Text Me When You Get Home

By Leilanie109

63.9K 2.6K 375

Secret More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
NOT AN UPDATE
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Kapit Guys!
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
β€οΈπŸ’š
Chapter 41
Chapter 42
Final Chapter
Epilogue

Chapter 37

1K 62 11
By Leilanie109

"Ano B? Are you ready for this? You dont have to if youre not ready yet."






🙄🙄🙄










Kailan pa naging importante ang opinyon ko?

Tahimik lang ako ngayon dito sa passenger seat.

Si Nanay at si Deanna naman ang nagkakaintindihan eh.

Ayaw ako isali sa usapan kanina.

Yung nagbigay si Nanay ng choices na di man lang sumangguni sa akin.

Tapos si Deanna may sagot agad? Hindi man lang namin pinagusapan muna ng sarilinan.










Hayup na yan.

Wala man lang nagtanong sa akin kung ano ang opinyon o saloobin ko.

Ayokong magturo si Deanna sa school. Tama naman si Nanay dun. Tama siya kasi lagi ko yon sinusumbong sa kanya pag nahihirapan ako pakisamahan ang Team Tanders sa faculty.

Buti na lang sa ibang subjects mas marami na ang mga batang guro kesa sa may edad na. Kaya malawak ang radar namin nila Ate Mich, Alyssa at Jia pagdating sa mga issue.

Sa department namin na lang talaga matibay-tibay 😬 ang mga nakatatanda.

Pero yun nga aalis na si Mrs. Galvez, ang pambato nila.  Academic Coordinator siya at ako pa ang pinagpalang papalit.

Issue talaga siya, yung pagiging magkamag-anak namin ng pari. Tama naman kasi sila, marami ang mas deserving kesa sa akin. Ako nga din di ko alam kung bakit ako nalagay doon eh. Pero walang magkalakas ng loob magtanong kay Rector sa dahilan ng pagappoint niya sa akin.

Pero nandito na eh.

Alam ko na hilaw pa ko pagdating sa karanasan. Pero gagawin ko ang best ko para doon.

Challenge yon na nakahanda akong harapin.










😣😣😣

Naiiyak na yata ako agad.

Isa o dalawang beses lang sa isang buwan ako nagpupunta sa office ni Mrs. Galvez.

Pag magpapasa ako ng exam. Siya ang nagchecheck nun kung systematized, naaayon sa lessons na nadiscuss, kung masyadong mahirap o sobrang dali, at kung aligned ba sa curriculum, lahat yun gawain niya.

At lahat ng subject yun ah. Sa buong junior high.










Bahala na si Batman--- 😅

Bahala na pala si Lord.



Tumunog na naman ang telepono ko.












"Nobody is forcing you. I can go to your house as a friend. Kung ayaw mo okay lang talaga."








Tamang hinala na naman to na yung sitwasyon namin ang nasa isip ko.

Nagtype ako ng message,






"Dont text while driving. Mamaya na tayo magusap."

Sabi ko.








On the way kami sa San Pedro.

Siyempre napagkasunduan nila to ni Nanay. Kasi nga pinili ni Deanna na sa kanila ako titira at di na lang siya magtuturo doon.

Sasamahan niya din ako sa pagtake ng Master's degree sa kabilang bayan.

At hindi nila tinanong ang opinyon ko. Nagdesisyon silang dalawa.

Pati yung 'SIYEMPRE, KAILANGAN NATIN ANG PERMISO NG AMA NIYAN,"

Sa pagtira ko sa kanila.

Kaya eto kami, papunta sa bahay. Hindi rin nila ako natanong kung ready na ba akong ipakilala si Deanna kay Tatay.
















AaAaAaHhHhH!!!











Sa utak ko lang yung sigaw na yun. Sa isip lang kasi baka masabunutan ako ni Nanay.

Magugulatin pa naman siya.

Pero tumulo ang luha ko sa kunsumisyon sa kanilang dalawa!










Kaya tong si Deanna kinukulit ako ngayon. Panay ang text habang nagmamaneho.

Parang ngayon lang niya naramdaman ang presensya ko or ngayon lang niya narealized na dapat pala nakahanda na ko diba?!













😔😔😔










Dalawang kanto na lang.













Wooh!

Naguumpisa na kong kabahan.

Ano nga ba ulit yun?

Akala ni Tatay at Nanay, si Bea diba?

So parehas kaya ang magiging reaksyon nila?

Ang alam ko nakailang beses nang nakapunta si Bea sa bahay namin.

Ihinabol niya minsan kay Nanay yung supplement na binibigay niya.

May time din na dinala niya si Nanay sa compound, bale sinundo niya dito dahil bumisita yung tita niyang doktor. Sabado yun.

Kaya si Nanay dun na lagi nagpapakonsulta. Libre yon lahat. Kaya napakalaking bagay yun sa amin.












Isang kanto na lang!














😣😣😣😣😣













Kinuha niya ang kamay ko.

Hinalikan niya yon.

Napatingin siya sa akin









Yung parang gusto niya akong kausapin sa pamamagitan ng tingin.














"Magdrive ka na lang po. Okay lang ako."







Bulong ko sa kanya.

Binabasa niya ang mukha ko kung totoo ba ang sinasabi ko.















Itinigil ni Deanna ang sasakyan sa tapat ng talyer ni Tito Nanding. Sarado naman na yon kaya ayos lang. 









Inalalayan ko si Nanay pababa dahil medyo mataas ang sasakyan ni Deanna.





Pagkatapos ay kinuha ko rin yung mga dala ni Nanay. Mga regalo yun ng mga estudyante namin.

Karamihan sa mga gift sa kanya ay mga cardigan at scarf. Sa akin ay kadalasang chocolates. Inuwi niya yun para kay Mafe.












Pagpasok namin sa bahay ay nanonood si Tatay at Mafe ng basketball.

Dinaanan ko lang si Mafe na siyempre, hindi sa akin nakatingin.

Nagmano ako kay Tatay.








Tapos,












"Tay si Deanna po. Deanna Si Tatay. Magmano ka bilis."





😅😅😅










Sige naman siya sunod agad.






"Good Evening po Tay."






Nerbyosa yan?

Yung boses parang batang kumakanta sa tapat ng electric fan eh.








"Fe, bakit buwan-buwan yata tayong nadadagdagan ng anak?

Parehas pang alanganin ah.

Kapareho rin ba to ni Bea? Nung pinanganak eh nagkamali din ng sigaw ng kasarian ang doktor?"








🤨🤨🤨

Di ko alam yung kuwento na yun ah. Pero si Deanna natawa eh. So alam niya.








"Kapatid ko, si Mafe. Mafe si Deanna."







Ngumiti sa kanya si Deanna.

Tumango lang si kapatid.











Si Nanay kalalabas lang ng kuwarto nila. Nagpalit siya agad ng damit.










"Hindi ka ba matutulog dito?"



Tanong ni Tatay.

Umiling ako.









"Kailan ba ang bakasyon? Diba ngayon na ang last day ng klase ninyo? Fe may pasok pa kayo sa Lunes?"




Daldal ni Tatay!

Well ganito talaga siya pag kararating lang namin.









"Bakasyon na. Itanong mo nga kay Pareng Lito kung magkano arkila sa Jeep niya? Aalis na rin kasi kami sa apartment.

Naalala mo yung nabanggit mo sa akin na mas mainam na bumili na lang ng motor kesa umupa ng bahay doon? Eto na. Gagawin na namin. Nagpaalam na kami kay Linda.

Si Jema magtuturo pa rin dun pero dun yan makikitira kila Deanna.

Kaya yan nandito kasi magpapaalam sayo."







Eto na...

Nakatitig sa akin si Tatay. Si Mafe kay Deanna pa rin nakatingin.



Tapos bigla siyang tumingin kay Deanna.
















"Ayos lang ba yon sa magulang mo?"








Nginitian niya ng wagas si Tatay.

Pacute lang 🙄.









"My parents po are in Cebu. And alam na po nila. Okay po sa kanila. At least daw po ay may makakasama na po ako sa bahay."





Talaga ba?

Binabasa ko ang mata ni Deanna.











"Paano ang hatian niyo niyan sa panggastos sa tubig, kuryente at pagkain?

Eh parang sa hitsura mo eh parang pareho kayo ni Bea eh.

Mayaman ka din ano?"






Opo Tay, mas mayaman pa nga siya.












"Pwede po bang magsabi ng totoo?"







Anudaw?












"Aba siyempre naman! Sino ba ang gusto ng sinungaling? Ano ba yon iha?"









Hindi siya tumitingin sa akin.

Gusto kong kalabitin kaso...













"Sa totoo lang po, yes po may pera ako. May kaya ang pamilya ko.

Thankful po ako na komportable ang buhay ko.

Nabibili ko po ang gusto ko, pero di po ako maluhong tao, maliban lang po sa pagkain kasi gusto ko po maraming choices.

Wala po akong bisyo.

Wala po akong nilolokong tao.

Pero..."










Hmmm...

Para saan ang 'pero' Deanna?

Nakataas na ang kilay ko sa pabitin niya.

Naooff topic ba ko o si Deanna ang daig pa ang tv na kusang naglilipat ng istasyon?
















"May mga times po na may mga gusto akong tulungan.

May mga tao na alam kong deserve ng tulong, or blessings.

Naniniwala po kasi ako na pinadaan lang sa akin ni God ang biyaya para magbigay sa mga tao na deserve na ibless po.

Yung pagtira po ni Jema sa amin ay mas makakatulong po sa akin kesa sa kanya.

Hindi po ako gaanong nagistay doon kasi po nalulungkot lang ako.

Hindi po problema ang pagkain at bills. Wag niyo na po sanang isipin yun.

Siya nga po pala, pwede pong malaman ang opinyon niyo?

Kung kayo po ang nasa kalagayan ko,

Yung alam niyo po na mabubuting tao ang gusto niyong bigyan ng blessing,

Yung alam niyo na sobrang deserve nila pero ayaw nila tanggapin dahil sa pride?

Yung sa akin naman po ay kusang loob ko yon gagawin dahil alam ko na sa mundo natin, hindi talaga pantay ang estado ng mga tao, na may kapos, at meron din naman na nakaluluwag,

Paano ko po kaya maipapaabot ang tulong ko na hindi nila iisiping sinasamantala nila ako?"








Woi!

Anong ginagawa mo Deanna?












"Hmmm...

Mahirap nga yan. Depende kasi yan.

Depende sa taong tutulungan mo. Ingat-ingat ka rin. May mga tao kasing mapagsamantala.

Ibigay mo lang ang kamay mo eh sa susunod braso mo na ang gusto.

Kung ako sayo, bigyan mo pero isang bagsak lang. At yung siguradong sa mabuti mapupunta ang biyaya."







😩😩😩











Nakangiti na ang walangya.














"Pwede po bang tulungan ko kayo?"







😑😑😑

Ayoko na!











"Kami ba yung tinutukoy mo?

Aba't---"






Ano Tay? Ikaw kasi eh!











"Opo sana. Please po? Diba sabi niyo po okay naman kung isang araw na pagtulong lang? Hindi naman po yon masama?"






For the nth time,

Ano yon Deanna?!












"Deanna ang sinabi mo kanina ay isang bagsak diba? Bakit napunta sa isang araw? Parang hindi lang isa ang binabalak mo ah.

Sigurado ako na si Jema ang sinasabi mong mapride na yan.

Siya ang mas nakakakilala sayo. Kaya bahala kayo diyan.

Magpapahangin muna ako."







Ayun...

Diba sa akin din nabalik?









"Deanna magpapahinga na sila. Alis na muna tayo.

Nay, Tay, alis na kami."






Ang gulo at ang haba ng araw na to!

Nakakastress na!










"Jema may aaminin ka pa sa Tatay mo diba?"





Si Nanay yon.

Sige pa, kaya ko pa!

Hindi pa ko nakakaquota ng buwisit sa araw na to eh!








"Nay sa ibang araw na lang. Ang sasaya niyo kasi eh. Madami pong ganap ang araw na to na ako topic pero parang ayaw ako isali sa usapan. 

Naiinis na ko!"









Si Deanna hindi ko tinitingnan.

Ewan kung ano nasa isip niya.

Sa totoo lang wala muna akong pakialam dun. Yung feelings ko nga di niya inisip eh!










"Jema, sabihin mo na. Pabebe ka rin kasi eh. Puro ka secret.

Nagboyfriend ka nga ng hindi sinasabi sa amin eh.

Ano ba kami sayo?"








😩😩😩

Tumira na ang kapatid kong jejeera.










"Wala na kami ni Vince Mafe. Okay na?"






Bakit ba ngayong araw na to ang napili nila para bulatlatin ang pagkatao ko?!










"Wala na kayo anak? Bakit? Nambabae ba?"








Si Tatay na kakapasok lang ulit s bahay.









"Opo Tay. Nambabae siya kaya ganun din ang ginawa ko."










Nagulat siya oh...

Namiss talaga nila ko eh.

Yung catching up pag umuuwi ako, natural lang yon sa amin.

Pero yung may Deanna akong kasama, na wala sa lugar at timing magopen ng kung anu-ano...










"Masama yon anak, nanlalake ka rin? Wag ganon..."
















"Hindi po Tay, nambabae din ako.

Kami na ni Deanna, magaapat na buwan na po."

Continue Reading

You'll Also Like

36.6K 1.1K 36
--- IN WHICH, her brother sends her to mystic falls to help him break the sun and moon curse. THE VAMPIRE DIARIES, season one fem oc! x male oc! ...
177K 1.5K 11
GrAB yOuR HoLy WaTeR😈
5K 165 8
❒ 𝐈𝐍 π–π‡πˆπ‚π‡ . . . Y/n was the one who was chosen to be the next sacrificial bride to the slender brothers but she didn't exactly expect them...
42.9K 2.6K 41
where will be a relationship go if one partner says nothing to loose? would it be changed when destiny overruled?