My Father's Other Woman (ON H...

By agoodgirlgonebad

150K 2.8K 723

Because of her we're broken. My mom is hurting. My sister became a rebel. Who is she? She is “MY FATHER’S OTH... More

Prologue
MFOW 1
MFOW 2
MFOW 3
MFOW 4
MFOW 5
MFOW 6
MFOW 7
MFOW 8
MFOW 9
MFOW 10
MFOW 11
MFOW 13
MFOW 14
MFOW 15
MFOW 16
MFOW 17

MFOW 12

4.8K 99 31
By agoodgirlgonebad

This is a short chapter. I’ll update again maybe on Friday before The Royal Ending. Syempre alam na kung sino ang endgame eh. :D Vote and comment pa rin kayo ah.

Chapter 12

Daniel’s POV

Kakalabas ko lang ng parking lot pero nakasalubong ko yung kotse ni Papa. Tumigil ako sa pagdrive at nagdecide na bumalik ulit para sundan siya. Kahit naman alam ko na kung sino ang sadya niya doon. Sana lang nakaalis na si Kathryn. Sana hindi na sila mag-abot ni Papa.

Nag-park ulit ako sa medyo dulo para hindi nila ako makita. Hindi na ako lumabas ng kotse. Inaayos pa rin ni Kathryn ang mga gamit niya sa likod ng kotse nung dumating si Papa.

I saw how she got excited when she saw Papa got out of his car holding a bouquet of roses. Nagyakapan at naghalikan pa silang dalawa. Tss.

Lumingon na lang ako sa ibang direction dahil nadidiri ako sa nakikita ko. After a few minutes ay sumakay na sila sa kani-kanilang kotse at umalis na. Sinundan ko pa rin sila dahil mukhang magkikita pa sila kung saan.

And I was right. Sabay silang nagbreakfast. Mukhang ang sweet pa nila. Sa sobrang inis ko ay umalis na lang ako, ayoko na kasing makita ang mga pinaggagagawa nila.

Dumating na ako sa office ko at naabutan ko si Neil na nakaupo sa swivel chair ko.

“Sa wakas, dumating na ang boss.” sabi niya habang tinatap ang mga daliri niya sa table ko.

Sinalampak ko na lang ang sarili ko sa couch. “Oh bakit naman ikaw pa ang nakakunot ang noo diyan? Eh ikaw na nga itong late.” dagdag pa niya.

“I’m sorry. It’s just that my day started so bad.”

“Is this about that Kathryn girl again?” hindi na lang ako sumagot. Naiinis talaga ako. “I knew it.” Tumayo siya at lumapit sa akin. “Ano na naman ba ang nangyari ha?”

“Nagkita na naman kasi sila ni Papa kanina, sinundan ko sila.”

“Bro, what do you expect? Syempre hindi pa naman sila tapos di ba?” Neil. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Chill lang bro. I’m just telling the truth. Hindi naman porket sa inyo na ulit nakatira si tito Bernard eh naghiwalay na sila nung babae. Remember, pinakiusapan mo lang si tito kaya siya pumayag.”

“Oo na. Oo na. Nakakainis naman kasi. Alam na nga nung babaeng yun na may pamilya si Papa tapos sige pa rin siya sa pakikipagrelasyon niya.”

“Ano nang plano mo ngayon? Aside sa paglipat mo sa tabi ng unit niya?” natatawang sabi ni Neil.

Teka, alam niya na lumipat ako? “How did you know about that?” napaupo tuloy ako ng maayos.

“Nakalimutan mo na ba? Girlfriend ko si Jessy, di ba tito niya ang may-ari nung condo? Malamang sinabi niya sa akin.” sabi pa niya habang nakangiting-aso.

“Oo nga pala. Pero invasion of privacy yon ah! Dapat hindi niya sinasabi kahit kanino yon. Rule pa naman nila sa Raffles Residences yon di ba?”

“Alam naman kasi ni Jessy na magkaibigan tayo kaya nakwento niya sa akin. Balik tayo sa usapan, ano na ang plano mo?” Neil.

“I need to step up my game. Hindi na ako magpapabagal-bagal pa. Sisimulan ko na ang pagpapaibig sa kanya.”

“Ooh. Aabangan ko yan bro. Pero paalala lang, mahirap yan kapag nahulog ka din sa kanya.”

“I won’t.” sabi ko.

“Sige, sabi mo eh.” pero nakatingin siya na parang hindi naniniwala. Isa pa itong si Neil, nakakainis. “Before I forget, sana naman kahit ongoing yang plano mo na yan eh hindi mo mapabayaan yung trabaho mo. Remember, partners tayo dito. Hindi ko naman kaya lahat na ako lang. Magfocus ka rin dito sa company natin.” seryoso niyang sabi.

“I know that. Pasensya ka na talaga Neil. Di bale, ihihiwalay ko sa trabaho ang personal problems ko.”

“Okay lang. Oo nga pala, may napili na ako na partner company para doon sa new project natin. We’ll meet them next week. At eto pala yung bagong report about that project, pag-aralan mo na din. Sige, I need to go back to my office.”

“Sige bro. Thank you.” pumwesto na ako sa table ko at nagsimulang magbasa. Sa ngayon, I need to focus on my work. I need to pay attention on this. I’ll deal with you later Kathryn.

Sofia’s POV

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Palagi ko kasing naaalala yung sinabi ni Khalil kahapon. Nakakawalang-gana naman kasi. Magkasama kasi kami kahapon, nakiusap kasi si Kath na samahan ko ang kapatid niya na mamili ng iba pa niyang kailangan para sa apartment.

Syempre enjoy na enjoy naman ako kasi kasama ko siya. Medyo nabadtrip lang ako nung nagdinner kami bago umuwi. Paano ba naman, all throughout the dinner, puro bukambibig niya yung babaeng nakita daw niya nung isang araw. Sabi pa niya, next time daw na makita niya yon eh hindi na daw niya papakawalan pa. Sa sobrang pagkairita ko eh nagwalkout ako. Siguro nagtataka si Khalil kung bakit ko ginawa yon. Hay, kung alam niya lang.

“Hi Sofia! Goood moooorning sa yo!” ang weird nitong si Kathryn ngayon. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin?”

“Alam mo, ang weird mo ngayon. May pakanta-kanta ka pa diyan ng good morning. Anong meron?” tanong ko.

“Wala naman. Maganda lang ang umaga ko. Sinurprise kasi ako ni Hon kanina.” she smiled dreamily. “Ikaw, anong meron? Bakit kunot na kunot yang noo mo ha?”

“Wala lang to.” walang gana kong sabi.

 

“PMS ka ba? Di ba dapat nga masaya ka kasi kasama mo ang dear brother ko kagabi?”

“Ha?!” nagulat lang ako sa sinabi niya. Hindi kaya alam ni Kath na may gusto ako kay Khalil?

“Sofia, huwag kang magdedeny. Alam kong may gusto ka kay Khalil. Halata kaya sa mga tingin mo sa kanya. Uyyyyyy. Ikaw ha! So ano, magkwento ka na.”

“Masaya na sana kahapon eh. NakakBV lang ang kapatid mo.”

“Bakit naman? Anong ginawa niya?” nagtatakang tanong ni Kath.

“Kwento siya ng kwento tungkol doon sa babaeng nakabangga niya nung isang araw. Wala na siyang ibang bukambibig kundi yon.” napairap tuloy ako. Naghihintay ako ng sasabihin ni Kath pero wala. “Wala ka bang irereact diyan?”

“Talaga?” yan lang ang sabi niya.

“Oo. Mukhang tinamaan ang kapatid mo ng bongga sa kanya.” napabuntong-hininga ako. “Bakit ba kasi hindi na lang sa akin?”

“Ahhm. Siguro naman hindi na ulit sila magkikita ng babaeng yon. Malaki naman ang Manila di ba? Sana talaga.” sabi ni Kath, medyo worried yung mukha niya.

“Teka. Bakit ayaw mo na silang magkita?”

“Ah kasi ang totoo niyan, mas boto ako sayo para kay Khalil. And...”

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Boto daw siya sa akin. “And?”

“Yung babaeng nakabangga kasi ni Khalil, siya yung anak ni Bernard kaya hindi sila pwedeng magkita ulit.” Kath.

“What?!”

 

Tumango siya. “Kaya hinihiling ko na lang na wag na sanang magtagpo ang mga landas nila. Basta Sofia, mas gusto kita para kay Khalil.”

 

“Pero hindi naman natin madidiktahan ang feelings niya.”

Hinawakan niya ang mga kamay ko. “But that doesn’t mean na hindi mo na ipaglalaban ang nararamdaman mo para sa kanya. Tingnan mo ako, patuloy akong lumalaban para kay Bernard. Because I can’t afford to lose him.”

“You know what? Tama ka. And besides, hindi naman magkakilala si Khalil saka yung babae na yon kaya may chance pa ako.” sabi ko.

Khalil’s POV

I went out for lunch. Nakakapagod pala kapag first day sa trabaho. Nakakapanibago pa kasi yung mga routines sa office. Andami ko palang dapat matutunan.

Ano ba yan? Halos lahat ng fastfood eh puno. Gutom na gutom pa naman ako. Wala na akong choice kaya pumasok na lang ako sa isang restaurant na medyo may pagkamahal. Hindi bale, minsan lang naman ito.

Umupo na ako at may lumapit na waiter sa akin para kunin ang order ko. After kong mag-order ay inikot ko ang paningin ko sa restaurant. Mukhang mga sosyal talaga ang kumakain dito. Then someone caught my eye.

Nagsecond look pa ako para makasigurado at siya nga! Siya yung babaeng nakabangga ko noong isang araw. I guess destiny na talaga ang naglalapit sa aming dalawa. I promised myself na kapag nakita ko ulit siya, hindi ko na siya pakakawalan pa. Pasensya na pero malakas talaga ang tama ko sa babaeng ito.

Nakita ko na maraming customers na ang nasa waiting area ng restaurant. Tinawag ko ang waiter at sinabi kong lilipat na lang ako ng pwesto para makaupo yung iba. Chance ko na rin para magkakilala kami nung babae.

Lumapit ako sa table niya. “Excuse me miss.”

Tumingin siya sa akin tapos kumunot yung noo niya. “Ikaw yung guy na bumangga sa akin days ago kaya natapunan ako di ba? What are you doing here?” medyo masungit talaga siya pero cute naman.

“Oo ako nga. Sorry pala ulit. And nandito ako para kumain.”

“Ah okay.” Hindi pa rin ako umaalis sa harap niya. “Why are you still here? Okay na, I’m accepting your apology.”

“Pwede bang humingi ng favor? Please please please.”

Nagcross siya ng arms niya. “Fine. Ano ba yon?” halatang iritado na siya.

“Can I sit with you? As you can see, wala na kasing ibang table na available at gutom na gutom na talaga ako. Tapos in less than an hour kailangan ko pang bumalik sa office. Kung maghihintay pa ko na may matapos, malelate ako, lagot ako sa boss ko. Tapos siyempre magagalit yon sa akin, baka mawalan pa--”

She cut me off. “Hep! Sige na, maki-share ka na. Just stop talking.”

Umupo na ako sa tapat niya at inabot ang kamay ko. “Ako nga pala si Khalil Villena. How about you?”

Inabot niya rin yung kamay ko pero binitawan agad niya. “Julia. Julia Alejandro.”

I smiled. Yung ngiting tagumpay.

Julia Alejandro pala ang pangalan niya.

Sa wakas nakilala na rin kita.

A/N:

Chapter 12 done!

A lot of conflicts are in this story. Naba-vibes nyo na ba? Haha :))

Please vote, comment and be a fan if you think I deserve it. Thanks! :)

Add me on twitter: @imgoodgonebad

~ agoodgirlgonebad

Continue Reading