HUSBAND AND WIFE

By fedejik

124K 6K 575

Thad is someone's husband. Eren is someone's wife. Nang mag-krus ang kanilang landas, nabuo ang isang espesy... More

Husband and Wife
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue

Chapter 11

2K 91 2
By fedejik


CHAPTER 11

Thaddeus Art


Palihim akong nakamasid at nakikinig sa bahay nina Eren. May kung ilang araw ang lumipas na hindi ko siya nakikita. Gustuhin ko man siyang tawagan o i-chat ay nag-aalala akong pagmulan pa iyon nang 'di nila pagkakaunawaan. Wala naman akong matanong dahil mukhang pinaalis na rin ang katulong. Kahit pa wala naman akong karapatang mag-alala ay hindi ko maiwasan. Napakabuti ni Eren para makaranas nang ganoon.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at isinarado na ang pinto. Parating na asawa ko. Kailangan ko na ring umayos at matutong 'wag na makialam sa isyu ng ibang tao.

Aakyat na lang sana ako sa ikalawang palapag nang biglang mag-ring ang aking cell phone.

Si Eren!

Dali-dali ko iyong sinagot. "Hello, Eren—"

"Thad, help me... Please, help me..." umiiyak pang aniya.

"I'll be right there!" walang pagdadalawang-isip kong sabi sabay nagtatakbo palabas ng bahay papunta sa ikalawang pinto.

Nakabukas na iyon at naabutan ko si Eren na nakaupo sa sahig...

Duguan.

Shit.

"Help me, please... M-my b-baby, Thad... Ang b-baby ko..." umiiyak na pagmamakaawa pa niya.

"Be strong, Eren. Be strong..." naaawang bulong ko sabay pangko rito papunta sa sasakyan ko.

Kulang na lang ay paliparin ko ang aking sasakyan papunta sa Greene's Hospital. Nang makita ang dugo sa damit ko ay saka na lang nag-sink in sa akin ang nangyari.

I really hope I was wrong.

Tahimik akong naupo sa isang sulok habang hinihintay ang doctor. Nang makalabas ito sa operating room ay malungkot na mukha ang isinalubong nito sa akin.

"I'm so sorry... We tried our best... but she lost her baby. I'm sorry..."

Malungkot akong tumango at nagpasalamat dito. Nasisiguro kong magluluksa nang husto si Eren. She desperately wanted her baby to live.

Wala ako sa sariling naupo sa isang tabi at tumingin sa kawalan. Sinulyapan ko ang cell phone ni Eren at nakita ang isang missed call doon galing sa asawa nito. Hindi ko na rin narinig kanina sa sobrang taranta.

Nagtipa ako ng maikling mensahe at agad na itinago iyon. Siguro naman ay naintidihan na niya ang ibig kong sabihin.

Pero hindi pa man ako nagtatagal sa pag-upo ay humahangos na lumapit sa akin si Christoff. He must be somewhere near, huh?

"How is she?!" tarantang tanong pa niya. "I was busy at work and I didn't hear her calls—"

"Fucking asshole..." bulong ko sa kawalan.

"What did you just say?" kunot-noo pa nitong baling sa akin.

Sa halip na sumagot ay umiling lang ako at humugot ng malalim na buntonghininga. Alam kong hindi rin matutuwa si Eren kung magkakagulo pa kami ng asawa nito.

Nang mag-ring ang cell phone ko ay ganoon na lang din ang gulat ko.

Shit. Si Lauren!

Sinagot ko ang tawag at dumistansya muna kay Christoff.

"I'm sorry, hon... Nasa GH ako..."

{What?! Ano'ng ginagawa mo sa hospital? May nangyari ba sa 'yo?!} magkakasunod pa niyang tanong.

"Isinugod ko lang ang kapitbahay natin... I'm so sorry.... Kanina ka pa ba tumatawag?"

{Hindi naman. Dadaanan na ako riyan. Hintayin mo ako, a.}

"You can just wait for me at home. Nandito naman na ang asawa niya."

{Seriously? May asawa, pero ikaw ang nagsugod sa hospital? What a prick!}

"I'll be right home. See you later."

{All right, hon. See you. Ingat ka sa pagmamaneho, okay?}

"Yeah. See you."

Noon ko na pinutol ang tawag at muling bumaling kay Christoff na noo'y abalang nagpipindot sa cell phone nito at ngumingiti pa.

What an asshole.

Pero nang mapansin nito ang paglapit ko ay agad nitong itinabi ang cell phone sa bulsa at tumayo.

"Thanks for bringing my wife here. I owe you one."

Sa halip na magkomento ay tumango na lang ako. Hindi ko kayang makipagplastikan sa kanya.

"My wife is already home. Iwan na kita rito."

"Yeah, dude. Thanks," kaswal pang aniya na tipo bang wala kaming pinag-iringan nitong nakaraan.

Muli itong bumalik sa pagkakaupo at nagpipindot sa cell phone nito.

Iiling-iling akong tumalikod at nagpigil ng inis. Hindi ako makapaniwalang ganoon ang asawa ni Eren. All along I thought he was a nice guy. Mali pala ako. Maling-mali. I wonder kung ano'ng nakita ni Eren dito?

Nang dumating ako sa bahay ay naabutan ko si Lauren na noo'y nasa kwarto na at nakabihis nang pambahay.

"Hon..." Sasalubong sana ito, pero agad ding natigilan nang makita ang dugo sa damit ko.

"It wasn't mine. Our neighbor lost her baby..."

Lumipad ang kamay nito sa bibig. Halatang nagulat din sa ibinalita ko. "Oh my God... Kawawa naman... Bakit ikaw ang naghatid? Bakit hindi ang asawa niya?"

"She must have been calling him but he didn't answer. Kaya siguro ako ang naisip niyang hingan ng tulong... since ako ang pinakamalapit."

"Aww... Napakabait naman talaga ng asawa ko..." malambing pang aniya. "But you need to take a shower first..." nangingiwi pa niyang dugtong habang nakatitig sa duguang damit ko.

Tumango-tango ako. "All right. Wait for me, okay?"

"All right, hon... I'll be right here." Mapaglarong pinagpag nito ang bed.

Kaya naman pumasok na ako sa banyo at mabilisang naligo.

Sa dami ng dugong dumikit sa damit ko ay hindi ko maiwasan ang mag-alala para kay Eren. I really hope she will be okay.

Nang makatapos maligo ay naabutan kong natutulog na si Lauren. Mapakla akong ngumiti sa kawalan. I thought she'll wait for me? Ilang minuto pa lang ang lumipas, nakatulugan na niya ako?

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tahimik na tumabi na lang dito kahit pa ang utak ko ay naglalakbay pa rin sa hospital.

Kinabukasan ay nakita kong may nakaparadang sasakyan sa harap ng bahay ni Eren. Gustuhin ko mang kumatok at mangamusta ay nag-aalala akong asawa lang din nito ang makasagot at bigyan na naman ng malisya ang simpleng pangungumusta.

"I never thought that you'll be close to our neighbor." Si Lauren na nakatingin din sa kabilang bahay. Ni hindi ko namalayan ang paglapit niya.

"Okay lang naman. May mga times na naaabutan ko kasi siyang naghahalaman..."

Even if I wanted to be honest about everything, I chose to shut my mouth. Kahit pa mabait si Lauren at wala sa tipo niya ang pagiging selosa ay ayaw ko pa rin siyang bigyan ng isipin.

"I see. Gabi na kasi ako madalas umuwi kaya wala akong kilala sa mga kapitbahay natin."

"Yeah," mapakla kong sang-ayon. Iyon din naman ang totoo.

Sa tagal nang ipinagsama namin ay mas matagal pa talaga ang naging oras niya para sa trabaho.

"Well, anyway... Bawi na lang ako sa 'yo, hon. I'll take my leave next week and let's spend time together. Ayos ba 'yon sa 'yo?"

Tumango ako. "I like that."

"It's a date, then."

"It's a date."

Mahigpit siyang yumakap sa akin at pinugpog ng halik ang aking mukha. Natatawa akong napasandal sa sasakyan at hinapit ang kanyang baywang. Madalang na mangyari ang ganito kung kaya kapag nangunguna siya sa paglalambing ay sinasamantala ko ang pagkakataon.

"Whoa... Baka naman langgamin kayo riyan."

Halos sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Si Everett.

Mabilis na kumalas ng yakap sa akin si Lauren at seryosong binalingan ito.

"Everett? What are you doing there?" kunot-noong tanong ni Lauren dito.

"Oh, I visited a friend, Lauren. I guess all along you didn't know."

Nang lumabas si Christoff ay gulat na gulat din ito pagkakita sa amin ni Lauren.

"W-w-wait..." gulat pang bungad nito sabay sulyap sa akin. "Now, I remember... kaya pala familiar sa akin ang mukha ng husband mo. Ipinakilala mo nga pala siya sa akin sa opisina. How could I forget?!"

Wala ako sa sariling tumango sa kawalan. Kaya pala pamilyar ang mukha nito. Nakilala ko na siya through my wife. Probably, I wasn't myself when my wife introduced us, huh?

"Yup. Who would have thought, huh? Magkapit-bahay pa talaga tayo. Wala man lang kinukuwento 'tong si Everett!" Umirap pa si Lauren kay Everett na noo'y natatawang nagkibit-balikat lang at nakaloloko pang ngumisi sa akin.

"How's Eren?" lakas-loob kong tanong kay Christoff na bahagyang natigilan pa sa tanong kong iyon.

"She's doing okay. Don't worry too much, bro," makahulugan pa nitong sagot at pilit na ngumiti.

"What a small world, huh?" naiiling pang sabi ni Lauren habang titig na titig dito si Everett.

Tumikhim ako at nagpigil na manapak na lang bigla. Hindi ko alam kung sinasadya ba iyon ni Everett para asarin ako o papaano.

"You still looked very pretty without makeup, Lauren," lantarang puri pa nito habang pinapasadahan ng tingin ang asawa ko mula ulo hanggang paa.

"Hey, bro, stop that," natatawang singit ni Christoff sabay akbay dito. "Iwan na namin kayong mag-asawa. Babalikan ko pa si Eren sa hospital."

"I hope I can meet her soon," si Lauren.

"Yeah, ngayon pa bang magkapitbahay lang tayo?"

"Oo nga."

"See you soon, Lauren," makahulugang paalam pa ni Everett sabay kindat dito.

Tanging sunod-sunod na tango at ngiti ang ibinalik ni Lauren dito. Kahit pa ayokong magselos ay hindi ko maiwasan. Like there was something weird going on between them.

"Thad, bro, thank you," pahabol pa ni Christoff sabay ngisi sa akin.

Pormal lang akong tumango at 'di na nagsalita. Paano'ng naging kaibigan ng asawa ko ang mayayabang na 'to?

I couldn't believe it.

"Thad, bro, I owe you one!" muli ay pahabol ni Christoff na nagpatawa naman kay Everett.

Sabay na sumakay ang dalawa sa iisang sasakyan at bumusina pa iyon bago tuluyang umarangkada palabas ng subdivision.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 25.3K 27
"A 24-year-old nurse was allegedly kidnapped and raped by a strange man. She did everything possible in order to forget that nightmare. But she can s...
3.5M 75.3K 84
Sometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte and Lynette Alcala.
2.5M 29.8K 34
She will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.
292K 7K 35
After three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat...