Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Mr. Stranger 34:

518 24 0
By donnionsxx04

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Sir Dylan, may amnesia po kasi siya. Minsan po siya makaranas ng ganyan. Saka ngayon lang po siya nawalan ng malay." Alalang sabi ko dito nang pababa kami ng hagdan, sa fire exit kami dumaan.

Hindi ito sumagot. Bagkus mabibilis lamang ang hakbang niya pababa ng hagdan habang buhat si  Ros.

"Sir Dylan, pasensya na po sa abala nyo. Baka po---"

"It's okay." Putol nito sa sinabi ko."Nasa parking lot na tayo." Sabi niya sa akin.

Binuksan ko nga ang pinto. Siya muna pinalabas ko bago ako sumunod sa kanya. Nagulat na lamang ako ng hawakan nito ang kamay ko at hinila papunta sa may poste. Nagtaka naman ako sa ginawa nito.

"Sir, bakit---"

"Sshhh." Pagpapatahimik niya sa akin.

Tumahimik na lamang ako. Bakit kaya? May tinataguan ba kami?

ANDREW SY POV:)

"Sa next week na raw po ang meeting po kay Mr. Kailes." Sabi ng assistant ko nang papunta kami sa kotse kong naka-park dito sa parking lot.

"Okay na ba ang lahat?" Tanong ko rito ng pagbuksan ako ng pinto.

"Huwag po kayong mag-alala. Ready na po ang mga bata nyo." Sagot nito.

"Good."

Sasakay na sana ako nang may mahagilap ang side kong paningin na tila may tao. Lumingon naman ako pero wala akong nakitang tao roon. Siguro guni-guni ko lang.

Nakapag-desisyon na pumasok na ako sa loob. Pumasok na rin sa kabilang pinto ang assistant ko para siya ang magmaneho. Umalis kami para imeet ang isang kaibigan ko.

DYLAN LORENZO POV:)

Nang marinig na umalis ang kotse ni Sir Andrew, palihim na sumilip ako. Nang makitang nakaalis na ito, saka kami lumabas sa kinatataguan namin.

"Sir Dylan, bakit po?" Takang tanong ni Elizabeth sa akin.

"Wala. Tara na." Sabi ko.

Sumunod na nga ito sa akin.

MANDY YU POV:)

Imbes dumeretsyo ako sa bahay, naisipan kong tumungo sa tinutuluyan ni Ros. Naalala ko kasi yung pakiusap niya sa akin isang araw.

**FLASHBACKS**

Pagkatapos ko mag-salon, dumeretsyo kami sa store para mag-shopping. Abala ako sa pagpipili ng damit nang magsalita ako. Abala siya sa pagpipili ng mga damit pambabae.

"Ilan taon kana?" Panimula kong topic.

"I don't know." Sagot lamang niya sa akin.

Oo nga pala! May amnesia siya.

Nang makakita ng damit, pinakita ko sa kanya ito."Maganda ba?"

"So cheap!" Naka-pout na sagot kaagad niya.

Napakagat naman ako ng labi. Nakabusangot na naghanap ulit ako ng damit. Nang makakuha pinakita ko kaagad ito sa kanya.

"How about this?"

"Ugly." Sagot pa rin niya.

Napabuga naman ako ng hangin sa sinabi nito. Bakit ba kasi ang panget ko mamili ng damit. Sa totoo lang, si Mommy lahat bumibili ng mga damit ko. Pag ako kasi, ang cheap ko talaga pumili ng damit. Bakit ganun? Ang fashionista ko pero waley ako sa taste ng mga damit.

"Ako pipili." Prisinta nito. Naghanap naman ito, di naman nagtagal, nakahanap siya."Bagay 'to sayo." Sabay pakita ng dress na kulay pastel blue.

"Wow." Manghang sabi ko naman. Sa totoo, maganda yung damit na napili niya. May taste siya sa mga damit.

"Bagay 'to sayo because you're very girly and I'm sure when you wear it, you're very elegant." Paliwanag nito.

"Kukunin ko yan." Nakangiting sabi ko sabay kinuha sa kanya ang damit.

May pinakita ulit siyang dress na kulay red. Fit na fit siya at makikita mo ang kurti ng katawan ko pag sinuo ko ito.

"This. So fear and sexy. Bagay 'to sayo." Sabi pa niya. Di paligoy-ligoy, kinuha ko iyon kaagad.

"Salamat sa pagpili ng dress na babagay sa akin." Nakangiting pasalamat ko dito.

"That's not for you. That's for Lady Beth.." Napabagsak balikat naman ako sa sinabi nito."Lend me some money first. Bayaran nalang kita pag may trabaho na ako." Request nito.  Whatta! Seryoso? Kainis siya ah?

Napa-pout na lamang ako.

Pasalamat siya malakas siya sa akin kung hindi baka pinagsasapak ko na ito wala sa oras. Grrrgghh!

"Fine!" Supladang payag ko nalang halos napaikot ko ang mga eyeballs ko. Padabog na nilagay ko sa maliit na cart ang damit na pinili niya kanina na akala ko para sa akin.

"Mandy?" Tawag nito sa akin.

"What?" Mataray na binalingan ko siya.

"Can I request?"

"What is it?" I asked her.

"Can you buy a shirt for my friend? I would have given them a gift." Request nga nito.

"What? Lahat nalang ah? Asan birth certificate mo at maidala kita sa DSWD para ampunin na lang kita. Lahat nalang pangangailangan mo puro sakin na lang. Ano ako? Mama mo?" React ko kaagad halos napahawak na ako sa magkabilang baywang ko na akala mo nagpo-pose ako.

"Never mind." Sabi na lang niya at tinutok na lamang niya ang sarili sa pagpipili ng damit.

Medyo nakonsensya naman ako.

**END OF FLASHBACKS**

Nandito na nga ako sa barangay ni Ros, dala ang damit na request niyang ireregalo niya sa apat niyang kaibigan. Dinamihan ko na ang binili ko ng damit, siguro matutuwa na ang mga kaibigan ni Ros nito.

Tumigil ako sa isang apartment. Bumaba ako ng kotse at tumingin pa ako sa gate na baka sakaling may lumabas at may mapagtanungan. Tumingin pa ako sa mga bintana na nagbabasakali na makita ako ni Ros. Nagulat na lamang ako nang may nagsalita sa gilid ko.

"Hi, Miss."

Napatingin naman ako dito.

ANTHONY DURAN POV:)

"Nakita ko kayo kagabi ng jowa mo sa park ah? Lakas maka-holding hands." Kantiyaw ni Jake kay Jero habang sumisipsip ng coke sa bote.

"E ikaw nga, nakita ko kayo sa likuran ng court ng jowa mo. Ano ginawa nyo doon ah?" Kantiyaw naman ni Jero dito.

"Syempre, nag-baboy style." Sulpot ni John at nagtawanan sila ni Jero.

"E ikaw, sinapak ka ni Janice. Nambabaero ka na naman kasi." Ganti naman ni Jake dito kay John.

Tumawa naman silang tatlo. Nandito kami sa computer shop, tumatambay sa harap ng tindahan. Dito madalas tambayan namin pagkatapos namin maglaro. Isa-isa kaming hawak ng bote ng coke at sumisipsip gamit ang straw.

Ako naman ay nairita sa topic nila.

"Tumahimik nga kayo! Ang iingay nyo!" Pa-sigaw kong suway sa kanila.

"Naiingit ka lang, Bossbrad." Kantiyaw ni Jake sa akin.

"Wala ka kasing jowa." Dugtong naman ni Jero.

"Wala kang taga lambing." Sulpot rin ni John.

"Iyak!" Sabay turan ng tatlo at nagtawanan sila.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Binigyan ko sila tig-iisang batok. Sapo-sapo naman nila ang ulo nila. Wala na nga akong jowa, mas inaasar pa nila ako. Di lang batok aabutin nila sa akin. Asarin pa nila ako.

"Ang sakit." Saad ni Jake habang sapo ang ulo.

"Tsk." Pagalit na sumipsip ako ng coke.

Nakita naming may pumarada ng kotseng pula sa harapan ng apartment namin. Siguro isa sa bisita na naman ito ni Ros. Si Ros pa! Malalakas sa mayaman.

"May bisita kayo." Sabi ni Jero sa akin.

"Puntahan mo baka si Ros pakay niya." Sabi pa ni John sa akin.

Lumabas nga sa kotse ang isang babae. Nakatalikod ito, kulot ang buhok at medyo matangkad na payat.

Tumayo ako sa pagkakaupo. Binigay kay Jero ang coke ko para hawakan muna iyon. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan ng binibini. Nang makalapit ay agad na nagsalita ako.

"Hi, Miss."

Lumingon naman ito. Natulala naman ako sa kagandahan nito. Kumikislap ang kagandahan niya halos lumilipad ang kulot niyang buhok na akala mo nasa harapan siya ng electric fan at nagwi-wave ang maganda niyang buhok. Para akong nakakita ng anghel na sinusundo ako. Sinusundo para magpakabanal.

Mas lalong nabaliw ang nararamdaman ko nang slow motion na ngumiti siya sa akin. Nakita kong may mga bulaklak na nagliliparan sa paligid niya nang ngumiti siya. Para akong nakakita ng diwatang nakangiti sa akin na gustong umiling sa kanya. Napahawak ako sa puso ko nang maramdaman na tumibok ito. Halos napaatras pa ako at tila namanhid ang mga tuhod ko. Mabuti agad na napahawak ako sa kotse niya, kung hindi baka kanina pa kong napaupo sa kalsada.

Ang ganda niya!

"Hello." Nakangiting bati niya sa akin.

"H-ello." Nautal na bati ko dito nang medyo nag-recover ako."May pag-ibig---isteh may maitutulong ba ako sayo?" Tanong ko dito halos namali pa ko. Di ko maiwasang mapatitig sa mala-anghel niyang mukha.

"Hinahanap ko kasi si Ros. Dito kasi siya nakatira. Nandito ba siya?" Tanong nito.

Damn! Saan mo ba 'to nakuha, Ros! Akin na 'to! Ibigay mo sakin 'to. Please?!!

"Oo, yan nga yung tinitirhan niya kaso wala siya ngayon. Nasa trabaho niya." Sagot ko na may ngiti sa mga labi.

"Trabaho? May work na siya? Wala siyang nabanggit sakin." Sabi niya."Anyway, pwede pakisabi nalang sa kanya na pumunta ako dito. Saka pakibigay na din nito sa kanya. Sabihin mo, yan na yung request niya sakin. Okay?" Nakangiting bilin nito.

"Sure, Miss. No problems!" Sagot ko sabay saludo at kindat sa kanya.

Nilabas na nga niya yung mga gamit. Nagulat naman ako sa nakita. Mukhang binili ito sa mall at mukhang mamahalin. Di ko maiwasang mainggit. Lahat ba ito bigay niya kay Ros? Sana bigyan din ako.

"Pakisabi at pakibigay nalang yan ah? Alis na ko." Paalam nito.

"Sige. Ingat." Sabi ko.

Sumakay na ito sa kanyang kotse at umalis. Nang makaalis ito, napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko pa rin ang kalaboh nito. Mabilis na lumapit sakin ang tatlo halos inakbayan pa ako ni Jero.

"Ganda ng chicks ah?" Sabi nito nang makahakbay sa akin.

"Mukhang anak mayaman." Sulpot ni John.

"Mala-artista ang datingan niya." Saad rin ni Jake.

Nakangiting nakatingin lamang ako sa kotse nitong papalayo.

THID PERSON POV:)

"That’s nice, isn’t it?" Sabi ni Ros nang makita niya ang taong nakatingin sa painting."I did that. Do you want that?" Sabi niya dito nang makalapit.

Nanatiling nakatingin pa rin ito sa painting.

"It's like you want to convey something in that painting," Turan nito habang sa painting lang atensyon nito. Tinitigan din niya ang painting."You were sad when you did that."

"Because my work is ugly," Natatawang sabi niya dito."Let's go! Let's play Ros." Yaya niya sa lalaki.

Nakangiting bumaling ito sa kanya. Doon nakita ni Ros ang mukha nito. Hindi niya alam kung alaala na niya ito o sino ang lalaking ito. Nang makita niya ang mukha nito tila nakita niya ang isang lalaki na lumapit sa kanya nang matumba siya.

"Sir Dylan, tulungan nyo po siya." Narinig niyang boses ni Elizabeth.

Ramdam ni Ros ang pananakit ng kanyang ulo at paninikip ng kanyang puso. Pinipigilan niyang hindi mawalan ng malay.

Lumapit ang lalaki sa kanya na alalang-alala sa kanya. Ang lalaking nasa harapan niya ay iyon rin ang lalaking nasa alaala niya ngayon. Tila papalit palit ang scene na nakikita niya. Nakikita niyang nakangiti ito habang nasa likod nito ang pinagmasdan nitong painting niya at pumalit na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya.

May narinig siya na hindi niya alam saan nanggagaling o isa rin ba sa naaalala niya.

"Ayan na si Boss." Boses ng lalaki.

Bumukas ang pinto ng kotse at ang pumungad sa kanya ang mukha ng lalaking nasa harapan niya. Papalit-palit iyon ang nakikita niya. Nakangiti ito sa kanya habang sa likuran nito ang painting, mukhang alalang-alala sa kanya at sa labas ng kotseng seryosong nakatingin sa kanya pero iisang lalaki ang nakikita niya sa alaalang iyon.

Mas lalong sumakit ang ulo niya at mas lalong nahirapan siyang huminga. Dahil doon, nagising siya at bumangon kaagad sa pagkakahiga. Sunod-sunod ang paghinga ni Ros na tila takot na takot.

Tulala lamang nakatingin sa ibaba haba ng sunod-sunod ang paghinga niya. Hindi niya alam kung panaginip ba niya iyon o isa sa ala-ala niya. Isang katanungan ang lumabas sa utak niya. Sino ang lalaking iyon na nakita niyang tumulong sa kanya bago mawalan ng malay? At bakit iisa sila sa nalalala niyang dahil sa painting at sa kotse na tila na-kidnap siya?

DYLAN LORENZO POV:)

"Sir Dylan, maraming salamat po sa tulong nyo." Pasalamat ni Elizabeth sa akin.

"Okay lang. Kailangan ko nang umalis. Itext mo nalang ako kung gising na siya. Wag kana mamroblema sa babayaran dito, ako na bahala."  Sabi ko dito.

"Maraming salamat po." Pasalamat nito at nag-bow-bow pa.

"Pahingi ako number mo."

Kumapa naman ito sa bulsa niya."Oo nga pala, naiwan ko po sa Locker yung cellphone ko." Sabi nito nang maalala.

"Cellphone ng kasama mo?" Tanong ko.

" Oo nga pala! Nahulog po sa office nyo. Sa sobrang taranta di ko po nakuha." Sabi nito na kinagulat ko naman.

"Ah?"

Paano kung makita iyon ni Johnser? Paano kung wallpaper ni Ros ay picture niya? Masisira ang plano ko.

JOHNSER SY POV:)

Pagkarating ko sa office ni Dylan, walang katao-tao doon. Kinuha ko naman sa aking bulsa ang cellphone ko at tinawagan ito.

Hindi sinasagot ni Dylan ang mga tawag ko. Kaya tinawagan ko na lamang ang assistant kong si Ramon.

"Asan si Dylan?" Tanong ko habang nasa kabilang linya ito.

"Hindi ko po alam, Sir. Wala po ba dyan sa office?"  Sagot nito.

Sa inis, pinatayan ko na lamang ito ng tawag. Aalis na sana ako nang makakita sa ibaba ng cellphone. Kinuha ko naman iyon sa ibaba at tiningnan. Titingnan ko kung sino nagmamay-ari ng cellphone na ito.

Pinindot ko naman ang pindutan na nasa gilid nito.

To be continued...

Don't forget to like, comment and share.💕
Sa nga may dreame account dyan, pa-support nyo naman story ko doon.
Username: Lovely Adeline
Thank you!😍💖

Continue Reading

You'll Also Like

8K 357 52
Isang lalaking halimaw ang pinag experimentuhan ng isang baliw na scientist.What if this monster turned into a goodlooking person what will you do?
106K 673 6
"It was you. The one who watched me every night, who visits me in my bed and who kissed me in my sleeps... It was you. The beast that I saw and love...
34.9K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...
113K 2.7K 36
She's simple, a typical nerd. Pero sa unang pagkikita pa lang namin na inlove na kakagad ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako nagkagus...