhod.

Hindi ko namalayang napasandal na ang mga kamay ko sa malapad niyang dibdib bilang suporta para hindi ako tuluyang bumagsak. Ramdam ko ang kalma ng pintig ng kanyang puso samantalang ang akin ay malapit ng sumabog sa sobrang bilis at lakas nito.

Napatingin siya saakin pababa sa kamay kong nasa kanyang dibdib na nakakunot pa ang noo. Mabilis ko itong tinanggal at nag-iwas ng tingin.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya. Fuck! Dahil sa sobrang bigat ng problema ko, nakalimutan ko na ang kumain. Hindi ko na rin naramdaman na nagutom ako simula no'ng umalis ako dito no'ng isang araw. Ngayong ipinaalala niya saakin, nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura. Nagutom ako bigla.

"Damn it, Rielle! You're...don't move. I'll be back." Galit na sabi niya at tinalikuran ako.

What's his problem this time, huh?

"Ano 'to?" Takang tanong ko sa kanya ng ilahad niya saakin ang dalawang plastic. Nang buksan ko iyon ay may pagkaing naka-styro at isang bote ng tubig.

"Quit smiling. Walang nakakatuwa." Masungit na sabi niya. Itinikom ko ang aking bibig na hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

"I'm not. You're just imagining things." Mataray na sabi ko naman at tinalikuran siya at hindi naiwasang mapangiti ulit. Pumasok sa front seat at doon kinain ang pagkaing binili niya para saakin.

Ngayon ko lang napagtanto, na hindi lang pala kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom, kung hindi dahil din sa iba pang bagay na natatakot akong aminin.

Nasa labas lang siya, nakasandal sa sasakyan habang nakapamulsa pa. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"Ilang bote ng alak ang naubos mo?" Tanong niya nang matapos na akong kumain at lumabas ulit.

"That doesn't matt—" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nagtanong ulit siya.

"I didn't know that you smoke." Tss.

"In fact, I'm not drunk. Hindi ako madaling tamaan ng alak." Pagpapatuloy ko at ininda ang sunod niyang tanong saakin. "Ikaw?"

"Hindi ako uminom." Simpleng sagot niya.

I know, Senyorito. Hindi naman siya amoy alak. I just want to confirm.

"Then, what are you doing there?" Huwag niyang sabihing kumain dahil alam kong mas masasarap ang mga pagkaing hinahain sa Hacienda nila kaysa dito.

"Si Lola ang may-ari ng restaurant na 'yon." Medyo nadismaya ako sa sinagot niya sa hindi ko malamang dahilan. "Nasa bahay na ako."

"Natutulog?" Agap ko. Tumingin siya sa akin ng mariin pero agad ding nag-iwas.

"I was told that you're here, drinking." Sagot niya, binalewala ang ang tanong ko. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata.

"Ano naman sayo kung nandoon nga ako, umiinom? As if I'm your responsibility." Bulong ko sa panghuling pangungusap.

"At ikaw?"

"What about me?" I asked.

"Alam ba ni Nanay Wilma na uuwi ka?" Umiling ako. "You should have told her. She's worried when you left that night."

"Sinabi ba ni Nanay sa inyo ang dahilan ng pag-alis ko?"

"Sinabi niya na may kailangan ka lang asikasuhin. Hindi sinabi kung kailan ang balik mo dito...o kung babalik ka pa ba."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa kawalan. Bumaba ang mga mata ko sa likod ng palad niya, namumula. Kumurap ako para kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko. Nang makita niyang nakatitig ako doon, agad niya itong ipinasok sa bulsa niya.

Pumasok ako sa likod ng pickup at kinuha ang panyo sa maleta ko at binasa iyon ng natirang tubig na binili niya para sa akin. Pagbaba ko, dalawang sexy'ng babae ang kausap ni Senyorito Cross. Parehong maikli ang suot na short at kita na ang kanilang mga pusod. Malalaki ang hinaharap. Mapula ang labi at nakalugay ang kanilang buhok.

"Sige, Senyorito. Mauna na kami." Paalam ng mga ito. Ngumiti pa ng pagkatami-tamis bago tuluyang umalis.

Sinundan ko sila ng tingin. Paglingon ko kay Cross, nakatitig siya saakin. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko, maging ako din. Malaki at magaspang ang kamay niya dulot na rin siguro sa dami ng kanyang trabaho araw-araw.

Hinaplos ko ang namumula niyang kamay. "Hindi mo naman kailangan mangialam pa, Senyorito. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na kaya ko ang sarili ko? Hindi ko kailangan ng tulong."

"Don't you know that I couldn't sleep for the five whole fucking nights?"

"W-what?"

"How can I sleep when I don't know your whereabouts? Your situation?" Tumigil ako. Ibinaba ko ang kamay niya at kinuha ang isa pa. "About wh—" Before he continue his words, inunahan ko na siya.

"Gusto ko ng umuwi." Sabi ko at nauna ng pumasok. Matagal bago siya sumunod at pinaandar na ang sasakyan.

Walang nagsalita saamin hanggang sa makarating kami sa bahay. Pero nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagsulyap-sulyap niya sakin.

"Hindi mo ako pwedeng magustuhan, Cross. Wala kang mapapala sa akin. Kaya itigil mo na iyang kahibangan mo." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng sasakyan.

Hindi ako pinatulog ng naging usapan namin ni Cross. Nagulat si Nanay ng makita ako paggising niya. Umiyak pa siya dahil pinag-alala ko nanaman daw siya. Huwag ko na daw uulitin baka mamatay siya ng maaga.

"Hindi ka nanaman pumasok, Rielle? Mag-iisang linggo ka nang absent ah? Ano ba talaga ang plano mo sa buhay mo?"

"Hindi na ho ako mag-aaral." Walang ganang sabi ko.

"Anong hindi mag-aaral? Nakapag-enroll ka na at higit sa lahat, nagbayad ka na ng tuition fee mo. Sayang 'yon."

"Wala na akong ganang pumasok pa, Nay." Pinal na sabi ko at lumabas ng bahay. Nakasalubong ko pa si Andeng na naka-uniporme pa. Hindi natuloy ang pagpasok niya sa bahay dahil natulala siya sa harapan ko.

"Ate? Bumalik ka! Akala namin, hindi ka na uuwi. Papasok ka na ba ulit? Na-miss kita at—" Hindi ko na pinatapos dahil dire-diretso na ang lakad ko papunta sa tindahan.

Bumili ako ng ice water at tumambay muna doon. Paglingon ko, iritadong mukha ni Sofia ang bumungad saakin. Maikli ang palda niya na hapit na hapit sa kanyang katawan katulad ng mga kababaihan sa eskwelahan na walang ginawa kundi ang magpaganda. Hindi maputi ang kanyang mga hita pero makinis ang mga ito.

"Bumalik ka na pala." Aniya. Nahimigan ko ng inis ang kanyang boses.

"Tapos?" Walang ganang sambit ko naman.

"Huwag ka ng pumasok. Wala ka rin namang natututunan kundi ang pagiging basagulera mo."

"Ikaw na ba ang guro ngayon? Sino ka para pangaralan ako? Sayo ba ang eskwelahan na 'yon?"

"Hindi. But I can talk to Cross. I'll tell him to expell you." Then she smiled at me.

"Go on." Tinaasan ko siya ng kilay. Inubos ko muna ang tubig na iniinom at itinapon ang plastic sa malapit na basurahan at tumingin ulit sa kanya.

"Also, tell him to stop liking me. I don't have time for his bullshits." Nakangising sabi ko. Hindi naman mai-drawing ang kanyang mukha bago ko siya tuluyang talikuran.

The nerve of that girl to tell me what to do!

"Nag-away kayo ni Sofia?" Tanong ni Andeng. "Nakita ko kayo kahapon, ate. Kakausapin sana kita kahapon kaso badtrip ka, kaya hindi ko nalang itinuloy. Ano ba ang pinag-awayan niyo?"

"Kung iniisip mo na sinaktan ko siya, nagkakamali ka." Sabi ko.

"Hindi naman ganoon, ate. Itatanong ko lang sana kung ano ang sinabi niya sayo. Dahil ba kay Senyorito Cross?"

"Hindi ko gusto si Senyorito Cross, kung 'yan ang iniisip mo."

"Masyado kang guilty, ate! Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin. Bakit, ate? Gusto mo si Senyorito, noh? Yieee! Aamin na 'yan!" Pinanlisikan ko siya ng mata kaya natigil na rin. "Biro lang, ate. Pero, bagay naman kayo ni Senyorito eh. Maganda ka, gwapo siya—"

"May girlfriend siya, Andeng. Stop saying stupid things."

"Girlfriend? Sino? Si Sofia ba kamo?"

Sino pa ba? May iba pa ba? Sabagay, marami naman babaeng nagkakagusto sa kanya. Kaya imposibleng wala ni isa man sa kanila.

"Naku, ate, hindi ah! Magkaibigan lang ang dalawang 'yon. Si Sofia kasi, anak ng isa sa mga kasambahay sa Hacienda, ulila na rin sa ama. Sinasama siya ni Aling Ester sa Mansyon, kaya halos sabay na silang lumaki ni Cross. Parang kapatid lang naman ang turing niya kay Sofia. Dapat nga, Kuya ang tawa—"

"Hindi ko tinatanong."

"Syempre, hindi naman maiiwasan na magustuhan niya si Senyorito. Gwapo, mabait, mayaman, magalang at matulungin ito. Pinag-aagawan nga siya ng mga babae, hindi lang ng mga college at highschool, pati na rin mga elementary students. Sikat na sikat siya. Mabait naman si Sofia, kaso nga lang nagiging dragon siya kapag nalalaman na may umaaligid sa pinakamamahal niya. Halos makipag-away, huwag lang makuha si Cross sa kany—"

"Andeng, stop."

"Sungit mo talaga, ate. Sinasabi ko lang, baka kapag nalaman mo, pwede mo na magustuhan si—"

"Subukan mong ituloy 'yan, Andeng. Sasamain ka saakin." Banta ko.

"Hehe...oo nga pala, may assignment pa ako. Sige ate, ah? Kapag may gusto kang malaman tungkol kay Cross, huwag kang mahihiyang magtanong saakin. Secret lang natin 'to! Bye!"

Secret my ass!

Continue Reading

You'll Also Like

382K 10.8K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
66.6K 4.4K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING