Loved Behind the Sun

By PecheaL

664 24 1

A girl with a simple dream. Who has been living with a chronic illness. Her life was changed when she entered... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 12

18 1 0
By PecheaL




Isang mapait na ngiti ang nakita ko sa mukha niya sa sinagot ko.

"Hindi ko alam na may agreement pala ng partnership si Papa at ang Dad mo. Nagulat nalang din ako ng malaman na kompanya niyo pala ang tinutukoy ni Papa na bago naming co-partner. Alam ko ring hindi ko mapipigilan si Papa sa agreement na 'yon kaya wala na ko nagawa," Paliwanag niya kaya tumango na lamang ako.

"How have you been, this past five years?" Pangangamusta ko sakanya.

"Okay, I guess? After you left me, hindi ko na halos makilala ang sarili ko. Ngayon, naiipit ako sa kasal na ayoko naman matuloy pero kailangan kong tanggapin," He confessed at mas lalong kumirot ang puso ko sa sinabi niya.

"You never loved Yna?" Tanong ko at kaagad naman siya umiling.

"Gaya ng sabi ko sayo noon, hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal ng iba ulit kung hindi ikaw. Pero anong magagawa ko? Hindi naman kita pwedeng pilitin na mahalin ako kung talagang si Alexie na talaga ang laman ng puso mo noon..." He added at napaiwas na ko ng tingin dahil hindi ko na kinakaya ang mga lumalabas sa bibig niya.

"You should try to open your heart again Nolan, Yna loves you... She deserves to feel the love that you used to give me before. Ilang buwan nalang, magiging asawa mo na siya. Kailangan mong subukan mahalin ang asawa mo Nolan," I said, kahit parang pinipiga ang puso ko sa sakit habang sinasabi 'yon sakanya.

"Matagal ko ng sinusubukan Zole, pero hindi ko talaga kaya. Ibang iba siya sayo, at ayokong pilitin ang sarili ko sa babaeng hindi ko kayang mahalin ng buong buo," He answered. Napabuntong hininga na lamang ako at pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Take things slow Nolan, you don't need to force yourself. Just atleast, make Yna feel that she's important to you. Babae din ako katulad niya, alam kong hindi man niya sinasabi sayo pero nasasaktan siyang nararamdaman niyang walang pagtingin sakanya ang lalaking mahal niya..." Ani ko at pilit na ngumiti kahit sobrang sakit na ng puso ko ngayon.

All of my past decisions backfired towards me. Parang sunod sunod ako pinapatamaan sa dibdib ng sakit, pagsisisi, pagka dismaya, lungkot, lahat lahat na ng puot na kaya kong saluhin ay nararamdaman ko na ngayon. Ang tanga mo Zole, ang bobo mo. Tama si Skylar, I didn't save his freedom, I wrecked his heart.

"You really care about the feelings of other people don't you? That's one of the reasons why I loved you... You always took care the people around you, kahit hindi mo sila ka ano ano," At that moment, my tears automatically fell at hindi ko na ito napigilan.

"I..I'm really sorry for everything Nolan. Hindi ko sinasadyang saktan at iwan ka ng ganoon. You can be angry to me, pero ito ka ngayon, inaalagaan mo parin ako kahit hindi ko naman deserve ang pag aalaga mo sakin dahil sinaktan kita ng sobra sobra. Sa mga pinapakita mong kabaitan sakin, mas lalo lang ako nagsisisi sa nagawa kong kasalanan sayo. I understand kung hinding hindi mo na talaga ako mapapatawad-" Pinutol na niya ang sasabihin ko.

"Inaamin ko, nagalit ako sayo noon. Galit na galit ako at Oo pumasok din sa isip ko na gantihan ka pero hindi ko magawa Zole. Hindi kita kayang saktan...Kaya kahit mahirap sa'kin tanggapin ang katotohanan na hindi mo na ko mahal, tinanggap ko nalang dahil gusto kita maging masaya. I was madly inlove with you that even if I'm breaking myself into pieces, I endure all of it just for your happiness..." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya at napatakip na ko sa bibig ko sa sobrang pag iyak.

Nilapitan na niya ko at gamit ang mga kamay niya ay pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa mata ko. He weakly smiled at me and I stared at his eyes kahit medyo malabo na ang paningin ko dahil sa kakaiyak.

"Matagal na kitang pinatawad Zole. Wala ka rin naman talaga dapat ipaghingi ng sorry, hindi mo kasalanang piliin ang lalaking totoong mahal mo. Siguro nga, baka may pagkukulang din ako sayo noon bilang boyfriend mo kaya si Alexie ang mas minahal mo..." Aniya at kaagad naman ako umiling at hinawakan ang kamay niya.

"No Nolan, hindi ka nagkulang sakin... Ako ang nagkulang sayo bilang girlfriend mo. Don't ever blame yourself dahil mas lalo lang ako na gu-guilty kung 'yan ang iniisip mong dahilan ng paghihiwalay natin," Sabi ko sakanya kaya bumuntong hininga siya at tumango.

"Okay, if that's what you want. Stop crying, alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak..." Pagpapatahan niya sakin kaya pinakalma ko na ang sarili ko, pero nandoon parin ang sakit na nararamdaman sa puso ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla ko na lamang siya yinakap ng mahigpit, nag babaka sakaling maibsan ko ng kahit kaunti ang lahat ng sakit na naramdaman niya ng dahil sakin noon.

Dahan dahan ko rin naman naramdaman ang pagyakap niya sakin pabalik. Napapikit ako habang dinadama ang yakap niya, ito ang unang beses na yinakap ulit namin ang isa't isa pagkatapos ng paghihiwalay namin.

"I have to admit, I miss hugging you like this. I hope we can still be atleast friends, Zole. Kahit 'yon manlang sana, huwag mo na ipagkait sakin," Hiling niya. Humiwalay naman ako sa yakap at tinignan siya ng may ngiti sa aking labi.

"Oo naman, doon din naman talaga tayo nagsimula noon diba? As friends, bestfriends..." Sagot ko at napangiti rin naman siya sa sinagot ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong pagpayag na maging mag kaibigan kaming dalawa. Pwede nga ba talaga 'yon? Na maging mag kaibigan ang dalawang taong may relasyon noon? Wala naman sigurong masama hindi ba? Pareho naman na kami may ibang kinakasama, at wala rin naman na talaga kaming balak na magkabalikan pa.

Siguro, sa tamang panahon ay maipagtatapat ko na sakanya ang totoong dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. I hope that he will forgive me for all the lies that I told him.

"Masakit pa ba ang paa mo?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Kukuha lang ako ng wheel chair, iuuwi na kita para mas makapag pahinga ka ng maayos sa bahay niyo," Sabi niya at tumango na lamang ako. Iniwan muna niya ko saglit at kasunod ng pag alis niya ay ang pagpasok naman ni Valentina.

"Ayos lang po ba talaga kayo Ms. Zole? Pwede naman po na pumunta muna tayo sa Doktor niyo sa hospital para mas matignan ang paa ninyo?" Alok niya pero umiling ako.

"I'm really okay Valentina. Tsaka hindi tayo pwede dumaretso doon ng kasama si Nolan, malalaman niya ang tungkol sa sakit ko pag ginawa natin 'yon," Sagot ko at napa buntong hininga siya.

"Hanggang kailan niyo po ba balak itago sakanya ang totoo?" Tanong niya at napaiwas ako ng tingin. Hanggang kailan nga ba Zole? Alam ko namang hindi ko habang buhay maitatago sakanya ang tungkol sa sakit ko, he will eventually find out about it sooner or later.

"Huwag ka mag alala Valentina, naghahanap lang ako ng magandang tyempo kung kailan ko ipagtatapat sakanya ang katotohanan. Sa ngayon, ayokong masira ang pagkakaibigan na hiniling niya sakin... Ipangako mo Valentina, hinding hindi mo ito sasabihin sakanya, nagkakaintindihan ba tayo?" Paniniguro at dahan dahan naman siya tumango na ikinakampante ko. I know na mapagkakatiwalaan ko si Valentina, she cares for me and I also care about her.

"Huwag po kayo mag alala Ms. Zole, hindi ko po sasabihin kay Sir Nolan ang mga nalalaman ko. Pero sana po, dumating na ang tamang panahon na masabi niyo na sakanya ang lahat," Sagot niya at napangiti naman ako at tumango.

"Salamat, Valentina..."

Natigil na kami sa pag uusap ng bumalik na ulit si Nolan hila hila ang wheel chair na kinuha niya. Inalalayan niya ko paupo sa wheel chair.

"Salamat nurse sa pag asikaso sakin," Pasasalamat ko sa nurse at nginitian naman niya ko.

"Nako Ms. Zole walang anuman po, trabaho ko po na asikasuhin ang mga tao dito sa opisina. Tsaka hindi nga po ako halos ang gumamot sa inyo eh, si Sir Nolan po talaga..." Sagot niya at tumingin kay Nolan. Medyo natawa naman ako at napailing iling.

"Your right actually. Pero salamat parin, Valentina ikaw muna ang bahala dito sa opisina habang nagpapagaling ako, okay?" Paalala ko kay Valentina at kaagad naman siya tumango.

"Can we go ahead now?" Tanong ni Nolan kaya tinanguan ko na lamang siya at tinulak na niya ang wheel chair ko palabas ng clinic.

Nakarating kami sa parking lot at kaagad dumaretso kung saan niya pinarada ang kanyang kotse. Mukhang bago nanaman ang kotse niya, hindi ito ang kotseng ginagamit niya noon.

"What happened with your old car?" Tanong ko at napataas naman siya ng kilay sa aking tanong.

"Nasa bahay, ito lang na trip-an ko gamitin ngayon. Why? Did you miss my old car?" Tanong niya at ngumisi sakin ng nakakaloko. I chuckled and shook my head.

"Hindi noh, ikaw talaga maayos pa naman ata yung luma mong kotse bumili ka pa ng bago. Gastador ka parin talaga noh?" I said and crossed my arms on my chest.

"Bihira ko na gamitin ang kotse na 'yon, it reminds me of you everytime I use it," Paliwanag niya kaya napayuko naman ako. Dapat pala hindi nalang ako nagtanong.

Inalalayan na niya ko pasakay sa passenger seat at kaagad naman niya sinarado ang pinto pagkapasok ko sa loob. Umikot na siya papuntang drivers seat at sumakay narin.

He started the car engine and I saw with my peripheral vision that he took a glance to me pero hindi ko na 'yon pinansin. He sighed heavily at nagulat ako ng lumapit siya sakin at mabilis na hinablot ang seatbelt at sinukbit iyon sa akin. Mabilis niya 'yon ginawa kaya nanatili na lang nakanganga ang bibig ko sa sobrang pagkagulat.

"Tsk, palagi mo parin nakakalimutan mag seatbelt? Too bad, I'm not allowed to kiss you anymore..." He said kaya mas napatingin ako sakanya ng nanlalaki na pati ang mga mata.

We have a deal before na everytime nakakalimutan kong mag seatbealt ay hahalikan niya ko. He still remembers that huh?

"N..Nolan, you shouldn't talk about our past already... So stop mentioning them, please?" I said. Napawi naman ang ngisi sa labi niya at napabuntong hininga. He looked away at humawak sa manibela ng kanyang kotse.

"I'm sorry, your right I shouldn't have mentioned that." Paghingi niya ng sorry at pinatakbo na ang kanyang sasakyan.

"So, anong nangyari sa factory kanina at nagmamadali kayo ni Valentina pumunta 'don?" He change the topic.

"May nag report daw kasi sa HR na may dalawang empleyado na nag aaway kanina sa factory, nabasag kasi ang isang crate ng wines na ready for shipment at nagsisisihan sila kung sino ang may kasalanan. That's why we rushed towards there and we forgot to change our shoes," Pagkwento ko. I heard he sighed while slightly nodding his head.

"Did you fire both of them?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Aksidente naman ang nangyari, tsaka alam ko kung gaano ka importane sa kanila ang trabaho nila. I just reminded them na huwag na sila ulit mag aaway para maiwasan din na magkagulo sa factory," I said.

"Mabuti naman at naayos niyo kaagad ang gulo, but please be extra carefull next time Zole. Paano kung hindi lang simpleng tapilok ang nangyari sayo kanina? Your parents will be worried about you," Paalala niya. I sighed heavily and nodded.

"Opo sorry na, hindi na mauulit. Para ka talagang si Dad kung umasta," Sagot ko and he chuckled.

"I hope we can meet again, pag bumisita siya ulit dito to check on you..." He said at napangiti naman ako.

"Sure, don't worry babalitaan kita kung kailan siya uuwi ulit dito. His still currently at the states focusing on our business," I explained.

Kaya rin hindi nakilala ni Dad si Nolan noon ay madalas nasa kompanya ito at pumupunta din sa America for our business transactions.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay ko. Napansin din namin ang isang sports car na nakaparada sa tapat ng gate namin. Hindi ako pwedeng magkamali, I'm sure that it's Alexie's car.

"Who owns that car?" Tanong ni Nolan habang nakakunot ang noo.

"I..It's Alexie's car. I think his inside right now," I said at nagkatinginan naman kaming dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

352M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
241K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
25.4K 2.5K 13
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
1.9M 49.5K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...