Ang Crush Kong Torpe

By MataNgJelRi

4.6K 478 154

Ang sarap magkaroon ng crush, nu? Pasulyap sulyap mula sa malayo. Panakaw nakaw tingin. Hindi mo na kailanga... More

Introduction
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampong Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-labing Dalawa Na Kabanata
Ika-Labing Tatlo Na Kabanata

Ika-pitong Kabanata

273 35 10
By MataNgJelRi

"Wow. You seem happy today huh." salubong sakin ni Karina ng maupo ako sa tabi niya at sa tabi ko naman si Babe.

"Hmm. Lagi naman akong masaya." pahayag ko at nagkibit balikat.

Ayuko naman ikwento sa kanya na hinalikan ako ni Babe. Baka sabihin ni Kate, kiss and tell ako kahit pa nga sa noo niya lang ako hinalikan. Okay na rin yun hihihi

"Iba awra mo ngayon. Parang ang blooming mo. Naka-make up ka ba?" nginitian ko lang siya ng matamis sa sinabi niya.

Hindi nya na rin ako nakulit dahil nagsimula na rin ang klase.

                                                                
Nang matapos ang klase ay inaya ko agad si Babe sumama mag-lunch, sumang-ayon naman siya.

Palabas na kami ng classroom ng harangin ako ni Ashi.

"Hello!" bati nya at inabot sa akin ang isang pirasong pulang pulang rosas.

"Bakit ganyan amoy mo?" kunot noong tanong ko sa kanya pagkatanggap ko ng bulaklak.

Grabe kasi. Parang pinaligo nya na ang pabango.

"Para patunayan sayo na naliligo ako." ngiting ngiti pa sya at nagpogi pose.

"Hay naku, Ashi. Pang-33 times ko ng pangbabasted sayo ito. Sumuko ka naman" pambabara ko sa kanya at nilagpasan na siya.

"Anong 33? 32 pa lang!" pagtatama nya sakin na hindi ko na pinansin.

"Grabe din yun nu? She's so persistent." humahagikgik na puna ni Kare.

Naupo na lang kami sa canteen para kumain. Tahimik lang si Babe na nasa tabi ko.

"Ako na mag-order." aniya at tumayo ng hindi hinihintay ang sagot namin.

Sinundan ko na lang siya ng tingin ng pumila siya sa may counter.

"Psst." tawag pansin sakin ni Kare.

"Bakit?"

"Kayo ba ay may something na?" usisa niya. Tukoy samin ni Kate.

"Walaa" medyo pinahaba ko pa ang wala dahilan para mas maintriga si Kare.

"Hmm. May jowa yan ha. Baka masaktan ka. Parang pa-fall e." napairap naman ako sa paalala niya na naman.

"Alam mo naman na crush ko siya pero di naman ako naasa. Masaya na ako na nagkakasama kami." nakalabing pahayag ko.

"Mabuti ng malinaw. Pansin ko pa naman sayo, nakadepende na ang mood mo sa nangyayari sa inyo. Kaka-bothered." bumuntong hininga na lang ako.

Napansin ko rin ang sinasabi niya. Lalo yata talaga ako nahuhulog, ngayong nagkakalapit na kami.

"Hindi naman. Wag kang mag-alala. Masaya lang talaga ako pero di ako aasa hehehe" alanganing pahayag ko dahil pati ako di sigurado dun.

Eh kasi naman nakakaramdam ako ng pag-asa sa mga pinapakita ni Kate.

"Here.." isa isa nilapag niya sa lamesa ang pagkain namin.

"Wow! Favorite ko ito. How did you know?" takang tanong ni Karina.

Favorite nya ang burger steak tapos pati milk shake.

Pagtingin ko sa pagkain ko ay chicken nuggets at milktea cookies and cream.

"Instinct." tipid na sagot niya.

Pero ang accurate naman. Sinawalang bahala na lang namin iyon at nagsimula ng kumain.

Hindi ko siya napaghanda ng sandwich kasi nga nagtatampo ako sa kanya. Medyo nagsisisi tuloy ako. Babawi na lang ako sa mga susunod na araw.

Matapos kumain ay umattend pa kami ng klase hanggang matapos ito at oras na naman ng practice namin.

Magkatabi kami ni Babe habang pinapanuod mga ka-klase namin. Focus na focus na naman siya dun. Ako naman ay medyo naiinip na kaya naupo muna ako.

Naramdaman ko naman na may tumabi sakin.

"May gusto ka bang kainin?" seryosong tanong nito sa akin.

"Wala." tipid na sagot ko ng hindi siya nililingon.

"Papa-order na lang ako ng pizza. Mukang gutom ka na e."

"Idamay mo mga ka-klase natin." utos ko sa kanya. Tumango naman siya at nagsimulang magtipa sa cellphone niya.

Ilang saglit lang ay pinakita nya sakin ang screen ng cellphone niya. Naka-order na siya ng 8 boxes of pizza.

"Thank you, Ashi." sincere na pagpapasalamat ko sa kanya.

"Anything for you. May iba ka pang gusto? Ako? Haha" biro nya na tinaas baba pa ang kilay kaya inirapan ko siya na parehas namin kinatawa.

"Samolde, malapit na eksena mo." kumakamot sa ilong na pahayag ni Kate sa kanya.

"Dun na ako. Hintayin mo na lang yung pizza." aniya at iniwan pa sakin ang cellphone at wallet niya para daw kapag tumawag ang nagdedeliver at nasa stage siya ay masagot ko.

Saglit lang ay tumawag na ang nag-dedeliver. Lumabas muna ako saglit sa bulwagan para katagpuin iyon.

Pagbukas ko ng wallet ni Ashi ay nakita ko graduation picture ko nung high school.

Hays. She's really into me.

Kumuha na ako ng sapat na cash sa wallet at pinambayad sa nagdeliver.
Medyo malaki din pala nagastos ni Ashi dahil may mga milk tea pa.

Nagpatulong ako magpapasok kay kuya ng milktea. Malayo pa lang kami ay nakikita kong lumiksi ang mga ka-klase ko.

"Kain muna. Libre ito ni Ashi para sa atin." aya ko sa kanila.

Ang bibilis nilang nagkanya kanyang kumuha ng box ng pizza. Mabuti na lang ay kinuhanan ako ng isang box ni Ashi.

"Thank you." pagpapasalamat ko sa kanya at binalik na ang wallet at cellphone niya.

"Ayos lang. Kausapin mo lang ako, sapat na e." nangingiting saad niya.

Sanay na ako sa mga ganyang hirit niya kaya wala na talagang epekto sa akin.

"Ah basta, thank you! Hehe" ani ko at binigyan siya ng yakap para naman makabawi kahit papano sa ginastos nya.

"Bawi na talaga. Sobra pa! Hahaha" tumatawang pahayag niya.

Kumuha ako ng dalawang slice ng pizza sa box at inabot iyon sa kanya. Malugod nya namang tinanggap.

Napansin ko rin na hindi nakain si Kate.

"Ashi, sama ka na dun sa mga kaibigan mo. Dito na ako." paalam ko sa kanya. Tumango naman sya at nagtungo na sa mga kaibigan niya.

Nilapitan ko na si Babe at binuksan ang box ng pizza sa harap niya.

"Kuha ka." alok ko sa kanya.

"Ayos lang ako." tipid na sagot nito.

Naupo naman ako sa tabi niya. Wala rin pala syang milktea. Kulang kasi ang dami nun kaya unahan lang.

"Inom ka na lang." tinapat ko sa bibig niya ang straw ng milktea ko pero umiling lang sya.

"Bakit ayaw mo? Okinawa ito. Diba ito ino-order mo?" usisa ko sa kanya.

"Basta." maiksing sagot niya na naman.

Hindi ko na siya tinanong pa dahil baka makulitan. Kumain na lang ako at inubos ang milktea ko ng tahimik.

Infairness, nabusog din ako dahil kay Ashi.

                                                                  
Nang matapos kami sa practice ay nagsi-uwian na rin kami. Tahimik lang si Kate na nagddrive. Kinakabahan tuloy ako, pakiramdam ko di na sya natutuwa sa akin.

Nanahimik na lang ako dahil baka lalo lang sya mairita at hindi na ako isabay. Kapag mga ganitong pagkakataon na nga lang kami nagkakasama ng kami lang e.

Nagkataon pa na medyo traffic dahil may ginagawa sa kalsada. Nakakainip tuloy.

"Ahm. Kayo ba ni Ashi?" biglang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

Seryoso lang ang muka niyang nakatingin sa unahan.

"Hindi ah. Nanliligaw lang sa akin yun pero ilang beses ko na binasted yun." mariing tutol ko sa sinabi niya.

"Eh bakit pinapahawak nya sayo ang cellphone at wallet niya?" nagulat ako sa tinanong nya. Para syang galit na ewan.

Sa loob loob ko ay napapangiti ako sa tanong niya. Masyado siyang halata ngayon.

"Pinahawakan niya sakin e." simpleng sagot ko sa kanya. Tumango lang siya, sakto sa pag-andar ng sasakyan.

"Ahm.. Nagseselos ka ba?" kumunot naman ang noo nya sa tinanong ko.

"Wag ka na magselos. Wala lang yun." paliwanag ko pa.

"Hindi ako nagseselos." ouch. Sakit naman ng sagot niya. Nagmuka pa akong assuming.

Pero assuming naman talaga ako.

"Okay." napalabi na lang ako at nilaro ang daliri ko hanggang makarating sa bahay.

"Uuwi ka na? Gusto mo mag-dinner sa bahay?" umiling lang siya sakin. Napabuntong hininga naman ako.

Feeling ko ang cold niya sa akin ngayon.

"Sige, bababa na ako." paalam ko sa kanya. Hindi naman siya kumibo kaya nagtanggal na ako ng seatbelt.

Bumaba ako ng sasakyan at bago tuloyang isara ang pinto ay tinawag ko pa siya.

"Babe!" lumingon naman siya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Ingat ka. Selosa ka pa naman." pang-aasar ko bago tuloyang isara ang pinto ng sasakyan.

Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon niya o sasabihin niya. Pumasok na ako sa loob at pakanta kanta pa.

"Nagseselos si Kate.. Crush ako ni Kate. La la la. Hihihi" halata naman nagseselos siya e. Diba? Hehehe wag na kayo kumontra, sigurado ako dyan.

Dahil masaya ako ay masigla akong kumain. Ang dami ko tuloy nakain.

Pagkatapos kumain ay nagbukas muna ako ng social media account. Kailangan kong magpost para updated mga followers ko sakin.

Pinost ko ang picture ko kanina habang nakasakay sa kotse ni Kate. First time kong sumakay dun kaya dapat may picture. Hehehe

"Sa loob ng kanyang B.M.W." captioned ko dito, nakuha ko sa isang mahalay na kanta. Natatawa tuloy ako sa iisipin ng iba.

Ang mga comment ay puro tanong kung kanino daw yun. Syempre di ko pwede sabihin baka magalit si Kate.

Feeling ko tuloy, secretly dating kami hehehe

Pagkatapos magcellphone ay nag-aral na ako. Kung hindi niyo itatanong ay matataas din naman grades ko pero mas mataas talaga grade ni Kate. Valedictorian namin siya nung High School e. Kaya di nakakapag taka na ang dami kong kaagaw sa kanya.

--

Kinaumagahan ay maaga na akong nag-ayos. Ayukong maabutan na naman ako ni Kate na napaka-pangit ko! Baka tuloyan siyang maturn off sa akin.

Bumaba ako ng naka-ayos na at tama nga ako. Nandun na siya sa baba at nakikipag-kwentuhan kay Mommy habang nagluluto ito sa kusina.

"Oh, sakto baba mo. Kakain na tayo." ani ni Mommy.

"Good morning, Kate." nakangiting bati ko sa kanya. Babe sana itatawag ko kaso baka marinig ni Mommy at pagalitan ako hehehe

"Good morning." tipid na sagot niya habang abala sa pagtulong kay Mommy.

Nakaupo na kaming lahat para sa pagkain. Pagkatapos magdasal ni Jazzi ay nagsalita si Mommy.

"Alam mo Jonathan, gustong gusto ko na talaga itong batang ito." sambit nya na bahagyang hinawakan sa balikat si Kate.

"Napaka-bait at napaka-galang. Marunong din pala pumili itong anak natin. Haha" tumatawang saad nito na parang lagi akong mali.

"Mabuti kong ganon. Pero mag-focus muna sa pag-aaral ha? Wag magpapabaya." pahayag naman ni Daddy na tinangoan naming dalawa ni Kate.

Bakit kaya di sila kinokontra ni Kate? Break na ba sila ng jowa niya at ako na ang ipapalit nya? Hmm.. Hihihi

"Ang creepy ng ngiti mo, ate." puna sa akin ni Jazzi kaya inangilan ko siya. Panira ng imagination.

Nang matapos kumain ay pinaalis na kami ni Mommy.

"Mauna ka na sa kotse, may gagawin lang ako saglit." paalam ko kay Kate at nagpunta sa kusina para ipag-gawa siya ng sandwich. Ham and egg lang iyon pero pwede na iyon.

Pagpasok ko sa kotse ay inabot ko agad sa kanya ang baon niya na ginawa ko.

"Ahm.. T-Thank you.." nahihiya niya naman tinanggap iyon at pinasok sa kanyang bag na nasa likuran kaya nanlaki ang mata ko ng tumapat sa muka ko ang pwet niya.

Nice ass.

Mabilis siyang nag-ayos ng upo kaya umaayos na rin ako. Buti di nya ako nahuling naakatingin sa pwet niya.

"Let's go?" tumango lang ako sa kanya at pinaandar niya na ang sasakyan.

Dahil walang magsasalita kung hindi ako mag-sasalita ay inunahan ko na siya.

"Kumusta kagabi pag-uwi mo?"

"Ahm. Ayos lang." tipid na sagot nya kaya di ako nakuntento.

"Paanong ayos lang?"

"Pagdating sa bahay kumain ako at si Luke. Then i studied and sleep." parehas lang pala kami ng ginawa.

"May picture ka ni Luke? Patingin naman." ngumiti naman siya sa akin at inabot ang phone niya.

"Check mo na lang sa gallery." pahayag niya.

Napangiti naman ako. Malalaman ko na anong laman ng cellphone niya.

Wala siyang password.

Naka-default ang background at screensaver.

Walang games sa phone.

Walang dating app.

Pagdating sa gallery ay may naka-private na folder. Sinubukan kong i-open pero may password kaya hindi ko na sinubukan.

Dumiretso na lang ako sa camera roll. Puro picture ng aso ang nandun.

Ang cuuute!!! Isang shih tzu na kulay puti pala si Luke. Ang dami nitong picture.

Katabi niya pa pala ito matulog.

Meron pa naka-halik siya dito. My gosh! Ngayon lang ako na-inggit sa isang aso.

"Gusto mo pa ng aso?" tanong ko sa kanya.

"Pwede. Why?" hindi natinging sagot niya.

"Woof! woof!" sagot ko sa kanya at natawa naman siya.

"Hahaha silly."

Ang cute cute ni Kate tumawa. Pantay pantay ang ngipin niya na ang puputi. Haay. Lalong nakaka-inlove.

"Seryoso nga. Marunong din ako tumahol at pwede rin ako mangagat kung gusto mo." pangungulit ko pa rin sa kanya hanggang makarating kami sa school at makababa sa kotse niya.

"Ahm.. Jaile." tawag nya sakin kaya nilingon ko siya.

"Hold it." inabot niya sa akin ang susi ng sasakyan niya. May nakasabit pa na keychain ng BMW dun.

"Bakit?" takang tanong 'ko.

"Kasi pinapahawak ko?" alangang sagot niya.

Kumunot ang noo ko pero napangiti din ako ng magets ko ang gusto niya. Buong puso kong tinanggap ang kanyang susi.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 368 23
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
77.4K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
1.2M 24.3K 56
just for fun
3.1K 306 15
- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to c...