Loved Behind the Sun

By PecheaL

664 24 1

A girl with a simple dream. Who has been living with a chronic illness. Her life was changed when she entered... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 10

23 1 0
By PecheaL


Pagkatapos namin mag usap ni Skylar ay pumunta na kami sa table kung saan pumwesto sila Alexie kasama sila Mom at Dad. Nandoon din nakapwesto ang Mom
at Dad ni Skylar, mukhang nagkakatuwaan sila ng makarating kami doon ni Sky. Naagaw ata namin ni Sky ang atensiyon nila kaya sinenyasan nila kami na umupo narin doon, tumayo pa si Alexie para ipaghila ako ng upuan sa tabi niya. Si Skylar naman ay tumabi sa kanyang mga magulang.

"Mabuti naman at nakadalo ka rin sa party ko Alexie, boyfriend mo daw siya Zole is that true?" Tanong ni Mr. Demesca kaya dahan dahan naman ako tumango.

"Bagay na bagay kayo Iha, looks like you've moved on from your ex huh?" Puri samin ni Mrs. Demesca and I just shyly smiled towards her.

"Y..Yes Tita, limang taon narin naman po ang nakalipas. Just like Skylar, pareho na po kami nakapag move on sa past relationship namin," I answered at napangiti naman si Tita Rein at tinignan din si Skylar. Nginitian naman din siya ni Sky at tumango.

"Nanghihinayang parin ako sa inyong dalawa ni Nolan Iha, bagay na bagay din kayo at nakikita namin kung gaano kayo ka sweet  sa isa't isa noong kayo pa. Hindi na nga kayo halos mapaghiwalay eh," Komento ni Tito. Napawi naman ng ngiti sa labi ko at napatingin na lamang sa mga kamay kong nakapatong sa aking hita.

"Nolan Gianni Colleymore? He's your ex?" Tanong bigla sakin ni Alexie kaya napatingin ako sakanya. I slowly nodded as an answer.

"P..Pasensiya ka na, hindi ko na nabanggit sayo ang tungkol sakaniya. Matagal na kaming tapos Alexie, you don't need to be bothered by him. Nag uusap lang kami kapag naabutan ko siya sa factory or pag may kailangan kaming pag usapan about sa trabaho," Paniniguro ko sakanya at hinawakan pa ang kamay niya. He slightly smiled at me and kissed the back of my hand.

"You don't need to explain Zole, I trust you." He said at nawala naman ang kaba na nararamdaman ko sa sinabi niya. It melts my heart to hear him say that he trust me, at hindi ko hahayaang masira ang tiwalang binigay niya sakin.

"Mr. Demesca! Happy Birthday!" Biglang may bumati kay Tito kaya napalingon kaming lahat sa nagsalita. It was Mr. Colleymore together with he's wife and their two sons, which are Nolan and Kuya Rixton. Si Nolan ay may kasamang magandang babae sa tabi niya, mukhang siya ang Fiancée na tinutukoy niya.

Hindi na ko gaano nagulat na iimbitahan din nila Tito Graze ang mga Colleymore, magkakilala din sila sa business industry kaya hindi sila malabong imbitahan.

"Zole! Iha I miss you! Ngayon lang kita ulit nakita after 5 years. Tampo ako sayo ah hindi ka manlang nagpaalam samin na sa ibang bansa ka na pala mag aaral at mag si-stay for good," Pagbati sakin ni Mrs. Colleymore at nilapitan ako sa aking upuan para halikan ako sa pisngi.

"I miss you too, Tita. Pasensiya na po at hindi na ko nakapag paalam sa inyo, biglaan po kasi..." Paghingi ko ng despensa and she just smiled at me ang caressed my shoulders.

"I understand Zole, alam ko ang totoong dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay sa anak ko. Don't worry, hanggang ngayon Nolan doesn't know that your sick. I just hope one day, ikaw mismo ang magsabi sakanya ng tungkol dito. I hate keeping secrets towards him,"  Bulong niya sakin na ikinagulat ko. Paano niya kaya nalaman ang tungkol sa sakit ko? Sino ang nagsabi sakanya?

Tumango na lamang ako at bumalik na si Tita sa kanyang asawa. Napatingin naman ako kay Nolan na ngayon ay seryosong  nakatingin sa katabi kong si Alexie. Nagulat ako ng bigla naman akong inakbayan ni Alexie habang nakatingin din kay Nolan. Now Nolan's stares shifted towards me, hindi ko mabasa ang mga mata niya. Is he mad? Sad? I don't know, at wala na dapat ako pakialam kung ano man ang isipin niya sa amin ni Alexie.

"Oh hindi niyo pa ata nakikilala si Alexie, he's the former CEO of Demanuca Corporation. Also, Zole's boyfriend..." Pagpapakilala ni Tito Graze kay Alexie sa pamilya ng mga Colleymore.

"It's a pleasure to meet the Colleymore family. My Dad already mentioned me about your company, were impress on how you could able to manage your business very well Mr. and Mrs. Colleymore," Alexie complimented. Mr. and Mrs. Colleymore gave him a smile.

"Thank you Mr. Demanuca, pero sa ngayon ay ang anak ko ng si Nolan ang nagpapatakbo ng kompanya namin. He's handling the business well," Sagot naman ni Mr. Colleymore kay Alexie.

"You have a beautiful lady beside you Nolan, is she your Fiancée?" Tanong ni Alexie at sa wakas ay umiwas na siya ng tingin sakin.

"Yes. She's Yna, Yna Shei Himenez..." He simply answered. Ngumiti naman sa amin si Yna. She's really pretty as well. Sabi ko naman kay Mom na hindi talaga papatol sa panget si Nolan.

"Good evening po sa inyong lahat! It's nice to meet all of you po. Happy Birthday din po Mr. Demesca," Pagbati ni Yna sa aming lahat.

"Thank you Iha. Enjoy the party then, marami pang available na tables diyan, feel yourself at home," Sabi ni Tito Graze. Umalis na ang mga Colleymore sa pwesto namin at nakita kong pumwesto sila sa table na hindi kalayuan sa amin.

"I lied back there, hindi naman maganda ang Yna na 'yon. Mas maganda ka parin," Bulong sakin ni Alexie kaya medyo natawa ako.

"Bolero ka talaga, bakit mo pa pinuri kung hindi ka naman pala totoong nagagandahan sakanya?" I asked and he just shrugged his shoulders.

"Formality, I guess? Ah basta hindi siya maganda. Pati yung Nolan na 'yon hindi rin siya gwapo, mas gwapo ako sakanya." Dagdag niya at napataas naman ako ng kilay.

"Bawas bawasan mo yang kahanginan mo ha, matatangay na ko palayo sa sobrang lakas eh," Sarkastiko kong sagot at ngumuso nanaman siya. Hobby niya ngumuso, mukha tuloy siyang isda.

"Nagsusungit ka nanaman, sabi nila ang sweet mo daw kay Nolan noong kayo pa. Bakit parang sakin hindi ka sweet, huh?" Pagmamaktol niya pa kaya tinawanan ko siya at kinurot ang pisngi niya. Napa aray naman siya sa ginawa ko. OA nanaman ang loko.

"Tapos sinasaktan mo pa ko ngayon? Ganyan ka ba talaga mag lambing? Paano nakatiis sayo si Nolan kung ganyan ka?"

Mas lalo ako natawa kaya mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya.

"Ganito ako mag lambing, Alexie. Huwag ka na magmaktol diyan at nagmumukha ka na talagang isip bata," Sagot ko. Napatingin naman siya sakin ng malawak ang ngiti.

"Pwede sa lips din?" Humirit pa ang loko kaya lumayo na ko sakanya.

"Awat na Alexie, nakakahiya at nandito rin sila Mom at Dad. Next time na," Pagtanggi ko.

"Parang biglaan naman ata ang kasal nila Nolan at Yna? Is it really necessary for them to get married just to merge with the Himenez?" Pagpuna ni Mom.

"Well, maybe the Himenez wants assurance towards the Colleymore's kaya nag agree sila na ipagkasundo ang dalawa. Wala rin naman na sigurong masama doon, right anak?" Tanong sakin ni Dad kaya napatingin naman ako sakanya at tumango. Wala naman na talaga, wala na dapat.

"How could Nolan agree with that? Hindi naman maganda ang Yna na 'yon noh. Di hamak na angat ang beauty namin ni Zole sakanya," Sabi naman ni Skylar kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Skylar, don't say that at baka marinig ka nila," Saway naman ni Tita Rein sakanya at uminom na lamang si Skylar sa wine glass niya.

"Baka gusto narin mag settle down ni Nolan sa marriage. Nasa tamang edad narin naman siya. Tsaka, baka gusto narin ng mag asawang Colleymore na masundan ang apo nila kay Rixton." Sabi naman ni Tito Graze.

Kuya Rixton is happily married with Ate Greisha, kakapanganak niya lang last year with their son named Trico. Mukhang hindi na sinama ni Kuya Rixton ang mag ina niya dahil baka mag iiyak lang si Trico dito.

Kaya rin siguro kay Nolan pinagkasundo ng kasal si Yna dahil hindi na pwedeng si Kuya Rixton ang ipakasal sakanya. Hindi rin naman pwede ang bunso nila na si Davyne dahil unica iha ito ng mga Colleymore.

"Restroom lang ako," Paalam ko at tumayo muna para dumaretso sa restroom. Mag re-retouch lang ako ng make up at naiihi narin ako.

Pagkarating ko sa restroom ay kaagad ko ginawa ang dapat kong gawin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napabuntong hininga. You should be happy for him Zole, masaya na siyang bubuo ng pamilya kasama si Yna. Maybe ako din, makakabuo ng masayang pamilya with Alexie in the future.

Pagkalabas ko ng restroom ay nagulat akong makita rin si Yna. She smiled at me and I smiled back. Parehas kami naka heels pero mas angat ang height ko sakanya ng kaunti.

"I never got a chance to greet you personally earlier Zole, I'm glad I can finally chat with you privately," She said at medyo nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Is there something you want to ask me, Yna?" I asked, kind of confused the way she speaks to me right now. She smirk and I don't think I like that smirk of hers.

"Do you still love Nolan?" She straightly asked, leaving me in mid air of surprise.

I smiled at her and immediately shook my head as an answer.

"Not anymore, Yna. Matagal ng tapos ang sa'ming dalawa ni Nolan. Why are you asking me this? Are you threatened that I might steal him from you?" I backfired. I don't want to be rude towards her but she started it. She let out a develish laugh and crossed her arms on her chest.

"Me? Threatened? Baka ikaw dapat ang matakot sakin Zole, you don't know how much I can do just to fight for Nolan. I'm inlove with him at hindi ko hahayaan na mawala siya sakin," She threatened me back and I let out a sarcastic laugh.

"Don't worry Yna, hindi ko aagawin si Nolan sayo. Hindi ko ugaling kumabit sa iba. Best wishes on your wedding Yna,"  I said at naglakad na paalis. Ayoko ng mas lalo pa humaba ang pag uusap namin dahil baka hindi na maganda ang patunguhan nito at masira pa namin ang party ni Tito Graze.

Bago pa ko makabalik sa table namin ay nakasalubong ko si Nolan. Mukhang hinahanap niya sa Yna. Nagtama ang mata naming dalawa, he looks like he wants to say something pero hindi niya ito masabi. He really looks handsome tonight, nasa dugo na talaga ng mga Colleymore ang kakisigan ng pamilya nila.

I approach him with a smile, he's still staring at me seriously ng nakakunot pa ang noo. Pero kahit ganoon ang itsura niya ang gwapo niya parin pagmasdan.

"Hinahanap mo ba si Yna? Nakasalubong ko siya sa restroom kanina," I casually said. He's still looking at me at ilang segundo ang lumipas ay napatango na lamang.

"I'll be going then," Paalam ko at maglalakad na sana palayo pero hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"You look beautiful tonight..." He said na ikinagulat ko. Did he just complimented me? I don't know what to react kaya dahan dahan ko tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko and awkwardly smiled to him.

"T..Thank you. You look great as well, Nolan..." I complimented back.

"Babe! Your here pala, hinahanap mo ba ko?" Biglang tawag sakanya ni Yna at kaagad pumulupot ang kamay nito sa braso ni Nolan.

"Yes. May naghahanap kasi sayo sa table kanina kaya hinanap na kita," Nolan explained at napatango naman si Yna at tinignan ako.

"Oh nandito ka rin pala Zole, mauna na kami ng Fiancée ko ah. See you around," Paalam niya kaya nginitian ko nalang siya ng pilit at tumango. Tsk, ang plastik.

Bumalik nalang din ako sa table namin. Alexie immediately wrapped his arms on my shoulders as soon as I sitted.

"Ang tagal mo namang mag cr, tumae ka ba?" Tanong niya at isang malakas na batok ang nakuha niya mula sa'kin.

"Hindi ba pwedeng may kinausap lang pagtapos mag cr? Mahiya ka nga Alexie, nasa harap pa tayo ng pagkain oh." Pagsermon ko at napahawak naman siya sa ulo niyang binatukan ko.

"Sorry na, malay ko ba? Sayaw nalang tayo, I want to dance with my girlfriend tonight," Pagyaya niya sakin at nilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko na lamang ito at tumayo na kami para sumama sa ibang mga taong sumasayaw ngayon sa gitna.

Alexie wrapped both of his hands around my waist while both of my hands are wrap around his nape. We were both swaying and dancing along with the slow music. Nahagip din ng mata ko sila Yna at Nolan, they are also dancing at si Yna ay nakapatong pa ang ulo sa dibdib ni Nolan habang nasayaw.

Nagtama muli ang mata naming dalawa ni Nolan, his eyes landed on Alexie's hands which are on my waist and his jaw slightly tightened. Kumabog agad ang puso ko ng makita ang reaksyon niyang 'yon. Why? Is he affected? He can't be, right? Baka guni guni ko lang 'yon kaya umiwas na lamang ako ng tingin sa kanilang dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

352M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
961K 16.2K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
238K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...