Save to Heart (Student Series...

Por maysique

77.1K 3.4K 3.3K

Student Series 2: "Bahala Na" Attitude 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 Manifesting a fatalistic attitude is nearly a norm... Más

Save to Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 24

1.1K 69 40
Por maysique

Chapter 24

Abala na ang karamihan sa aming mga Grade 10 dahil sa nalalapit na Moving Up ceremony. Bukod sa aming final exams, may hinahabol pa akong dapat tapusin na baby thesis. Feeling ko tuloy ay nanay na ako na inaasikaso ang anak tuwing gabi kaya hindi ako makatulog.

"Ba't kasi nag-solo ka? Kita mo tuloy, ikaw lang nagpapakahirap diyan," puna ni Eden nang samahan ako sa library para gawin itong thesis ko.

Mabuti na lang talaga at may laptop na ako kaya hindi ko na kailangang pumunta sa comshop o 'di kaya ay sa computer lab dito sa school na madalas maraming gumagamit. 

"You know, Eden. Kahit kasama ko pa ang mga ka-grupo ko sana rito, ako lang din ang mahihirapan dahil hindi sila tumutulong. Mas mabuti pang mahirapan akong mag-isa nang ako lang ang nakikinabang kaysa mahirapan ako habang pinakikinabangan ako ng iba."

I wasn't the one who left my group. It was them who left me first and let me drown myself alone in this work. Ilang beses ko naman silang kinausap pero mga wala talaga silang pakialam. Ngayon, bahala na sila kung sinong grupo ang pupulot sa kanila.

We're upcoming senior high students, for goodness' sake. Tapos mga iresponsable pa rin? Ano pang mangyayari sa kanila niyan sa senior high kapag nagkaroon ulit ng research? Kawawa ang magiging lider nila kung hindi sila magbabago.

"Tingnan mo 'yang eyebags mo, mas malaki pa sa tiyan ko. Anong oras ka natulog kagabi?"

"Wala pang 12 o'clock kaya 'wag kang mag-alala. Hindi ko naman kayang magpuyat pa hanggang madaling araw." Nilipat ko ang tingin mula sa screen papunta sa mga mata niya. "Umuwi ka na. Alas sais na, oh?"

Bumuntonghininga siya. "Until what time are you gonna stay here?"

"Hmm... bago magsara ang library? Pasahan na nito bukas. Matatapos na rin ako."

She frowned. "May practice pa tayo ng sayaw bukas sa P.E., ah? 'Wag ka na masyado magpuyat mamaya."

Tumango lang ako sa kanya at mayamaya lang din ay tuluyan na siyang nagpaalam para umuwi. Mariin akong napapikit at napahawak sa batok at leeg upang imasahe ito. Hindi talaga ako sanay na nagbababad dito sa gadget kaya rin siguro madaling manakit ang mata at katawan ko sa ganitong posisyon.

"Hi, Asia!"

Napadilat ako at napahinga nang malalim. I watched Braise occupied the seat Eden just evacuated. Ngumiti siya at sinulyapan ang laptop ko pagkatapos ilagay ang bag sa katabi niyang upuan.

"Hmm?"

"Ah, itatanong ko lang sana kung puwede bang pagamit saglit ng laptop mo? I-che-check ko lang 'yong gawa namin dito sa flashdrive. Wala kasing may dalang laptop sa amin at maraming gumagamit doon sa lab. Don't worry, I'll be quick!"

"Sige. Wait, i-save ko lang 'tong ginagawa ko," sabi ko at muling humarap sa laptop para magtipa.

Mabilis lang naman iyon bago ko iniharap sa kanya. Ngumiti siya ulit at isinaksak na ang flashdrive sa laptop. Kinuha ko naman ang tubig sa aking bag at uminom. Pumasada ang tingin ko sa library at napansing hindi na ganoon karami ang tao rito.

Wala pa yatang sampung minuto nang natapos na si Braise at ibinalik na sa akin ang laptop.

"Thank you, Asia! By the way, may pinapabigay pala si Ral sa 'yo," aniya at bumaling sa bag.

Kumunot ang noo ko hanggang sa bumilog ang mata nang mula sa bag ay inilabas niya ang isang paper bag mula sa Jollibee na medyo nalukot na. Ipinatong niya iyon sa tabi ng laptop ko bago tumayo.

"Sige. Una na 'ko, ha! Bye!" Kumaway pa siya.

Inabot ko ang paper bag at binuksan iyon. Kinuha ko sa loob ang isang box ng Starbucks premium mix. There's also Jolly spaghetti, burger, fries, and strawberry cheese pie inside the paper bag. Nagbaka sakali akong may makitang note pero wala naman. Ibinalik ko na lang lahat sa paper bag at itinabi sa aking bag bago humarap sa laptop.

Malapit ko nang matapos ang Chapter 2 na ginagawa ko nang biglang nag-lag ang screen ng laptop at namatay. Nanigas ang mga daliri ko sa ibabaw ng keyboard at natulala nang ilang sandall bago natanto ang nangyari.

"Shit," bulong ko sa sarili.

Kung ano-ano na ang pinindot ko para subukang buhayin ang laptop. Napasuklay ako sa buhok bago kinuha sa bag ang charger nito at tumayo sa upuan. Naghanap ako ng pinakamalapit na puwedeng saksakan at sinubukang buksan iyon. Nabuhay nga iyon pero kulay blue lang ang screen na lumalabas.

Doon na bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit malamig ay pinagpawisan na rin ako habang nakaupo sa sahig at sinusubukang ayusin iyon kahit pa hindi ako maalam dito.

"Zafe, magsasara na ako ng library. Hindi ka pa ba tapos riyan?"

Napatingala ako sa librarian na nasa harapan ko na pala. "Ma'am, wait lang po. Nagloko po 'yong laptop ko."

Napailing siya at nagpamaywang. "Bilisan mo, ha? Five minutes."

In the end, I was unable to fix it. Nagpunta ako sa computer shop sa gabing iyon dala ang flashdrive ko habang nananalangin na sana ay naroon pa ang kopya ng Chapter 1 ko. Fortunately, nandoon pa nga iyon. Nahirapan lang ako hanapin ulit ang mga journal at article na ginamit ko para sa Chapter 2 pero madali naman na para sa akin ang mag-paraphrase. 

Ang problema lang ay dahil sa bagal kong mag-type, inabot pa ako ng ala una pasado sa shop. Although we have a computer subject, I couldn't seem to learn how to type faster, unlike my other classmates.

Bumabagsak na ang mata ko kinabukasan habang nakikinig sa klase. Humikab ako at ipinatong ang ulo sa braso na nasa mesa bago pumikit. Dumagdag pa ang lamig sa paghila sa akin ng antok.

"Aspasia Zafe!"

Napabalikwas ako sa kinauupuan dahil sa sigaw na iyon. "Yes, Ma'am?"

"Who told you to sleep during my class?" ang istriktong tanong niya habang nakataas ang kilay.

"U-uh... I'm sorry po..."

Humalukipkip siya at mariin akong tiningnan. "Umayos ka ng upo at huwag mo nang uulitin iyon. You know that I dislike students who sleep during my class. Do you get it?"

"Yes po, Ma'am. I'm sorry po ulit," sabi ko sa mahinang boses at umayos ng upo.

Pilit ko na lang talagang ibinubuka ang mata at isip para makinig. Inulan ako ng tanong ni Eden noong break time pero hinayaan niya rin akong umidlip muna. Ngayon lang din ako nagpasalamat na um-absent ang ka-partner ko sa ballroom dance namin sa P.E. kaya ginamit ko ang oras na iyon para matulog sa room. 

"Asia! Uwian na!" 

Pumupungas pa akong inahon ang ulo mula sa pagkakahimlay sa braso kong nasa mesa. Napakamot ako sa ulo at napakusot sa mata habang nililibot ng tingin ang paligid. Nakatayo na ang iba at nag-aayos na ng gamit, handa nang umuwi.

"Ba't uwian na?" napapaos kong tanong. "Wala nang Science?"

"Meron, 'no. Pinakiusapan lang ni Ral si Sir Aranjuez na hayaan ka na lang matulog. Pumayag naman si Sir since alam niya na hindi ka naman ganiyan at baka raw talagang puyat ka kaya ayun. Pasalamat ka at pareho kayong malakas sa mga teacher natin," aniya at ibinagsak ang notebook sa desk ko. "Oh, ayan. Nag-take note ako. Review-hin mo kasi may quiz daw tayo bukas."

Napakamot ako sa leeg at humikab. "Salamat, Denden."

"Hay naku! Matulog ka nang maaga ngayon, ah? Kukutusan kita kapag nagpuyat ka pa! Next week naman na ipapasa 'yong Chapter 3 sa thesis. Patulong ka na sa leader namin kapag may tanong ka."

"Nakakahiya naman kay Axe," sabi ko.

"Luh? Kay Axe ka pa talaga nahiya? Siya pa ang mahihiyang tumanggi sa 'yo." Humalakhak siya. "Basta, ah. Kapag 'di mo na keri, nandito lang kami!"

Ngumiti lang ako. 

Sinabi ko kay Papa ang nangyari sa laptop kaya noong Linggo ay ipinakonsulta namin iyon sa technician. Albeit it finally opened, it kept on crashing or slowing down and many pop-ups appeared on the screen. Ang sabi ay nagkaroon ng virus.

When he asked if I opened strange links or emails, I told him no. Baka raw kasi doon nakuha ang virus. 

"Ikaw lang ang gumagamit nito?" anang technician habang nakatutok sa laptop.

"Ah, opo. 'Yong sa thesis lang po ang ginagawa ko diyan. Tapos noong nakaraan, bigla na lang po siyang nag-crash habang nagta-type ako."

"Hmm..." Tumango-tango lang siya.

I recalled that day and realized that my classmate also used my laptop. Hindi ko na lang sinabi. Baka may napindot nga lang ako na hindi ko alam.

Napaayos naman na ang laptop at nagbilin na rin sa akin ang technician tungkol sa virus scanner at antivirus software na in-install niya. May mga reminder pa siya para maiwasang mangyari ulit iyon sa laptop.

Inasikaso ko na ang Chapter 3 ng thesis bago pa man ang nalalapit na final exam namin. After passing the third chapter, nag-go signal na ang teacher namin na mag-conduct na ng survey sa participants para sa Chapter 4 at 5.

Sinamahan ako nina Eden, Axe, at Ral sa bawat room ng kakailanganin kong participants. Tinulungan pa nila akong mag-tally sa library nang natapos na nila ang sa kanila kaya laking pasasalamat ko rin sa tulong nila.

"Sabi ni Axe, para sa conclusion at reco sa Chapter 5: kung ilan daw ang number ng conclusion mo—in a paragraph form—ganoon din ang bilang sa recommendation. Wala nang quotation for the conclusion and validate your reco na lang," ani Eden. "Ask mo na lang ulit si Axe o Ral para sure kasi baka busy si Sir."

"Tapos na ba kayo?"

"Tapos na 'yong group namin. Sa Chapter 4 kasi ako na-assign, e. 'Yong grupo yata ni Ral patapos na sa Chapter 5."

"Uh, puwede kayang makita 'yong inyo? Guide lang..."

Ngumisi na parang aso si Eden. "Guide lang, ha..."

"Hindi ko naman makokopya 'yon."

She chortled. "Wala naman akong sinabing kokopyahin mo, ah? Pero sige, try ko humingi ng kopya kay Axe mamaya tapos send ko na lang sa 'yo sa Messenger 'yong file?"

"Sa email na lang, Eden."

"Pa-send ko na lang directly sa 'yo."

Like what she said, within not more than twenty minutes, Axasiel sent me the file of their Chapter 4 and 5 through email. Doon na rin ako nag-reply ng pasasalamat ko bago sinimulang gawin ang sa akin.

Halfway through typing Chapter 4, my phone beeped for a message. Kumunot ang noo ko nang nabasa ang text ni Ral.

Asturias:

Asia, are you still in the library? 

Asia:

yes, y?

Asturias:

Can I ask for a favor? I think I accidentally dropped my wallet around shelf 18 or 19 while I was looking for a specific book.

Asia:

0k. nkauwi kn b?

Asturias:

On the way home. I still have extra money with me. There are just important things in my wallet. Thank you.

Asia:

cge. ab0t k na lng bkas pg nkita q.

Inayos ko muna ang mga papel sa table ko at pinatungan ng libro para hindi liparin o ano man. I flipped my laptop close before pulling myself up from the chair. Nagpunta ako sa shelves na sinabi ni Ral dala ang aking phone.

I scanned the floor thoroughly but I found none. Tiningnan ko na rin ang kalapit na area pero wala naman akong nakita bukod sa papel na nakakalat. Pinulot ko na lang iyon at itinapon sa basurahan bago nagtipa ng mensahe para kay Raghnall.

Asia:

wla na ri2 ung wallet m. bka nkuha n ng iba. may id o card k nmn cgur0 dun?

I didn't receive a reply from him so I shrugged my shoulders. Pagbalik ko sa puwesto ko, tanging libro at laptop na lang ang nasa ibabaw ng aking mesa. Nanlaki ang mata ko at yumuko para tingnan ang sahig, nagbabaka sakaling nalaglag lang pero wala rin.

Inangat ko ang libro at laptop pati na rin ang bag sa upuan. Wala rin mismo sa bag ko. Nasaan na 'yon?!

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Malalayo na mula sa table ko ang mga nandito at iilan na lang naman sila. Napahawak ako sa baywang at ang isang kamay ay dinala ko sa labi, kinakagat ang kuko ng hinlalaki habang iniisip kung anong mahika o agham ang naganap at bigla na lang nawala ang mga gamit ko.

Kinalaykay ko ang buhok gamit ang daliri sa kamay bago naglakad palapit sa isang estudyante na pitong mesa ang layo mula sa akin. She's the closest to my table.

"Excuse me," tawag ko sa medyo nanginginig na tono.

Nag-angat naman ng tingin ang babaeng may kulot na buhok at may bandana sa ulo. She smiled politely.

"Bakit po?"

"Uh... may napansin po ba kayo na... pumunta roon sa table na 'yon?" tanong ko at itinuro ang puwesto ko.

Binalik ko ang tingin sa kanya. Her lips protruded as she shook her head.

"Sorry po. Hindi ko po napansin, e. Bakit po ba?"

Bumagsak ang balikat ko. "Ganoon ba? Nawawala kasi 'yong mga papel ko roon para sa thesis namin. Saglit lang ako umalis tapos pagbalik ko, wala na."

Tinusok niya ang takip ng ballpen sa kanyang pisngi. "You can ask the librarian po siguro to check their CCTV footage? Baka po makita niyo roon?"

"T-talaga?" Nabuhayan ako lalo nang tumango siya. "Thank you! Sige, ask ko na lang sa kanya."

Ngumiti siya at tumango. "You're welcome po." 

Yumuko ako nang kaunti at nginitian siya bago pumunta sa librarian at magtanong. Napapailing pa siya habang inaabala ang tingin sa monitor kung saan makikita ang iba't ibang parte ng library gamit ang CCTV camera.

"Next time kasi, 'wag iiwanan ang mga importanteng gamit sa ibabaw lang ng mesa."

"Sorry po," sabi ko sa maliit na boses.

Pinakita niya sa akin ang footage ng isang camera kung saan kita ang puwesto ko kanina. Marahang nagparte ang labi ko nang napanood ang pangyayari noong umalis ako sa table. Two girls approached my table. Ang isa ay pasimpleng tumingin sa paligid bago naupo sa katabing mesa at ang isa naman ay umupo sa katapat ng inupuan ko.

Naglabas ang huli ng libro at nagbasa kunwari habang nakapatong iyon sa mesa. Stealthily, her hand reached out to where my papers and book were, pulling the former underneath the latter as quick as possible. Lumingon-lingon siya sa paligid bago inilagay ang mga papel sa nakabukas na libro bago iyon isinara.

"Kilala mo ba 'yan?" tanong ni Mrs. Janeth.

"Uh, o-opo..."

"Then, I guess, it won't be too hard for you to find her."

A bland taste spread on my tongue. Never have I ever thought someone would sell me down the river. What benefit would she gain from doing that to me? Her leader is already one of the best students. Kaya bakit kailangan pang gawin iyon sa akin?

Kinabukasan sa klase, nakuha pa niyang ngumiti at batiin ako. I wish I could smile back, but I was not the type who would lift the corner of my lips on someone who stabbed me in the back. 

"Ano, Asia? Patapos ka na ba sa Chapter 4 mo?" tanong ni Eden sa tabi ko.

Tinitigan ko ang salarin sa pagkawala ng mga survey form at tally sheets ko. She was even laughing with her friend as though she didn't do anything. Break time namin kaya ang karamihan ay wala sa room.

"Paano ko matatapos kung may isa diyan na kinuha ang mga survey form at 'yong tally sheets na ginawa natin kahapon?"

"Huh?" kunot-noong bulalas ni Eden. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"'Di ba, Braise?" I asked loudly, trying to catch her attention. 

May iba ring napatingin sa direksyon ko. Napawi ang tawa ni Braise at unti-unting lumingon sa akin.

"Ano 'yon, Asia?" inosenteng tanong niya.

"Ang sabi ko, hindi ko natapos ang Chapter 4 ko dahil may kumuha sa tally sheets na ginawa namin."

She was still wearing her innocent facade while looking at me with furrowed brows. Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Eden sa braso at bahagyang hinihila iyon.

"Ah, okay? Why are you telling me this now?"

Tumayo ako sa kinauupuan. "I don't know. Maybe because I know that you were the one who stole my survey forms and tally sheets yesterday in the library while I wasn't at my table?" Ngumiti pa ako.

The noise in our room gradually fade as I walked toward her place. Eden was calling my name but I was already fuming inside and no one could stop me. Humiliating someone isn't one of my personal core values but pressuring her around people would be more effective in reclaiming what she heisted from me.

"Asia, ano ba ang sinasabi mo?" usisa ng isa naming kaklase. "Ano'ng kinuha ni Braise?"

Tumigil ako sa tapat ni Braise kung saan siya nakaupo. I clenched my jaw as I lowered my gaze on her. Nilahad ko ang kamay sa kanya.

"Give me back what you stole from me," mariin kong sambit. 

"Ano, Asia? Wala akong kinukuha sa 'yo—"

"Braise," I sliced her words off. "Just give it back so I can finish my thesis."

"What do you mean? I stole nothing from you. What—just what the hell?"

"Asia, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Akala ko ba ay bawal mambintang dito hangga't walang ebidensiya?" singit ni Oprah.

"Then, come with me in the library. Nakita ko sa CCTV footage na kinuha ni Braise ang mga papel sa table ko habang wala ako roon kasama ang isa niyang kaibigan," hamon ko.

"Fine!" ani Braise at tumayo. "Sasama ako sa 'yo sa library pero isama natin si Oprah para may witness na hindi totoo 'yang sinasabi mo."

Natigilan ako roon. For someone who committed a crime, she was confident she could prove her innocence. Nevertheless, I composed myself again and nodded my head.

Eden and I led the way to the library while the two were tailing us. Nakakapit ang kamay ng kaibigan ko sa aking braso at halos dumikit sa akin para bumulong.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo, Asia? May ebidensiya?"

"Denden, sa tingin mo ba ay malakas ang loob kong gawin ang ginawa kanina kung wala akong ebidensya?"

"Pero bakit naman niya gagawin 'yon sa 'yo?"

"Hindi ko alam."

"Shit ka. Hindi ko alam kung ipagdadasal ko ba na sana ay tama ang sinasabi mo para 'di ka mapahiya... kaso si Braise naman ang malalagot kung tama nga ang sinasabi mo."

Malapit na kami sa pintuan ng library nang tumigil sa paglalakad. Nilingon ko sina Braise at Oprah bago tuluyang pumasok sa loob ng library.

Bahagya akong nagulat nang nakita si Raghnall na kausap si Mrs. Janeth. Napalingon si Ral sa direksyon namin at bahagyang nagsalubong ang kilay nang lumapit kami sa kanila. Bumaling ako sa librarian.

"Mrs. Janeth, puwede po bang makita ulit ang CCTV footage kahapon? Kasama ko po 'yong kumuha ng mga gamit ko at itinatanggi niya pong siya 'yong nasa kuha ng camera. Maybe once she sees it herself, she'd give back my papers."

Mula sa akin, dumako ang tingin ng librarian sa likuran ko kung nasaan si Braise. Lumapit naman sa akin si Ral at marahan akong hinawakan sa braso.

"What papers are you talking about, Asia?"

Hindi ko muna siya sinagot. Hinintay naming ipakita nang librarian ang ipinakita niya sa akin kahapon habang lahat kami ay nakatutok sa monitor. Dahil nasa ibabaw naman iyon ng kanyang table, inikot niya nang kaunti ang monitor para mas makita namin nang maayos.

"Here," ani Mrs. Janeth at may p-in-lay nang video.

Lumapit naman si Braise lalo para tingnan nang mabuti ang screen. Kumuyom ang kamao ko habang hinihintay na magpakita siya roon sa video hanggang sa nagpakita na nga ang dalawang babaeng lumapit sa table ko kahapon.

"Puwede pong pa-zoom in doon sa umupo sa table ko?" 

Mabibigat at malalakas ang tunog ng bawat pag-click ni Mrs. Janeth sa kanyang mouse na para bang may kasama pang galit. Natigagal ako nang i-pause niya ang video kung saan medyo nakaharap ang katawan at ulo ni Braise sa camera.

But... what... how...

"That's not me," Braise told me as she pointed her finger on the screen. "It's not me who stole your papers, Asia. Buhok pa lang, hindi ako 'yan. Bakit ako ang sinisisi mo?"

My blood ran cold. "H-hindi iyan ang nakita ko kahapon! Sigurado akong ikaw 'y-yong—"

"Tingin," Eden intervened and moved closer to me to see the screen up-close.

Kinagat ko ang aking labi habang pinanood siya. Her lips pressed tightly as she turned to me.

"Uh... hindi nga si Braise, Asia..."

"Asia, baka nagkamali ka lang? Namalikmata? It was clearly not Braise. Mahaba ang buhok ng kaklase natin; maikli 'yong nasa video," giit pa ni Oprah.

"Siya 'yong nasa video kahapon. H-hindi ko alam kung bakit—kung bakit biglang naiba," halos hindi ko na rin siguradong sinabi bago lumingon kay Mrs. Janeth. "Ma'am, 'di ba nakita niyo rin po iyon—"

Hinawakan ni Eden ang kamay kong nanginginig na. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. 

"Asia," tawag niya sa nag-aalalang boses.

"Eden, siya talaga 'yong nakita ko—" Natahimik ako nang makita ang namumulang mata ni Braise.

"Grabe ka, Asia..." Umiling siya na para bang dismayado. "Pinagbintangan mo pa ako sa room kanina—sa harap ng mga kaklase natin—tapos ngayong nakita na natin ang ebidensiyang sinasabi mo, ipinagpipilitan mo pa rin na ako ang kumuha kahit kitang-kita na ang totoo?"

"You did that, Asia?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Ral.

"Oo, Ral. Dami pa namang nakarinig kanina ta's hindi pala totoo." Oprah shook her head. 

Tuluyan na akong nawalan ng boses para ipagtanggol ang nakita ko kahapon. Nag-iwas ng tingin sa akin si Eden na para bang hindi niya rin ako kayang ipaglaban sa ngayon.

Of course. She's our class president. Bakit niya ipagtatanggol ang isang lumabag sa patakaran namin sa loob ng klase? Just because I am her friend doesn't mean I'm an exception for that rule.

"Ral..." tawag ko sa huling pag-asa at tinitigan siya.

But he only looked away from me, shaking his head as though he was also disappointed in me.

Seguir leyendo

También te gustarán

45.5K 354 4
NBSB Ariella Unique Cortez is your typical spoiled brat who's used to getting everything she wants. She's as hardheaded as the mermaid she was named...
2.4K 81 4
An Epistolary 💭☀️ | Summer Romance In We're Falling Back (the third book in Calgary's Lovestruck Series), Amber and Luke were one of Solana and Bren...
125K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022