Chapter 15
Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Kanina ko pa gustong magsalita, pero hindi ko kasi alam iyong sasabihin ko. Gusto kong itanong kung ano ang trip niya at napunta siya rito—'wag niya lang masabi na trip niya lang kasi literal na ang layo ng Abra mula dito, ha! Ang lakas naman ng trip niya, if ever.
"Samuel—"
"Deanne—"
Sabay kaming natigilan sa katangahan namin. Napa-tingin kami sa isa't-isa. Natawa siya nang bahagya.
"You go first," sabi niya.
Umiling ako. "No, ikaw muna."
"Ladies first."
"I insist," sagot ko sa kanya.
Natawa ulit siya. "Okay, then," sabi niya habang patuloy pa rin kaming naglalakad. Mararating kaya namin iyong dulo ng resort na 'to? Kasi kanina pa kami naglalakad pero ngayon pa lang kami magsisimulang mag-usap. Ano'ng oras kaya ako makaka-uwi—or better yet, uuwi pa kaya ako?
Lecheng imagination 'yan! Kung saan-saan na napupunta e naglalakad lang naman kami!
"Nakapag-enroll ka na?" he asked.
Kumunot ang noo ko. "Natanong mo na ata sa akin 'yan?"
"Really?"
I nodded. "Yup."
Tumango-tango lang siya, pero hindi na ulit nagsalita. Nasa loob lang ng mga bulsa iyong mga kamay niya. Ang cute-cute niya tignan sa suot niyang bulaklakin na polo. Gusto ko ng remembrance! Pero ang weird naman if aayain ko siya magpicture!
"Nag-enroll ka na?" tanong ko sa kanya kasi nase-stress ako bigla sa katahimikan.
He nodded. "Yup," he said.
Tangina, ano na?! Ano ba ang ganap tonight?! Gustung-gusto ko na siya tanungin kaya lang ay kinakabahan talaga ako. Bigla tuloy akong nagsisi na nagdala ako ng sasakyan. Beer would be nice at this point.
"Deanne—"
Agad akong tumingin sa kanya. Bigla kasing nabasag iyong katahimikan nung tawagin niya iyong pangalan ko. So, I quickly looked at him... both my eyes were on him. Napa-kunot din ang ulo ko. Kinakabahan ba siya? His eyes looked uneasy. Ano ba ang nangyayari?! Pwede ba na magsalita na siya kasi ang hirap maging feelingera!
"Samuel," pagtawag ko sa pangalan niya nung sampung segundo na ang lumipas at hindi pa rin nadudugtungan iyong pagtawag niya sa pangalan ko.
Huminga siya nang malalim. "Okay," he said.
"Okay what?"
"Can we sit?" he asked.
I shrugged. "Sure," sabi ko.
We checked first kung may bubog ba or what iyong uupan namin, and after we made sure na malinis naman, we sat down on the sand. Naka-tingin kami sa buwan. In fairness, full moon pala ngayon. Naka-tingin lang ako doon habang nag-aagaw sa pandinig ko iyong hampas ng alon at saka iyong tunog mula sa live band doon sa may isang resto bar.
"Okay ka lang ba?" I asked because he not only looked uneasy—he also felt uneasy.
"Medyo."
"Medyo?" I repeated. "May sakit ka ba?" tanong ko kasi baka meron nga. Mukhang mas plausible naman iyon kaysa sa mga bagay na naiimagine kong mangyayari ngayon.
"Wala naman," he replied.
"So... bakit hindi ka okay?"
Hindi agad siya sumagot. Balak ata ng tao na 'to na patayin ako sa kaba dahil sa paghihintay kung ano ang gusto niyang sabihin or gawin sa akin. To be honest, kung tama man ang iniisip ko, then there's no need to worry! 'Di naman ako pakipot na tao! Like him, I believe that life is short, so kung gusto mo at wala ka namang natatapakan na tao, go!
Ayoko naman na pilitin siya na sabihin na iyong gusto niyang sabihin. Instead, nakinig na lang ako sa tinutugtog nung banda. Naki-sabay pa nga ako nung kinakanta na iyong Araw-araw.
Fuck.
Tangina namang lyrics 'yan?!
"Samuel," pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Huminga ako nang malalim na malalim na baka magtaka na siya na baka may hika ako.
Hindi agad ako nakapagsalita.
Shet. Ang hirap naman nito?! Bakit parang iyong mga kabataan ay nadadalian lang sa paglandi habang ako 'tong mas matanda sa kanya ay parang masusuka na ngayon?! Tapos ang kapal pa ng mukha ko na mainis kay Samuel dahil ang tagal niyang magsalita! Leche, ang hirap pala nito?!
Huminga ako nang malalim ulit.
"Okay," I said.
"What?" he asked, his forehead creased.
"May sasabihin ako."
"Okay."
"But..." I said and then paused for a second. "I just... wanted this out in the open, okay? If hindi, e 'di okay."
He didn't say a word, but he just stayed there and stared at me. Muli akong huminga nang malalim. Okay, Deanne. Kaya mo 'yan. Never pa akong umamin buong buhay ko dahil sabi sa akin ni Mama bata pa lang ako na unahin ko ang pag-aaral at paggraduate. Feel ko naman ay pwede na ngayon! Naka-graduate naman na ako ng college—at saka mas masaya maglawschool kapag may jowa na upperclass kasi may libreng tutor at digests.
"Samuel Hayes Fortalejo," pagtawag ko sa pangalan niya.
"Wait," sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit?" sabi ko kasi grabe ang hirap mag-ipon ng lakas ng loob, ha! Kailangan ko na 'tong masabi ngayong gabi kasi hindi ko na alam kung kailan ulit ako makaka-hanap ng kapal ng mukha!
"Ako muna."
"Ako muna," sabi ko kasi baka matapos na iyong kanta. Baka matapos din iyong kapal ng mukha ko.
"Ako muna—"
"I like you," I said, cutting him off and catching him off-guard, apparently. Napaawang iyong labi niya. Muli akong huminga nang malalim. I balled my hands into a fist na para bang doon ako humuhugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha na sabihin ang mga sasabihin ko.
"I like you," I repeated because... I didn't know what else I should say. Should I dictate the reasons why? Importante pa ba 'yon? Hindi ba enough na... gusto ko siya? Na gusto ko siyang kasama? That I really like spending time with him that I every time I go out of the building, I always wish that I'd bump into him?
That sometimes, I miss him enough that he invades my dreams?
"I—" I said and then stopped. "Gosh. Hindi ako magaling mag-explain," dugtong ko. "Basta... gusto kita." Saglit na ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. "Pero kung hindi mo ako gusto, okay lang naman. We can still be friends."
Tumingin ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko iyong kabog ng dibdib ko habang naghihintay ng sasabihin niya, pero naka-tingin lang siya sa akin at bahagya pa ring naka-awang ang labi at bahagyang naka-kunot ang mga noo.
Napa-kunot din ang noo ko. I snapped my fingers at him.
"Hello?" sabi ko.
Napa-kurap siya. "Oh, wow," was all he said.
Huminga ako nang malalim. "For your information, kaya lang naman ako nagka-gusto sa 'yo dahil lagi mo akong sinasamahan. If ever, nagcontribute ka rin sa feelings ko. Kung gusto mo ng legal basis—kumbaga, ikaw ang proximate cause ng pangyayaring ito."
Tumingin ako sa kanya at mas lalong lumalim ang pagkaka-kunot ng noo ko nung makita ko na nagbago na iyong expression sa mukha niya mula sa pagiging confused sa pagiging amused. Lecheng 'to! Pinagtatawanan niya ba ako?
Nagtry akong tumayo because I would not sit here and be laughed at, ano! Pero bago pa man ako maka-tayo ay napa-hinto na ako nung hawakan niya iyong wrist ko.
"Sandali lang naman," he said.
"Ang hirap nung sinabi ko tapos tatawanan mo lang ako?" singhal ko sa kanya. Bigla namang naging Ikaw Lang iyong tugtog. Tangina, ano ba ang trip ng banda na 'to?!
"Hindi kita tinatawanan."
"E ano 'yang expression sa mukha mo?"
"Ano ba meron sa mukha ko?" he asked.
"Natatawa ka."
"Hindi ako natatawa."
"E ano 'yang ngiti sa mukha mo?"
"Masaya ako."
"Masaya ka na napapa-hiya ako?"
He shook his head like he was some little boy. "Definitely not," he replied. "But you already said your piece—pwede bang ako naman?"
Tumingin ako sa kanya habang malalim pa rin ang kunot ng noo ko. Umirap ako. "Fine," I said.
He nodded. "First, thank you," he said.
"For?"
"Because when we tell this story in the future, I can claim that you confessed first," sabi niya at unti-unting napaawang iyong labi ko sa confusion sa sinabi niya. Hindi naman ako uminom ng beer pero feeling ko ay lightheaded na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi at this point.
"Ha?" I asked, really confused. Feeling ko ay bumalik ako sa pagkabata and I'd need him to spell out everything for me to understand them. Ayoko naman magpaka-feelingera ngayong gabi!
"Do you think I just really enjoy riding on a ferry para pumunta dito?" he asked.
"Aba malay ko."
"No, I do not. I get seasick," he said.
"Okay?"
"So, what do you think?"
I groaned. "Hindi gumagana iyong utak ko ngayon. Please lang sabihin mo nang maliwanag kung ano ang tinutukoy mo. 'Wag ka ng magpa-hula at hindi tayo matatapos."
He laughed a little at my rant. "Okay," he said.
"So? Ano ang point mo ba kasi?"
"That I like you, too?" sabi niya.
"Bakit patanong? 'Di ka sure?"
Natawa na naman siya. "No, sigurado ako."
"Sure nga?"
He nodded. "Affirmative," he said.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Naka-tingin lang ako sa kanya ngayon, pero at this very moment, ramdam na ramdam ko iyong pagbilis ng tibok ng puso ko. Rinig na rinig ko iyong pagkanta ng Paraluman.
Oh, fuck.
"So... gusto mo ako?" I asked.
"Yes."
"And... gusto din kita?"
"Yes."
"Ano'ng... ibig sabihin nito?"
Naka-tingin lang siya sa akin. Hindi na siya kabado kagaya ng kanina. Bakit ako na lang iyong kinakabahan?! Not fair!
He shrugged. "It depends," he said. "Do you want me to court you... o gusto mo na tayo na?"
Napaawang iyong labi ko. "Wow, nakaka-bilib naman ang pagiging mabilis mo."
Natawa siya. "What? I am just asking."
"Ano ba ang pinagkaiba?"
He shrugged. "Nothing much, really. Either way—I'd still treat you well."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Lord... kung ganito naman pala, worth it iyong paghihintay ko ng matagal?!
"Kung gusto mong ligawan muna kita, ayos lang naman din sa akin," sabi niya. Naka-tingin siya sa akin, pero hindi ako nagsasalita pa kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko?! First time ko 'to! Paano ba magpakipot?! Pero ayoko rin naman! Life is short!
"Kapag ba girlfriend mo na ako, bibigyan mo ako ng flowers?"
"Yes," he said.
"Kailan? Kapag birthday ko lang?"
Natawa siya. "Kailan mo ba gusto?"
"Birthday at saka Valentine's," sabi ko. "At saka pala gusto ko rin ng malaking stuffed toy galing Blue Magic," dugtong ko. "Saka isang box ng Ferrero."
"Weirdly specific, but okay," he replied.
"Ano pa ba?" I asked.
"Gusto mo bang ilista dahil baka may malimutan ka?"
Umirap ako. "Baka isipin mo demanding ako." "Not at all," he said. "I'd rather you tell me what you want ka Pahulain mo ako kung ano ang gusto mo."
"Bakit? May nagpa-hula na ba sa 'yo?" I asked, my brow arched.
"Topic for another time," he replied.
Umirap ako. "Daming ex?"
Natawa siya. "Ikaw ba?"
"Ikaw kapag nagbreak tayo."
Napaawang iyong labi niya. "Wait—never ka pang nagka-boyfriend?"
I nodded. "Yes, kaya ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay," sabi ko sa kanya at napa-kurap siya. "Don't worry—wala namang point of comparison dahil ikaw ang una sa lahat," dugtong ko tapos ay nag-iwas ako ng tingin dahil ewan ko at bigla akong nahiya sa kanya after ng lahat ng pinagsasabi ko.
"Magsalita ka naman," sabi ko kasi medyo tahimik siya at kinakabahan na ako.
"Ligawan muna kita," he said.
"Ha? Akala ko tayo na?"
"First time mo pala—simulan natin sa pinaka-umpisa."
"Sure ka? Kasi wala naman ako balak magpa-kipot dahil gusto naman pala natin ang isa't-isa," I said and there was an amused expression on his face.
"Then... let me do it for me?" sabi niya. "Ligawan kita kahit one week."
"Ano mangyayari sa one week na 'yan?"
He shrugged. "Ibibili kita nung stuffed toy mo," sabi niya. "Saka iyong Ferrero. Gusto mo rin ba ng Toblerone?"
"Hindi. Baka bigyan mo pa ako ng diabetes."
"Okay—walang Toblerone. But what else?"
So, we sat there and brainstormed sa kung ano ang gagawin namin sa one week na liligawan niya ako. So far, we agreed na bibigyan niya ako ng flowers, blue magic na stuffed toy, Ferrero na chocolate, at napilit ko siyang magsuot ng couple shirt.
"2AM na pala," he said.
"Pinapauwi mo na ako?"
He nodded. "Delikado kapag nagstay ka pa."
Tumingin ako sa kanya. "So... after one week, tayo na?"
"That's the plan," he said while he stood up and reached for my hand to help me stand up.
"Ano'ng difference kapag tayo na?"
"Ganon pa rin," sabi niya. "Hindi naman ako mas mabait kapag nanliligaw."
"So, ilan na nga ang niligawan mo?"
Tumawa siya. "I told you—this is a topic for a different night."
"Fine, pero sasabihin mo nga sa akin?"
"If you're so interested, then yes."
"Okay," I said, but I wouldn't ask. Baka makita ko pa kung gaano kaganda mga ex niya at maging insecure pa ako. Ayoko naman na maging ganon.
Naglakad kami pabalik sa sasakyan ko. Buhay na buhay pa rin iyong live band. Siguro forever ko na maalala iyong mga kanta ngayong gabi at kapag narinig ko sila, babalik at babalik ako sa gabing 'to at mapapa-ngiti na lang ako sa kilig dahil sa kalandian naming dalawa.
"Drive safely," sabi niya pagpasok ko sa sasakyan.
"Breakfast tayo bukas?" I asked as I wore my seatbelt.
He nodded. "May gagawin ka ba bukas?"
I nodded. There was a small frown on his face kaya natawa ako. "Joke lang—wala akong gagawin bukas. Pupunta agad ako dito pagka-gising ko," I said although I highly doubted kung makaka-tulog pa ako ngayong gabi. Baka i-replay ko lang lahat ng nangyari! Baka nga ireenact ko pa!
"See you tomorrow, then?"
I nodded. "See you bukas," I said and forced myself to drive dahil sa totoo lang, parang gusto ko na lang magstay dito at hintayin namin iyong sunrise—but maybe for next time. Hindi naman kami nagmamadali.
**
This story is already at Chapter 23 on Patreon (patreon.com/beeyotch). Subscription starts at 100php per month for all stories.
If you're having any problems with your payment or if you want to pay via GCASH, you can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance.